Download App

Chapter 2: Ang pagsisimula

"Ito ang kinaroroonan ng iyong kapatid." seryosong saad ng diyos ng mangangaso na si Amanikable kay Light na hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala sa kanyang nakita.

"Dinala siya rito ng witawit at gaya ng sabi ko wala na tayong oras."

"Sandali lang… Ipaliwanag…" putol na sabi niya dahil kaagad na dinugtungan ito ni Amanikable.

"Wala ng oras para ipaliwanag sayo ang lahat."

"Kailangan na nating puntahan ang iyong kapatid." dagdag na saad nito.

"Pero si Ama…"

"Mamaya na natin problemahin ang iyong ama, sa ngayon ay nasa delikadong kalagayan ang iyong kakambal."

Nauna na itong lumakad sa kanya palayo kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang sumunod rito.

"Nasaan ako?" mahinang tanong ni Dark sa kanyang isipan habang namamalikmatang tinatanaw ang disyertong kapaligiran.

"Mabuti naman at gising kana."

Saad ng babaeng nasa kanyang harapan at iyun ay si Ms. Sapphire ngunit nakasuot ito ng maitim na balabal at may hawak na isang tungkod na sa dulo ay mayroong napakatulis na ispada habang siya naman ay nakaupo at nakatali ang katawan sa kadena sa harapan nito. Nakasuot parin siya ng uniporme at nasa kanyang balikat parin ang kanyang bag. Nasa gitna sila ng napakainit na disyerto at isang lumilitaw na malapad na bato ang tanging nagsisilbi nilang bubong.

"Sabihin mo sa'kin ngayon ang kinaroroonan ng iyong kakambal."

Sa halip na sagutin ang tanong nito ay tumawa lamang siya ng malakas.

"Sino ka ba talaga at bakit tayo nandito sa lugar na to?"

"Ikaw ay nasa aking dimensyon." seryosong tugon nito.

"Napaka-cool naman! Hinawakan mo lang ang braso ko tapos narito na tayo ngayon sa isang disyerto. Grabe!!! Parang nasa pananginip lang."

"Sabihin mo nga sakin… Isa ka bang high class na magician, isang time traveler o hindi kaya isa kang real life character sa jujutsu kaisen? Alam mo yun… Yung ginagawa nilang domain expansion katulad nina…" sunod-sunod niyang sabi rito sabay bilang ng kanyang mga kamay.

"Yuji Itadori, Satoru Gojo, Megumi Fushiguro at…" napatigil siya dahil kaagad nitong dinugtungan ang sasabihin niya.

"Sabihin na nating mas higit pa ako sa kanila… Ako ay pinuno ng mga witawit, ang tagakuha at tagapaghatid ng mga kaluluwa sa kabilang mundo."

"Parang isang grim reaper!? Ang cool naman!" ngiting sabi niya rito.

"Talaga? O di kaya mas mabuting patahimikin ko yang bibig mo!" sabay tutok sa hawak nitong sandata sa kanya.

"Sabihin mo na sa'kin kung nasaan ang iyong kapatid."

"Ano ba kasing kailangan mo sa'min?"

"At isa pa bakit mo ko dinala rito?" dagdag na tanong niya.

"Matagal ko na kayong hinahanap at ng mga alagad ko."

Pumaligid ito sa kanya at inilagay ang sandata sa balikat nito.

"Naalala kong nawala ang pinakamatapat kong alagad dahil sa ina mo."

Nabigla siya ng marinig ang sinabi nito tungkol sa kanyang ina.

"Alam mo bang matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito… Ang pagkakataong ako mismo ang magdadala sa inyo sa kasanaan kaya sabihin mo na sa'kin kung nasaan ang kapatid mo." seryosong saad nito sa kanya

"Bago yan ay kailangan mo munang tanggalin ang pagkakatali ko at sasabihin ko sa'yo kung nasaan ang kapatid ko."

Idinikit nito ang matulis na espada sa kadena, nagliyab ang sandata nito ng kulay asul na apoy at natunaw ang kadenang nakatali sa kanya.

"Kapag hindi mo tinupad ang sinabi mo siguradong malilintikan ka sa'kin."

Tuluyan na siyang nakawala sa kadena. Tumayo siya sa harapan nito at ngumiti.

"Oo nga pala hindi ko pa alam kung anong totoo mong pangalan…"

Sa halip na sagutin siya nito ay itinutok nito ang sandata sa kanyang leeg.

"Tanging Sapphire lang naman ang pangalan ko at sinabi ko na sayong malilintikan ka sa'kin kung hindi mo tinupad ang sinabi mo."

"Oo na! Oo na!"

"Hindi ko talaga alam kung nasaan ngayon si Light at isa pa bakit pa kailangan mo akong tanungin samantalang may kapangyarihan ka naman. Hindi ba?" aniya at napangiti pa sa tanong niya rito. Ibinaba nito ang sandata na nakatutok sa kanyang leeg.

"Mukhang hindi pa nga sa inyo ipinaalam ng inyong ama ang tungkol sa totoo niyong pagkatao."

"Totoong pagkatao?" ikinagulat niya ang sinabi nito ngunit hindi ito sumagot. Isang napakalakas na halikhik lang ang natanggap niya rito.

"Bakit? Anong nakakatawa dun?"

"Wag mong sabihin sa'kin na hanggang ngayon ay hindi mo pa alam ang tungkol sa iyong kapangyarihan."

"Anong kapangyarihan ang pinagsasabi mo? Ibig mo bang sabihin ay katulad mo rin ako na kayang gumawa ng magic-magic na yan!" tila excited na reaksiyon niya.

"Pwede ba wag mo akong lokohin. Alam kong nagpapanggap ka lang na hindi mo alam ang pinagsasabi ko."

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

"Sabihin mo na sa'kin kung nasaan ang kapatid mo."

"Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa'yo na hindi ko alam."

Maya-maya ay may nagsalita mula sa kanyang likuran.

"Narito ang hinahanap mo."

Kapwang napatingin sila sa kinaroroonan ng boses. Nakita niya roon si Light ngunit may kasama itong lalaki. Mga limang metro ang layo ng dalawa mula sa kanila.

"Light… Mabuti at nandito ka." saad niya at tatakbo sana siya sa kinaroroonan nito ng biglang itinaas ni Sapphire ang sandata nito at muling itinuon sa kanyang leeg.

"Matagal na tayong hindi nagkita Sapphire." ani ng lalaking kasama ni Light habang si Light ay makikitang bakas ang pag-aalala nito sa mukha.

"Ikinalulugod ko ring muli kang makita Amanikable."

Bigla-bigla siyang napatawa sa sinabi ni Sapphire. Sa palagay niya ay napakapangit pakinggan ang pangalan ng lalaking kasama ni Light.

"Itigil mo yang kakatawa mo dahil kung hindi ay matutuluyan ka sa'kin." may pagkaseryosong banta sa kanya ni Sapphire kaya napahinto siya sa kakatawa.

"Ibigay mo sa'kin ang kakambal ng lukong ito." ang lukong tinutukoy ni Sapphire ay siya.

"Ano mang nais mo mahal kong binibini." pabolerong sagot ni Amanikable.

Tumingin ito kay Light at agad na pumaroon si Light sa kinaroroonan nila ngunit may napansin siyang kakaiba sa kapatid. Hindi ito tumitingin sa kanya. Dumiritso lamang ito sa kaliwang bahagi ni Sapphire at agad-agad na hinawakan ang balikat ni Sapphire.

"Matulog ka." ani Light.

Laking gulat niya ng unti-unting ibinaba ni Sapphire ang sandata at napatumba sa disyertong buhangin. Napatingin siya sa lalaking kasama ni Light ngunit wala na ito roon, nabigla na lamang siya ng lumitaw ito sa kanyang harapan galing sa kawalan. Hinawakan nito ang kanyang kamay at ang kamay ni Light. Kaagad na nagbago ang paligid. Unti-unting bumalik ang mga matatayog na gusali at ang mga taong nakalutang sa himpapawid.

"Light… Ano bang nangyayari sayo?" pag-aalalang tanong niya kay Light. Ilang beses na siyang pilit na nakikipag-usap rito pero hindi parin ito tumutugon. Nakatayo sila sa gitna ng kalsada kasama si Amanikable.

"Nasa aking hipnotismo ang iyong kapatid kaya hindi siya tumutugon sa mga tanong mo." ani Amanikable na nasa kanyang kanan.

"Katulad ka rin ba ng babaeng yun." ang kanyang tinutukoy ay si Sapphire. Ang nagpakilalang witawit.

"Wag mong sabihing isa kang superhero… Lumilipad kaba katulad ni Superman, kasinglakas kaba katulad ni Hulk o isa ka lang walang kwentang superhero katulad ni Batman!?" sunod-sunod na saad niya.

"Mas higit pa ako sa kanila."

"Ibig mo bang sabihin isa kang diyos?"

"Paano kung sabihin ko sa'yong oo." Tumingin ito sa kanya ng napakaseryoso.

Napahalikhik lamang siya sa sinabi nito ngunit bigla nitong itinaas ang mga kamay at itinutok sa himpapawid. Kinalaunan mula sa mga kamay nito ay may lumabas na liwanag. Napatitig lamang siya sa ginagawa nito. Unti-unting pumaibaba ang mga taong natutulog kasama na roon ang kanyang ama hanggang tuluyang bumaba ang mga ito sa kalsada. Lumingon si Amanikable sa kanya at ipinitik ang kanang kamay. Galing sa kawalan ay may lumitaw na isang ginintuang barko. Biglang itinutok nito sa kanya ang daliri.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

Maya-maya ay napansin niyang lumilitaw siya sa hangin. Nakita niyang lumilitaw rin si Light kasama ng kanyang ama na mahimbing paring natutulog. Pumunta sila sa ginintuang barko. Napanganga siya sa kanyang nakita. Halatang napansin ni Amanikable ang kanyang pagkamangha kaya gumuhit ang ngiti sa mga labi nito.

"Mamaya ko na saiyo ipaliwanag." saad nito.

Sakay ng ginintuang barko ay manghang pinagmamasadan ni Dark ang puting ulap sa kalangitan. Lumilipad ang barko sa himpapawid at tila mga munting alon ang mga puting ulap na nadadaanan nito. Nasa dulo siya ng barko at pikit-matang itinaas ang mga kamay habang nilalasap ang preskong hangin.

"Salimbal." ani Amanikable na nasa kanyang likuran. Napalingon siya rito.

"Hindi. Dark ang pangalan ko."

Napangiti ito.

"Hindi. Ang ibig kong sabihin ay ang ginintuang barko na sinasakyan natin ngayon."

"Totoo nga palang isa kang Diyos. Anong klaseng Diyos ka? Masama o mabuti?" aniya.

"Hindi ko masasabing masama ako at hindi ko rin masasabing mabuti ako."

"Ibig mo bang sabihin naguguluhan ka."

"Katulad ng tao, kami ay pwedeng magbago. Pwedeng ngayon kami ay mabuti at pwedeng bukas ay hindi."

"Akala ko ba ang diyos ay perpekto."

"Sinasabi ko sayo…" tumingin ito ng seryoso sa kanya.

"Walang perpekto. Lahat ay kailangang dumaan ng hirap at pagtitiis, pagkakamali at kawalan ng pag-asa."

Hindi siya makapagsalita sa sinabi nito. Iniba na lamang niya ang usapan.

"Si Light? Nasaan siya?"

"Nasa loob siya. Siguro ay gising na siya sa pagkakataong ito."

Kaagad siyang tumungo sa loob ng barko. Nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ay nakita niya si Light na pinipilit ang sariling makatayo sa higaan.

"Light… Mabuti naman at gising kana." agad siyang pumunta rito at inalalayan niyang tumayo.

"Nasaan tayo?" tanong ni Light habang lumilinga-linga sa paligid.

"Nasa…" putol na saad niya dahil kaagad rin itong dinugtungan ni Amanikable.

"Kayo ay nasa aking salimbal. Wag kang mag-alala, ligtas kayo rito."

"Ang sakit ng ulo ko." reklamong saad ni Light ngunit hindi na niya ito sinagot. Napatingin na lamang siya kay Amanikable.

"Si Ama? Nasaan siya?" tanong ni Light sa kanya.

"Wag kayong mag-alala. Nasa kabilang kwarto ang inyong ama. Nagpapahinga parin siya sa mga oras na ito." mahinang sagot ni Amanikable sa tanong ni Light.

"Siguro ay naguguluhan kayo sa mga pangyayari." dagdag nito.

"Yun na nga ang nais kong malaman." aniya.

"Ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat." kaagad itong pumunta sa gitna at unti-unting lumabas mula sa sahig ang isang napakalapad na mesa.

"Ito ang Daranggan. Ang tagapaglahad ng kahapon at ng kinabukasan."

Kapwa lamang silang nakatingin sa mesa. Di-nagtagal ay nag-iba ang anyo nito. Unti-unti itong humugis ng tao. Isang babaeng nakasuot ng damit pandirigma ang kanilang nakita.

"Ito ay iyong ina. Siya ay si Hukluban, ang diyos ng kamatayan at ang pinakamatapat na alagad ni Sitan." wika ni Amanikable na nakatingin sa estatwa ng kanilang ina. Kinalaunan ay nag-iba na naman ng anyo ang mesa. Ang kanilang ama't ina ang kanilang nakita mula roon.

"Nakilala ng inyong ina ang inyong ama sa nayon ng kasanaan at umibig siya rito."

"Kasanaan?" kunot-noong tanong niya rito.

"Ang kasanaan ay ang lugar ng mga kaluluwa. Ibig sabihin ay namatay na ang inyong ama ng makilala siya ng inyong ina."

"Ngunit bakit buhay pa si ama?"

"Dahil labag man sa utos sa kabilang mundo ay nagpasyang buhayin ng iyong ina ang inyong ama kaya magpahanggang ngayon ay buhay pa rin ang inyong ama."

"Paano si ina? Nasaan siya?" tanong ni Light.

"Ang inyong ina ay nahuli ng mga witawit at ngayon ay pinaparusahan siya sa nayon ng kasanaan."

"Ang tinutukoy mong witawit ay yung ang babaeng nagngangalang Sapphire. Hindi ba?" aniya.

"Si Sapphire ay ang pinuno ng mga witawit ngunit isa lamang siya sa libo-libong tagapagsundo ng mga kaluluwa."

"Ibig mo bang sabihin marami pang katulad niya?" ani Light.

"Tama." sagot naman ni Amanikable.

"Bakit nila kami tinutugis?" tanong niya.

"Isang napakalaking kasalanan na umibig ang isang Diyos sa isang mortal at kung magkakaroon man sila ng supling ay nakatadhanang mamatay ang kanilang sanggol simula pa lamang ng mabuhay ang mga ito. Tungkulin ng mga witawit na kunin ang mga kaluluwa sa mundong ito kaya naman kayo ay tinutugis nila kasama narin ng inyong ama."

Nagkatinginan silang dalawa ni Light. Nakita na naman nilang nagbago ng anyo ang mesa at nakita nila roon ang kanilang ina na nakikipag-usap sa isang lalaki.

"Ang inyong ina ay nagkaroon ng isang kasunduan kay Bathala. Si Bathala ay ang diyos sa lahat ng mga diyos."

"Anong kasunduan?" aniya.

"Sapagkat nakatadhana na kayong mamatay simula ng kayo'y isilang kaya ginawa ng inyong ina ang lahat upang kayo'y mabuhay. Ang protektahan kayo habang kayo ay lumaki kaya naman ako bilang diyos ng mangangaso ay tungkuling protektahan kayo ngunit…" putol na saad nito.

"Ngunit ano?" tanong ni Light.

"Kailangan niyong makapasa sa demigods exam."

"Demigods exam?" tanong niya.

"Oo. Ito ay isang exam para sa mga kalahating mortal at kalahating diyos ngunit…"

"Ngunit ano na naman?" taas-kilay na tanong niya.

"Hindi niyo maaaring ipaalam ang inyong totoong pagkatao sa ibang kalahating diyos roon."

"Bakit?"

"Dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng mga aplikante na konektado kay Sitan at isa na kayo roon."

"Kung ipinagbabawal kami roon bakit kailangan pa naming pumunta doon?"

"Wala akong kasagutan sa tanong mong yan… Tanging alam ko lang ay kailangan niyong pumunta at makapasa doon ayon sa kasunduan ng iyong ina at ni Bathala."

"Paano kung malaman nila ang totoo naming pagkatao?" dagdag na tanong niya.

"Nasa inyong mga kamay na ang bagay na yan… Ang kailangan nyo lang gawin ay mag-ingat sa lahat ng inyong mga ikinikilos at kung may pagkakataong mang may nais na makilala kayo sabihin niyong kayo ay aking mga anak."

Lubos na tinandaan niya ang mga sinabi ni Amanikable.

"Sandali nga muna… Ibig mo bang sabihin kami ay kalahating mortal at kalahating tao?" kunot-noong tanong ni Light.

"Mahirap mang paniwalaan ngunit ganun na nga." sagot ni Amanikable.

"Oo nga pala… Saan tayo papunta?"

Bahagyang napangiti si Amanikable sa tanong niya.

"Nakalimutan kong sabihin sa inyo… Papunta na tayo sa demigods exam."

Kapwa sila seryosong napatingin kay Amanikable. Napatingin naman ito ng malalim sa kanila.

"Alam kong naguguluhan kayo ngunit darating din ang araw na maliliwanagan kayo ng lubusan."

Humakbang na ito patungo sa pintuan.

"Narito na pala tayo." ani Amanikable sa kanila.

Tumungo rin sila sa pintuan at sumunod kay Amanikable sa paglabas. Patuloy parin sa pagtakbo ang salimbal patungo sa isang isla. Habang papalapit sila sa isla ay kunot-noong napatingin siya rito. Mula sa himpapawid ay parang namumukhaan niya ang islang ito.

"Kung hindi ako nagkakamali. Narito tayo sa Coron, Palawan… Hindi ba?"

Lumingon sa kanilang kinaroroonan si Amanikable.

"Tama ka."

"Anong ginagawa natin rito?"

"Ito ang pintuan patungo sa ibang dimensyon. Ang aking tinutukoy ay ang demigods exam na inyong pupuntahan."

Kinalaunan ay napansin niyang nag-iba ang kulay ng mga ulap. Naging kulay rosas ang mga ito. Unti-unti niyang napansin na nasa ibang dimensyon na sila. Napuno ng mga nagliliparang salimbal ang himpapawid patungo sa isang lumulutang na isla. Mula sa malayo ay matatanaw sa isla ang isang napakalaking palasyo na puno ng kumikislap at berdeng-berde na mga puno. Sumasabay naman sa ihip ng hangin ang makukulay na mga ibon.

"Anong klaseng ibon yan?" tanong niya sabay turo sa mga ibong lumilipad.

"Yan ay ang mga ibong adarna."

Tunay ngang nakakamanghang tingnan ang mga ito habang ipinapagaspas ang mga makukulay na pakpak. Habang papalapit ng papalapit sila sa isla ay mas lalong manghang-mangha siya sa kanyang mga nakikita. Napakarami rin palang matatayog na mga gusali rito. Makikita rin ang mga taong nagkukumpulan sa isang daungan na siyang kanilang hinintuan. Tila batang napatakbo siya sa daungan. Linga roon, linga rito ang kanyang ginawa. Tila nasa isang paraiso sila.

"Napakaganda rito." aniya na halos lumaki na ang mga mata sa kakatingin sa paligid.

"Naroon ang lugar kung saan gaganapin ang demigods exam." saad ni Amanikable na nasa kanan ni Light sabay turo sa napakalaking palasyo na nasa tuktok na lugar.

"Talaga!? Eh… paano tayo makakapunta roon?" tanong niya.

"Ayun ang sasakyan natin."

Isang napakakulay na jeepney ang itinuro ni Amanikable ngunit ang nakakamangha ay lumilipad ito.

"Hali na kayo… Bawal tayong mahuli."

Kaagad na sumakay sila rito. Wala namang gaanong tao sa loob hindi katulad ng tunay na jeepney sa labas ng mundo na halos magkaumpugan na sa siksik.

Hindi parin mawala ang pagkamangha ni Dark habang papalapit sila sa matayog na palasyo. Mas lalong napakaganda nito sa malapitan. Di-nagtagal ay unti-unti silang lumapag sa marmol na kalsada. Kumaripas siya sa pagbaba at lumilinga-linga parin sa paligid. Kumikislap-kislap ang berdeng-berde na dahon ng mga puno. Hitik rin ito ng mga bunga. Parang nasa sinaunang Babylonia sila. Sumusunod lamang sila kay Amanikable kung saan ito patungo. Kinalaunan ay bumugad sa kanila ang isang kulay pilak na gate. Napakataas nito, halos hindi na nila makita sa loob.

"Hanggang dito lamang ako." ani Amanikable sa kanilang dalawa.

"Hindi mo ba kami sasamahan sa loob?" aniya.

"Hindi. Tanging mga aplikante lamang ang maaaring makapasok sa loob."

Hindi na lamang siya umimik. Napatingin siya kay Light.

"Paano si ama?" tanong ni Light kay Amanikable.

"Wag kayong mag-alala. Sisiguraduhin kong ligtas ang inyong ama."

Biglang bumukas ang napakalaking pintuan ng gate. Unti-unti silang pumasok sa loob.

"Kailangan nyo lang hanapin ang venue ng demigods exam. Goodluck at wag nyong kakalimutan ang mga paalala ko." malakas na sigaw ni Amanikable sa kanilang dalawa habang papalayo sila rito.

"Maligayang pagdating sa demigods exam." ani ng lalaking sumalubong sa kanila ni Light.

"Heto ang inyong mga numero at maaari na kayong pumasok sa loob." ngiting dagdag nito.

Binigyan sila nito ng tig-isang maliit na rektanggulong papel at may nakalagay roon na numero. Number 890 ang numerong nakuha ni Light samantalang number 891 naman sa kanya. Idinikit nila sa kanang bahagi ng kanilang dibdib. Pumasok na sila sa venue ng demigods exam. Bumugad sa kanila ang napakaraming tao sa loob.

"Marahil ito rin ang mga aplikanteng sasabak sa demigods exam." saad ng kanyang isipan habang tinitingnan ang bawat tao roon.

"Hi. Marahil kayo ay mga baguhan… Tama ba?" ani ng lalaking pumunta sa kinaroroonan nila. Parang kaedad lamang nila ito. Matagal na hindi sila nakasagot rito. Napatawa ng malakas ang lalaki.

"Wag kayong mag-alala hindi ako katulad ng iba diyan na pinapahamak ang mga baguhang sasabak sa exam na ito. Ako nga pala si Keith. Ako ang anak ni Dalikamata." pagpapakilala nito.

Ibinigay nito ang kanang kamay upang makipagkamay sa kanila. Naisip niya ang paalala ni Amanikable sa kanila bago niya tinanggap ang pakikipagkamay rito.

"Ako nga pala si Dark at siya naman si Light…" napahinto siya sa pagsasalita dahil dinugtungan ito ni Keith.

"Parang biyak ng bunga ang pagkakahawig niyo… Ang pagkakaiba lang ay ang buhok at suot niyong damit."

Napangiti siya sa sinabi nito.

"Ganun na nga…" napalingon siya kay Light na seryosong tumingin naman sa kanya bago niya sinabi ang susunod niyang sasabihin.

"Kami ay anak ni… Amanikable." putol na saad niya.

"Kung hindi ako nagkakamali ang inyong ama ay ang diyos ng mangangaso."

"Oo… Oo…" pekeng-ngiting sabi niya.

Napalingon si Keith sa napakaraming taong naghihintay rin sa pagsisimula ng demigods exam.

"Tamang-tama ang dating niyo… Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang demigods exam."

Lumingon naman ito sa kanila.

"Sa palagay ko ay kayo lamang dalawa ang mga baguhang sasabak sa exam na ito."

Nagulat siya sa sinabi nito.

"Talaga!? Ibig mo bang sabihin sumubok ka na sa exam na ito noon pa?"

"Sinabi mo pa… Hindi lamang isa kundi tatlong beses na akong sumubok rito at ngayon ay ang pang-apat pagkakataong susubok ako sa exam na ito."

"Ganun ba talaga kahirap ang exam na to?" tanong niya sa isipan.

Lumingon siya kay Light. Wala parin itong imik at hinayaan na lamang niya ito. Maya-maya ay nabigla sila sa isang nakamikroponong boses. Babae ang nagsasalita sa mikropono at sadyang napakalambing ng boses nito.

"Isang maligayang pagbati sa lahat ng mga aplikanteng sasabak sa ikalimang season ng demigods exam. Ikinalulugod kong sabihin sa inyo na binubuo ng 891 na mga aplikante ang exam na ito. Ako nga pala si Saria, ang unang examiner sa inyong unang pagsubok."

Pagkatapos sabihin ng nakamikroponong boses ang sasabihin nito ay biglang bumukas ang bubong ng venue. Nagulat sila ng unti-unting pumaitaas ang kanilang tinatapakang sahig hanggang makarating sila sa himpapawid.

"Sa unang pagsubok ay ipinagbabawal na gamitin ang inyong mahika at kung sino man ang hindi sumunod rito ay maaaring matanggal agad sa unang phase ng inyong exam."

Nagkatitigan silang tatlo. Nabigla sila sa sunod na sinabi nito.

"At lahat kayo ay maglaban-laban sa isat-isa sa pagsubok na ito."

"Ano!? Maglaban-laban sa isa't-isa?" gulat na saad niya.

"Pumili na kayo ng inyong magiging sandata." sabi ng nakamikroponong boses.

"Anong sandata ang sinasabi niya?" ani Keith na nasa kanyang likuran.

Maya-maya ay biglang nahulog mula sa kanilang itaas galing sa kawalan ang iba't-ibang klase ng mga sandata. Mayroong espada, sibat, palakol, palaso at latigo. Sinalo ng mga aplikante ang sandatang nais nilang gamitin. Sinalo niya ang espada, sinalo naman ni Light ang palaso samantalang si Keith naman ay sinalo ang sibat.

"Ngayon ang unang pagsubok ay magsisimula na." masayang saad ng nakamikroponong boses.

Saglit na tumahimik ang paligid. Ang bawat aplikante ay tila hindi makagalaw sa kanilang posisyon. Napahinto ang mga ito saglit at kasama na sila roon. Di-nagtagal ay biglang may isang aplikante na sumugod sa kapwa niya aplikante hanggang magkagulo ang mga aplikanteng naroon. Kanya-kanyang sugod, ilag, sipa at suntok ang ginawa ng mga ito. May isang aplikanteng sumugod sa kanya. Mabuti na lamang at nakailag siya ng mabilis. Sinipa niya ito ng malakas at napatumba ito. Napansin niyang si Light ay walang imik at hindi gumagalaw sa dati niyang pwesto. Tumitingin lamang ito sa mga nagkakagulong aplikante sa paligid. Tiningnan niya ito ng seryoso. Tanging blangkong mukha lamang ang ginawa nito. Maya-maya ay nagulat siya ng mag-iba ang kulay ng mata nito. Naging kulay asul ito.

"Huminto kayo." mahinang saad ni Light.

Sa kanyang pagkamangha ay biglang huminto ang lahat ng mga aplikanteng naroon at kasama na siya. Maliban kay Light ay tila naging estatwa silang lahat sa kanilang tinatayuan. Hindi niya alam kung anong ginawa ni Light ngunit isa lang ang alam niya. Gumamit si Light ng mahika na sadyang ipinagbabawal sa unang pagsubok.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login