Download App

Chapter 1333: Ang Naglahong Libingan (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng Twelve Palaces, hindi sila nauubusan ng mga taong may kakayahan. Bagaman ang

mga magulang ni Qiao Chu at mga kasama niya ay malalakas na, ay hindi sila maituturing na

mga pili sa Twelve Palaces. Bukod sa mga magulang nilang lima, ay mayroon pang dalawa na

mula sa ibang palaces na nagawang mahanap ang libingan ng Dark Emperor. Ang

nakapagtataka doon ay ang sandali na narating nila ang libingan ng Dark Emperor ay nangyari

lahat sa isang araw lamang at nagtipon sa loob ng libingan ng Dark Emperor.

Masasabi na matapos ang lubhang paghihirap at tanging nag-iisa lamang sa isang milyon ang

nagawang mahanap ang libingan ng Dark Emperor, iyon ay hindi mahirap ipaliwanag.

Ngunit ang nakakapagtaka ay marami ang nakapasok sa loob ng libingan ng Dark Emperor sa

parehong araw at pagkatapos nito, kahit gaano karaming tao pa ang ipadala ng Twelve Palaces

pagkatapos noon, wala ni isa man ang nakagawa na mahanap iyong muli.

Dapat malaman, na ang kanilang mga magulang ay walang hawak na mapa at bagaman ang

mapa ay pinaghiwa-hiwalay matapos iyon, kahit paano ay mayroon nang ideya ang Twelve

Palaces ngunit sa mga taon na mahigit sa sampung taon matapos noon, ay wala nang

nakahanap muli doon.

Ang bagay na iyon ay naging palaisipan sa mga tao.

"Tungkol sa bagay na iyan, naisip ko rin yan noon." Saad ni Hua Yao sa naniningkit na mga

mata. Sa isang araw na iyon, kung saan ilang mga tao mula sa iba-iba at hiwalay na grupo ay

nagawang mahanap ang libingan ng Dark Emperor, at matapos ang ilang taon matapos

bumagsak ng Dark Emperor, ay sila lamang ang nanatili na nakakamit nito. Ang bagay na iyon

ay tila hindi makatuwiran.

"Naaalala ko na ang aking ama ay umalis upang magbalita muna sa Middle Realm at ang aking

ina ay nanatili sa Lower Realm kasama ko. Nang mga panahon na iyon, nakita ko ang mapa sa

likod ng aking ina at dahil sa ako ay bata pa noon, hindi ko alam ang ibig sabihin sa likod ng

mapa na iyon at walang muwang na tinanong siya kung bakit nais niyang gumawa ng mapa sa

isang lugar na napuntahan na niya noon. Ngunit ang sagot sa akin ng aking ina ay wala na

siyang maalala na kahit ano noon." Saad ni Fan Zhuo na bahagyang naningkit ang mata. Siya

lamang ay may pagkakataon sa kanilang lahat na makahalubilo ang pamilya matapos mahanap

ang libingan ng Dark Emperor.

Sa kaso ng mga magulang ni Qiao Chu at ng iba pa, ang mga iyon ay agad na binihag sa

kanilang pagbabalik.

Sa simula, pakiramdam lamang nila ay naging masama ang Twelve Palaces kung saan papatay

sila ng mga tao na tapat sa kanila.

Ngunit ngayon na iniisip nilang muli lahat ng iyon, mayroong kakiba tungkol doon.

"Kung nag-aalala ang Twelve Palaces na ang mga tauhan mula sa Dark Regions ay malaman na

nahanap na nila ang libingan ng Dark Emperor, ay madali lang sana nilang maitatago ang mga

tao na nahanap ang libingan, bakit kinakailangan na patayin ang mga iyon agad? Higit doon,

nang mga panahon na iyon, ang mapa na hawak ng kanilang mga tauhan ay hindi kumpleto,

kaysa magtago ng hindi kumpletong mapa, bakit hindi na lang nila itinago ang mismong tao na

nakahanap ng libingan ng Dark Emperor?" Ang isip ni Fan Zhuo ay biglang nakaladkad sa isang

kailaliman kung saan ang poot na itinago niya ay muling nabuhay at agad na pumuno sa

kaniyang puso sa mga sandaling iyon, hindi magawang maisip sa dahilan nang pagpatay sa

kaniyang mga magulang.

Ngunit kinalama ang sarili at maingat na inisip ang tungkok doon, tila maraming

pagkakasalungat sa paraang ng kaniyang pag-iisip noon.

"Kung ang sinabi ng iyong ina ay totoo, kung gayon ang dahilan kung bakit sila pinaslang ng

Twelve Palaces ay malinaw na ngayon." Biglang sabi ni Jun Wu Xie.

"Ang Twelve Palaces ay lihim na hinahanap ang libingan ng Dark Emperor, natatakot na

malaman ng mga tauhan mula sa Dark Regions. Kaya, natural lamang na wala silang iiwan na

kahit ano na magiging dahilan ninuman upang hawakan sila. Kung ang inyong mga magulang

ay naalala ang eksaktong lokasyon ng libingan ng Dark Emperor, siguro ay hinayaan silang

mabuhay, ngunit kung katulad iyon sa sinabi ng ina ni Fan Zhuo na nakalimutan nila, kung

gayon ang halaga na hayaan silang buhay ay kapareho lamang sa mapa na kulang-kulang. Ang

mga tao na walang halaga sa kanila ay hindi hinahayaang mabuhay, sa gayon ang mga tauhan

mula sa Dark regions ay walang kahit ano na panghahawakan laban sa kanila." Paliwanag ni

Jun Wu Xie. Naisip na niya ito noon, ngunit hindi siya nakagawa ng konklusyon. Subalit, ang

mga sinabi ni Fan Zhuo ngayon ay nilinaw lahat ng kaniyang agam-agam at nagbigay ng lohikal

na paliwanag sa mga lugar na hindi niya nagawang itugma.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1333
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login