Download App

Chapter 1427: Pagmamatigas (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos suriin iyon isa-isa ni Jun Wu Xie, may ilan pa siyang mga itinanong sa shopkeeper. Akala ng shopkeeper ay magtatanong si Jun Wu Xie tungkol sa mga bahay na naroon, hindi niya inaasahang ang itatanong nito ay kung saan makakahanap ng mga taong gumagawa ng bahay.

Nagitla nanaman ang shopkeeper dahil sa tanong na iyon ni Jun Wu Xie. Ang Panginoong ito na naglabas pa lang ng malaking pera para bumili ng bahay at lupa ay nag-iisip na gibain ang mga iyon nang hindi man lang muna tinitignan?!

"Panginoon, ang mga bahay na napili mo ay kakatayo lang ngayong taon. Wala pang tumitira doon dahil iyon ay bagong-bago. Gagastos ka ulit para patayuan iyon ng bago? Bakit...hindi mo nalang tirhan iyon sandali at kung hindi ka talaga komportable ay doon mo pa lang iyon ipa-reconstruct?" Maging ang shopkeeper ay nanghihinayang na sa binitawang pera ni Jun Wu Xie at ngayon ay balak nanaman ulit nitong magbitaw ng malaking halaga?

Hindi ibig sabihin na may pera ka na ay magmamatigas ka na at magpapatayo na lang ng bahay kung kailan mo maiibigan na para bang naglalaro ka lang.

Hindi naman pinansin ni Jun Wu Xie ang sinabi ng shopkeeper at nagalapag muli ng dalawang gold bar sa mesa.

"Kung magagawa iyon, kunin mo iyan. Kung hindi, hahanap ako ng pwedeng gumawa."

"Kaya! Kaya! Kaya! Dadalhin kita doon ngayon din!" Sumuko na ang shopkeeper at sinunod ang kagustuhan ni Jun Wu Xie. Ngayon lang siya nakatagpo ng taong ganon na lang kung maglustay ng pera.

Maraming alam ang shopkeeper dito sa Clear Breeze City kaya hindi mahirap sa kaniya ng mga taong makakagawa ulit ng bahay.

Ngunit mas higit pa doon ang hinihiling ni Jun Wu Xie.

Gusto niya ng matibay ngunit mabilis na paggawa. Sa loob ng pitong araw, gusto niyang maitayo ang mga loft at bawat isa ay may taas na pitong palapag.

Gulat na gulat ang shopkeeper pati na rin ang mga gagawa ng bahay. Nakakatakot ang kahilingang iyon ni Jun Wu Xie at ngayon lang sila nakarinig ng ganoong klaseng kagustuhan.

Ngunit nang mag-umpisa ulit si Jun Wu Xie na maglabas ng gold bar sa sahig, agad namang nakumbinsi ang mga kalalakihan at tinanggap ang trabaho.

Tinanggap ng kalalakihan ang depositong ibinigay ni Jun Wu Xie at nagsimula na silang maghanap ng iba pang makakatulong sa kanila. Matapos namang makakuha ng pera ng shopkeeper mula kay Jun Wu Xie ay agad na itong umalis na may malapad na ngiti sa labi.

Matapos ng isang mahaba at abalang araw ni Jun Wu Xie, bumalik na siya sa inn. Madilim na ang kalangitan nang siya ay makabalik. Halos namamanhin na ang itim na pusa dahil sa pagkakalat ng kaniyang Mistress ng gold bar.

Ang totoo niyan, ang nilabas na yaman ni Jun Wu Xie ngayong araw ay gabuhok pa lang ng yamang nakuha nila sa Dark Emperor's tomb. Kahit na araw-araw pa siyang maglustay ng ganong klase ng halaga, hindi siya mauubusan ng pera...

Ang bilang ng gold bar na mayroon si Jun Wu Xie sa kaniyang Cosmos Sack ay napakakaunti pa lang kumpara sa mayroon ang Hell Rodent.

"Young Miss!" Kakaakyat lang ni Jun Wu Xie nang kaniyang makita si Ye Sha at Ye Mei na nakatayo sa pinto ni Jun Wu Yao. Hindi maganda ang ekspresyon na nasa kanilang mga mukha.

Dahil sa nasalubong sila ng nandidilim na mukha ni Jun Wu Yao kanina, bahag ang kanilang buntot na sumusunod sa kanilang Dark Lord.

Nang makita ni Jun Wu Xie sina Ye Sha at Ye Mei, naalala niyang nakalimutan nga pala nila ang mga ito at kanina lang nila napansin. Marahan siyang tumango sa mga ito at nang may maisip siya, inilabas niya ang mga titulo ng lupang kaniyang dala at inihagis kay Ye Sha at Ye Mei.

Wala namang ideya ang dalaww kung ano ang mga iyon kaya naman nang pinulot nila ang mga iyon, doon pa lang nila nalaman na iyon ay mga titulo ng lupa at bahay.

Subalit...

Nabuhay ang kanilang kuryosidad kung bakit bigla na lang naging interesado ag kanilang Young Miss sa pagbili ng ganito karaming lupa at bahay. Magagamit ba nila ang mga iyon ng sabay-sabay?

Hindi pa nakakasaksi sina Ye Sha at Ye Mei ng spekulasyon sa real estate sa twenty fourth century, kayqa naman ay iisipin nilang nakadiskubre ng panibagong paraan si Jun Wu Xie para sila ay pagyamanin.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1427
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login