Download App

Chapter 13: Entry #13

"Hi, Lou!" bati ni dexter sa kasama ko. He is wearing a white clinical uniform, with black socks and black rubber shoes. May face mask din siya na bahagyang nakasabit sa kaliwang tenga niya. He is skinny and tall. His hair is scruffy as always. Tuwing nakakasalubong ko siya, ganyan itsura niya.

"Ay, ikaw pala, Dex! Pasan ka?" Ailou smiled in return. I looked down. Her shoes is pointing towards Dexter. And just now, I saw her eyes twinkled. Then in just a split second, her eyes changed.

Wow, ayos. Best actress din tong isa, ah. May hidden talent. Bravo.

"Ah, sa council sana. Kailangan na kasi naming matapos 'tong clearance para makapag-exam."

"Ay, oo pala. Mauuna kayo sa'min."

I just stood there. Watching them both. Psychologizing them, char. Basta, yung binabasa ko yung galaw nila? HAHA. This is the part where I'm gonna use my course. It's pretty useful. Like when you want to find out who likes who, sinong in denial, at sino ang mga manloloko.

"Ah, Penelope, kelan ba kayo magsisimulang pumirma ng council? Tsaka, anong requirements?" He finally turned to me. Finally, I exist.

"Ah, hindi ko pa alam eh. Itatanong ko nalang kay ate Gov. I-notify ko nalang kayo about sa details, ha. "

"Salamat, Pen! The best board member ka talaga. haha" He said. I just laughed in return. I often hear that feedback from everyone. Well, council is my life.

"Okay. Sige lou, mauna na'ko. Kailangan ko pa magpapirma sa OSAD." pagpaalam niya. Mukhang nagmamadali rin eh. Haist. Medtech pips must be in a chaos now. Balita ko, sobrang hectic ng schedule nila. I rarely see them here in the campus, hanging out. Nasa laboratory, classroom, o library lang yata ang tambayan nila.

"Sige, regards mo nalang ako kay Kaye, ha?" Yun yung huling sabi ni Ailou.

"Hoy," tawag ko sa kanya nang masigurong malayo na si Dexter. She then turned to me with a puzzled look on her face.

"Ano?"

"Crush mo ba siya? May gusto ka sa kanya, no? Nakita ko."

"Huh? Gagu. HAHAHA. Paano mo nalaman?"

"Kasi Psychology major ako. Nabasa ko isip mo. Di'ba, basta psychology, nangsa-psycho?" pagbibiro ko sa kanya. Charot lang. We, Psychology majors don't read minds. We observe behavior and interpret them using the knowledge from our studies. We only deduce. But since humans are complex beings (that is, maraming factors at dahilan kung bakit siya ganon umasta), hindi lahat ng nababasa namin sa galaw ng isang tao ay tama. Maaari rin kaming maging mali.

So ang ginagawa ko ngayon kay Ailou, I am trying to confirm my hypothesis.

"Gagu ka talaga! Hahaha! Ano ka, si madam Auring?"

"Nope. Who is madam Auring? Call me, madam Penelope. "

"HAHAHA! Gagu ka talaga!"

Lagi nalang akong tinatawag na gagu neto. Tsk. Hindi na ako majo-joke! Ang hirap naman kasi pag havey yung joke ko, HINAMPAS NA NAMAN AKO. Eh ang sakit-sakit na! Galing ah, dinadivert niya yung topic. Kala mo makakawala ka sa'kin?

"So, ano? Crush mo talaga siya, no? Yieee! Mukhang close din kayo nun ah?" Hindi sa chismosa ako, ah. Pero parang ganun na nga. Pero kasi, kaibigan ko naman siya, so okay lang naman yun di'ba? Hindi ko naman siya pinipilit o ano.

"Hindi."

Di ko pa rin siya tinantanan. Sinundan ko ng mapang-asar na ngiti ang direksyon ng mukha niya. "Hindi mo crush. Love lang?"

"Hmm. Pfft. HAHAHAHA. " She nodded while laughing. Asus, nandiri pa. At nung nakamove-on na siya sa pandidiri niya, sa wakas, nagkwento na rin si lola Ailou.

"Classmates kami simula kinder. Madalas tambay siya sa bahay, kami ng barkada namin. Magkasama kami sa writing organization ng school. Ewan. Nangyari lang. Di ko alam kung bakit ko siya nagustuhan. Alam ko namang budoy yun. HAHA! Pero..."

"I see. So kaya wala kang lovelife ay dahil friendzoned ka? WAHAHAHA"

"Gagu. Hahaha. Oo. Ikaw nga diyan eh."

"Anong ako? Friendzoned ako, pero never naman akong umamin sa kanya. Wala siyang alam. Nakamove-on na ako ngayon pero siya wala pa ring alam. Ikaw ang di pa nakamove-on diyan," sabi ko sabay belat sa kanya.

Sa totoo lang, mas mahirap nga naman makamove-on sa kalagayan niyang yan. Matagal ang pinagsamahan nila. The bond of friendship is deep. Hindi mo basta-basta mabibitawan ang isang taong napamahal sa'yo kapag mas marami kayong pinagsamahan, at mas malalim ang inyong nararamdaman para isa't-isa.

Lalong lalo na, ang pagkakaibigan nila. Pag umamin siya, magiging kumplikado.

Nakakatakot. Nakakatakot mareject.

"Wala pa naman siyang girlfriend, di'ba?"

"Wala pa, yata. Bakit?"

"Hmm. Pwede mo pang ligawan. Tutulungan kita," I proposed while wiggling my eyebrows.

"Gagu, wag na. Wala akong planong mapahiya, no. Hayaan mo siya diyan. Tsaka, kaya ko na'to."

"Hmm. Halata nga kanina. Best in hide and seek ka ng feelings mo kanina. Sige. If that's your decision."

"Hi, madam!" I turned at my side, I saw Arnaisa waving at us.

"Madam, tulungan mo'ko dito!" sigaw ni ate Van habang bitbit ang makapal na brown envelope. "Woah. Ang bigat-bigat! Ayoko na. Tulungan niyo'ko please." Halos mapunit na ito sa kapal ng mga papel na nakalagay doon at nahuhulog na rin ang iba, natatarantang sinasalo lang ni ate Vanessa.

Lumapit ako sa kanya at kinuha ang ibang mga nakapatong na papel. Bagong print pa yung iba base sa texture. Walang gusot at marka. Inilapag namin ang mga papel sa bench na kinauupuan namin ni Ailou.

"Hay, kapagod! Ang daming tao sa net café! Tapos si kuya na nagbabantay, hayun, inuna pa ang pakikipaglandian dun sa isang HRM na student. Ang kapal ng mukha! Di naman gwapo! Alam namang maraming nakapila! Jusmiyo, nag-init yung dugo ko kanina, ah. Ang laking pasalamat ko dun sa lalake. Kung hindi niya pinagsabihan si kuya, hindi namin ito mapiprint. Huhu. Bukas pa naman kami magde-defense." Mahabang reklamo niya sa'min.

"Kalma, ate Van."

Bumuntong hininga si ate Van. "Hay. Oh, anyare sa'yo lou?"

"Wala ah."

I answered in behalf of my in denial friend. "Friendzoned problems."

At syempre, dahil likas na mausisa tong dalawang to, edi kwinento ko na ang nangyari. Detailed by detailed. May kasama pang dramatization yan para dama. Naputol lang yung kwento ko dahil tumunog na ang aming bell. Hudyat na magsisimula na ang klase namin sa Social Psyc.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login