Download App

Chapter 2: The Unlabeled Bachelor

"DAMN!" Iyon ang naibulalas niya habang mabilis na humahakbang papunta sa elevator ng hotel.

Hindi siya makapaniwala sa sarili na muntik na siyang maniwala sa isang estrangherong babae. She almost fooled me!

"That witch!" Nagngingitngit siya sa naiisip.

Inilabas niya ang keycard ng kwarto ng makarating sa ikaapat na palapag ng hotel at binuksan iyon. Pagkapasok ay basta na lamang niyang ibinagsak ang camera sa sofa ng living area, walang pakialam kung mabali ang lenteng nakakabit dito o paano.

That face in his mind. The woman seems to be in her twenties. Hindi na niya napansin kung mahaba o maigsi ang buhok nito dahil sa suot na sumbrero. Pero ang mukha nito ay malinaw sa kanya. She had a small face, eyes as black as a panther with thick lashes paired with dark eyebrows na sigurado niyang hindi tattoo but seemed to grow in the right places. She had a small proud nose na hindi kasing tangos ng ilong ni Jassie pero lalong lang bumagay dito, and a pair of full lips na nilagyan lang nito ng lip tint. Her lips. It seemed like he looked at her too much to describe her with these adjectives. Siguro ay naging kakaiba lang ito dahil nasanay na siya sa magagandang mukha ng mga artista at modelo. At ang ganitong ordinaryong mukha ay naging hindi ordinaryo para sa kanya.

The woman looked innocent and pure sa kabila ng mga nagbabagang mata kanina. Pure. What a word to describe a woman! He never even remembered using that word to anyone before. Tinanggal na niya sa isip ang salitang iyon. Ang bagay ditong salita ay 'pro'. At sa anyo nito kanina ay maaari na itong manalo sa Oscar's to think, muntik na siyang mapaniwala. But that pair of expressive eyes. The glint of fire in them enkindled something in him. There was something magnetic about her that he could not explain. Nakakalunod ang mga mata nito na hindi niya magawang titigan ng ganoon katagal. Or else he'll end up kissing her! But there's no way he'll do that. Will he?

Agad siyang nagtanggal ng mga suot at pumasok sa shower. Kailangan niyang alisin ang init na nararamdaman. Hindi siya dapat makaramdam ng ganito sa isang estranghera. To think this woman is a 'paparazzi' at kung hindi pa niya ito agad na nakita at nakumpiska ang camera nito ay siguradong bukas laman na naman siya ng mga balita. How did these guys know where to find him? Damn! At napukpok nya ng kamao ang granite wall sa harapan. Pinihit niya ang shower valve at nilakasan pang lalo ang pagbuhos ng tubig sa kanyang katawan.

Eight months ago nang pumutok ang mga balita. That he and Jassie were engaged. And as celebrities, buong Pilipinas ay nagdiwang dito. Naging usap-usapan talaga sila, the controversial couple! Hindi maitanggi ang chemistry nilang dalawa on-cam na kinagiliwan ng mga manonood. At ngayong natapos na nga ang ginagawa nilang teleserye ay naroon sila sa sikat na TV Talk Show na Breaktime na siyang pinapalabas tuwing Linggo ng gabi upang maging guests at i-promote ang final episode.

Halos dalawang taon ding umere ang 'The Greatest of All is Love" na pinagbibidahan nilang dalawa na ang kwento ay umikot sa love and war. At hindi nila maikakaila na dumoble ang mga fans nila dahil dito. But he also credited this popularity sa husay ng direktor at writers. The supporting roles were also as great. Kaya naman pumatok talaga ito sa madla. People would often align him sa level nila Piolo Pascual at Dingdong Dantes dahil na rin sa natatangi niyang itsura at husay sa pagganap to think he was actually a musician bago naging aktor. At ang aktres naman ay naikukumpara ng mga ito kila Kim Chui at Maja Salvador dahil sa role nito na mabait ngunit palabang babae. She was a great actress anyway. At nagbigay daan ang teleserye sa pagkakilala sa kanila sa industriya. It became their biggest break that they were even tagged as King and Queen of Primetime dahil na rin sa hindi bumababang ratings ng palabas.

He and Jassie were rumored couples. At ang totoo ay halos limang buwan na din naman silang nagde-date. Jassie was a perfect example of beautiful as how everyone would define it. She had a face of a goddess and fair soft skin which matched her slim sexy body. And he would admit he was attracted to her. Lalo na sa dalawang taon nilang pagsasama sa shoot at halos araw araw silang nagkikita. At di lang naman iilang beses din itong nagpakita ng motibo sa kanya. But he never felt that much feelings for her. Anyway, love is just an imagination. Pantasya lang iyon ng mga babae. Putting so much spices about love to meet their ideals of romance so what should he expect?

"So Jassie, what is the real score between you and Seph?" Agad na bungad na tanong ng baklang TV host sa kanila matapos ang intermission number nilang dalawa kung saan sila'y kumanta at i-welcome nito sa show. Di naman mapigil ang tilian ng mga tao sa studio.

"Both of you were seen dating in Tagaytay. At umamin naman na din kayo sa last interview nyo na you are dating." Binigyan nito ng diin ang "are" to emphasize na hanggang ngayon ay lumalabas silang dalawa.

"Uhmm. Well," binibitin nito ang salita na tumitig muna sa kanya na para bang humihingi pa ito ng permiso bago ituloy. At nagkibit lamang siya ng balikat. He didn't really mind at all ano man ang isagot nito. "Yes, we're dating." Ngumiti ito matamis pagkasabi niyon. At mas malakas na tili naman ang nadinig nila ngayon. Animo'y magkaka-stampede sa studio sa pagkakilig ng mga tao.

"JaSeph! JaSeph! JaSeph!!!" Hindi mapigil ang mga ito sa pagsigaw ng loveteam nila.

"Just dating?" Tumaas ang kilay nito na tila in-exaggerate talaga at waring hinihintay ang sagot na gustong marinig ng lahat.

"Ahh..Well." Ilang segundo muna ang pinalipas nito bago dugtungan iyon. "Yes. Kami na." At ngumiti itong muli na para bang nahihiya. Humilig pa ito ng bahagya sa kanya na lalong ikinatili ng mga tao. Siya naman ay nagulat sa mga sinabi nito. He did not expect her to say that. Ngumiti na lamang siya para itago ang ekspresyon at ipinatong sa likod ng upuan nito ang kanang braso.

He did not want to humiliate the actress. Isa na naman itong gimik para pataasin ang ratings at popularity nila but this was not his type of game. These tactics were shabby and immature.

"Mga kaibigan, sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin na ng JaSeph ang tunay nilang relasyon at dito lang mismo nangyari yan sa Breaktime!" Hinihingal pang anunsyo nito sa telebisyon matapos din itong makitili sa audience. Hindi naman mapigil ang ingay sa loob ng studio lalo na ng mga baklang nasa unahan ng audience na may hawak pang tarpaulin nilang dalawa.

"We Love You JaSeph!" Sigaw ng mga ito.

"We love you too." Matamis na balik ng dalaga na tumatawang animo'y kinikilig pagtapos ay ikinawit nito ang kamay sa braso niyang kanina ay nasa backrest nito. She even blew a flying kiss to the audience making them more unstoppable.

Another attention seeker, he thought. The scene she made a week ago was still fresh and now she wanted blood.

Mahusay talagang gumawa ng mapag-uusapan ang aktres but he wasn't the typical guy she can tame. Yan ang tatak ni Seph Leandro. None in his lifetime that there ever was a 'label' between him and anyone. She underestimated him.

"And what about you Seph? Anong masasabi mo sa pag-amin ngayon ni Jassie na kayo na nga?" Sa tono ng host ay bagay na bagay talaga ito sa talk show. Tila intriga ang lahat ng sasabihin nito.

"Well, Justine. What else can I say?" Isang peke subalit convincing na ngiti ang ibinigay niya dito pagtapos ay binaling din ang tingin sa leading lady katabi niya. The girl didn't know how to respond sa tinging ipinukol niya rito. Warning eyes concealed in a devil's smile. But only she had felt it. Everyone else thought the smile was of pure love for the actress.

"Hindi mo tinanggi ang sinabi ni Jassie, so that means, yes!" Sinabayan pa nito ng tili ang pagkasabi ng yes. Siya namang sabay ng tugtog ng theme song ng teleserye nila. Well, well, well. Handang handa talaga ang buong staff ng Breaktime. Lahat ay kilig na kilig sa mga nangyayari.

"Wow! E di kayo na ang may love life!" Tawanan naman ang lahat sa biro ni Justine.

"So how long have you been together?" Usisa pa nito sa kanila. "For sure everyone wants to know that. Kung kailan ba nagsimula ang lahat ng ito. Ikaw ba ang unang gumawa ng moves o si Jassie? Kinulam ka ba niya Seph? May nilagay na gayuma sa inumin mo?" Sunud-sunod na tanong nito habang tumatawa. Kilalang komedyante ang baklang host kaya't siyang tawa naman din ng lahat.

"Hoy Justine! Excuse me! Di pa ba sapat ang ganda ko teh?" Patawa naman din ng aktres na gustong maka-ride sa kabila ng tensyong naramdaman sa pagitan nila.

"Eh kasi we know Seph. Never pa naman siya umamin ng relationship with anyone kahit na may mga nali-link na sa kanya noon." Sagot naman nito sa babae. "I want Seph to answer the question naman." Nag-pout pa ito ng mga labi na parang nagpapa-cute at pinikit-pikit ang mga mata.

Everyone was waiting for his answer. Si Jassie ay tila nanlamig bigla. Naramdaman nya ang biglang pagbago ng temperatura nito mula sa palad na nakakapit sa braso nya.

"Two years naman na din kami magkasama sa set ni Jassie. At di din naman maiiwasan na magkaroon ng attraction sa isa't isa. So maybe that's it." He made it sound casual.

"So two years na kayo ni Jassie ganern?" Hirit pa nito. Sinisiguro nito ang bawat detalye.

"We have been going out a few times just a few months ago." He confirmed. Wala sa loob lang na sabi niya.

"How many months?" Pinukol sila nito ng tingin na nakakaintriga sabay taas ng isang kilay.

"Five months." Ang aktres ang nagsalita matapos hindi agad siya nakakibo. He wouldn't know when exactly did it start.

Many women were linked to him before. Pero wala lahat label. For him, label is trouble. Label is absurd. It does not fit him at all. Women always wanted a label sa lahat ng klase ng relationship. It's their way to tie a man in the neck. Nakaka-suffocate. He would never consider that in any relationships na papasukin niya.

"Five months!! Wow! Five months na kayo at ngayon lang kayo umamin!" Natutuwang wika ng host.

Natatawang tumangu-tango naman ang katabi niya. Akala mo ito teenager na kinikilig.

"Iba ka talaga girl! At dahil umamin na kayo, siguro ay maaari na naming itanong ang bagay na ito. Dahil may bulong-bulungan ang lahat ng mga bakla sa kanto, sa parlor at sa lahat ng sulok ng palengke. Ayon sa source namin ay may ibinigay daw si Seph sayo na napakaespesyal. Pwede ba naming malaman kung ano iyon?" Eksaheradang tanong nito sa kanila na ginawa pang high note and dulo ng pangungusap.

Tumaas ang tingin ng aktres sa kanya na wari'y gusto nitong salubungin niya ang mga titig nito. Tila ito nagsu-shoot ng pelikula. She was brave regardless the situation and consequences. He'd give her that.

"I, well, I don't think I should hide this anyway." At itinaas nito ang kaliwang kamay. Kuminang mula sa daliri nito ang isang white gold na singsing na may bato sa gitna. Hindi niya napigilan ang pagtaas ng kilay! Shit.

Nagwala na ang host sa kakatili at nagtatalon. Lahat naman ng tao ay napatayo na rin at sumisigaw!

"OMG!!! Ikakasal na sila!" Tili ng isang babae.

"JaSeph forever!" Sigaw naman ng isang bakla.

At sinabayan pa ng sunud-sunod na, "JaSeph! JaSeph! Jaseph!"

ISANG tunog mula doorbell ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Noo'y kakatapos lang niya mag-shower. Matapos magsuot ng bathrobe ay nilabas na niya ang nasa pinto. Isang room boy na may hilang trolley ang bumungad sa kanya. "Good noon Sir. May I come in?" Magalang na bati nito. Medyo may accent ito na sa hinuha niya ay isang Indiano dahil sa matigas na letrang 'R' at dahil na rin sa itsura nito.

"Yes. Please." Tumango ito at tinulak ang dala sa dining area ng unit.

Subali't bago pa niya maisara ang pinto ay nahagip na ng mga mata niya ang dalawang babaeng naka bestida na papasok sa pinto katapat ng suite niya. Damn! This woman again! Nakacheck-in din ito sa parehas na palapag.

Naulinigan pa niya ang tinig ng babae bago niya tuluyang mai-lock ang pinto. "He won't get away with this Audrey."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login