Download App

Chapter 36: She's Back

Nhel's Point of View

"Uy,bro! Tara punta tayo ng school. Ngayon na daw ilalabas yung mga schedule ng mga incoming fourth year pati rin kung anong section tayo.Huwag ka ng magmukmok dyan at darating na rin yung prinsesa mo bukas." si Wil yon habang hinihila ako pabangon sa kama ko.

I sighed.Sa totoo lang parang wala akong gana kanina na pumunta ng school pero since binanggit nya na uuwi na si Laine bukas dinaig ko pa yata ang nakainom ng isang drum na energy drink.

Haha..ganyan ang epekto ni Laine sa akin.

" Sabi ko nga bro halika na eh, ang tagal mo naman kasi." sabi ko.

" Ako pa matagal eh kanina lang parang ayaw mong sumama.Binanggit ko lang na uuwi na si Laine bukas para ka ng si Flash dyan.Hahaha.napaghahalata ka bro! Dali maligo kana sasamahan ko pa si Candy mamaya." tumatawang sabi nya.

Madali na akong naligo at nagbihis.

Ilang sandali pa, lumalakad na kami ni Wil papuntang school.

Pagdating namin sa school, sobrang dami ng estudyante, may mga incoming freshmen kasi na nag-eenrol pa.

Nung makarating na kami ni Wil sa hallway ng fourth year para kumuha ng schedule, nakita ko si Jessica.Tipid syang ngumiti sa akin.Himala! alam ko galit sa akin to ah buong school year nga akong iniwasan nito.Pero dahil gentleman ang peg ko ngumiti rin ako pabalik.Pagkatapos tumalikod na sya para lumabas.

" Uy bro! Magkaklase pa rin tayo sa first section oh. Great!" tuwang sabi ni Wil habang itinuturo yung papel na nasa bulletin board kung saan nakalista yung mga pangalan namin.

" Oo nga, buti naman bro." sagot ko.

" Tapos ka na ba kumuha ng schedule? Sasamahan ko pa kasi si Candy mag-enroll, hinihintay ako dun sa hallway ng Sophomore." tanong ni Wil sa akin.

" Sige bro mauna kana tapusin ko lang to tapos mauna na rin ako umuwi ha?"

" Okey baka matagalan nga kami kaya mauna kana, kita na lang tayo mamaya sa tambayan." si Wil.

" Sige bro! Ingat kayo." sabi ko sa papalayong si Wil.

Binalikan ko na yung ginagawa ko at ng matapos ako, lumakad nako palabas ng school.

Nung nasa labas nako tiningnan ko ang relo ko.Maaga pa naman maglalakad na lang ako.Pero habang naglalakad ako napansin ko na sa kabilang direksyon ako papunta, di bale pupunta na lang ako ng simbahan tutal maaga pa naman mag- visit na lang ako, bonding muna kami ni God.

At dumiretso na nga ako papuntang simbahan.

Laine's Point of View

HALOS 10am na nung lumapag ang sinasakyan naming airplane sa airport.Nagpahatid si daddy kasama ang mga kapatid ko sa bahay namin sa Dasma.Duon na muna daw sila magpapahinga at sunduin na lang daw sila bukas.Kami namang dalawa ni mommy ay dumiretso na ng probinsya para humabol ako sa enrollment na last day na ngayon.

" Laine anak, pagkatapos nating mag enroll umuwi kana sa bahay tapos ako naman babalik ng Dasma para puntahan sila daddy ng maaga kaming makauwi bukas.Nandun naman si tita Baby kaya may kasama ka." bilin ni mommy.

" Mom hindi po ba kayo napapagod?

Bukas na lang po kayo umuwi ng Dasma, pahinga muna kayo sa bahay ngayon." sabi ko kay mommy.

" Syempre anak napapagod, kaya lang dadaan din talaga ako ng office natin dahil marami akong aasikasuhin na napabayaan ko dahil nagbakasyon tayo.Papahinga naman ako mamaya.

Don't worry." sagot nya.

" Okey mom."

Nakarating na kami ng school na halos hapon na.Buti na lang may mga teachers pa at bukas pa ang registrar's office.

So far naging maayos naman yung enrollment ko..madali kaming natapos kasi konti na lang naman ang nag-eenrol.Hinatid lang ako ni mommy sa sakayan ng jeep then sya didiretso na uli sya paluwas ng Manila.Bitbit ang backpack ko,nag kiss na ako kay mommy at bumaba na ako ng kotse namin.

" Bye mom, you take care ha?"

paalam ko.

" Ikaw din baby, take care!"

sabi nya.

At sumakay na ako ng jeep.

Habang nasa jeep ako naisip ko na bumaba ng simbahan tutal maaga pa naman tsaka dala ko naman yung notebook na kasama dun sa huling sign na hinihingi ko.I might give it a try..Who knows baka ibigay ni God yung last sign ngayon.Haaay! Laine what's with you ba? Hindi ka naman nagmamadali nyan.

Hindi naman..kaya nga humihingi ako ng sign di ba?

Pagdating ko ng simbahan, as usual walang tao,ordinary day eh.Umupo ako sa may unahan at nag pray then nung matapos mag pray, dun lang muna ako tumambay sa upuan, waiting for nothing.Nasa ganung posisyon ako nang maramdaman kong may umupo sa likuran ko then lumuhod sya dun sa luhuran para mag pray.

Hindi ako lumilingon baka ma- distract ko kasi yung pagdarasal nya.

Then few minutes later naramdaman kong umupo na sya.Dahan-dahan akong lumingon at talagang na shock ako nung makita ko kung sino, actually pareho kaming na shock.

OMG! as in OMG talaga!

" Nhel?!"

" Laine?!"

" Paanong?!" sabay pa kaming nagtanong.

Oh my gosh! Am I dreaming?!!!


CREATORS' THOUGHTS
AIGENMARIE AIGENMARIE

Nagkagulatan pa silang dalawa. Ako rin nagulat eh. hahaha.

Anyway, thank you for reading and please vote for this chapter. ❤️

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C36
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login