Download App

Chapter 7: Fallen Star 7:Dance with......you?

'๐™ฝ๐šŽ๐šŸ๐šŽ๐š› ๐š–๐š’๐šœ๐šœ ๐šŠ ๐šŒ๐š‘๐šŠ๐š—๐š๐šŽ ๐š๐š˜ ๐š๐šŠ๐š—๐šŒ๐šŽ ๐š ๐š’๐š๐š‘ ๐š‘๐š’๐š–'

Luna POV

"Luna gumising kana. Hinihintay ka na nila...."bulong ng kung sino at unting unti ko minulat ang mga mata ko.

Napahawak pa ako sa ulo dahil bigla itong sumakit.

"Hala! Luna gising kana! Salamat naman"biglang yakap sa akin ni Virgo.

"A-aray..."bulong ko napahawak sa braso ko.

Nataranta naman sya at todo hingi ng sorry pero sabi ko okay lang naman.

Pinitik ko naman ang noo nya. "Kahit kailan di ka nagbabago. Masyado ka paring praning"sabi ko.

Nakita ko naman sila Taurus napapalapit dito.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"bakas sa boses ni Leo ang pag aalala nya. Bigla naman nag init ang mag kabilang pisnge ko dahil doon.

"M-medyo m-maayos na rin. Salamat sa pag aalala"sagot ko at nahihiyang yumuko.

"Nga pala saan nyo balak sunod pumunta?"tanong ni Virgo.

Naglabas naman ng mapa si Leo at ibinuklat iyon.

"Dito."turo nya sa isang lugar na kung tawagin Shpere Kingdom.

Sphere Kingdom? Ano yun?!

"Jaan?!"gulat na tanong ni Virgo.

Tumango naman si Leo.

"Nahihibang kana ba alam mong si Artemis ang namumuno jan sa Lugar na yan?!"inis na sigaw nyang sigaw. Anong promble dun?

"At nanjan din ang isang itinakda..."sagot naman ni Leo. Agad namang napahinto si Virgo at hindi namuking kumibo.

Tumabi naman ako kay virgo at agad naman akong tinanong.

"Luna na sayo parin ba iyon?"tanong nya.

Napakunot noo naman ako. Anong nasan parin?

"Ang alin?"naguguluhang tanong ko.

"Yung kwintas..."sagot nya. Napasinghap naman ako at marahang tumango.

"Kaya pala agad nawala ang lason sa iyung katawan"nakangiting sagot nya ulit.

Kaya pala wala na akong gaanong maramdamang hapdi.

---**---

Nandito na kami sa Sphere Kingdom.

Sobrang daming tao sa bayan at mukhang may magaganap na salo salo sa Kastilyo.

"Hindi na akong makapaghintay na makita ang prensisa!"sabik na sabik na ani ng isang lalaki.

"Ang sutil na prensisa kamo! Hahaha!"tawa ng isa pang lalaki.

"May magaganap daw na salo salo saย  kastilyo"bulong ni Leo.

"Alam namin. Dahil yan ang bukang bibig ng ibang tao rito"bulong rin ni Aries.

"Paano tayo makakapasok nyan sa kastiyo?!"tanong ko.

"Madali lang yan Luna!"bungisngis ni Virgo.

"Ano!?"sabay sabay na tanong namin

Ngumiti lang malawak si Virgo.

"Ede magsuot din ng malaprinsepe at prisesa katulad nila!"sagot nya.

Tumaas naman ang isang kilay ko.

"At saan naman tayo kukuha ng mga damit? Aber?"nakapamewang tanong ko.

"Manood lang kayo! *evil laugh*"

Napasapo naman ako sa noo dahil sa kanya at alam ko na ang gagawin ng babaitang ito. Nanunungkit ito ng damit sa mga bahay!!

Naalala ko tuloy yung ginawa namin nung mga bata pa kami.

*Flashback*

Kasalukuyan kaming naglalaro ni Lyra(Virgo) nang magsuggest sya namaligo daw kami sa ilog agad namang akong tumanggi dahil wala nga akong dalang saplot.

"Dali na! Akong bahala!"pilit nya sakin.

Sa huli pumayag rin ako at nagtungo sa ilog.

Kilala si Lyra sa bayan namin dahil sa katigas ng ulo nya at pagiging basagulera.

Lahat ata ng mga bata dito sa bayan namin ay nakaaway nya na. Ako lang ata ang di nya matalo talo sa suntukan.

Natapos na kami magtampisaw sa ilog at agad ko namang tinanong ito.

"Oh ano na Lyra? Paano na tayo makakahanap na damit nito?"tanong ko sa kanya.

"Just watch and learn!"proud na proud na saad nito.

Sumunod naman ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa bahay nila aling milda.

Sa pagkakaalam ko may dalawang anak na babae sa aling milda at isa don ay kasing edad lang namin at nakaaway na rin ni Lyra.

"Anong gagawin natin dito?!"inis na tanong ko sa kanya.

"Ano pa ba? Edi manunungkit ng damit!!"halakhak nya. Namilog naman ang dalawang mata at agd syang pinalo sa braso nya.

"Loka loka ka talaga! Paano kung mahuli tayo!? Ha aber?!"inis kung tanong ulit sa kanya.

"Akong bahala!"turo nya sa sarili at naglaho na parang bula agad. Alam kung may kapangyarihan si Lyra at kaming dalawa lang ang nakakaalam.

Wala pang ilang segundo ay nakabalik na si Lyra at may dala dalang damit.

"Sabi sayo eh!"proud na proud nyang sabi.

Napailing na lang ako at nagbihis na rin.

Pagkatapos kong magbihis ay tinanong ko si Lyra kung may nakakita ba sa kanya.

"Hehehe meron"kamot ulo nyang sagot. Napahilot naman ako sa sentido ko, bata palang ako pero stress na ako sa babaetang ito.

"Paano yan?!"sabi ko.

"Wag kang mag alala bata lang naman yung nakakita sakin! Di yun magsusubong!"saad nya at nakapamewang pa.

Magsasalita na sana ako ng biglang may sumigaw sa ligod namin

"Kayo dalawa na naman?!"inis na inis na sigaw ni Aling milda.

Paktay! Sinasabi ko na nga ba eh!!

"Takboooo!!!"sigaw naming dalawa.

Kumaripas kami ng takbo dahil hinahabol na kami ngayum ni Aling Milda.

"Haboolll tandaaaa!!"sigaw lyra at saka humahalakhak.

Napatawa lang din ako at tuloy lang sa pagtakbo

*End of Flashback*

Napailing na lang ako habang naaalala ang mga kalakohan na ginawa namin ni Virgo.

"May target na ako!!"sigaw ni Virgo samin.

Agad namang kaming sumunod sa kanya at nakarating sa isang bahay na pagawang ng mga damit at gown ata.

"Baka may tao dito?!"asik ni Taurus at Aries.

"Walang tao dito!"tugon naman ni Virgo

"Siguradohin mo lang Virgo. Dahil makakatikim ka talaga samin!"pagbabanta ko sa kanya.

At nagkanya kanya na kaming kuha ng mga susuotin. Ang nakuha ko ay isang white gown nakumikinang at kay virgo naman ay isang purple gown.

Hindi ko alam kung anong kinuha nila Leo dahil nawala sila bigla pagkatapos nilang makakuha ng damit ang mascara.

Hinila naman ni Virgo ang braso at agad napatingin sa kanya.

"Teka saan ba tayo pupunta?!"asik kung bulong sa kaniya.

"Malamang magpapalit na nnag damit! Dahil madidilim na at magsisimula na din ang salo salo!"pahiwatig nya. Sumunod naman ako sa kanya.

Makaraan ang ilang minuto ay nakabihis na kami. Sobrang ganda ni Virgo sa suot nyang gown mukha syang dyosa!

"Geezz! Ang ganda mo talaga Luna! Lalo na sa suot mong white gown!"puri sakin ni Virgo. Nahihiyang yumoku ako.

"S-salamat"pagpapasalamat ko.

May biglang kumalabit samin mula sa likod at napalingon naman kami ni Virgo. Halos malaglag na ang panga ko dahil sa mga suot nila Leo.

Shet!! Ang pogi nya kahit nakamascara!!

Naka Black Tuxedo sya at sa loob nito ang white long sleeve at black pants. Ganon din sila Aries at Taurus.

"Ang gwapo nyo namang tingnan!"puri ni Virgo sa kanila nag iwas tingin naman ang tatlo.

Mahina akong napatawa sa kanila. Mukhang hindi silang sanay tawagin ng ganon.

"Dalian na natin malapit na mag gabi at magsisimula na rin ang salo salo"bulong ni Taurus. Tumango naman kami at sinuot na ang mascara.

Sa Kastilyo....

Nasa loob na kami ng kastilyo at napakaraming tao din. Ang iba ay nag iinom at iba ay nagsasayawan.

Buti na lang at nakahanap ng mauupoan si Virgo. Kanina pa kasi ako nangangawit kakatayo.

At napalitang ang musika ng isang pangromance na tugtug. Nakita ko namang inaya ni Aries si Virgo na magsayaw noong una nahihiya pa si Virgo pero pumayag na rin din sya.

Nakakakilig namam silang tingnan! Mukha silang magkasintahan!

Napainom na lang ako ng isang basong wine hindi naman gaanong nakakasalasing yung alak lasa itong grapes grabe!

Napasin ko namay nakatayo sa harapan ko kaya nag angat naman ako ng tingin at doon nakita si Leo na nakalahad ng kamay at mukhang nahihiya pa!

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Taurus at agad ito pinanlakihan ng mata.

Yari ka sakin mamaya!!

"M-maaari ba kitang i-isayaw binibini?"lahad nya sa kamay nya.

Nag aalangan pa ako pero pumayag na rinย  ako sa huli.

Nagsimula na kaming mag sayaw at naiilang ako ngayun dahil nakatitig lang ito sa akin

>/////<

"Napaka ganda mo talaga...."bulong nya. Mas lalo naman namula ang pisnge ko.

"Mukha ka ng kamatis sa sovrang pula ng iyung mukha"hagik gik nito. Nag angat naman ako ng tingin sa kanya.

Grabe ang gwapo nya talaga kahit nakamascara sya!!

Napasin ko naman na napako bilga ang tingin nya sa kwintas na suot ko.

"Saan mo nakuha yan?"tanong nya.

"Ang alin? Itong kwintas ba?"sagot ko. Tumango naman sya.

"Ibinigay ito sa akin ng una kong minahal. Bata pa kami nun nong binigay nya sa akin ito, ang sabi nya pa nga sakin lagi ko daw itong suotin para maalala ko sya araw araw pag umalis na sila"saad ko sa kanya at malungkot na yumoko.

Hindi naman sya kumibo dahil doon. Anyari sa kanaya?

"Ganon ba..."maikling tugon nya.

Iniba ko na lang tingin sa ibang deriksyon sakto tumama ang tingin ko kay Taurus na may kasamang babae.

Aba nawala lang kami bigla nasungkit na ka agad ng babae! Ibang klase!!

Nakita ko din sila Aries at Virgo na masayang nagkwekwentohan sa lamesa namin.

-๐šŠ๐š‹๐šŠ๐š—๐š๐šŠ๐š—-

'Utinam fruar te'


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C7
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login