Download App

Chapter 5: tres

Sa tuwing uulan, kahit saan, kahit anong oras, dumarating ito. Bitbit ang itim na payong sa kamay niya. He would look into my eyes, hahawakan ang buhok ko at sasabihing, "Nabasa ka ng ulan".

Hindi ko namalayaan na unti-unti, nagugustuhan ko na ang ulan. Hindi ko namalayan, gusto ko nang lumabas sa ilalim ng mga umiiyak na ulap para dumating siya at payungan ako.

Habang pumapatak ang malakas na ulan, naroon kami sa waiting shed. Nakangiti ako habang nakatingin sa mga batang nagtatakbuhan sa kalagitnaan ng ulan.

"Naramdaman mo na ba yung nararamdan nila?" Tanong ko habang magiliw pa ring pinapanood ang mga bata.

"Hindi."

Nilingon ko ito. Kahit saaang anggulo ay hindi ko kailanman maitatanggi ang kakisigan nito.

"Mas gusto kong panuorin ang ulan."

"Pero gusto mong maramdaman, gusto mong maramdaman lahat ng bagay kaysa panuorin ang mga ito at pakinggan lang, hindi ba? Bakit hindi?"

Nilabas nito ang kamay at hinayaang iyong mabasa.

"Dahil espesyal sa akin ang ulan." Pinikit nito nag mga mata habang nakalahad pa rin ang palad doon, "Ayokong masanay sa pakiramdam nito. Ang mga bagay, habang tumatagal, habang nasasanay ka, hindi na nagiging espesyal."

Nanatili akong nakatingin rito. Sa tuwing titingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang mamangha dahil pakiramdam ko, dinadala niya ako sa ibang panig ng mundo na unti-unti marami akong nadidiskubre at napupulot na magandang bagay.

Pakiramdam ko nanuyot ang lalamunan ko nang ibaling nito ang atensyon sa akin.

"Ngunit naiiba ka."

Hindi ko alam kung anong humahabol sa puso ko. Just staring in his eyes was making my heart beat fast. Sa tingin lang ng mga matang iyon pakiramdam ko ay higit akong espesyal kaysa sa ulan para sa kanya.

"Gusto kong maramdaman..." bigkas ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at lumabas ako sa ulanan. Hinayaan kong basain ako ng bawat patak.

Binuksan ko ang mga bisig ko habang nakatingala, nakapikit, dinadama ang buhos ng malakas na ulan na bumabasa sa akin. Hinayaan ko iyong pumatak sa mukha ko.

It felt good.

Hindi ko namalayan, pagmulat ng mga mata ako ay naroon na siya. Sa harapan ko.

Muling nagkonekta ang mga mata namin habang parehas kaming binabasa ng ulan. Wala akong ibang naririnig kung hindi ang tibok ng puso ko at ang pagpatak ng ulan habang nawawala ako sa mga matang 'yon.

Walang kahit anong salita, o bulong man lang, tanging ang mga mata lang namin na tila may sariling boses na nangungusap sa isa't isa.

Akala ko'y hindi totoo ang pakiramdam nang paghinto ng oras ngunit iyon ang nararamdaman ko. Para bang huminto ang oras sa mga sandaling nawawala ako. Nawawala sa mga mata nito.

Naputol lang iyon nang may mga bagtang pumalibot sa amin.

All I knew he was holding my hand while we were running with the street children under the rain. Nabuo kami sa isang malaking bilog, umiikot habang kumakanta.

Noon ko lang naramdaman na hindi pala malamig ang ulan. Masaya palang hindi takbuhan ang ulan. Masarap palang maramdaman ang ulan.

Hindi ko man siya nakitang tumawa o ngumiti man lang noong gabing 'yon, pinili kong ipikit ang mga mata ko at ginusto kong maramdaman, hindi makita, na hindi lang ako ang masaya noong gabing 'yon.

"Look at yourself, Erin. Tinakasan mo na naman si Mang Sapo." Mom shook her head in disappointment, "I can't believe this."

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ko. She voiced out how disappointed she was na umuwi akong late at basang basa ng ulan.

"Why are you still smiling? Walang nakakatawa sa sinasabi ko, Erin." Muling sabi ni mom.

Bumuntong hininga na lang si dad.

"I just missed you both. 2 weeks kayo abroad. I need to take a shower now, Mom. Welcome back." Nakangiting sabi ko at magiliw na humakbang papunta sa kwarto ko.

I coulnd't forget that night. I couldn't forget every details.Kusang sumasagi iyon sa isip ko at nakatulog ako ng magaan ang dibdib at may ngiti sa mga labi.

"Erin, girl, totoo ba ang balita?" Tanong ni Rajun.

Nag-angat ako ng tingin mula sa librong binabasa ko.

"Hmm?"

Uminom ng tubig si Prin bago magsalita.

"May nakakita sa 'yo na may kasamang guy yesterday."

Binaba ni Jarin nag hawak na mga kubyertos at tumingin rin sa akin, "Who is that guy ba? 'Yong laging may dalang itim na payong and always there for you kapag umuulan?"

"What is his name again, Prin?" Tanong ni Rajun dito.

"Drevour Betancourt. Narinig ko lang sa mga usap-usapan, Architecture student daww 'yon katabi lang ng building natin. Balita ko nga pagti-trip-an siya nina Raven ngayon sa likod ng building ng architecture."

Napatingin ako kay Prin.

"What?"

"Alam mo naman 'yon si Raven. Angkan ng ampalaya. Walang ka-talent talent sa pagmo-move on. Lahat na lang nang nai-issue sayo gusto—"

Sinara ko ang libro ko at tumayo mula sa silya ko. Humakbang ako palabas ng cafeteria.

Kilala ko ito. Kahit matagal na kaming hiwalay ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagsuyo sa akin at pagharang sa mga lalaking lumalapit sa akin.

Naging malapit kami dahil sa mga magulang namin, naging boyfriend ko rin ito ng dalawang taon pero sinukuan ko rin ang ugali nito at pagiging babaero.

Binilisan ko ang paghakbang papunta sa building nito. Habang papalapit ako dumarami ang nagtatakbuhan na madalas nilang ginagawa kapag alam nilang may papanuorin silang bakbakan.

Naririnig ko na rin ang  kantiyawan ng ilang estudyante. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba.

Humigpit ang kapit ko sa mga librong hawak ko. Sinundan ko ang mga estudyante hanggang sa makarating ako sa likod ng building.

Isang malakas na hiyawan ang sumakop sa pandinig ko mula sa mga estudyanteng nasa paligid at sa mga estudyanteng nakasilip sa bawat floor ng building.

"Excuse me..." Sumiksik ako sa mga estudyante doon.

Muling nagsigawan ang mga ito na para bang tuwang tuwa sa panunuod. Nakuha ko ang makipag-gitgitan hanggang sa makarating ako sa harapan.

"Drevour! Drevour! Drevour!"

Sigaw ng mga ito. Napalunok ako habang nakatingin sa duguang mukha nito.

Napabagsak niya lahat ng kalaban niya na noon ay namimilipit sa sakit sa sahig including Raven.

Nagtagpo ang tingin naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit mabigat ang dibdib ko habang nakatingin sa mga galos niya.

Kinuha niya ang bag niya at nagsimulang humakbang palapit sa direksyon ko. Our eyes didn't lose contact hanggang sa malagpasan ako nito.

Why am I feeling like this? Bakit nagsisikip ang dibdib ko? Bakit parang... parang nasasaktan rin ako para sa kanya?

"Wala naman palang binatbat si Raven."

"Ano ba yan. Tara na nga."

Sabi ng mga estudyante at nagsimula na ring mag-alisan.

Naramdaman ko ang paghawak sa balikat ko,

"Girl— oh my goodness." Si Rajun.

"OMG," natatawang saad ni Prin, "sayang we're late. Mukhang naging maganda ang laban."

"Eww, Raven. That's so weak." Sabi ni Jarin habang nakaturo rito na noon ay nakatingin sa amin, duguan ang mukha habang nakahawak ang simura niya.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. Alam kong lalo siyang hindi titigil para makaganti.

"Anyway, let's go na, Erin. Few minutes nalang before our next class." Sabi ni Prin.

I was bothered and worried the whole day dahil ayon sa ilang estudyante expulsion daw ang decision ng guidance kay Drevour but not Raven and his friends. I didn't expect that. Akala ko, masu-suspend lang ito o kaya'y mawawalan ng scholarship but I should've expected the worst.

Si Raven ang nakalaban niya, kahit kailan hindi ito naparusahan sa lahat ng kalokohan nito dahil shareholder ng eskwelahan ang father nito. Isa pa, masyado siyang spoiled sa eskwelahang ito, lahat ng gusto niya, binibigay sa kanya.

Tatlong araw ang lumipas, lalo akong nakaramdam nang guilt. Hindi ako nakakatulog sa thought na kasalanan ko kung bakit iyon nangyari sa kanya,

I felt the need to talk to Raven.

"You miss me?" Nakangising tanong nito habang nasa loob kami ng laboratory room.

Akmang hahawakan nito ang mukha ko pero iniwas ko iyon sa kanya.

"Alam mong hindi siya ang nagsimula ng gulo."

"Psh, pag-uusapan ba natin yung lalaking 'yon? Nakita mo ba 'tong ginawa niya sa mukha ko?" Tinuro nito ang mukha na puno pa rin ng mga galos, "at bakit ba gusto mo siyang pag-usapan? Totoo ba talaga, huh? Nililigawan ka ba talaga ng pulubing 'yon?"

Kahit kaunti ay hindi pa rin talaga ito nagbabago.

"No. I'm just feeling guilty. I know why you did that to him."

Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at hinaplos iyon. How I wanted to push him away.

"Don't feel guilty, hmm? Hindi siya bagay dito. Isa pa, I know you were scared of him. Lapit siya nang lapit sa 'yo."

Bumuntong hininga ako. Alam kong hindi ko ito mahihingan ng kahit kaunting compassion kay Drevour lalo pa at napahiya ito sa maraming estudyante.

"I heard huling taon niya na rin dito. Mahihirapan siyang humanap ng eskwelahan na tatanggap sa kanya after what happened. Gusto kong makabalik siya rito."

Tumawa ito nang mahina, "So you're asking me a favor? Bakit ko naman siya hahayaang makabalik dito pagkatapos nang ginawa niya?"

"Gusto mo akong maging date sa prom night, hindi ba?"

Ngumisi ito pagkatapos ay nag-ipit ng ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga ko.

"You really know what I want..." hinaplos nito ang pisngi ko, "pero nagbago na ang isip ko. I want you to date me everyday starting now and sure, ibabalik ko siya rito."

Tuso talaga ito. Kahit papaano ay gumaan ang dibdib ko na alam kong hindi masisira ang pangarap nito.

"Pero ayokong... ayokong makikitang lalapitan ka niya. Sisirain ko siya." Madiing sabi nito.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login