Paglabas ni Dani sa building ay sumalubong na agad sa kanya ang mga batang pumila ng maayos. Habang naglalakad siya ay isa-isang inaabot sa kanya ng mga bata ang rosas na hawak nila. Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Dani lalo ng makita niya sa harapan si Axel at nakatingin sa kanya. Ang mga mata ng binata ay puno ng pagmamahal. Nang makarating sa dulo at natapos na ang pagbibigay ng rosas sa kanya ay kinuha ni Sydney ang mga bulaklak sa mga kamay niya.
Lumapit sa kanya si Axel at inalalayan siya na makapunta sa gitna. Ramdam nilang pareho ang lamig ng mga kamay nila at ng magtama ang paningin nila at nagkangitiin sila pareho. Binigay ni Aubrey ang microphone kay Axel. Huminga ng malalim at saka humarap sa kanya.
"Dan..." sabi ni Axel at huminga ulit ng malalim. Natawa ang mga tao sa paligid nila dahil halata kay Axel ang kaba. "Nagpapasalamat ako kay Lord dahil hinayaan niya na makilala ko ang isang babae na babago sa buhay ko. Isang babae na nagpatino sa babaerong si Axel Monteclaro." Sabi ni Axel at natawa ang lahat. "Kung dati ang motto ko "Collect and collect, then, select" ngayon ay "One-woman-man na." Patuloy ni Axel.
"Dan, kahit hirap na hirap ako pagkatabi kang matulog, gusto ko pa din na paggising ko ay mukha mo ang makikita ko." Sabi ni Axel. Kumunot ang noo ni Dani. Nakuha naman agad ni Axel kaya binaba niya ang mic at ibinulong sa kanya ang dahilan.
"Ang hirap kayang pigilin ng alaga ko. Tapos lagi ka pang siksik ng siksik." Bulong ni Axel. Namula si Dani kaya kinurot niya si Axel sa tagiliran.
"Mukhang battered husband po ang labas ko nito." Biro ni Axel na ikinatawa ng lahat.
"Dan, ikaw ang nag-iisang babae na nagparamdam sa akin ng lahat ng emosyon. Saya, lungkot, takot, galit, inis, na minsan ay sabay-sabay pa." Sabi ni Axel na ikinangiti ni Dani. "Ikaw ang nag-iisang babae na gusto kong makasama habang buhay. Ikaw ang gusto kong maging ina ng mga anak ko. Ikaw lang at wala ng iba pa, Daniella Monteverde." Sabi ni Axel.
Lalong kumabog ang dibdib ni Dani ng lumuhod si Axel at may kinuha sa bulsa. Lahat ay tahimik, pati sa mga bata ay walang ingay na nadidinig.
"Daniella Monteverde, pwede ka bang pakasalan ng isang Axel Monteclaro?" Tanong ni Axel. Natulala si Dani at ang luhang kanina niya pa pinipigil ay kala mo balon na patuloy na umaapaw. Tumayo si Axel at niyakap si Dani. Halos lahat ng nakapaligid sa kanila ay naiiyak na din. Nang kumalma na si Dani at hikbi na lang ang madidinig mula sa kanya ay nag-alala si Axel.
"Dan..." Sabi ni Axel. Tumingin sa kanya si Dani. Napalunok si Axel.
"Ayoko!" Sagot ni Dani na ikinabigla ng lahat. Natulala si Axel. Pero maya-maya ay nangiti si Dani. Kinuha niya ang microphone kay Axel. Para namang wala sa sarili si Axel.
"Ayoko...ayoko ng malayo sa iyo. Ayoko ng mag-isa sa higaan dahil nasanay na akong nakasiksik sa iyo. Nakaka-adik kasi ang amoy mo." Sabi ni Dani at biglang umaliwalas ang mukha ni Axel. Ang lahat naman ay nakahinga ng maluwag at saka nagtawanan.
"Ayoko ko na ng tahimik na buhay kasi nasanay na ako sa magulong mundo mo. Ayoko ng may ibang babae na umaaligid sa iyo." Sabi ni Dani na sinaluduhan naman ni Axel. "Ayoko na lilipas ang isang araw na hindi kita kasama. Kaya, Axel Monteclaro, payag ako na magpakasal sa iyo." Sabi ni Dani at hinalikan si Axel. Nagulat si Axel pero ng mahimasmasan ay gumanti na din ng maalab na halik. Ang lahat ay masayang nagpalakpakan.
Isang kanta muli ang aawitin ng mga bata. Magkahawak kamay ang dalawa na nakaupo sa harap na hahandugan ng awit ng mga anghel.
Mula ng kita'y makilala
Ang buhay ko ay nag-iba
Wala nang lungkot sa gabi
Ligaya'y bawat sandali
Palagi akong may ngiti
Kapag kita'y naiisip
Makita lamang kita
Wala ng hahanapin pa
Hulog ka ng langit
Sagot sa dalangin
Kay tagal-tagal ko nang dinarasal
Maging akin ka
Hulog ka ng langit
Tapat na pag-ibig
Sa'yo ko lang nadama
Walang iba sigaw ng dibdib
Hulog ka ng langit
Pag-ibig sa'yo ay nakita
Hindi natamo sa iba
Sana'y di ka magbago
Masasaktan ang puso ko
Hulog ka ng langit
Sagot sa dalangin
Kay tagal-tagal ko nang dinarasal
Maging akin ka
Hulog ka ng langit
Tapat na pag-ibig
Sa'yo ko lang nadama
Walang iba sigaw ng dibdib
Hulog ka ng langit
Kay tagal-tagal ko ng dasal
Maging akin ka
Sagot sa dalangin oh...
Hulog ka ng langit
Kay tagal ko nang dinarasal
Hulog ka ng langit
Sagot sa dalangin
Hulog ka ng langit.