Download App

Chapter 51: Hot and Gorgeous

Laine's Point of View

" Anak dala mo na ba lahat ng gamit na kailangan mo for 3 days?Naitawag ko na sa kuya Frank mo na doon kayo sa Dasma tutuloy kaya naihanda na yung kwarto mo at guest room.Dadaan na lang ako dun pagkagaling ko ng office to check on you before ako umuwi dito."

si mommy yun panay ang bilin.

Bukas na kami luluwas ng Manila para dun sa photo shoot ng clothing company nila tita Ems.Nung payagan ako ni Nhel nung magpaalam ako sa kanya tinawagan ko na agad si tita.At ngayon nga nagpa-pack nako ng mga gamit na dadalhin ko for 3 days.Si Nhel ang pinasama ni daddy sa akin para bantayan ako at dun nga kami tutuloy sa bahay namin sa Dasma.Si Mang Gusting ang kasama namin para may mag drive na rin sa amin papunta sa shoot.

" Yes mom, ok na po lahat pati yung mga requirements na hinihingi sa akin ng company para sa contract."

sagot ko kay mom.

" Mag-ingat kayo ni Nhel dun ha?Pagbutihan mo baby, proud kaming lahat sayo. Akalain mong magiging model ka ng isa sa mga malalaking company ng bansa.It's a dream come true anak." masayang sabi ni mom.

Napangiti ako sa sinabi ni mommy.Actually it's their dream,sila ni daddy kaya nga pinapayagan nila ako sa mga pageant ng school.Kaya nga nung sabihin ni tita Ems na kukunin nya akong model pumayag na agad sila.

" Okey mom, I'll do my best on this one, alam ko naman po na dream nyo ni daddy to.I will make you proud." sabi ko.

Niyakap ako ni mommy.

" Thank you anak."

———

" Congratulations Ms.Guererro, welcome to Montreal Group of Companies." kinamayan ako ng HR manager na si Ms.Diaz.

Pumirma ako ng exclusive contract sa kanila bilang isa sa mga models nila.

Nagulat ako dahil hindi ako dumaan sa screening katulad ng mga kasabay ko.Si tita Ems daw kasi ang nagrecommend kaya ganon at nagustuhan daw agad ng art director nila yung binigay ni tita na picture ko.

Perfect din daw yung height ko na 5'6 at vital statistics na 35-24-35.Oh di ba, eh di ako na!

" O ano kumusta dun sa loob?" bungad agad ni Nhel sa akin pagkalabas ko ng HR office.

Lumapit ako agad sa kanya at yumakap.

" Grabe, hindi ko akalain na ganito kalaki at kasikat ang company na to beh, parang kinakabahan ako baka hindi ko maabot yung expectations nila.Pinapirma nila ako ng exclusive contract." sagot ko.

" Talaga babe? Great! Kaya mo yan, ikaw pa.I will support you, I've got your back." sabi nya na nakangiti.

" Thanks beh! Matutuwa sila dad tiyak.Anyway, uwi muna tayo bukas pa raw ang photo shoot, wala pa yung photographer nila.Malapit na yung bahay namin dito." aya ko na sa kanya.

"Okey! Sino aabutan natin sa inyo?

Di ba nasa US na sila ate Emy?"

tanong ni Nhel.

" Si Kuya Frank at yung family nya tsaka mga kasambahay." sagot ko.

Kilala na siya ng mga kuya at ate ko.Pinakilala sya ni dad nung umuwi sila dun sa amin sa probinsya.Okey naman si Nhel sa kanila,bukod sa mabait na talaga to gwapo pa.Saan ka pa!

Pinuntahan na namin si Mang Gusting sa parking lot para umuwi na.

Namangha si Nhel ng pumapasok na ang kotse namin sa village.First time ko kasi syang isama dito.Hindi ko rin naman kasi naikwento sa kanya kahit minsan ang bahay namin dito.

Hindi daw nya akalain na ganun kalaki ang village na ito dahil sa mga lifestyle magazine lang nya ito nakikita.

Nagulat sya pagdating namin sa gate ng bahay, dahil pagbusina ni Mang Gusting pinagbuksan kami ng guard na naka-pwesto dun.

Pagkapasok ng sasakyan ay napansin kong napanganga sya sa gulat.Kinailangan ko pang hampasin sya ng marahan sa balikat para mabalik sa huwisyo.

" Hoy beh, tara na sa loob.Ano nangyari sayo dyan? Para kang namatanda." natatawa kong hila sa kanya papasok ng bahay.

" Grabe babe, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na ganito kalaki at kaganda tong bahay nyo?Eh mansyon na to ah.Pati gate nyo may guard pa." sabi nya na naa-amazed pa.

" Hindi ka naman nagtatanong eh.Tsaka hindi ko naman ugali na magkwento kahit kanino baka sabihin pa nagyayabang ako." sagot ko sa kanya.

Lumapit sa amin ang mga kasambahay.

" Ma'am Laine nakahanda na po ang lunch nyo, pumunta po saglit si Sir Frank sa office babalik din daw po after lunch.Si Mam Angel at mga bata naman nasa magulang nya sa Laguna, bakasyon po kasi." si Minda yun isa sa mga kasambahay na ang tinutukoy ay ang asawa ng kuya ko at dalawa kong pamangkin.

" Ah sige salamat Minda..Ate Vangie paki akyat na lang po yung mga gamit namin sa kwarto, kakain lang kami ni Nhel." sabi ko sa isang kasambahay.

Dumiretso na kami sa dining room para kumain na at hindi pa rin kumikibo si Nhel.

" Bakit kanina ka pa hindi kumikibo dyan? Ano nangyari sayo?" tanong ko.

" Wala parang hindi pa rin ako maka-paniwala sa nasasaksihan ko ngayon dito.Alam ko maykaya kayo pero hindi ko inisip na ganito kayo dito.Dun kasi sa atin, simple lang ang lifestyle nyo, bukod kay tita Baby, ikaw yung gumagawa ng ibang gawaing bahay, unlike here senorita ka pala dito." sagot nya na parang naguguluhan.

" Are you mad dahil hindi ko sinabi sayo? Kasi nga iniwan na namin ang ganitong buhay dahil gusto nila daddy na simple na lang. Mas peaceful at masaya dun sa atin sa Sto. Cristo.Kuntento na kami dun beh lalo na ako dahil nandun ka.Wala naman kasi sa akin ito dahil mas pipiliin ko yung buhay kung saan naroon ka." sabi ko.

" I'm not mad.Why would I be mad? eh kinilig nako sa mga sinabi mo." nakangiti nyang sabi.

"Okey let's just finish our food para makapag rest na tayo, maaga tayo nagising kanina." sabi ko.

Then after we ate our lunch nag rest na kami sa designated rooms namin hanggang sa dumating si kuya,he just checked kung okey lang kami.Nagkwentuhan lang sila saglit ni Nhel at nagpaalam na rin sya na uuwi muna sa Laguna at babalik na lang kinabukasan.Dumating din si mommy kinahapunan upang kumustahin kami at pagkatapos ay umuwi rin agad dahil baka gabihin sa daan.

Dahil maaga pa naman, pagkaalis ni mommy naisipan kong yayain si Nhel na magpunta ng mall tutal malapit lang naman kami.

Nung nasa mall na kami, pumapasok kami sa mga boutique kapag may nakita kaming mga bagay na magustuhan naming bilhin, minsan sinusumpong lang kami pareho ng kakulitan, magtatanong lang kami at magsusukat ng kung ano-ano tapos hindi naman bibili.Trip lang.

Napansin ko rin yung mga staff ng boutique na pinapasok namin na panay ang pa cute kay Nhel. Sino ba naman ang hindi eh makalaglag undies to pag ngumingiti, he's really a good looking guy.Matangos ang ilong, kissable red lips and tantalizing eyes. Lalo na ngayon na binata na talaga sya, mas lalo syang naging gwapo at gumanda ang kanyang pangangatawan na parang sa gym nakatira.

Pansin ko nga na nagka- abs na rin sya nung minsang naghubad sya ng shirt para punasan ko ang pawis nya.Naglaro kasi sila nila Wil ng basketball nun.Parang nahiya pa nga ako nun dahil natulala ako at pinamulahan ng mukha.Shocks! Ang yummy na ng boyfriend ko.Haha..perv na yata ako.

Halos papadilim na nung umuwi kami.Pagkatapos naming mag dinner ay naligo na ako para magpahinga na.

Nung nakahiga na ako ay hindi naman ako makatulog dahil natulog nga pala kami kaninang tanghali.

Naisipan kong puntahan si Nhel sa guest room para makipag-kwentuhan muna.

Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot kaya binuksan ko na lang yung pinto na hindi naman naka-lock.Pagpasok ko ay sakto namang palabas sya galing sa CR na katatapos lang

maligo at nakatapis lang ng towel sa bewang nya.

Wow! gabi na may pandesal pa.

Shocks! Pumikit ka Laine, ipikit mo yang mata mo, wag kang tumingin sa gwapong hot na yummy na yan na nasa harap mo.

Teka bat ayaw pumikit ng mga mata ko at natulos na yata ako sa kinatatayuan ko?Parang ngayon lang ako natulala ng ganito sa kanya, nag-iinit yata pakiramdam ko kahit may aircon naman.Bakit pinagpapawisan ako?

Anak ng pating naman! Anong nangyari? Bakit ang hot at gorgeous ng bebeh ko?

" May kailangan ka ba? Sorry hindi ko narinig yung katok mo nasa loob kasi ako ng CR." sabi nya na parang hindi naman pansin ang reaksyon ko.

" Ha!" naku naman bat wala akong masabi.

" Babe, ano nangyari sayo para kang natuka ng ahas dyan." naa-amused na sabi nya.

" Beh magbihis kana nga naiinitan ako.....ah eh, I mean baka lamigin yang likod mo, oo nga baka lamigin ka, yun ang ibig kong sabihin.." nag stutter na ako, sana lang hindi nya mahalata.

Naa-amused syang nakatingin sa akin, siguro nahalata nya na para na akong kamatis sa pula.

Lumapit sya at tinitigan ako sa mga mata.Hinaplos nya ako sa pisngi.

" Do you like the view babe?" tanong nya at hinawakan ang mga kamay ko at inilagay sa kanyang dibdib.

Shocks! Lalo akong nainitan ng mahawakan ko ang mainit nyang balat.

Pandesal. pandesal at pandesal. 6 packs.

Oh tukso layuan mo ako!😜


CREATORS' THOUGHTS
AIGENMARIE AIGENMARIE

Romance po ang category nito kaya medyo may pagka-naughty na ang mga sumusunod na chapters. But as much as possible I won't write it using lewd words for the sake of my young readers.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C51
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login