Download App

Chapter 2: Chapter 1 : New House

A killer's Step

Chapter 1 : New House

CJAY POV

Tahimik akong lumabas ng Van saka ko tinignan ang kabuoan ng bahay na bagong bili namin

Luma na siya pero sabi ni Daddy ay Papagandahin nalang daw siya

"Cjay! Kunin ko ang kapatid mo! Gisingin mo nalang" sabi sa akin ni Ate Jasmin. Tumango nalang ako saka bumalik sa Van. Hinanap ko siya at nasa likoran pala siya ng Van. Gising na pala siya at seryosong nakatingin sa Bintana

"Yehan, tara baba na daw. Para ibaba na natin ang mga gamit natin" nakangiti kong sabi sa kanya. Tumingin siya sa akin saka ngumiti. Inilahad ko ang kamay ko at tinanggap naman niya yun

Ako nga pala si Cjay Angelo Apilada. 12 Years old palang ako. At ang kapatid ko ay si Yehan Rinee(Riney) Apilada na 10 years old palang ngayon. Meron din kaming ate na 18 years old palang. Si ate Jasmin Apilada

Actually mag te-ten palang bukas si Yehan. So dapat ay maghanda kami ng handa niya. 5 years old palang si Yehan at 7 ako nang mamatay ang mommy namin. At ang nakakalungkot pa ay sa araw pa ng birthday niya. Kaya grabe ang hinagpis namin.

Dahil sa dapat ay masayang araw ni Yehan ay isa sa mga trahedyang nangyari sa kanya

Halata niyo na no? Oo tama! Mahal na mahal ko ang kapatid ko. Saka nangako ako kay Mommy noon na aalagaan ko siya

Busy ako sa kaka ayos ng bagong kwarto namin ni Yehan. Share kami ng kwarto pero magkaiba ng kama, double bed kasi kami e. Nasa taas ang kama niya at sa baba naman ako. Inaayos ko na muna ang mga damit pinag ayos ko rin siya ng mga damit niya.

Nang matapos ko na ay agad kong nilingon si Yehan

"Yehan? Nasaan kana? Lil sis!" Sigaw ko. Kasi naman bigla siyang nawala. E nasa likod ko lang siya kanina para ayusin ang mga gamit niya ah

Lumabas ako ng kwarto at saktong nasalubong ko si ate Jasmin

"Ate. Nakita mo po si Yehan?" Tanong ko sa kanya

"Ha? Ah baka naman nasa labas siya naglalaro. Puntahan mo nalang" sabi noya kaya tumango nalang ako sa sinabi niya. Aalis kasi siya para ayusin at bumili para sa birthday ni Yehan bukas

Agad naman akong lumabas

"Yehan! Yehan!" Sigaw ko pero di siya sumasagot. Hanggang sa napunta ako sa likod bahay

Tama nga. Nandito nga siya nasa tapat siya ng malaking puno

"Oo e bagong lipat lang kami dito. Matagal na kayo?" May kausap ba siya? Napatingin ako sa harapan niya pero wala namang tao

"Yehan" sambit ko. Napalingon naman siya sa akin at ngumiti

"Big bro! May friend na ako!" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya tinignan ko naman yung tinitignan niya kanina

"Asan?" Tanong ko sa kanya. Lumingon naman siya

"Ay wala na siya. Baka umalis na" sabi niya sabay ngiti. Ang creepy naman ng kapatid ko. Angyari sa kanya?

"Halika na nga. Di mo pa natatapos yung mga gamit mo oh" sabi ko sa kanya

"Sige Big bro!" Sabi niya saka siya tumakbo papasok ng bahay. Tumingin muli ako kung nasan siya kanina

Nakaramdam naman ako ng kakaibang lamig

tag lamig naba?

Umiling nalang ako saka maglalakad na sana palayo nang may mapansin ako sa gilid ng bahay namin

"Ano to?" Tanong ko. Lumapit ako doon. Hala! May basement ata dito!

Agad naman akong tumakbo papunta kay Daddy

"Daddy! May basement po ata doon sa likod bahay" sabi ko sa kanya. Inaayos din kasi niya yung kwarto niya e

"Ha? Tara! Puntahan natin" sabi ni Daddy saka niya kinuha yung palakol. Meron kasing lock yun e. At wala namang susing binigay yung nagbenta samin nitong bahay

Agad namang hinampas ng palakol ni daddy yung susi dahilan para masira yun

Ang dilim nga sa loob e

"Big bro ano pong meron?" Napalingon ako at si Yehan pala

"Lil sis. Bat nandito ka? Gusto mong sumama?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at ngumiti ng malapad. Ok yung tawagan namin no? Big bro saka lil sis

Agad namang sinindi ni Daddy yung lamparang hawak niya saka bumaba sa hagdan.

Oo tama! May hagdan! Mababa kasi pata siyang underground basement

Sasama na sana kami pero

"Wag na mga anak. Baka delikado. Anong oras narin oh" sabi ni Daddy sabagay 6:00pm narin kasi e

"Tara na Lil sis pasok na tayo" lumungkot naman yung mukha niya pero tumango rin lang siya

***

Nagising ako nang makaramdam ang ng kakaibang lamig. Kinusot ko muna ang mga mata ko. Hanggang sa nakakita na talaga ako.

Nagulat naman ako nang makita ko si Yehan na palabas ng kwarto

Nag ssleep walk ba siya?

Sinundan ko nalang siya ng palihim. Pero mas lalo akong nagulat nang papunta siya sa likod bahay

Sa basement

Binuksan niya yung pinyo at bababa na sana siya nang bigla kong hinawakan ang kamay niya

Pero ma nagulat ako nang makitang gising siya

"Lil sis. Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya. Bigla naman niya akong niyakap

"Big bro! Hinihila nila ako! Gusto nila akong idala dito! Ayokong sumama sa kanila pero. Sabi nila sasaktan ka daw nila" umiiyak na sabi niya. Kaya lalo naman akong kinabahan sa mga sinasabi niya. Lumuhod naman ako para punasan ang luha niya

"Lil sis. Sinong sila? Sino sila?" Tanong ko pero umiling iling lang siya..

"natatakot ako big bro" umiiyak na sabi niya

"Halika na. Baka pagod mo lang yan Lil sis. Matulog na ha? 9:30 palang o" sabi ko sa kanya. 8:00 kasi kami natulog dahil narin sa pagod

Agad ko siyang inaya papasok. Pero napatigil ako sandali kaya lumuhod nanaman ako sa kanya

"Lil sis. Mauna kana ha?" Bigla naman siyang nagpanic

"Wag big bro! Wag kang pupunta doon! Please big bro!" Umiiyak na sabi niya kaya pinunasan ko luha niya

"Wag kang mag alala lil sis. Isasarado ko lang yung basement tapos babalik ako ok?"

Tumango tango siya habang umiiyak. Aalis na sana ako nang bigla niyang hablutin ang kamay ko

"Mag iingat ka big bro" sabi niya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya

Naglakad ako palapit sa basement para isarado

Isasarado ko sana yun nang may nakita akong posporo malapit sa pinto

Paano nagkaroon dito niyan? Ang alam ko wala yan

Baka naman naiwan kanina ni daddy nung sinindihan niya yung lampara. Kinuha ko yun pero pag kakuha ko at parang may tumutulak sa akin papasok sa basement

Kaya ang ginawa ko ay sinindihan ko yung posporo saka ko hinagis sa loob ng basement. Kitang kita ko naman yung ilaw mula sa labas

Nagulat naman ako sa sunod na nakita ko

May kamay

May kamay na pumunta sa posporong may sindi saka ito pinatay

Agad kong nabitawan yung posporo saka ako tumakbo papasok ng bahay

Agad akong nagtalukabong ng kumot saka umidlip ng nalang. Try kong kalimutan ang nangyari ngayong gabi

*

Nagising nanaman ako sa pagring ng cellphone ko

Napatingon ako sa cellphone ko at

11:58pm

Ang aga! Wala naman akong maalalang inalarm ko yan ah!

Napaupo ako at napansin ko namang mahinbing ang tulog ng kapatid ko

May napansin naman ako sa sala. Sa kwarto kasi namin ay may pinto so paglabas ng pinto namin ay makikita mo yung sala.

Pero bakit bukas yung pinto? Ang alam ko sinarado ko to kagabi

Baka pumasok si Daddy kagabi

May napansin naman akong kakaibang anino sa sala kaya dahan dahan kong tumayo para lapitan yun

Dahan dahan naman akong lumapit sa pintuan

"Big bro" napalingon naman ako sa likoran ko at nakita kong nakaupo na sa higaan niya sa taas si Yehan. Sandali akong napaatras. Lumapit ako saka umakyat sa kama niya

"Lil sis bat ka nagising? " tanong ko sa kanya umiling naman siya kaya humiga ulet siya saka ko siya pinatulog. Ilang segundo pa ay nakatulog na siya kaya bimaba na ako para magpunta sa kama. Natutulog na sana ako nang may naaninag nanan ako sa sala.

Ano ba yun?. Tumayo ako at papunta don. Malapit na ako sa pinto nang

"Big bro!" Medyo malakas na ssigaw ng kapatid ko

"Yehan. Akala ko tulog kana?" Sabi ko sa kanya pero nakatingin lang siya sa pintuan

"Yehan?"

"Big bro. Wag kang lalabas. Wag kang lalapit sa pintuan" sabi niya kaya tumango nalang ako

Nahiga nanaman siya kaya nahiga nanaman ako

Pero di ako mapakali. May tao ata sa sala e

Agad akong tumayo at mabilis na pumunta sa pinto

"Ahhhhhhhhhhhhh!" Nagulat ako sa pagtili ni Yesa. Bigla namang nagising si Daddy at pinuntahan ko naman si Yehan. Nagpunta narin si Daddy dito

"Anak! Cjay! Anong nangyari?" Nagtatarantang tanong ni Daddy. Kaya agad kaming umakyat sa kama ni Yehan at pinapatahan siya

"Sa-sabi ko sayo big bro wag kang pupunta sa pinto" humihikbing sabi ni Yehan. Nagkatinginan naman kami ni Daddy. Napatingin naman ako sa orasan

12:00am

"Bakit? Baby? Ano bang meron?" Tanong no daddy habang walang tigil sa paghikbi si Yehan

"May nakita akong lalaking masamang nakatingin kay Big bro. Nanlilisik at pulang pula ang mata niya. Kukunin niya si Big bro!!" Sigaw niya muli ay lalong lumakas ang hikbi niya..

Niyakap ko nalang siya

"Shhh di ako kukunin lil sis! Di ako papayag" sabi ko sakanya habang yakap yakap siya

Bigla nang nagring yung cellphone ni Daddy

"What!?.... Saang hospital?.....anong nangyari? ... Ill be right there!" Sigaw niya sa kabilang linya

"Daddy anong meron?" Tanong ko kay Daddy

"Si Jasmin. Naaksidente" nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko

12:00am

Pareho kung kailan namatay si Mommy

12:00am

Saktong birthday ni Yehan

_________________

Chapter 1 Updated!

Anong masasabi niyo?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login