Download App

Chapter 2: Prologue:

"I dedicate this song sa isang taong sobrang special para sa akin," ang sabi ni Gabriel. Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid.

Hinanap ng mata ni Gabriel ang taong iyon sa kumpulan ng tao sa harap niya. Nagtagumpay siya. Sumilay ang napakatamis na ngiti sa kanyang gwapong mukha.

"Alam ko hindi naging maganda ang naging simula natin pero hayaan mong patunayan ko sa iyo, gamit ang kantang ito, kung gaano katotoo ang nararamdaman ko para sayo. Wala na akong pakialam kung anong iisipin ng tao sa akin," dagdag niya. "Basta ang alam ko, mahal kita."

Hinigpitan ni Gabriel ang pagkakahawak sa mikropono.

"Mahal na mahal kita, Elijah Eros Cruz!"

Kasabay ang malakas na hiyawan at bulung-bulungan, napunta ang tingin ng karamihan sa lalaking nasa gitna ng madla. Tila ay nanigas ito sa kinatatayuan. Nababalot ito ng pagkahiya at pagkabigla sa ginawang pagtatapat ni Gabriel sa harap ng mga kaeskwela.

Nagsimulang tumugtog ang banda. Titig na titig pa rin si Gabriel sa lalaking iyon. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Sa wakas ay naipagtapat na niya ang totoong nararamdaman.

Pakiramdam niya ay malaya na siya.

Nagsimula siyang kumanta.

"My love, there's only you in my life

The only thing that's right

My first love

You're every breath that I take

You're every step I make

And I, I want to share

All my love with you

No one else will do"

Hindi maalis ang pagtitig nila sa isa't isa. Mata sa mata. Tila ba silang dalawa lamang ang tao sa lugar na iyon. Tila wala ang banda, wala ang mga kaeskwela nila.

Bumaba si Gabriel sa entablado at dahan-dahang naglakad papalapit sa pinakamamahal. Nagbigay daan naman ang mga tao.

Hindi gumagalaw si Elijah sa kinatatayuan. Napakabilis ng pagtibok ng kanyang puso. Hindi rin niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman.

Alam niyang marami ang maiinis at maiinggit sa kanya. Sino bang hindi? Ang pinakasikat na lalaki sa school, siya ang gusto. Siya na simple lang at walang inatupag kung hindi ang pag-aaral

Siya na isang nerd.

Hinawakan ni Gabriel ang kamay ni Elijah. Nagtilian na naman ang mga kababaihan sa paligid.

"And your eyes, your eyes, your eyes

They tell me how much you care

Ooh, yes

You will always be

My endless love."

Ngumiti si Gabriel. "I love you," bulong niya.

"I love you, too," ang tugon ni Elijah.

---

ELIJAH'S POV

"ATHENA!" malakas na sigaw ko habang tutok na tutok sa screen ng laptop ng nakababata kong kapatid na babae.

Humahangos na pumasok si Athena sa kwarto at mabilis na inagaw sa kapatid ang laptop. Hawak niya pa ang toothbrush niya at nakapulupot pa ang tuwalya niya sa kanyang buhok. Halatang katatapos lang nito maligo.

"Anong ibig sabihin ng nabasa ko? Bakit kapangalan ko ang nandiyan? At.. at... b-bakit nakikipag-I love you-han ako sa isang lalaki?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ba kasi nangingialam ka ng gamit ko?" asik niya sa akin imbes na sagutin ang tanong ko.

Aba. Siya pa ang galit.

"Umayos ka nga! Burahin mo iyan!" pagalit na sabi ko.

"A-YO-KO," matigas na sabi niya at itinutulak ako palabas ng kwarto niya.

Tangina! Anong kagaguhan ang ginagawa ng kapatid ko? Sikat na writer pa naman siya! Sigurado ako maraming nakakabasa sa sinusulat niya!

Wala na akong nagawa nang maitulak na ako palabas ni Athena at mabilis niyang mai-lock ang pinto. Bumalik na ako sa kwarto ko. Kailangan ko pang ayusin ang mga gamit ko. Unang araw ng klase bukas sa bago kong school.

Sana lang ay maging maayos ang buhay ko roon. Sana walang gulo. Ang gusto ko lang ay maka-graduate ng maayos at walang problema.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login