Download App

Chapter 2: Chapter 1

Chapter 1

NANLULUMO SI Oddyseus nang marinig na naman niya ang sigaw ng mga bata sa kalye na kaniyang nadadaanan.

"Kuba! Kuba! Ahh! Pangit! Pangit!"

"Sinumpa! Sinumpa! Pangit!"

Yukong-yuko siya habang naglalakad. Kahit hindi man siya yumuko, sasabihin paring nakayuko siya. Gustuhin man niyang patulan ang mga bata sa panlalait nito sa kaniya hindi niya magawa. Totoo naman kasi ang mga sinisigaw nito sa kaniya, saka ang totoo hindi niya kayang manlaban. Isa siyang mahina.

Hindi lang iyon. Mukha yata talaga siyang sinumpa dahil sa kaniyang anyo. May malaki siyang bukol sa kaniyang likod na kung saan tinatawag na kuba. Maging ang kaniyang mukha ay kulubot. Ang mga mata niyang parang tinunaw na kandila. Para iyong kipat kung titingnan. Hindi mo gugustuhing mapatingin sa kaniya.

Aakalain mo talaga na isa siyang masamang tao o aswang—ayon sa iba na hindi naman talaga totoo.

Bitbit ang basket ng kaniyang Ina na puno ng mga gulay at ulam nila ay nanginginig na naman sa takot ang buo niyang puso, maging ang kaniyang katawan. Hindi kasi minsan maiwasan ang mga taong may masasamang loob lalo na ngayon at ginabi na siya sa paguwi.

Minsan na siyang hinarangan noon ng mga malalaking kalalakihan at binugbog siya. Kinuha ang kaniyang pera na kinita niya sa pambebenta ng mga gulay at prutas na tanim ng kaniyang Ina. Hindi lang iyon, kinuha rin maging ang mga pinamili niyang pagkain para sa mga magulang.

Wala na siyang magawa ng araw na iyon kundi ang umuwi na lamang sa kanila na kaawa-awa.

Binilisan niya ang paglalakad nang makaharap na siya sa lugar kung saan nangyari ang pangyayaring iyon. Hindi narin niya naririnig ang mga batang nanlalait sa kaniya. Ibig sabihin umuwi na ang mga ito. Napagod na siguro sa kalalait sa kaniya.

Halos takbuhin na niya ang daan patungo sa kanila para lang maiwasan ang mga lalaking nagnakaw at nambugbog sa kaniya noon.

Papasok na siya sa kagubatan kung saan ang palagi niyang dinadaanan pauwi sa kanila. Sa tuwing dito kasi siya dumadaan madali lang siyang makarating sa kanila. Hindi tulad kapag dumaan siya sa kalsada malayo pa. Baka kanina pa siya hinihintay ng ama niyang si Romulos saka ng inang si Victoria.

Sa kaniya pa ang mga kasangkapang lulutuin para sa kanilang hapunan. Napapangiti na lamang siya sa masaya at simpleng buhay niya. Kahit na binigyan siya ng pangit na kaanyuan pinagpapasalamat niya parin iyon sa Diyos, dahil kahit papaano may nagmamahal naman sa kaniya. At iyon ang mga magulang niya.

Hahakbang na sana siya nang mapatigil siya, may narinig siyang boses. Nag-uusap ang mga ito. Mabuti na lamang at madilim ang gubat kung kaya't hindi siya maaninag ng mga ito. Agad siyang nagkubli sa isang puno.

Pinakinggan niya ang dalawang boses na nag-uusap. Kitang-kita niya ang mga anino nito habang papunta sa kaniyang direksyon.

"Bilisan na natin, insan. Baka kanina pa tayo hinahanap ng Ama mo. Masama pa naman 'yon magalit. Kailangan narin nating dalhin sa kaniya itong mga kamoteng kahoy..." ani ng isang matinis na boses ng babae, kausap nito ang kasama pang babae.

Hindi niya maaninag ang mga utsura nito dahil madilim na nga ang paligid at tanging boses lamang ang kaniyang naririnig at anino ng mga ito ang kaniyang nakikita. Huminto ang isang babae saka humarap sa may matinis na boses.

"Ako ang bahala kay Ama, ako ang kahinaan no'n, Adeva. Alam mo namang mahal na mahal ako no'n. Kaya bilisan na natin at baka kanina pa ako hinahanap no'n," wika ng isang malumanay na boses.

Hindi niya alam pero napangiti siya ng marinig ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Para kasing musika sa kaniyang pandinig ang boses na iyon.

Kay tagal narin ang lumipas at sa wakas narinig niyang muli ang boses nito. Lalabas na sana siya sa kaniyang pinagkukublian para puntahan ang dalawang binibini nang mapatigil siya. May malaki kasing boses ang sumigaw sa hindi kalayuan.

"Adeva! Olcea! Asan na kayo?!"

"Tiyo Agno! Andito po kami ni Olcea! Nagpapahinga lang saglit!" sigaw ng pinsan ni Olcea sa tiyuhin na sumisigaw.

Tumayo naman na si Olcea saka hinigit na ang pinsan para makalapit na sa amang papalapit sa kanila. Sinalubong agad sila nito na may pagaalala sa mukha.

"Anong oras na, Adeva at Olcea. Bakit andito parin kayo? Alam niyo bang malapit lang ang bahay ng kubang lalaking iyon dito sa gubat? Baka mamaya kayo ang isusunod 'nong biktimahin. Hali na kayo, Adeva at anak."

Mas lalo siyang nagsumiksik sa puno para hindi siya makita ng lalaking ama ni Olcea. At baka ano ang gawin nito kapag makita siya. Lalo na't inaakala nitong aswang talaga siya. Napailing na lamang siya saka napangisi ng mapait.

"Amang, hindi naman po kasi aswang si Oddyseus. Mabait kaya 'yon, tinulungan nga ako no'n nang maligaw ako rito sa gubat eh," pagtatanggol sa kaniya ni Olcea na siyang ikinangiti niya ng tuluyan.

"At kapag hindi ako dumating ng araw na iyon dito sa gubat at maabutan kayo, baka nadala ka na niya noon sa bahay nila at niluto. Huwag na huwag kang mapapaniwala sa ipinapakita ng aswang na 'yon, at siguradong may masama iyong intensyon at balak sa'yo. Kaya sa susunod kapag makita mo iyon, umiwas ka na, Olcea."

"Ama naman--"

"Huwag ka nang makipagtalo pa sa akin, Olcea at makinig ka na lamang. Hali na kayo. Huwag na huwag ulit kayo ritong dumaan na dalawa, at pupunta. Mahirap na."

Hindi na niya narinig pang sumagot si Olcea sa ama. Nagulantang na lamang siya nang huminto ito sa paglalakad. Lumingon ito sa likuran saka napatingin ito sa kaniyang direksyon.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang ngumiti ito at kumaway sa kaniyang direksyon.

Ganoon na lamang kabilis ang tibok ng kaniyang puso. Ang panghina ng kaniyang tuhod. Kung ganoon kanina pa alam ni Olcea na nandodoon siya sa punong pinagkukublian niya?

Sunod na lamang ang tingin niya sa dalaga na palundag-lundag sa paglalakad habang nakasunod sa likuran ng Ama nito at pinsan.

Mabuti na lamang at nang lumingon ito sa kaniya— ang dalaga, ay nakatalikod na ang pinsan nito at ama. Kung hindi baka katapusan na niya.

Nakatayo lamang siya doon habang nakasunod ang tingin sa likuran ng dalaga na unti-unting lumalayo sa kaniya.

Hindi niya alam pero noon pa, iniibig na niya talaga si Olcea.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login