Download App

Chapter 2: Chapter 1

"Good morning sweetheart!" Bati sakin Ng lalaking nasa harapan ko.

Tumango Lang ako at inayos Ang pagkakasabit Ng bag ko sa balikat ko.

"Hmmpp!" Narinig ko SA kanya Kaya napatingin ako sa mukha nya. Nakasimangot sya at nakatingin Ng masama sakin.

Ano naman bang ginawa ko?

"Bakit ganyan Ang mukha mo?" Tanong ko sa kanya at hinawakan Yung magkabilang pisngi at inistretch ko para ngumiti sya. Kailangan ko pang mag tiptoe dahil mas matangkad sya sakin.

Tinanggal nya Yung dalawa Kong kamay at hinawakan nya. Napabuntong hininga sya at tumitig sakin.

"Nakakainis ka talaga Zea" Sabi nya bigla.

Napakunot ako Ng noo

Ano naman Ang ginawa ko para mainis sya?

Magtatanong palang ako Ng bakit Ng bigla nya binitawan Ang kamay ko at tumalikod. Medyo na out of balance ako nun pero Hindi natumba.

Ano kayang problema nito? Baka Mali Ang gising?

Tumango tango ako bilang sang ayon sa naiisip ko.

"Nag good morning ako tas hindi manlang ako binati. Wala pang kiss or hug" bulong nya habang nakatalikod.

Biglang may umakbay sakin.

"Yow Zea! Good morning" napatingin ako.

Tumango ako sa kanya. "Good morning din sayo"

"Kamusta? Tapos na ba Ang project mo? Pede patulong ako mamaya?" Tanong nya.

Tumango tango ako bilang pag sang ayon. Tutal ipapasa ko na Yung akin mamaya Kay sir Leo.

"Salamat talaga! Nako makakapagpasa na—" napatigil sya Ng pagsasalita at napatingin sa unahan.

Napatingin din ako at sumalubong sakin Ang mga nanglilisik na mata nya.

"Yow Ji! Good morning! Di Kita napansin ah!" Bati Ng katabi ko sa kanya.

Nakapanlisik pa rin Ang mga mata nya.

"May problema ba kau?" Bulong sakin Ng katabi ko.

"Di ko Alam" bulong ko pabalik.

"Ahhhhhh!" Sabay turo nya samin. "Bakit mo inaakbayan Ang sweetheart ko! Anong karapatan mo?!" Sigaw nito Kaya pinagtitinginan kami Ng ibang estudyante.

"Sorry na Ji." Sabay tanggal Ng akbay nya.

"Magpapatulong Lang ako sa project ko" ngisi neto.

"Wag kang mag-alala na Ji, ok Lang naumakbay sya" sagot ko.

"Anong okay dun? Ako Lang dapat Ang umaakbay sau sweetheart. Bawal sa kahit na Sino, ako Lang!"

"Tsk! Possessive si Kua" bulong Ng katabi ko. Napatingin tuloy ako sa kanya at nangunot Ang noo.

" Hindi mo na nga ako binati Ng good morning tas sya binati mo? Ok Lang Sana kaso Wala manlang kiss or hug?" Nagtatantrums na Sabi Ni Ji. May kasabay pang pagdadabog Ng paa Kaya ako napalingon sa kanya. Napapatingin narito Ang ibang estudyante. (TT)

"Kaya naman pala galit sayo eh" Sabi Ng katabi ko Kaya tumingin ako SA kanya.

"Di mo pala binati at wala raw kiss. Nako batiin mo na baka ngumawa na Yan dyan at maglupasay" sabay alis nya.

Ahhhhhh Kaya pala sya nagalit kanina. (^^)

Tinignan ko sya. Nagsisipa sya Ng Kung ano. Wala namang bato.

may nakikita ba syang Di ko nakikita?

Napakamot ako Ng buhok ko at lumapit sa kanya.

Ng makalapit nako tinawag ko sya. "Ji!" Pagkatingin nya sakin hinatak ko Ang uniform nya papunta sakin.

Agad ko syang hinalikan sa pisngi. Mabilis Lang saka ako humiwalay.

"Good morning din, Jiro" tas ngumiti ako. Binitawan ko na sya at naglakad na papasok sa school.

______

Jiro's POV

Napatanga ako sa ginawa Ni Zea.

Hinalikan nya ako..... Sa pisngi...

Napahawak ako sa pisnging hinalikan nya. Ramdam ko pa Yung halik nya. Tas nag good morning pa sya ngumiti.

Kinikilig ako!!!! Sabay talon talon habang nakangiti. Habang ginagawa ko yun, tumitingin yung mga taong papasok Ng school.

"Mr. Montero, you look like an idiot there" napatigil ako Ng biglang nagsalita si Sir Leo.

"Good morning sir" Sabi ko. Tumango Lang sya at nagpatuloy pumasok sa gate.

Oo nga pala may klase pa

Bigla Kong hinanap si Zea. Nakita ko na lng syang nakatayo sa may tapat Ng gate at nakatingin sakin Ng diretso. Walang mababasa sa mukha nya kundi cold stare.

Hihihihi kenekeleg ako, tinitignan ako Ng Mahal ko.

Nag umpisa na Kong maglakad papunta SA kanya.

Zealyn Moire Vargas

Sabi nila bakit daw sya Ang nagustuhan ko eh para Wala naman syang emosyon?

Lagi pang malamig ang tingin sa mga tao. Para daw patay na naglalakad minsan.

Pero para sakin, sya Ang pinakamagandang babae na nilikha Ng Maykapal.

Maikli Lang ang buhok nya. Hindi aabot sa balikat. Medyo kulot Ang buhok nya pero di magulo tignan. Madalas na may pin sa ulo nya, pa Iba Iba pa Ang style sa araw-araw.

Ako Ang nagbigay sa kanya Ng mga hairpin Kaya Ang cute cute nya. (。♡‿♡。)

"Bilisan mo, baka malate na tayo" Sabi nya na nagpabalik sa katinuan ko.

"Ok sweetheart" at tumakbo papunta na sa kanya.

Nang makarating ako sa pwesto nya ay kinuha ko Ang kamay nya tsaka kami naglakad sa classroom namin.

Kaming dalawa ay nasa kolehiyo na at parehas na kumuha Ng Education na major in Elementary.

Gusto raw Kasi ni Zea na magturo sa mga Bata Kaya Yun Ang kinuha namin. Ako Naman eh gusto ko Lang sya talagang makasama Kaya ko kinuha yun. <( ̄︶ ̄)>

Proud Naman Ang mommy ko kasi teacher Ang kinuha kahit sakin ipapamana Ang kompanya nila ni Daddy.

Ok Lang Naman raw eh Basta makatapos ako.

"Ji"

"Bakit sweetheart ko?"

"Samahan mo ko mamaya sa library may ireresearch ako"

"Ok sige sweetheart"

Nasa tapat na kami Ng classroom. Papasok palang kami Ng may biglang sumigaw

"Arghhhhhh! Madaya ka! Dapat ako Ang panalo nun!"

"Sorry ka nalang Taba, nanalo ako"

"Pero madaya ka parin. Dapat pinagbigyan mo manlang ako!"

"Bakit naman Aber?"

"Ano kaba Kasi babae ako!"

Napatigil lahat Ng tao sa loob Ng classroom. Kahit ako napatigil din sa pag lalagay Ng bag ko sa upuan. Si Sweetheart Lang Ang Hindi dahil parang Wala Lang sa kanya Ang ayaw nila.

"Babae ka pala Taba? Hindi ko alam. Kahapon ka ba nagpatransgender?" Dahil dun napatawa Ang mga nanonood sa Kanila. Kahit iyong Iba na may sariling Mundo ay medyo na ngingiti.

Sino bang Hindi eh, ngayon ko Lang narinig sa kanyang mag proclaim na babae sya. Eh mas matigas pa sakin Yan Kung maglakad. Akala mo Hari Ng daan. Ang angas pa kamo makipag usap.

Ngingiti na rin ako Sana ako Ng nakita Kong nakatingin sakin si Zea.

"Bakit?" Tanong ko at tumingin sya dun sa nag aaway.

Pagtingin ko may kumalabog na Kung ano tapos bigla syang umalis, sabay sunod din Ng kaibigan nya.

Panigurado napahiya sya o Kaya nagalit na Kaya nag walk out.

"Kawawa Naman lagi nalang syang binubully. Magkaibigan Naman sila ah" naawang Sabi ni Zea kahit salungat ang tingin Ng mga mata nya.

Hayyy wala paring emosyon ung mukha nya pero...…

Ang cute nya mag alala

♡(ӦvӦ。)


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login