Download App

Chapter 2: I.

~Kierzelle Sakura~

Noong una naisip ko bakit kaya yung mga babae kapag nakakita ng gwapo kinikilig? Ang OA naman nila. Parang gwapo lang naman yung tao, nothing more nothing less. Tao pa rin yun. Una wala akong paki sa mga crush-crush na yan. Porque gwapo crush na agad? Lame idea. Oo, nagka-crush ako pero hindi dahil sa gwapo siya kundi dahil mabait siyang tao. Pero hanggang crush lang talaga yun. Pag nakikita ko siya konting inspirasyon sa pag-aaral. Yun lang.

Nung nag-college ako, dun ko lang nalaman kung bakit kinikilig ang mga babae sa mga gwapo. Ang ganda kasi sa paningin kapag gwapo yung lalaki. Yung tipong "Ang gwapo niya! Papakasal na kami! Waaaahh" "Grabe! Ang gwapo-gwapo naman niya! Mahal ko na siya!" Okay, medyo OA. Pero yun talaga yun. Napaka-boyfriend material kasi nila. Yung tipong gwapo na nga siya mabait pa. Waaaahh!! SUPER TURN ON!

Pero yeah! Andaming gwapo sa paligid! Bisexual naman na halos. Pero okay lang yan nakakapag-produce pa rin naman sila ng sanggol. Diba? Iyan ang motto ng aking dakilang kaibigan. Mahilig kasi siyang magka-crush sa mga bisexual. Hinahayaan ko lang siya, iyon ang happiness niya eh.

Seventeen years na akong nabubuhay sa mundo pero never pa akong nagkaroon ng boyfriend. Yeah! I am an NBSB. At proud ako dun! Hindi dahil panget ako kundi dahil alam ko ang priority ko. Yung love mahahanap ko rin yan pagkatapos ko mag-aral. Oo, minsan muntik na akong ma-fall in love. Pero pinigilan ko yung sarili ko. I rarely express my feelings. Kinokontrol ko yung nararamdaman ko. I never crossed the line. Ayoko munang ma- in love. I know, sobrang sarap sa pakiramdam na mahal ka ng taong mahal mo. Sobra. It feels like your in Cloud Nine. Paano ko nalaman gayong NBSB ako? Napanaginipan ko kasi yun eh. Yung may gusto din sa akin yung crush ko dun sa panaginip ko. Parang may kumiliti sa little heart ko. Doon ko naisip ang sarap pala sa pakiramdam na may nagmamahal sayo bukod sa pamilya mo.

First semester, una ko siyang nakita. Pumasok siya ng room namin para kumuha yata ng upuan. Sabi niya pa nga sa akin "Bem, pahiram ako ng upuan ah" I just nodded. Tapos kinuha na niya yung upuan at dinala doon sa room nila. Narinig ko pa ngang tinawag siya ng ka-blockmate niyang babae at dun ko nalaman na ang pangalan niya pala ay "Aeron" at dahil sa kabilang room lang naman ang room niya napag-alaman kong Block C pala siya.

Time passed very fast. Second semester na ngayon. At pinili namin ng mga kaibigan ko na sa Block C mag-enrol dahil akala namin magiging instructor namin si Sir Mike sa Filipino na crush na crush ng kaibigan kong si Kheyq. Eh dahil mababait kaming kaibigan! Support-support din! Nakakatuwa kasi siyang magturo. Laging humuhugot.

Sumapit ang pasukan at hindi naman namin naging instructor si Sir Mike. Kaya sadlife si Kheyq. Kawawa namen! Gusto kong tawanan si Kheyq eh. Yung tipong Hashtag Asa Pa More! Bumalik tayo sa aking istorya.

Naging kaibigan namin nila Kheyq sina Ate Crain na kaibigan ni Aeron. Una, wala akong pakialam sa kanya. He's a friend to my friend. So what? I don't care.

I DON'T REALLY CARE.

But as the time passes, I got close to him. Siya yung tipo ng taong napaka-green minded, matalino, fluent mag-English- yung tipong kapag nagsalita siya sa harap eh makukuha niya yung atensyon ng lahat. Gwapo din siya. Isa siyang eksaktong depinisyon ng salitang gwapo. At ang pinaka-gusto ko sa kanya? Mahilig siya sa animé. At dun kami nagkasundo.

Gumagawa kami noon ng props para festival namin sa P.E.- February 13 at nakita kong nanunuod siya ng animé sa phone niya. Naririnig ko yung boses ng mga Nihonggo Dubbers.

"Ughhh!! Gusto ko ng umuwi!! Si Aeron kasi eh! Naririnig ko yung boses ng mga animé!" sigaw ko buti wala dun yung lider namin kundi napalipad na niya ako papuntang bahay.

"Mamaya ka umuwi Kierz. Ang dami pa nating gagawin oh." Sabi ni Ate Crain.

"Be, may ipapanuod ako sayo" sabi ni Aeron sabay tabi sa akin.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Para ma-appreciate mo yung Valentines bukas be" sabi niya.

"Ano ba yan?" Tanong ko ulit tapos inabot niya sa akin yung phone.

Pinanuod ko naman.

Maya-maya...

"Ay!!! Oh My Gash!!! Ayoko na nito!! Oh My!!" sigaw ko sabay hawak ko sa bibig ko at layo ng phone sa mukha.

Bigla kasing nag-kiss yung dalawang animé- na lalaki.

"Ano yun Kierzelle?!" Tanong nila Kheyq.

"Sa room di ko nakikitang sumigaw ng ganyan si Kierzelle oh! Dito lang! Ano ba kasi yan?" Sabi at tanong ni Ate Crain

Umiling-iling lang ako. Habang nakatingin ulit sa screen.

"Hay nako! Nag-sama yung dalawang mahilig sa animé!" Sigaw ni Rain, kaibigan din namin.

Si Aeron naman naka-smirk lang. Buset!!!

Yung may sumunod na kissing scene. Tinakpan niya yung bibig ko.

"Yung bibig mo na naman!" Sabi niya.

Kaya napatingin ako sa kanya. Eye-to-eye. Ang gwapo niya talaga.

*LUB-DUB-LUB-DUB-LUB-DUB*

Yung heart beat ko. Bumilis. Naabnormal na yata.

Yung tummy ko. Parang may umikot-ikot na hindi ko maintindihan.

Tinanggal ko yung kamay niya na iniharang niya sa bibig ko.

"Hindi naman na talaga ako sisigaw eh." Sabi ko sabay nanuod pa ako ng animé.

Alam mo yung nakakakilig? Kinikilig ako sa mga animé na ito kahit man-to-man relationship. Yung tipong mararamdaman mo na mahal na mahal talaga nila yung isa't isa. Oww! Buti pa tong mga ito may lovelife! Samantalang ako dito NBSB-for life na yata.

Ibinalik ko na kay Aeron yung phone niya.

Tumabi sa amin ni Aeron yung isa ko pang kaibigan na si Klaire.

"Aeron, may itatanong ako sayo.." sabi ni Klaire.

"Ano yun?" Tanong ni Aeron habang nilalagay yung phone niya dun sa bag niya tapos tingin kay Klaire.

Ako naman nakatingin lang kay Klaire. Nasa gitna kasi namin siya ni Aeron.

"Nagka-girlfriend ka na?" Tanong ni Klaire.

Nakita ko naman na nabigla si Aeron pati rin naman kasi ako nagulat sa tanong ni Klaire. Baliw na babae ito.

Bigla namang ngumiti si Aeron.

"Oo nagkaroon na ako ng girlfriend. Actually nakatatlo na akong girlfriend and I think seven na boyfriend" sabi ni Aeron.

"Oh?" Gulat na tanong ni Klaire

"Di nga?" Gulat ko ding tanong

"Yup. And lahat sila one-month lang."

"Oh talaga?" Sambit ko ulit

"Nakakaloka ka Aeron!" Sabi ni Klaire

"Bakit naman one month lang?" Tanong ko.

He just shrugged.

"Ewan ko. Ayoko lang. Ayokong umaabot ng one month and one day yung mga relationship ko"

"Grabe siya oh.." sabi ni Klaire.

Di pa siya siguro ready sa longer commitment.

Nung nalaman ko yun parang nalungkot ako. </3

Itutuloy...


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login