Download App

Chapter 2: Chapter 2

Damsel's point of view:

Tuwang-tuwa sa ka-miserablehan ko ang bwisit kong kapatid.

"You deserved it, Damsel. Hindi ba matagal mo na ngang pangarap iyan bakit umaayaw ka?" Ngising turan ng kapatid ko sa kabilang linya.

"Wow, you dumbass! Anong deserve ko 'to? Hindi ko ito ginusto, just go home please. Utang na loob, help me Damien!" Inis na pagmamakaawa ko.

"Na-uh. Hangga't hindi mo pa natatapos ang problema mo, hindi mo ako maibabalik diyan. Sinabi mo iyan sa akin, nakalimutan mo na siguro."

"I really hate you Damien!" Inis na sigaw ko saka hinagis sa kama ang cellphone ko saka dumiretso sa garden para doon magpalamig ng ulo.

Hindi talaga nakakatulong sa akin ang bwisit na Damien na iyon. Mag-antay ka lang, Damien, ipagkakanulo na kita kay Dad para ikaw naman ang sumakit ang ulo, bwisit ka!

"Manang, pakihanda ang gamit ko sa garden. Mag-aayos ako pati sa greenhouse, tell the gardener na ayus-ayusin niya ang trabaho niya, I will check it." Malamig na sabi ko sa dumiretso sa garden at sinuot ang gloves.

"Please tell the guards, hindi ako tumatanggap ng bisita habang-buhay." Utos ko pa pagdating ni Manang bitbit ang gardening tools ko.

"Masusunod po, Senyorita."

It's been days, ayoko nang magbilang pa ng araw dahil nalalapit na ang hukom. Itatapon na ako sa England ano mang araw, ayoko pa!

Tahimik akong nag-aayos ng mga halaman sa garden kapag nandito ako, ayoko ng mga istorbo. Dito ko binubuhos lahat ng frustrations ko sa mga alagang halaman ko.

"Alam niyo ba? Naiinis na naman ako kay Damien, ang sarap pasabugin ng buong pakatao niya! Nakakagigil siya walang silbi sa buhay ko kung hindi bwisitin ako habang buhay." Gigil na sabi ko saka pinagsasaksak ng pambungkal ang lupa.

That asshole Damien will pay for this. Tumayo ako saka pinagpagan suot kong denim short na hanggang ibabaw ng tuhod ko ang haba. Sunod ko naman pinuntahan ang greenhouse saka ko na aayusin ang garden bago ako umalis or I'll ask our hardinero to do that.

"Magandang umaga, Senyorita!" Bati ng hardinero na abala sa pagdilig ng mga mabulaklaking halaman.

"Magandang umaga rin, Kuya Roy. Maayos na ba ang mga halaman?" Tanong ko saka kumuha ng paso para sa panibagong tanim.

"Maayos na maayos, Senyorita. Hindi mo naman kailangan pang pumunta dito, inaalagaan ko ng mabuti ang mga halaman mo."

"But I want it to take care myself, Kuya Roy. Baka magtampo sa akin ang mga halaman ko." Nakangiting sabi ko saka nagpunla ng mga buto sa matabang lupa na nilagay ko sa kinuhang paso.

Rarely to find sa greenhouse ang veggies plants dahil mas hands-on ako sa pag-aalaga ng mga bulaklak but today, I planted cherry tomatoes pero papaalaga ko na lang kay Kuya Roy.

"Hay nako si Senyorita. Hindi na kami magtataka kung gawin mong gubat ang mansion."

Natawa ako sa turan nito. Halos ¼ ng lupang kinatatayuan ng mansion namin ay garden at greenhouse ko lang. Baka nga mag-alaga na ako ng gubat sa susunod, I'll thank Kuya Roy for that wonderful idea.

"Si Kuya Roy naman. Hindi naman, baka matagal-tagal pa ang pagbalik ko kaya uubusin ko ang buong linggo ko sa pagtatanim ayokong magtampo sa akin ang mga alaga ko." I smiled saka nagpatuloy sa pagtatanim.

Mabibigat na buntong-hininga ang binitawan ko habang pinapanood ko sila Manang sa pag-iimpake ng mga gamit ko. Sa ngayon, may dalawang maleta sa harap ko at ang pangatlo ang kasalukuyan nilalagyan ng mga gamit ko.

"Nako, paniguradong ma-mimiss namin ang sakit ng ulo sa mansion." Malungkot na sabi ni Manang.

"Manang, I'll be back. Di naman ako magtatagal doon 'no saka isa pa may pasok pa ako sa school hindi ko naman pwedeng ipagpaliban iyon." I said saka napahilata sa kama.

Hindi ko alam kung ano ang usapan nila Mom at Dad between the Royal family. I can't leave the school! At mas lalong ayokong malayo dito! Okay sana kung magkasing lapit sa Pilipinas ang England hindi katulad sa China.

"Siguraduhin mo lang, mas malungkot ang wala ka rito." Saad ni Manang. I sadly smiled at them, nalungkot kasi ang mansion nang nawala si Damien pero ngayon mas lalong malulungkot dahil aalis pa ako.

"Ayos na ito, hija. Mag-iingat ka roon, ha? Hindi ka pwedeng mag-utos-utos doon dahil hindi mo bahay iyon at saka wag matigas ulo saka maging mabait ka ha?"

"Yes po, Manang. Susundin ko po ang payo niyo, wag kayong mag-alala." Nakangiting sabi ko saka niyakap ko siya ng mahigpit.

Maya-maya aalis na ako. Anytime soon, I'll be at England, I won't stay there for long. Ayoko! Nakakahiya sa lahat ng kagagahan na ginawa ni Eli.

Hindi pa pala kami nakakapag-usap after the incident saka na ako magk-kwento kapag clarify na sa akin ang sitwasyon ko don.

"Damsel, let's go. England is waiting for you." Nakangiting sabi ni Mom.

"Mom, vacation lang ha? Dito pa rin sa Pilipinas ipagpapatuloy ang pag-aaral ko."

Napakunot ang noo ni Mom habang nag-aantay kami na mag-board ang flight ko pa-England. Simula noong pumayag sila sa kasunduan, ayoko na sila makita ni Dad. Ayoko ng marriage for convenience.

I'm a chinese, alam ko ang tungkol sa mga bagay na iyon kaya unti-unti kong pinamumulat sa kanila na ayaw ko at isa rin iyon sa naging dahilan ng pag-alis ni Damien sa mansion.

"Pero anak, it's a great opportunity." Hilaw na ngumiti si Mom agad naman sumama ang timpla ng mood ko.

"Mom, mamili kayo. Ang magbabakasyon ako doon at babalik rito o habang-buhay niyo na akong di makikita kapag doon ako namuhay. Tell me, Mom. Ganoon na lang ba ang galit ni Dad sa akin para ipamigay niyo na lang ako nang ganoon-ganoon lang?" Naiiyak na ako sa inis. Kung ayaw na nila ako makita wag na nilang i-sugar coat lahat ng mga sasabihin nila sa akin kasi alam ko naman yung totoo.

That I, Damsel Tiamzon, no. 1 troublemaker, repenting her sins, and forever will be slave to the Prince of England.

Philippine Airlines flight EN4903 to England, United Kingdom is now boarding.

Please have your boarding pass and identification ready for boarding.

"I'll go now, Mom. I'll see you all kapag nakapag-decide na kayo sa plano niyo sa buhay ko." Malamig na sabi ko saka binitbit ang bag ko papunta sa gate.

Nang makalayo ako, tumawag ang asungot kong kapatid. Nakapagdesisyon na ako, Damien and I hope you'll agree to this dahil I will help you to get rid of everything.

"Ingat sa pag-alis, my troublemaker sister."

Napakunot agad ang noo. How the hell does this bastard know that I'm flying out of the country!? "How the hell--?"

"Sources, of course. Ako pa rin ang tagapag-mana and you know how my power works. Enjoy there and make sure when you come back tapos na ang problema mo para ako naman ang problemahin mo." This bastard! I sighed and smirked at him, mas magugulat siya sa mga sasabihin ko.

"Ikaw ang mag-enjoy dyan. I will have fun doon, and also bago ko makalimutan, I won't force you to come back."

"Wow, anong pumasok sa isipan mo? Akala ko ba ipagkakanulo mo na ako? Come on, Damsel, ahia is ready."

"Nah, don't bother. Tatakasan ko rin ito at parehas na tayong ipapahanap ng parents natin. Mali palang hiniling ko ang ganitong buhay, Damien. Farewell, I'll call you when I get there." Pinutol ko agad ang linya saka pinatay ang cellphone ko.

Sana tama nga ang piniling buhay na ginusto ko dahil kung hindi, mas malala pa ang kinalalagyan ko kaysa kay Damien.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login