Download App

Chapter 2: Kabanata 2

"Hay naku, sobrang nakakainis talaga 'yung taong nakilala ko sa tindahan kanina."

Si Debbie ay nasa UV Express Service habang kausap ang kanyang cellphone. Nakapuwesto siya sa gitna at marami ring pasahero na nakatutok sa kanilang mga telepono. Alas-siyete ng gabi noon at nasa EDSA ang sasakyan. Mabigat ang trapiko at malamig ang air conditioner ng van.

"O bakit parang mainit na naman ang ulo mo, girl?"

"Kasi naman, muntik nang mahulog 'yung iPhone 15 ko kanina sa tindahan kung saan ako nag-load. Hindi kasi siya nagmamasid sa dinadaanan niya."

"Tama ka, nakakainis talaga. Imagine, bagong bili pa 'yon ng kapatid mo, tapos malalaglag pa? Sana mag-ingat ka sa susunod, girl." sabi ni Cha, bestfriend ni Debbie.

"Haha, swerte lang niya at hindi ko siya masyadong pinagsabihan kanina, baka magka-alitan pa kami." tumawa-pilit si Debbie

"Baka naman guwapo 'yon, hayaan mo na. Kung hindi naman, hindi mo na lang pansinin, haha."

Biglang sarkastiko si Debbie. "Ngek, itsura pa lang niya, hindi na siya magugustuhan ng panlasa ko, no. Marami naman akong ibang nagkakagusto sa akin, hindi lang nila alam."

"Ayan ka na naman sa mga pantasya mo, mga crush na online lang naman 'yan, mga Koreano pa. Alam mo naman na iba sila sa mga Pilipino, mapili ka kasi." sabi ni Cha sa kabilang linya.

Mejo nahirapan ang cooler o aircon ng UV Express.

"Kanina pa tayo dito, di ba dapat umaandar ang mga sasakyan?" galit ang tono nang isang babae sa likod ng van.

"Napansin ko rin, may traffic nga dito pero hindi naman ganito kalala. Malalate na nga ako nito." sabi naman ng lalaki sa unahan.

Tumingin si Debbie sa kanyang kapwa pasahero. Ang ilan sa kanila ay mukhang uuwi na at ang iba naman ay papasok pa lang sa kanilang panggabi na trabaho. Inayos niya ang kanyang dilaw at asul na ID lace.

"Hindi ko rin alam, kanina pa nga sumasakit ang paa ko dito sa preno." reklamo ng driver.

Makikita ang mga sasakyan na hindi umaandar sa kalsada. Mayroong bumubusina marahil dahil sa pagka-inip dahil hindi umuusad ang mga kotse at jeepney.

"Sandali lang, Cha ha, tatawagan na lang kita. Mukhang naipit ako dito sa traffic." paalam ni Debbie.

"Sige, mag-chat na lang tayo, ingat ka."

Pinidot ni Debbie ang OFF button ng kanyang iPhone. "Mamang drayber, baba na lang po ako, dahil hindi rin umaandar ang sasakyan."

"Talaga iha? Malayo pa ang Ortigas, doble pamasahe 'yan sa'yo." alala ng driver.

"Wala pong problema, male-late din naman ako sa trabaho." Tinapik niya ang lalaki sa kanyang tabi. "Excuse me po."

Binuksan ng lalaking pasahero ang pinto ng van at bumaba sila, kasunod si Debbie. Umaambon sa paligid. Nagsimulang maglakad sila sa bangketa at tumahak sa kanto. Kahit may mga ilaw sa paligid, pakiramdam ni Debbie ay madilim ang paligid. Mahina ang mga ilaw ng poste at ang hangin ay amoy gasolina at polusyon.

Ano ba yan, hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam ang lugar na ito, alala ni Debbie.

Nilakad niya ang kanto at nakita niya ang berdeng sign na nakatayo doon na may nakasulat na 'Evangelista Street'. Nakita niya ang pangalan ng kalyeng ito. Ibig sabihin ay nasa Bangkal, Makati City na siya. Ngunit kailangan niyang makarating sa kanyang pupuntahan kaya naisip niyang magtanong sa mga side-car drivers.

"Kuya, saan dito ang Telus?"

Sandali lang nag-isip ang payat na side-car driver na may tali ng bimpo sa ulo. "Hmm, malapit lang dito yun, hintay lang miss."

Nagtanong ang payat na lalaki sa kanyang mga kasamahan na nakapila. "Alam ko na po, sumakay na po kayo."

---------

"Salamat po kuya," abot ni Debbie ang bayad sa side-car driver. Nanghihinayang siya sa 80 na binayad, pero wala naman siyang magawa dahil late na siya.

Dali-daling tumakbo ang dalaga patungo sa entrance ng Telus at kinawayan niya lang ang security guard, na kumaway din sa kanya.

Tumungo siya sa elevator at pinindot ang button para sa tumaas. Halos dumulas na ang kanyang shoulder bag at nakaikot ang kanyang ID sa kanyang likod, kaya inayos pa niya ito. Sabay bukas ng elevator.

"Hello, madam. Aba, first time mo yata ma-late ha?"

Tiningnan ni Debbie ang kanyang Tommy Hilfiger na relo, 7:20 pm. Pumasok siya sa loob ng elevator at pinindot ang button na 5.

"Hay naku bakla, ikaw pa talaga ang nakita ko." ngiti ni Debbie

"E naman, kanina ka pa hinihintay ni Sir Sungit, andun na sa opisina ninyo. Buti nag-snack lang kami sa Starbucks." sabi ng isang matangkad na bading na si Mark.

"Ang tamad-tamad talaga ninyo ano? Ang dami nating trabaho." tumaas ang kilay ni Debbie. "Ako pa ang napapagalitan kapag wala kayo sa inyong pwesto."

"Sabihin mo na lang na workaholic ka talaga, dapat alcoholic ka rin." Nagtawanan ang mga babae at lalaki na nasa edad na mga beinte-anyos pataas.

"Lazy kasi kayo, hindi ninyo maabot ang incentive na 'team leader'. Hanggang dyan na lang kayo, level 0." Ngumiti si Debbie.

"Sige na nga, ikaw na ang magaling kaya sa iyo kami nagpalipat dahil napakabait mo sa amin." sabi ng isang babae na may hawak ng croissant.

"He-he, sige bola pa more." umiling ang ulo ni Debbie.

----------

"Naku, bakit ka na-late? Marami nang tumatawag tungkol sa mga dokumento na mali-mali raw ang encode?"

Pinawisan si Debbie, kahit malamig ang aircon sa opisina. Malawak at maliwanag ang Telus office na puno ng mga cubicle, IP phone, headset, at mga computer. Maingay din ang paligid dahil sa mga nagtatrabaho at mga kausap na mga customer mula sa iba't ibang bansa.

"Sorry Sir Luis, naipit kasi ako sa traffic kaya nag-sidecar na lang ako papunta dito."

"Sige na, kausapin mo ang iyong team at mamaya mag-meeting ulit kayo dahil sa mga dokumentong na-forward sa iyo mula sa Microsoft mukhang mali raw ang encode kaya kailangan nilang ulit itong i-encode. Do this better."

"OK sir," napatungo si Debbie.

-------

"Hello guys, nagpatawag ako ng meeting na ito dahil nabanggit sa akin na maraming mali sa inyong encoding."

Nakatayo si Debbie malapit sa whiteboard, humarap sa mahabang mesa kung saan nakaupo ang sampung katao. Nasa isang maliit na silid ng pulong sila at lahat ay naka-jacket dahil sa sobrang lamig ng airconditioner. Makikita pa ang usok ng lamig na lumalabas sa louvre.

"Tingnan ninyo ito, ang na-encode ninyo dito ay FT-67394 pero dapat MT-16246 pala." turo ni Debbie sa whiteboard kung saan pinapakita sa projector ang isang PDF na may mga impormasyon tungkol sa pag-develop ng Microsoft Engage.

"Pero ma'am, iyon talaga ang ipinadala ng Microsoft." tumaas ng kamay ang isang babae na may mahabang pilik-mata. "Galing sa kanila ang tamang encoding nito."

"Oo nga," sagit ni Debbie. "Pero may pagbabago sa ipinadala nila, kaya itatama na lang natin."

Marami ang napahinga ng malalim at napangiwi.

"Alam kong nakapag-enter na kayo ng 250 pages at kailangan nating ulitin ito." malakas ng boses ni Debbie at may diin. "Ito ang dahilan kung bakit tayo naririto, upang ituwid ang mga tama. Ako rin ay nahihirapan dahil pinipilit nila akong pilitin kayo. Sinasabi nilang mabagal ang ating trabaho at sinasagot ko na hindi totoo iyon. Nagtatrabaho tayo nang mabuti, nagtatrabaho tayo ngayong gabi kahit mahirap ang graveyard shift at sinasabi nilang wala raw ang mga manager dahil gabi daw kaya tamad ang aking team. Bakit ko tatanggapin iyon? Ginawa ko ang lahat para makamit ang posisyong ito, tapos sasabihin lang nila iyon? Alam kong hindi personal iyon at kailangan nating gawin ito bilang isang team..."

"Ang galing talaga ni madam ano? Yan ang bunga ng walang love life, pero matagumpay sa karera--"

"May meeting din ba kayo dyan?" mataray na sabi ni Debbie.

"Wala madam, pinag-uusapan lang namin ang sinabi ninyo." Nagtawanan ang mga call center agent.

--------

(To be continued...)


CREATORS' THOUGHTS
DaoistWcs6f7 DaoistWcs6f7

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login