Download App

Chapter 51: Chapter 17

"Mina, nakikita ako ng batang iyan." Wika ng tikbalang habang nakatitig kay Simon. Nilingon din ito ni Mina at napangiti.

"Anak siya ng isang antinggero, hindi na nakakapagtaka iyon. Pinsan niya din si Luisa kaya may posibilidad na bukas rin ang kanyang ikatlong mata. " Wika ni Mina at humalinghing lamang ang tikbalang na ikinagulat naman ni Simon dahilan upang mahulog ito sa bangkong kanyang inuupuan.

"Ano ka ba naman Simon, nakaupo ka na lang diyan nahuhulog ka pa."

"Tiyo may halimaw silang kasama." Halos pasigaw na wika ni Simon habang pilit na tumatayo mula sa kinalagpakan nitong lupa.

Napakunot naman ang noo niya ng marinig niyang tumawa ang halimaw na kanyang tinutukoy bago ito mawala nang parang bula sa kaniyang paningin.

"Hindi isang halimaw ang nilalang na iyon. Isa iyong tikbalang na gabay ni Mina." Wika ni Amante na noo'y nasa likuran na niya.

"Lahat kayo mga halimaw. Hindi kayo normal." Wika pa ng binata at padabog itong umalis sa kanilang kinaroroonan. Humingi naman agad ng dispensa si Berting dahil sa inasal ng pamangkin nito.

Ayon pa dito, noon pa man ay tutol na ito sa pagiging antinggero ng kanyang kapatid. Walang-araw na hindi sila nagtatalo tungkol dito. Maagang namatay ang kanyang ina dahil na din sa mga kalaban ng tatay niya. Iyon din ang dahilan kung bakit na sa halip na tingalain niya ito ay galit at sama ng loob ang idinulot ng propesyong iyon sa kanya.

"Bago pa man mamatay ang kanyang ina ay nais na din ni Simon na mag-aral at magkaroon ng mutya ngunit nagbago iyon nang mamatay sa harapan niya ang kanyang nanay. Simula noon, kinagalitan na niya ang tatay niya at ang aral nitong tinatangan. " Wika ni Berting na bakas ang kalungkutan sa mukha nito.

Hapon na nang matapos ang pagsasanay ni Luisa. Halos parang binagsakan ng langit at lupa ang kanyang katawan dahil sa pagod. Puro usal lang naman ang pinagawa ni Mina ngunit pakiramdam niya ay nagbuhat siya ng sang-katirbang bulig ng niyog sa buong maghapon. Pagkalapat ng kanyang katawan sa higaan ay kaagaran din siyang nakatulog noong gabing iyon.

Lumipas pa ang mga araw na ganoon ang kanilang ginagawa hanggang sa mapagtanto nilang handa na si Luisa upang maging kasama nila sa paglalakbay. Agaran din ang pagpapaalam nila sa Ama ni Luisa upang kahit papaano ay hindi ito mag-alala. Buong pagtitiwala namang ipinaubaya ni Berting kay Mina ang kanyang nag-iisang anak. Iyon ang matagal nang pangarap ni Luisa kaya naman kahit ayaw niya ay pilit niya pa rin itong susuportahan.

Habang nag-iiyakan ang mag-ama ay tahimik lamang na nagmamasid sa kanila si Simon. Malungkot ang mukha nito na tila ayaw din nitong umalis si Luisa. Agad namang lumapit doon si Mina at inabot ang isang telang itim sa kanya.

"Ano naman ito?"

"Proteksyon niyo iyan , huwag mong iwawala o aalisin sa tabi mo." Utos ni Mina. Marahang binuksan iyon ni Simon at tumambad sa mata niya ang isang batong kulay asul na animoy hinugot pa sa kailaliman ng dagat.

"Yan ang mutya ng lawa, gabay niyan ay isang maharlikang engkantong tubig. Pangalagaan mo iyan, kapag may panganib sa bayan, o kahit dito sa bahay niyo, tawagin mo lamang ang pangalan ng enkantong iyan at mabilis siyang lilitaw upang tulungan kayo. "

"Pangalan, anong pangalan?"

"Iresmi. Yan ang pangalan ng iyong gabay." Wika ni Mina at muli nang bumalik sa kinaroroonan ni Luisa at nang Ama nito.

Pagsapit ng madaling araw kinaumagahan ay nag-umpisa na silang maglakbay. Kasalukuyan nilang tinatahak ang landas patungo sa susunod na bayan na siyang dadaanan lamang nila. Plano kasi nilang sa gubat magpalipas mg gabi upang patuloy pa nilang masanay si Luisa.

Pagdating nila sa bayan ay doon pinagpalit naman nila ang mga dala nilang niyog para sa bigas. Hindi naman marami ang dala nilang niyog, iyong sakto lamang para maipagpalit sa dalawang kilo ng bigas.

Matapos makabili ng kailangan nila ay mabilis na din silang naglakad upang marating naman nila ang gubat bago pa man lumubog ang araw.

Tulad ng dati ay pinili pa rin nila ang lugar kung saan meron ilog upang may pagkukunan sila ng tubig at makaligo na rin.

Dahil magaling manghuli si gorem ng isda ay ito ang nakatoka para sa kanilang uulamin habang si Amante naman ang kanilang tagapagluto. Si Isagani naman ay naglibot sa buong paligid upang mangaso ng magiging pagkain nila kinabukasan. Sila Mina naman ay nasa ilog at naliligo bago nila simulan ang kanilang pagsasanay.

Habang nangangaso si Isagani ay nakasipat siya ng isang grupo ng mga armadong kalalakihan na naglalakad ng mabilis papalayo sa isang lugar. Bakas pa sa mukha ng mga ito ang pagkataranta at takot habang halos patakbo na silang naglalakad.

Sa kanyang pagmamasid ay nakita niya ang mga nilalang na pilit humahabol sa mga ito. Mga aswang gubat na kung tawagin ay bangkilan ang humahabol sa mga ito. Ang wangis nito ay maihahalintulad mo sa isang baboy ramo habang ang katawan naman niti ay sa tao na nababalutanng maiitim at makakapal na balahibo. Nakausli din sa magkabilang bunganga nito ang matutulis nitong pangil.

Mabilis siyang nagpalit ng anyo at agad na hinarang ang mga aswang na humahabol sa mga taong iyon. Nilapa niya agad ang unang aswang sa hanay. Napahinto naman ang mga mga armadong tao at tila ba nakahinga sila nang maluwag nang makita nilang nilalapa ng kung sino ang mga aswang na kanina pang humahabol sa kanila.

Ang tuwa nila ay agad din napalitan ng hilakbot nang masilayan nila ang wangis ng taong nagtatanggol sa kanila. Nanginig sa takot ang kanilang mga katawan ng masilayan nila ang maladem*nyong kaanyuan ni Isagani.

"Maawa po kayo, hindi po kami masasamang tao, hamak na nagdadala lamang kami ng mga armas para sa rebeldeng grupo na sumakop sa aming baryo. Huwag niyo po kaming papatayin." Pagmamakaawa ng isang lalaki.

"Hindi na dapat kayo pumupunta dito tuwing gabi." Sambit lamang ni Isagani sa malalim at garalgal nitong boses.

Agad naman nag-iyakan ang mga ito habang nakaluhod sa lupa. Nagmamakaawa na huwag silang patayin at kainin.

Napakamot lamang ng ulo si Isagani at nagpalit na ng anyo upang huwag nang matakot ang mga ito sa kanya.

"Hindi isang pasayalan ang gubat tuwing gabi, maraming elemento ang naglipana rito na kahit anong pagmamakaawa niyo ay hindi kayo pakikinggan." Wika ni Isagani. Nag-angat naman ng mukha ang lalaking unang nagsalita at nagulat ito ng masilayan ang batang mukha ni Isagani.

"Mapanganib ang gubat, pasalamat kayo at nangangaso ako, kung hindi baka nalapa na kayo ng mga aswang na iyon." Wika pa niya at lubos ang pasasalamat ng mga ito sa kaniya. Hindi na niya hinayaang maglakad ang mga ito sa gubat. Pinaghintay niya ito roon hanggang sa makahuli na siya ng baboy ramo at isinama niya iyon sa lugar na kanilang pinagpahingahan.

Nagulat naman ang mga taong iyon nang makitang halos kabataan ang mga naroroon. Napalunok na lamang sila dahil sa isip-isip nila ay baka nililinlang lamang sila ng binatilyo at pakay talaga nito ang katayin sila doon.

"Natagalan ka yata Gani?" Tanong ni Amante.

"Nakasalubong ko kasi ang tatlong ito, muntik na silang maging hapunan ng mga bangkilan." Sagot naman ni Isagani at may kung ano itong dahon na iniabot kay Mina.

"Salamat." Sambit lang ng dalaga at dinala ang dahong iyon sa ilog upang mahugasan.

"O bakit may mga armas yan, rebelde ba kayo?"

"Hindi ho, napag-utusan lang kami. Yung mga rebelde nasa baryo namin, kapag hindi namin naibalik sa kanila ito, papatayin nila ang mga pamilya naming naiwan. Kami ang pang sampong grupo na nautusan. Naiwan sa baryo ang mga asawa namin at anak. Kapag hindi kami nakabalik, kinabukasan papatayin nila ang mga ito." Mangiyak-ngiyak na paglalahad ng lalaki.

"Kaya hindi sila pumapanhik dito, alam nila ang tungkol sa mga nilalang na iyon. Maging kami ay takot rin subalit wala kaming magagawa dahil buhay ng pamilya namin ang nakasalalay dito."

"Nagsasabi sila ng totoo, Manong maari niyo ba kaming dalhin sa inyong baryo? Sa ngayon kumain na muna tayo at magpahinga. Huwag kayong mag-alala, ligtas ang lugar na ito. Hindi kayo malalapitan ng mga aswang rito. "

"Oo nga, si Isagani lang ang nag-iisang aswang rito, pero huwag kayong matakot, hindi siya kumakain ng tao " wika naman ni Amante at tumango-tango lamang ang tatlo.

Kinaumagahan, maaga pa nilang binagtas ang daan patungo sa baryo ng mga lalaki. Pagdating nila sa bukana ay agad nilang napansin ang mga armadong kalalakihang nagbabantay roon.

"Maglakad lamang kayo ng normal Manong, huwag niyo kaming iintindihin, hindi nila kami makikita. Mag-akto kayong walang kasama, sagutin ninyo ang mga tanong at huwag kayong magbabanggit ng kahit ano patungkol sa amin." Wika ni Mina.

Agad naman iyong sinunod ng lalaki at nagpatuloy ang mga ito sa paglalakad.

"Narito na ang pinapakuha niyo." Wika ng lalaki habang inilalapag ang isang bungkos ng armas sa lupa. Mabilis naman iyong tiningnan ng mga kalalakihan at nagtanguan ang mga ito.

"Bumalik na kayo sa bahay niyo. Huwag kayong lalabas hangga't hindi sinasabi ni Pinunong Mateo." Utos ng isang lalaki . Agad din namang sinunod iyon ng mga kasamahan ni Mina habang sila naman ay tahimik lang na nakasunod sa mga ito. Nagtataka man ay hindi na muna kumibo ang mga ito upang tanungin sila Mina, hinintay muna nilang makapasok sila sa kanilang pamamahay bago magtanong.

"Paanong hindi nila kayo nakikita? Halimaw din ba kayo?" Tanong ng isang lalaki.

"Nag-usal kami ng sabulag. Hindi kami halimaw, may mga aral lang talaga kaming taglay kaya namin nakakaya na paglahuin ang aming mga sarili sa paningin ng mga ordinaryong tao." wika ni Amante. Inilibot nito ang paningin sa mgataong naroroon at ngumisi.

"Para kayong mga bilanggo sa sarili niyong mga pamamahay. Ni hindi niyo magawang lumabas sa sarili niyong bakuran."dagdag pa ng binata at nag-usal ito sa hangin. Hindi naman ito pinigilan ni Mina dahil alam niyang hindi naman kikitil ng buhay si Amante.

"Mina, ayos lang ba tayo rito? Minsan na rin naikwento ng tatay ko ang tungkol sa mga bandidong rebelde na iyan, mas masahol pa sila sa mga aswang kung kumitil ng buhay. Hindi ba tayo mapapahamak rito?" Tanong ni Luisa.

Hindi na pinagtuunan ni Mina ang tanong na iyon ni Luisa dahil nakatuon noon ang pansin niya sa mga bata at kababaihang naroroon.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C51
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login