Download App
50% Amienah

Chapter 2: Chapter 1 : It's You

Kabanata  1

Amienah

Hindi s'ya mapakali, she's tapping her fingers against her desk, kanina pa nya gustong lumabas, not that her subject is boring it's just that she has something to do and it's very important.

Minutes later the Professor dismissed them, dali dali syang tumayo at kinipkip ang mga dalang gamit, lakad takbo rin syang lumabas sa klase nabanga n'ya pa ang isa sa kaklase nya. She immediately said sorry.

Her publisher called her saying they have something to talk about, about her novel. May nag offer na gawin movie ang Second Chance. She couldn't contain her happiness and excitement! At kaninang lunch pa iyon! Hindi n'ya kayang mag ditch, bukod sa once a week lang ang mga ito at apat na oras pa! As if on cue her phone rang.

"Chief!" she said

"Thank goodness you answered!kailan ka pwedeng i meet? This is your big break Mina!" then her editor giggled, halatang masaya ito para sa kanya.

"Well, I can meet you right now, it's only four in the afternoon"

"No, no don't. gagabihin ka" Pigil nito

"Anyway we can still meet tomorrow, I just really wanted to inform you about this. Anong oras ka pwede?"

She looked at her watched, hindi sya morning person, kaya ayaw n'ya ng maaga dahil baka maghintay lang ito ng tatlong oras at mainip pa ito ng bongang bonga.

"Ten AM, Sa starbucks malapit sa office chief"

"Okay, set na ha?tatawagin ko narin 'yung producer na nag offer para mapag-usapan na natin ang mga details, I said yes narin Mina kailangan mo nalang mag sign sa kontrata as an agreement" saad nito

She said "okay" and the call ended. Matapos iyon para syang tuod na nakatayo sa gitna ng hallway nanginginig ang kamay habang hawak ang telepono, to the surprise of other student she screamed! Nagtatalon talon pa sya, she doesn't care kung tawagin man s'yang baliw pero goodness! Walang kapantay ang kasiyahan na nararamdaman nya ngayon.

Mabilis syang tumakbo palabas ng campus, acting like a kid really. Wala sa kilos nya ang tunay na edad and the mere fact that she really looks like a high school student with her 5'3 height matching her get up? Mapagkakamalan talaga syang bata.

Nakangiti nyang pinara ang jeep, nasa akto na syang pasakay ng bigla may tumawag sa pangalan nya. Kaya lumingon sya kung saan banda nangaling ang boses

"Amienah here!" and there, Claret shouting her name while waving her hand. kasama nito ang iba pa nilang kaklase. Patakbo itong lumapit sakanya. Sa kanyang pagka bigla sumigaw ang driver ng jeep.

"Ano miss sasakay ka o hindi?!" mukhang mainit ang ulo nito, tinignan ni Mina ng masama ang driver habang nakalingon ito sakanya

"Hindi napo, pasensya na." atyaka sya tumalikod, kay lakas pa naman din ng boses ni manong at maski ang ibang pasahero ay nabigla, pinagtinginan tuloy sya. She pouted her lips before turning her back, sya naman pagkarating ni Claret sa harapan nya.

"Amienah ikaw nalang bumili ng ink at bond papers oh, please? Dadaanin mo rin naman kasi diba? Iba ang way namin at isa pa may kanya kanya kaming gagawin, sa lunes nalang ulit tayo magkita" naka ngiti ito sakanya habang nagsasalita. She nearly rolled her eyes, ginawa nanaman syang utusan ng mga kagrupo nya.

"Akin na ang pera" matapos nyang sabihin iyon ay dali dali itong kumuha ng pera sa wallet, sa hinuha nya budget nila iyon.

"Salamat Amienah!paano mauna na ako sayo ha" tuluyan na sya nitong iniwan. Napabuntong hininga nalamang s'ya, wala rin namang magagawa at mabuti rin naman iyon dahil may libro s'yang balak bilhin.

Papasok palang kanya ng na langhap ang ibang klaseng amoy ng mall, gustong gusto talaga nya ang amoy nito, pati narin ang amoy ng bagong pintura at libro. She's weird and she don't give a damn about it, tuwang tuwa pa nga s'ya dahil mga hindi ordinaryo ang nagugustuhan n'ya.

Matapos ang pag check ng guard sakanya at sa gamit nya, malalaking hakbang ang kanyang ginawa para makapunta ng mabilis sa National Bookstore, kita nya roon ang mga new arrival books at ibang sikat na akda and then her art caught her attention again, ang galak sa puso nya ay hindi parin mawala tuwing nakikita ang pinagpuyatan at pinaghirapang nobela.

Matapos bumili ng Ink at isang rim ng bond paper dumeretso sya sa mga libro, ngunit bago yon may isang tarpulin ang naka lagay, "Best selling" nangunguna ang Second chance, nakaka proud, although wala ni isang tao syang mapagsabihan sa bagay na ito masaya parin sya and the fact that her Greeks supports her is already a big thing lalo na sa tulad nyang walang kasama sa buhay. Dali na nyang kinuha ang librong sinadadya at akmang aalis.

But she was intrigued with the group of cute girls that keeps on giggling while looking at the poster.

"Galing galing ni Mother talaga, 4 months straight na best selling mabuti nalang talaga at may available na silang copy ngayon" Said the one with red dress and braided hair

"Sure kang maganda to ha? Kamahal kaya, ayaw kong masayang ang pera ko" sita nong naka black shirt, Mina couldn't help but smile.

"Loka, hindi yan s'ya, sulit to atyaka tignan mo ang kapal kaya nya at ganda pa ng cover, hindi sayang yang three hundred mo"

"kayong dalawa shut up na, bilhin nalang natin, ikaw Jo kung ayaw mo wag mo"

The girls were getting loud, aalis na sana dapat sya ng mapansin ng mga ito ang presensya nya, lalo tuloy syang nailang dahil sa mga titig nila. Geez.

"Hi!ate bili ka ng book ng second chance! Maganda sya!" turan nang babeng naka braid, siniko naman ito ng katabi.

Napakamot nalang tuloy sya sakanyang ulo, this is embarrassing.

"Mahiya ka nga!hindi mo naman kilala yang tao" sita pa ng katabi

"Why?promotion din tong ginagawa ko no, anyway ate may hawak kang book kaya mahilig ka mag basa panigurado! Bili karin nito! Sobrang ganda po"

And right then she smiled at the girl, kahit hindi komportable para sakanya ang pagusapan at kumbinsihin sya na bumili sa kanyang mismong sinulat it's okay, she prefer these kind of people than to that jerk she met months ago, bukod sa linait na sya kung ano pa sinabi sa akda nya, tsk nakakabadtrip ang lalaking iyon, she was even praising the man appearance because of his handsomeness and sex appeal yet the personality was a big zero.

"What's your name?" turan nya

"Ha?' bulalas nito

"Sabi ko kako ano pangalan mo baby,and don't worry may copy na ako n'yan" at saka sya ulit ngumiti

"Ay! Brielle Andromeda po! Ate sali ka sa group ni Mother Onnone! Search mo po, Sugo ni Kapitana" the girl name brielle giggled after saying the name of her group, Minah laughed too, natatawa rin sya sa pangalan ng Group page na ginawa ng mga Greeks nya, tawag sakanya ng mga ito ay Kapitana o Mother of all Council. They were crazy but she's happy and contented with them.

"It's good to know you're a Greek, bye Brielle" she waved her hand at walked away, hindi nya alam ngunit napagaan ng babaeng iyon ang loob nya, dumagdag sa kasiyahan na malaman sinusuportahan sya nito.

Maybe because having them gives you a lot of courage, knowing that someone supports you to what you love to do feels good, without them her novel won't reach this level and that, Erwin and Win will forever stay in her heart. She loves her character so much as much as her readers love them.

As soon as she arrived at her apartment she posted a message on the group page using her dummy account Onnoene. Mabilis din nyang hinubad ang kasuotan nya at naligo, kailangan nyang mag pahinga dahil mamayang madaling araw ay magsusulat sya ng panibagong kabanata para sa storya na kasalukuyang nyang ginagawa.

Bukas makikita nya ang notification sa kanyang account ay punong puno, the readers are getting giddy because of it, yet they will go crazy as soon as they found out that Erwin will soon come to life.

'Soon to be a major motion picture J'

~onnoene


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login