Download App

Chapter 2: Chapter 1

I like to observe things around me and instead of an ordinary view, I make it extraordinary through imagining it and paint it. Sometimes, my dreams were so vivid and realistic like I was really on the scene. And when it's time to wake up, I gathered all my paints and brushes, and set another canvas board to finally paint what I dreamt about.

To me, the wonderful places I painted served as huge memorable pictures na kahit sa pamamagitan nito parang napuntahan ko na ang mga lugar na hindi ko kailanman mapupuntahan dahil hindi naman ito nag-eexist sa totoong buhay.

I never get a chance to experience the truest form of beauty in reality kasi parang pinipigil ako ng tadhana na maexperience yun dahil:

First, hindi ako pinapayagan ni Mommy na mag-explore or mag-adventure, na sumama sa mga road trips ng mga pinsan ko at mga friends ko; second, conservative na tao si Mom and dahil doon nagiging conservative din ako sa sarili ko; third, suddenly magkakasakit ako o di kaya magsasakit ang puson dahil dumating period ko; and last, natatakot ako.

Takot akong magtravel o subukan ang hindi ko pa nagagawa sa buhay. Takot akong gawin ang mga bagay na yun dahil natatakot ako sa magiging consequence niya. Pagkatapos kasi ng nangyari, hindi ko na nagawa pang magcamping ulit or sumali sa mga team building o kung ano pang school activities.

Also, Mom won't let me either. Mapa bagay man yan, mapa lugar man yan. What I meant is halos sa lahat ng bagay. Like I was a bird in a cage and waiting for my owner to set me free.

Anong inspirasyon ko kung bakit ako nagpipinta? Hmm.. Maybe because I'm trying to color my life with these.

My life was dull and plain and through this parang dinadala ako sa ibang dimension, like there was something pulling me inside the painting.

I want to enjoy my own fantasies. Kunwari nag-eexist yun. Yung mundo mo na parang fantasy and full of adventures. Dahil nga dito sa obsession ko sa pag-iimagine natutulala na lang ako nang hindi namamalayan. Tas magugulat na lang ako na nasa realidad na pala ako.

This type of hobby of mine, hindi agree si Mommy. What she all wanted is that maglugmok ako sa kwarto ko at mag-aral nang mag-aral.

She want me to take her path as a Surgeon kaya pinaaral ako nang pinaaral ng science-related books o di kaya naman ang detailed human anatomy at pinahiram niya din sa akin ang mga libro niya nung college student pa lang siya.

Nakakatamad kaya mag-aral minsan but I learn more. Ang problema nga lang, makakalimutin ako. At nakakasakit sa ulo ang mga scientific terms.

While stirring a new pigment, biglang nag-ring ang phone ko. When I pick up my phone, my bestfriend's name keep appearing on the screen.

Sinagot ko naman ang tawag,

[Sumama kana pleaseee], Linayo ko pa sa tenga ko ang phone dahil sa nakakarindi niyang boses.

I heard voices and music in the background kaya siguro kinailangan niyang sumigaw pa. Halatang nasa bar na nga sila.

Hayy.. Sana in-on ko na lang yung airplane mode. Iniistorbo pa ako nito eh.

Inaya kasi ng ibang kaklase namin na uminom kaming magbabarkada sa room pero dahil ako lang yung hindi umiinom sa barkada namin, ako ngayo'y parang nakakulong sa bahay.

Iinom sila sa isa sa mga bar sa tabing-dagat and luckily malapit lang dito, but I still can't go 'cause I don't drink.

Some of my classmates na pupunta wala pa sa right age na iinom sa mga bar. Kaya nakapagtataka lang kasi bakit pinapasok sila eh nasa senior high pa lang kami ha at hindi pa college.

So I responded,

"Mapapagalitan ako Liz eh. Mag-enjoy na lang kayo dyan."

[Drawing ka na lang palagi ehh~ but we're still expecting you here Zy ha!"],

Then she ended the call abruptly.

I turned the airplane mode on and put the phone on the study desk.

I sighed when I thought of something. I never tried to come out from my comfort zone. I never tried to enjoy and be free just for once. Natatakot ako sa magiging consequence kapag inuna ko ang kaligayahan ko.

Sana balang araw makamit ko na ang hinahangad kong kaligayahan at kalayaan.

"Zylith? Nag-aaral ka ba dyan?"

Nagising ang kaluluwa ko at muntik na matumba sa kinauupuan ko dahil sa katok sa pintuan. Agad ko naman kinuha ang painting na ginagawa ko ngayon at itinulak sa ilalim ng higaan ko. Sinimulan ko rin ang pagkalat ng mga libro at notes ko sa study desk.

"Why's the door close? Zylith, andyan ka ba?" Habang pilit na pinipihit ni Mom ang door knob, inayos ko ang sarili ko at tumingin sa salamin kung may naiiwang pinta sa mukha ko and tie my hair up again.

"Yes, nandito ako Ma! Sandali lang.."

I positioned my glasses on my nose bridge properly and binuksan ang pintuan at ang nabungad ay si Mama na haggard na haggard. I noticed that she still wears her surgical cap.

Halatang nagmamadali siyang umuwi dito sa bahay.

"Are you still painting? Akala ko ba sinabi ko na sa'yo na ititigil mo na yan?"

"What? No! I didn't paint..?"

"I know you're lying, Shai. Punasan mo muna 'yang salamin mo." Tinanggal ko ang salamin ko sa mukha at itinago sa likod ko.

"Well, can you join me on dinner? May pag-uusapan lang tayo."

Hmm.. I think I know where this is going.. I let out a sigh and just followed her to the dining area downstairs.

"Manang Melody, ihain mo nga ako ng makakain."

"Okay po, Ma'am."

Si Manang Melody ang aming kasambahay sa bahay at ang nagbabantay sa akin dito sa bahay kapag hindi si Mama nakakauwi dito dahil sa hindi matapos-tapos na operation niya sa hospital. Siya na ang nag-aalaga sa akin mula pagkabata ko.

Once na umupo na siya sa lamesa ay hindi na tumigil ang paggalaw ng bibig niya at lumalagpas lang yung mga sinasabi niya sa tenga ko patungo sa kabilang tenga ko tungkol sa mga nangyari sa mga operations niya.

Ako naman ay dumiretso sa lababo at kinuha ang mga natuyong pinta sa kamay ko.

"Ma." I called out to her and the reason she abruptly stop herself from talking.

"Yes, Shai?"

Tinuro ko yung ulo ko para senyasan na mayroon na namang naiwan na bagay sa kanya mula sa operation niya. Nang naging confused ang mukha niya, wala akong choice kundi sabihin na lang sa kanya.

"Your cap, Mom."

"Oh right! I'm sorry. Dali-dali kasi ako umuwi dito once napag-alaman kong wala na akong operations this evening. Ugh! I badly want to sleep! I'm so really tireeedd." Then she goes childish again.

To be honest, napahanga ako lalo kay Mama despite sa kahaba-habang oras na pag-ooperate niya sa isang pasyente, she and her team always survive! And sa awa ng Diyos, kinaya din ng mga pasyente.

Inihain na ni Manang Melody ang pagkain kay Mama at patuloy pa rin nagsasalita.

Nang matapos na akong maghugas ng sarili ko I joined her on the table. I let and let her speak the entire time while me, wiping paint on my glasses.

Nilingon ko ang bintana na ngayo'y madilim na and a terrible idea popped into my mind. I shook it out and accidentally meet mother's eyes.

"Shai? Are you okay? What's wrong?"

"Wala, Ma. May iniisip lang ako."

"What are you thinking, Shai? Kukuha ka ba ng entrance exam sa Dr. Manansala's Hospital? Or sa hospital na tinatrabahuan ko?"

Neither of them, Mom.

"So now what, Shai?"

"Uhmm let's see, Mom. I'll try..."

"Good! I'll wash up muna and go to your room na. Don't forget to study all the books that I lent to you ha?"

Tumango lang ako nang tumango habang nakatingin sa ibang direksyon. Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Night, Shai." Kinuha niya ang bag niya sa sofa at pumunta na sa taas.

"Good night, Mom." Nilingon ko ulit ang bintana at lumipat ang tingin ko sa pintuan.

No, take that off of your mind, Shai. Napaka ano naman ng imahinasyon mo. Hindi mo kaya, okay?

Lumapit ako kay Manang sa lababo at kinuha ang pampunas sa lamesa.

"Shai? Okay ka lang ba, iha? Anong bumabagabag sayo?"

"Kailan ko kaya makakamit ang huminga nang maluwag, Manang?"

"Edi huminga ka, Shai. Bakit pinoproblema mo pa 'yang paghinga?" Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Buti na lang kung hindi niya nakuha ang punto ko.

"Wala po 'to. Sadyang mainit lang talaga dito sa baba kaya nasabi ko yun. Sige tulog na'ko, nang."

Lumayo na ako sa kanya at isang hakbang ko pa lang sa hagdan bigla siyang nagsalita.

"Shai, 'wag mo laging dibdibin ang mga bagay-bagay kaya hindi ka makahinga eh. Hayaan mong dumaan ang mga yan sa buhay mo at isipin mong makakalagpas ka din. At dun ka na makakahinga nang maluwag."

I didn't totally get what she meant by that but I know she's trying to comfort me and she succeed.

As I go upstairs I thought of taking a bath and until entering the bathroom hindi pa rin umaalis sa isip ko ang last na sinabi ni Lizette sa akin.

Maybe I'll attend this time, just this time, since I denied all their requests. Baka nagtatampo na ang mga yun sa akin. Tapos naisip ko ang magiging sermon ni Mama sa akin kapag hindi ako nagpaalam kasi alam kong hindi naman ako papayagan. Kaya hindi na lang.

Nang matapos na ako sa paglilinis ng sarili ko, at magbihis, kinuha ko ang salamin ko at pumunta sa arched window. Hanggang sahig ang bintana at matangkad sa akin ng 2 feet. I pushed the doors and approached the balustrades that were bent outward. Sumandal ako sa concrete railing na hanggang tyan ko lang ang taas. Maliit lang yung terrace ko at naka semicircle rin.

I loved this style of my terrace kasi parang nasa Renaissance period lang ako at ang design nito parang sa mga movies na way back 19th century pa ang timeline instead of modern type. Napaka old-fashioned kasi ni Dad pagdating sa ganitong bagay mas nagagandahan at nachachallenge siya sa delicate yet beautiful designs since nainspired siya sa mga architects ng Spain.

Sa katunayan nga siya ang nagdesign nitong bahay namin. He's an architect in Barcelona, Spain which is the world's top architecture, and the path I would want to take in college.

Dito ako 'lagi tumatambay kapag natatamad akong magpinta o mag-aral. Usually, naglalagay ako ng kumot at unan dito at dito na minsan natutulog because I like the evening breeze.

I looked up to the lit black sky poured with different twinkling stars and the bright almost-full moon up in the northeast of the sky.

This part of the house is my most favorite kasi nakikita dito ang buwan at mga bituin. Ang nagsasagabal lang ay ang mga ilaw ng mga bahay na tinatakpan ang liwanag ng bawat bituin kaya tinatakpan ko ang bawat ilaw gamit ang dalawang kamay ko. And yes, kaya kong gawin yun.

Ang ganda... Nakikita ko na sila.

Maybe the best view I love is when the crescent moon meets up with the planet Venus. Hindi ko matandaan kung kailan nag-aapear sa night sky ang Venus pero yun ang pinaka nagustuhan kong view ng sky.

Hmmm.. Maganda 'yun ipaint ah? Ba't hindi ko naisip yun?

And biglang nasira ang moment ko at napalitan ng pagkadismaya ang mukha ko nang makita ko na nakatingin si Kody at mga kaibigan niya sa akin sa terrace nila.

Why are they staring?

At the same time pinaka hate ko din itong parte ng bahay kasi bakit dito pa pinuwesto ang bintana kasi kaharap ko mismo ang bahay nila Kody. Nakatagilid kasi yung bahay namin sa kanila, eh ang isang bintana ko which is this part nakaharap sa bahay niya.

Buti nalang malayo kaunti yung bahay nila sa amin dahil malapad ang kalsada na pumapagitna sa amin.

Si Keiran Dale Andrada, naging crush ko nung elementary while nasa junior high siya nun pero hindi nagtagal dahil nalaman at nakita ko mismo ang pag-uugali niya. So no, thanks.

Sinara ko na lang ang bintana bago pa masira ang mood ko ngayon.

Instead of going to that party, maybe just an evening stroll would do. This habit of mine continues and this is the only leisure time I have since busy ako sa pag-aaral. Kahit ito man lang kinaya kong gawin.

Mas gusto ko na lang gumising sa gabi at matulog sa umaga. I can gaze at the stars the whole night at my small terrace.

Isa sa pinaka gusto ko sa subdivision na'to ay dahil napakatahimik at alam mong safe ka kaya hindi ako takot na lumabas. Sa mga aso nga lang na natutulog sa daan. Pero nilulunok ko na lang yung kaba ko kung may dinadaanan akong aso sa labas lalo na kung may klase?

Tinatahak ko ang mahabang daan papuntang gate ng subdivision at hindi mo talaga maiiwasang may gumagala na aso at mapapaisip ka na lang kung tatakbo ka ba hanggang makaabot ng gate? O 'wag na lang pansinin at iisipin na lang na Hindi ka kakagatin n'yan.

Makita ko lang na parang sinusundan ako ng aso? Jusme. Nilalabas ko na lang yung payong ko in case na ano.

Pshh.. May naalala na naman akong memorya na nakakatawa.

Hindi lang naman ako ang may takot sa aso eh. Si Kody rin.

Hindi ko na lang namamalayan na katabi ko na pala siya sa paglalakad papuntang gate o di kaya malapit lang sa akin.

Tila bang hindi halata sa kanya na tatlong taon yung tanda niya sa akin eh mas duwag pa pala siya sa akin. Dinidistansya niya pa rin yung sarili niya sa akin. Syempre, dahil nalaman niyang naging crush ko siya.

And even though he wasn't my crush at that time, siya pa 'tong papansin sa akin na akala pa rin niya crush ko pa siya. Tsk! Feeling.

By the way, my favorite destination every evening stroll would be the beach. I didn't tell any of this to Manang Melody or to Mom because I know what will be their reaction if they knew.

So now I switched my pajamas into jogging pants kasi maraming lamok sa labas.

Nagsuot na rin ako ng hoodie at kinuha ang phone ko na nilagay sa bulsa at lumabas.

Pagkalabas ko ng kwarto, I checked up on Mom's room muna kung may ilaw pa sa ilalim ng pintuan niya.

Nang nakapatay naman ito, hinay-hinay kong tinahak ang hagdanan nang naka paa lang habang hawak-hawak ang tsinelas ko.

Usually, nagliligo din si Manang sa mga ganitong oras so hindi na bago sa'kin nung nakababa na ako, rinig ko ang splash at pag-agos ng tubig sa CR. Nakahinga ako nang maluwag nang masigurado ko na nandoon si Manang.

Pagkalabas ko ng main door ay garahe na kung saan nakapark na ang sasakyan ni Mama at bike ko.

Binuksan ko muna ang gate and hopefully na hindi iingay nang malakas. Kinuha ko na ang bike ko at hinay-hinay kong ginuyod palabas.

I closed the gate at sumakay na sa bike.

Time to time inaangat ko ang ulo ko para pagmasdan ang langit dahil baka mabangga pa ako sa kung ano man ang nakaharang sa daan.

I like this kind of serenity 'cause I can think and imagine whatever I want. Minsan nakakakuha din ako ng mga ideas kapag namamalagi ako dito sa labas.

Nang mapansin kong may headlights ng sasakyan sa daan, pumagilid ako at dumaan din naman ang sasakyan.

Naka on ang ilaw sa loob at may mga tao sa loob na naghahalakan, panigurado magroroadtrip ang mga 'to.

Parang pamilyar 'tong sasakyang 'to? Tinignan ko kung may sticker na parang mandala sa rear window at hindi nga ako nagkamaling sa kanya yan.

Huli ko lang nalaman na mayroon na siyang sariling sasakyan.

Ang tinutukoy ko ay si Kody. Syempre, mga ilang beses ko na nakikita ang sasakyan na yan na lumalabas sa bahay ni Kody. Sa katabing bahay pa naman.

Hindi ako stalker, okay? I am just observant.

Sa pag-uugaling n'yang yan, sino may balak na magkagusto pa dyan?

From now on, hindi na talaga ako titingin sa mukha! By their heart na.

Then, a lot of embarrassing moments occurred in my head when he was still my crush and remembered a moment that I peek into his window and even when he was in their terrace every night dahil 'hindi raw ako makikita', says my old innocent me.

Pero eventually, nahagip pa rin ako ng mga mata niya.

Tapos... ang mga sulat. Urgh!

Nagsisi talaga ako na naging crush ko yan. Ang sama-sama ng budhi. Ugh! Ayaw ko nang isipin. Baka hihikain pa ako.

I tried to erase all of that. Parang gusto ko na lang lumamon ng lupa kapag bumabalik ang mga alaalang iyon. So bobo.

Nang malapit na ako sa guard house, binagal ko ang pagtakbo ng bike at itinigil.

Chineck ko ang guard sa loob kung nandyan siya o kaya nasa loob nagroronda.

Shems! Nandyan. Kaya nag-iintay ako ng timing na hindi siya nakatingin sa direksyon ko at doon ko na binilisan ang pagsikad at lumiko sa direksyong papunta ng beach.

Then naalala ko na lang si Lizette.

Haysh! Are you kidding me, Shai? Talagang pupunta ka dun? Well, hindi ko naman alam kung saan banda doon sa tabing-dagat. Basta ang alam ko lang sa tabing-dagat.

Pupunta ako dun na naka jogging pants lang? Lol ano ba dapat ang susuotin mo Shai? Mga damit na labas-kaluluwa?

Pagdating ko sa park ng beach, naghanap ako ng bakanteng mauupuan since as expected, madaming tao dito nakatambay.

Well, what you should expect eh may mga streetfood stalls dito at hanggang umaga sila dito. Chineck ko ang bulsa ko kung dala ko ang wallet ko.

Shakeys, naiwan ko! Kinapa-kapa ko pa ang bulsa ko pero wala talaga! Fishball, kekiam, dynamite, siomai lang pinunta ko dito! Tapos naiwan ko pa ang pera ko?!

Dahil palagi akong natakambay dito gabi-gabi, nakasanayan kong kumain dito nang mag-isa. Napaka sad and lonely ng buhay ko 'no? Hmm hindi naman.

Nang nakahanap na ako ng mauupuan, pinark ko ang bike sa tabi ko at siguro uuwi rin ako maya-maya eh hindi ko dala wallet ko eh.

Since, wala naman akong gagawin dito bukod sa kumain, I approached the balustrades at sumandal dito, and gaze to the non-ending waves of the sea and feel its breeze. Umangat naman ang tingin ko sa buwan sa taas.

Ito lang siguro ang kinaya kong gawin sa buong buhay ko. Masarap pala sa feeling ang lumabas. Parang nakalaya na talaga ako sa kulungan.

Lumingon ako sa paligid ko at mayroon ding nagbabike dito at naglalaro sa playground ng park.

Ang saya-saya nila tignan. At yung pagkain na kinakain nila, masarap din.. Sana all.

Hayy... pagkain lang naman yung pinuntahan ko dito at ang simoy ng hangin pero wala eh.

"Zy?" That made my eyes widened. Don't you tell me nandito sila?

I looked back at the person who just called me at nakita ang tatlong kaklase ko sa room na hindi ko masyado close pero alam kong mabait sila pero hindi ko sila kalevel sa trip.

"Uy! Hii! Anong ginagawa n'yo dito?" Napangiwi naman ako sa biglaang pag-appear nila dahil hindi ko ineexpect na nandidito sila sa park.

Akala ko ba nasa bar sila at nagsasaya? Sana hindi ko nalang pinansin na may tumawag sa akin at umalis na lang. Kasi alam kong mag-aaya sila.

"Ahh bumili lang kami ng streetfoods. Hindi kasi namin keri ang presyo ng pagkain sa bar kaya nandito kami pero pabalik naman. Dito ka lang pala nakatira?" Dagdag pa ng isang bakla kong kaklase si Jay.

"Actually, malapit lang yung subdivision na tinitirhan ko dito." Habang pilit na ngumiti sa kanila. Wag niyo akong ayain, pleasee.

"Yun naman pala eh! Bakit hindi ka nalang sumama sa amin? Malapit lang pala ang bahay niyo dito." Sabat naman ng kasama niya na si Sasha.

"Uhm.. hindi naman talaga ako sasama eh." Bulong ko sa sarili ko.

"Ano yun Zy? May sinasabi ka?"

"Ahh ano.. Wala lang talaga ako time para sa mga ganyan." Pero nandito ako sa dalampasigan.

"Tutal, nandito ka naman.. Why don't you just join us? Nandoon naman sina Lizette, Gianne at Jade." Umiling na lang ako pero hinatak ako ng isa.

"Dali naaa.. Once lang mangyayari 'to sa buhay mo bakit mo pa papalampasin?" Kinuha ko na lang ang bike ko at no choice akong samabay sa kanila .

"Oo nga Zy at isa pa, last year na natin 'to bilang magkaklase." Natouch naman ako dun sa sinabi niya.

To be honest, ang mga bagong kaklase ko ngayong senior high school, itong section siguro ang pinaka the best sa akin. Kahit hindi ako sanay na maingay dahil hindi naman ito yung nakasanayan ko dati nung junior high. Mayroon pa din naman mga kaklase ko na hindi ko pa masyado close so ito na siguro yung right time para kilalanin lubusan sila.

Ang problema ko lang, ang mga lalaking kaklase ko na sumama sa gimik na'to. I really don't trust them..

Noon pa man hindi ako malapit sa mga lalaki. Di ko alam.. Nakaka-intimidate kasi ang tindig nila.

There's a part of me na parang magsisisi ako dito sa gagawin kong ito at lumabas pa ng bahay. I still don't want to do this kind of thing.

Walking distance lang pala yung bar na sinasabi nila.

As we reached the front of the bar, I lift my eyes to the bright and colorful logo of the bar saying Paraiso and its neon lights turning on and off every second.

Then I divert my attention to the surroundings inside.

Typical beach bar. Lights within spheres and bottles hanging from there to there, cottages with cushions, human-sized standing bottle balloons, reggae style; in short, aesthetic and simple. What adds more to the background is the band performing on a low stage.

"Zy! Halika ka na." Natauhan naman ako nang tinawag ako ni Jay.

"Sige, sunod ako." Tumango lang siya at sumabay sa mga kasama niya.

Patuloy pa rin ang tingin ko sa mga tao at sa lugar habang hawak-hawak ko pa rin ang bike.

Sa katunayan nga ako na ang tinitingnan ng mga lumalampas sa akin sa daan dahil sa pambahay kong suot. Tumingin rin ako sa suot ko at mukha akong naglayas na desperadang makapunta dito para uminom.

And that when the view of my friends appeared in front of my eyes, smiling and laughing. They were full of joy and like out of this world. I wish I can be them.

I totally regret for coming here. I shouldn't have come.

I turned my back and almost spill someone's drink onto me.

"Oh shoot!" Gulat na sabi ng isa. Two familiar faces appeared in front of me. Shocks! Of all people?

"Zy? Nandito ka pala! Hindi ka ba papasok? Come! We'll lead the way."

Mag-aargue pa sana ako. I have no choice but to follow. Since, ayaw ko namang iwan ang bike ko dito sa labas sinama ko na lang sa loob at pinark ko sa tabi lang ng cottage na iniistayan nila.

"Zylithh!! You're finally here!!"

Lizette and the squad approached and hugged me like we have never seen each other for years. Everybody in the group stared at us at parang hindi mapakapaniwala na nandito ako.

Everybody knew that I'm that kind of 'studies first' girl dahil expected naman yan since ako ang top sa amin, and I have never tried to hang out with them.

Ngumiti lang ako nang pilit sa kanila dahil hindi ko talaga gusto ang nangyayari ngayon. A boy classmate na si Abel, lent his chair to me at ako'y nakaupo lang dun, observing the group have fun.

"Dahil nandito ka naman, Zy. Let's make a toast para sa first ever hang-out with Zy! Magtoast ka rin Zy." Sigaw naman ni Gianne sa kanila at sumigaw na din yung iba.

What? Iinom rin ako? O iangat ko lang ang baso?

"What? Hahaha no way.." Iling na lang ako nang iling dahil sa kalokohan niyang yan.

"Ano ka ba, Zy! Alam mo ba this will be the first ever moment and maybe yours too na gigimik sa labas na kasama ka? Na kasama mo kami? Except those times we had in some restaurants syempre kumakain lang tayo nun. Alam mo bang nagtatampo na kami sa'yo, Zy? Why can't you make yourself happy? And freee~" She opened her arms and lay herself on Jade. Tumagos yun ah.

"Hey! Stop it Lizette! You're drunk na stop na. And don't tell that in front of Zy-Zy and to our classmates too. Quiet na.. quiet.." Halatang lasing na silang dalawa ni Jade.

"Here. Try mo lang." Inabot ni Sasha sa akin ang isang maliit na baso na naglalaman ng alak.

Okay... I have to get out of here.

Gumawa ako ng excuse na sasakay pa ako ng bike ko pauwi at kung iinom ako pagewang-gewang ako sa kalsada at baka mapahamak pa ako.

Ang tugon naman nila, hindi naman ako makakauwi na mag-isa dahil curfew na. Eh sino sasakay sa bike ko? Sino babalik nyan sa bahay? Eh ako lang din naman.

"'Wag niyo nang pilitin si Zylith guys. Zy okay lang kung hindi mo tanggapin. Hindi ka namin pipilitin." Pag-iiba naman ni Abel na parang hindi maipinta ang mukha dahil sa pag-alala at sabay na kinuha ang baso mula kay Sasha.

Ako din naman eh, nag-aalala, sa mangyayari sa'kin kapag ininom ko yan. Baka wala na akong bahay na mauuwian nito.

"Okay lang kung hindi ka iinom Zy. No pressure." Sabat naman ng kaklase kong si Kaycee na may pagka boyish.

"Drink! Drink!" Now, they are shouting and embarrass me in front of these people. I looked around and obviously everybody's eyes were staring at me.

And then, I spotted him and his friends. Nakatingin sila dito. Nakatingin sila sa akin. Nakatingin siya sa akin na parang may halong pagkadismaya and.. what? He's smirking? Is he enjoying this? Okay, fine! Kala mo hindi ko kaya ha.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login