Download App

Chapter 2: Elders

Pagtapos ng pagtunog ng trumpeta ay nagsidatingan nanga ang mga magigiting na Elders.

Ang ibang nanunood ay hindi na napigilan ang sarili at nagsigawan na ang mga ito.

Tila ba talagang napaka taas ng tingin ng ilan sa mga elders sa pagka-manghang kanilang nararamdaman.

Kitang kita naman ni celin kong paano kahangaan ng lahat ang mga elders na ito.

Sa pag lalakad ng mga ito ay tila nababalot nga ang mga ito ng kakaibang ora.

Kitang kita rin sa kasuotan nila na tila di biro ang mga tao na iyon masyadong magarbo sa mga mata ni Celin ang pananamit at porma ng mga ito.

Dama nya na para bang napaka layo ng agwat niya sa bawat isa sa mga ito.

Habang papalapit na naglalakad ang mga elders ay isa isa itong tinititigang maigi ni Celin.

Tila ba parang sinadya ang kagwapuhang taglay ng mga ito.

Ang pakiramdam ni Celin na para bang mga anghel ang mga nakikita nyang mga iyon at ganun nalang ang pag hanga nya dito na halos parang pirpekto ang lahat sa mga ito.

[paglalarawan sa mga Elder]

Nangunguna sa pag lalakad ang Elder na may malarosas na buhok, singkit na mga mata at may kulay itim na labi at itim na mga kulay ng mga kuko. Maputi ito at may mahabang mapayat na nakatirintas na buhok sa likod.

Sa pormahan nito ay mahahalata mo na isa ito sa pasaway sa mga Elder.

Ang Elder na ito ay si "vonne".

Tinatawag din si Vonne na "Astaroth Claw" dahil sa kakaiba nitong kapangyarihan.

Samantala malayo palang ay tila ba nakatitig na si Vonne kila Celin na para bang namimili na ito ng kanyang matitipuhan.

Kasunod ni vonne sa paglalakad ang isa ding lalaki na mas maliit kay vonne. May maamo itong mga mata at may napaka itim na mahabang nakataling buhok. Mapagkakamalan itong babae dahil sa maamo nitong pagmumukha.

Taglay din nito ang halos maputla nang pagkaputi ng balat dahilan para mapagkamalan mo talaga itong isang babae.

Makukumbinsi kalang sa pagkalalake nito kapag tinitigan mo ang magandang katawan nito na may mga pilat mula sa mga labanan.

Masyadong maganda ang Elder na ito para sa kasariang lalake.

Nagmumukha na itong manika sa ganda ng imahe nito at binansagang "Periculo Doll" na ang ibig sabihin ay mapanganib na manika.

Ang Elder na ito ay si "Danka".

Katabi naman ni Danka sa paglalakad na sya ding nasa likod ni vonne ay ang babaeng elder na may mala abong kulay ng buhok.

Matangkad na babae rin ito na kasing tanggad ni vonne at may maputi ding balat at nakasuot ng salamin.

May kalakihan din ang dibdib at pwet nito dahilan para ang karamihan namang lalake sa kaharian ang magkagusto at mabaliw sakanya.

Pero di tulad ng iba, ang babaeng elder na ito ay subsob sa pag aaral tungkol sa mundong iyon napaka talino din nito at sa talino nya ay sya ang naging pinaka head ng lahat pag dating sa pag kalap ng impormasyon at sya rin ang tila prinsipal ng eskwelahan sa kaharian ng Stella.

Ang Elder na ito ay si "Assedia".

Kilala naman si Assedia sa katawagang "Femina Zodiaci".

Sa likod naman nila Assedia at Danka ay isa ring lalake na may taas na maihahalintulad kila Vonne at may napaka habang puting buhok na lalagpas sa pwetan nito.

May maputlang pagka puti din ito tulad kay Danka at may matatapang ang mga mata na may makapal na kilay.

Tila seryoso ang pagmumukha nito kong titignan pero napaka gwapo nitong lalake na aakalain mong sa mga palabas mo lang makikita.

Napaka liwanag naman nitong tignan dahil sa puro puti ang kulay ng damit nito.

Ang elder na ito ay si "Touru".

Samantala nabansagan namang "Artes Spiritus".

Sunod naman ay ang sa tabi ni Touru na kapansin pansin din, dahil sa kong anong liwanag ng suot ni Touru ay sya namang dilim ng suot nito.

May haba din ang buhok nito na pantay lang sa bangs nito na natatakpan na ang mga mata.

Di makitang maigi ang pagmumukha dahil may suot din itong maskarang itim.

Bukod pa roon ay ang suot din nitong damit ay may kwelyong pabilog na tila natatakpan na ang babang parte ng mukha sa taas ng kwelyo.

Nakabalabal din ito ng itim mapapansin mo na kong anong hiwaga at gandang taglay ng ibang Elders ay ito naman ang pinaka ma-misteryoso sa lahat.

Pero dahil din sa ganoong porma at pananamit nito ay nakikita rin na tila para bang isa ito sa pinaka malakas na Elder.

Ang tanging bagay lang na lubos na kapansin pansin dito ay ang hikaw nito sa kaliwang tenga na may disenyo ng "Yin".

Napaka misteryo ng Elder na ito kong titignan at takot nga ng ilan dito ay binansagan itong "Grim Reaper" na ang ibig sabihin ay isang Reaper.

Ang elder na ito ay si "Casey".

Salikod naman ni touru at casey ay ang natitirang dalawang elder.

Unahin na natin ang pangalawang babae sa mga Elder.

Ang elder na ito ay may damit na maninipis na halos makita na ang panloob nitong suot sa nipis ng pantaas nitong damit.

Samantala may suot din itong patulis na sombrero na tila makikita mong suot ng mga mangkukulam. Mahahalata mo rin sa Elder na ito na maaaring isa sa ugali nito ang maging tahimik lang hindi ganon ka aktibo sa mga bagay.

Kulay lila ang buhok nito at kapansin pansin din na tangin medyas pang ang sinusuot nito at hindi nagsusuot ng kahit anong uri ng sapatos.

Pero kahit ganoon ay kilala rin sya ng lahat sa tawag na "Nightmare Regina" na ang ibig sabihin ay reyna na bangungot.

Ang Elder na ito ay si "Eiyah" at nakaupo at nakasakay ito sa balikat ng pang huling Elder.

Ang pang huli o pang pitong elder na syang sinasakyan ni Eiyah ay ang pinaka matangkad sa lahat.

May kulay ginto itong buhok na may haba na aabot sa leeg.

Ka pansin pansin din ang ganda at laki ng katawan nito na para bang batak na batak ito sa pag iinsayo.

Karamihan din ng babae ay sakanya humahanga dahil talagang nakakaakit ang laki ng katawan at pagkalalake nito.

Kadalasan itong nagsusuot ng piring sa mga mata lalong lalo na sa labanan, hindi ito bulag pero doble ang ipinapamalas nitong kakayahan kapag nababalot sa dilim ang paningin nito.

Maging ang mga pandama nito ay dumodoble tulad ng pandinig, pang amoy, liksi ng katawan at iba pa.

Taglay din nya ang bansag na "Gautama".

Ang Elder na ito ay si "Zedd".

Sa itsura ng mga Elder ay dimo iisiping nanggaling sila sa loob ng dungeon kong saan tatlong araw silang nakipag laban sa mga malalakas na halimaw doon.

Sabay sabay na nagsilapit ang mga elder sa hari at sabay sabay na nagsiluhod pagka tapos ay bumukas ang malaking pulang kurtina sa likod ng hari at doon makikita ang mahaba at magarbong lamesa.

Pinatayo ng hari ang mga elder mula sa pagkakaluhod nito at inaya ang mga ito na sumunod at sumama sakanya para maupo sa magarbong lamesa na iyon.

Sa pag upo ng mga elder ay agad inutos ng hari na ilabas ang mga piraso at buohin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Assedia.

Doon naman ay kanya kanyang nilabas ng mga Elder ang tila mga piraso ng papel.

Tumayo naman ang isang Elder na si Assedia at kinuha ang mga pirasong ito.

Matapos kolektahin ay gumamit ng kapangyarihan o salamangka si assedia para ilabas ang isang din malaki at tila napaka hiwagang libro.

Doon nakita ng lahat ang libro na punit punit at tila kulang kulang sa pahina.

Dito nagliwanag ang mga mata at lumutang si assedia at tila ba nasa malalim na itong kapangyarihan na para bang pumapasok na mismo ito sa libro.

Samantala ay kusa namang gumagalaw ang libro na lilipat lipat ng pahina at sa tamang lugar o pwesto ang mga piraso ng papel na kanilang dala na syang nakalutang din ay kusang nabubuo at napupunta sa tama nitong bahagi.

[matapos mabuo ni Assedia at mailagay ang lahat ng bagong piraso ng libro]

Matapos trabahuhin ni Assedia ang libro ay akma na sanang babasahin ni assedia ang ito.

Ngunit pinigilan sya ng hari, sinabi ng hari na mas maganda sigurong basahin iyan sa publiko kapag nakompleto na ang buong pahina nito.

Agad naman itong naintindihan ni Assedia dahil alam nyang ang totoong ibig sabihin ng hari ay dapat na sila lang muna ang makaalam ng mga nakasulat mula sa mga bagong piraso na nakuha nila.

Matapos noon ay gamit muli ang kapangyarihan ni Assedia ay agad naglaho ang malaking libro.

Kita naman ang pagkadismaya ng mga tao pero agad itong napalitan ng kasiyahan ng magsalita ang hari at sabihin na:

Hari: maskarapat dapat na magdiwang nalang muna ang lahat at saka na isipin ang nilalaman ng mga piraso kong ito ba ay maganda o hinding balita.

Nag sigawan naman ang mga tao at doon nagsimula narin ang pagtugtog ng orchestra at ang kasiyahan ng lahat.

Inilabas ang mga bariles ng alak at maraming mga pagkain.

Samantala nagsidatingan naman ang mga tila mga kusinero ng kaharian at hinandaan ang hari at mga Elder ng masasarap na pagkain.

Kumakain ang hari kasalo ang mga Elders sa isang magarbong lamesa at sa harapan nila ay ang mga normal na mamamayan lang na tila sabay sabay ang lahat sa kasiyaan.

Sila Celin naman na walang alam sa nangyayare ay inaaya nalang ng ibang tao roon ng alak at pagkain na sya namang hindi tinatanggihan ng mga kasama ni Celin.

Si Celin naman ay masasabing nag iingat parin kaya hindi sya tumatanggap ng kahit anong pagkain lalo na ng mga alak na inaalok sakanya.

Naupo nalang muli si Celin sa gilid habang pinagmamasdan ang kasiyaan ng lahat bukod pa roon ay napansin ni celin na tila ang haba at ang dami ng taong nagdiriwang na mula sa loob ng palasyong iyon ay aabot pa ito hanggang sa labas.

Sa pag tingin tingin din ni Celin sa paligid ay nakita nya ang malaking orasan sa taas at ang oras sa puntong iyon ay 5:47am.

Matapos makita ang oras ay napabanggit tuloy si celin nang:

Celin: nakalimutan kong umaga palang pala. Masyado naman atang maaga sila kong mag inum ng alak.

Sa sinabing iyon ni Celin ay nagulat naman sya matapos may sumagot sakanya mula sa likod na isang malamig na boses at anggit nito na:

Boses: karaniwan lang iyan. Walang tamang oras kong kelan ka dapat uminum ng alak. Basta kong masaya ka iparamdam mo din sa katawan mo ang kasiyahang nararamdaman mo.

Napalingon si Celin matapos marinig ang boses at dito nakita nya na ang nagsalitang iyon ay ang isa sa mga Elder at ito ay si Casey.

Pero hindi ito nakatingin sakanya nakatingala lang din ito sa orasan.

Halata din na talagang di nito nakita si Celin at talagang sumagot lang ito sa narinig.

Hindi naman alam ni Celin ang gagawin, susubukan sana nyang lapitan ang Elder na ito pero naglakad na ito pabalik sa lamesa kong saan naroon ang ibang mga Elder.

Sinundan nalang ng tingin ni Celin si Casey hanggang sa maupo ito at dito nyarin nakita na hindi ito kumakain o imiinum di tulad sa ibang Elder na ganado sa pagkain at ang iba panga ay ganang gana sa pag inum ng alak tulad nila Vonne, Zedd at Danka.

Bumalik nalang si Celin sa gilid at doon inisip ang narinig na malamig na boses.

Nagtataka sya dahil bakit napaka pamilyar ng boses na iyon at bakit para bang narinig na nya ito ng maraming beses.

Kahit ilang beses namang titigan ni Celin ang Elder na si Casey ay hindi nya makilala at makitang maiigi ang mukha nito dahil sa naka maskara nga ito at natatakpan din ang mukha nito ng aabot sa matang mga buhok.

Minsan ay inaabangan din ni Celin na kumain ito o uminum manlang ng alak dahil sa paraang iyon lang nito tatanggalin ang maskara pero hindi talaga ito umiimik sa kinauupuan.

Isang bagay nalang ang gustong malaman ni Celin iyon ay ang malaman ang pangalan ng mga Elder o hintaying sabihin sakanila ang pangalan ng mga ito.

Ayaw naman magtanong ni Celin sa iba dahil abala ang mga ito sa pag kain at pag inum bukod pa roon ay para bang lasing narin ang karamihan.

Kaya lalong hindi na lumalapit si Celin sa kahit na sino, babae man o lalake.

[makalipas pa ang ilang minuto]

Tahimik lang si Celin na nakasandal sa gilid nang biglang tawagin na ng hari ang mga babaeng syang nagaasikaso kila Celin.

Agad na tinawag sila Celin at pinalihera sa tapat ng mga elder sabay banggit ng hari na:

Hari: sila ang mga nailigtas at piniling mabuhay matapos mapadpad sa mundong ito.

Kahapon pa lumiwanag ang "Yggdrasil"(world tree). kaya ang ibig sabihin ay kahapon pa sila dito napadpad ngunit kanina lamang sila nasagip at sa kasamaang palad ay marami rami din ang namatay.

Ang isang bagay lang na nakakapagtaka sa pagkakataong ito ay lahat ng napili ng puno ngayon ay karamihan ay babae.

Pero hindi parin natin ito mabibigyang patunay lalo na at hindi natin alam kong puro babae din ba ang syang nasagip ng ibang kaharian.

Mahigit sa dalawampung taon narin mula nang magpadala dito ang puno ng pulutong ng tao mula sa totoong mundo na karamihan sainyong naririto ngayon.

Ngayon lang muli nagpadala ang puno ng pulutong at karamihan pa ay babae.

Kaya naman ngayon ay inuutusan ko ang mga Elder na kilatisin sila kong sila ba ay may natatanging kakayahan.

Matapos ng mga sinabing iyon ng hari ay agad na itong tumalikod at bumalik sa kinauupuang trono.

Agad namang nagsitayuan ang mga Elders at pinuntahan sila Celin.

Ang ibang elders tulad nila Danka, Assedia, Touru at Zedd ay normal lang na nilapitan ang ibang kasama ni Celin.

Sa puntong ding iyon ay dito na napansin ni Celin na tila ba sakanya nakatitig ang isang Elder na may mala rosas na buhok na si Vonne at may ngiti sa mga labi nito at halata ang paghanga sa taglay na kagandahan ni Celin.

Tumayo na itong si Vonne at akmang papalapit na sana kay Celin nang biglang mabilis na tumalon ang isa sa mga Elder.

Mula sa kina-uupuan ay mabilis na tumalon si Casey sa kinaroroonan ni Celin at mabilis na hinawakan sa pulso si Celin na syang ikinagulat ng lahat dilang ni Celin at Vonne kundi pati na ang hari at iba pang mga Elders.

Hindi napansin ni Celin na tinitigan din pala sya ng Elder na si Casey dahil mula ng makita nyang nakatitig sakanya ang Elder na si Vonne ay tila nakaramdam si Celin ng hindi komportableng pakiramdam kaya di na nabaling ni Celin ang paningin nya sa iba pang bagay.

Sa paglapit ni Casey ay agad nitong tinanggal ang itim na maskara at dito nakita nila na bakas sa pagmumukha ni Casey ang pagkabigla nito na tila ba hindi ito makapaniwala sa nakikitang si Celin.

Matapos naman tanggalin ni Casey ang maskara at makita ni Celin ang mukha ni Casey ay dito laki din ang gulat ni Celin at kitang kita na hindi din ito makapaniwala na makita si Casey.

Tatlong segundong nagkatitigang maigi si Casey at Celin at matapos noon ay mabilis na hinila ni Casey si Celin papalabas sana ng kastilyo pero tila natigilan sila sa paglalakad matapos mag bitaw ang Elder na si Vonne ng salita:

Vonne: Teka lang!.

Anong klaseng kabastusan naman yan Casey!

Ni hindi mo lang ba kami tatanungin kong tipo ba namin ang babaeng iyan at basta mo nalang ito hihilahin!? kasi kong ako ang tatanungin mo Casey ay gustong gusto ko yang napili mo.

Hindi umimik si Casey at lumingon lang ito kay Vonne at dito nakita nila sa mga mata ni Casey kong gaano ito ka seryoso sa bagay na ginagawa nya.

Tila sinasabi ng mga mata ni Casey na may magkamali lang na lumapit sakanila ni Celin ay agad nyang babawian ng buhay.

Sa nakitang iyon ni Vonne ay upang hindi din ipahalata na nasindak ito sa mga mata ni Casey ay sinabi ni vonne na:

Vonne: Sige Casey. Tutal mabait din ako ngayon ay hahayaan kita sakanya na ikaw na ang mauna sakanya at ibalik mo nalang sya sa akin kapag tapos kana. hindi ba mas magandang ideya dahil gustong gusto ko talaga kasi ang babaeng iyan.

Sa pagkakataong ito sumagot na si Casey at dito narin nagumpisa ang tensyon sa pagitan ng dalawang malakas na Elder na sina Vonne at Casey.

Casey: wag mo akong itulad sa barumi mong pag uugali Vonne!. Hindi ko sinasama ang babaeng ito ngayon dahil sa may pagnanasa ako sakanya.

Kilala ko ang babaeng ito mula sa totoong mundo at kaylangan ko sya kaya at wala ni isa man sainyo ang pupwedeng gumalaw o humawak sakanya lalong lalo kanang hayup ka!.

Sa mga sinabi ni Casey ay tila napangiti si Vonne isang ngiti na may paglangitngit ng mga ngipin na tila pinipigilan nito ang sariling kapangyarihan at kasabay din nito ang pagbanggit ni vonne nang:

Vonne: Tanong ko lang Casey!. Naglaban naba tayo noon!?

Casey: hindi pa pero handa akong pumatay ngayon kong gusto mo.

Vonne: Magaling! Kong ganun alas tres ng hapon mamaya. Ang mabubuhay ang syang makakasama ng babaeng iyan.

Hindi na sumagot si Casey at suplado nalang nitong tinalikuran si Vonne.

Sa puntong iyon ang kasiyahan nadarama ng lahat kanina ay napalitan na ng pag aalala at kaba. Nakakabingi narin ang katahimikan ng lahat at ng paligid.

Dahil dito ay nagsalita narin at sinigawan ng Elder na si Assedia ang dalawang Elder na si Casey at Vonne at sinubukang sawayin ang dalawa, banggit na:

Assedia: Anong klaseng mga pag uugali yan huh! Vonne at casey ano bang nangyayare sa inyo!?

Ikaw Casey hindi ka naman ganyang talaga. Nakakapagduda ang mga ikinikilos mo ngayon alam mo ba iyon!

Kahit kelan ni hindi ka kumukuha ng mga babae at ni hindi mo nga ito pinapansin pero anong pag uugali yan ngayon huh!

Sa kinikilos mo Casey ay lalo mong pinagtitibay ang pagdududa ko sayo na may roon kang binabalak.

At ikaw naman Vonne gaano kanaba ka hayok sa laman at handa kang makipag patayan kay Casey para lang matikman ang babaeng iyon at maging babae mo huh!

Tanong ko lang Vonne nakikilala mo ba kong sino ang hinahanamon mo.

Paalala ko lang sayo Vonne na si Casey lang naman ang binansagang "Reaper" ng ibang kaharian.

Ang reaper na syang iniiwasan ng mga kalabang Elders. Kaya gaano kanaba nahihibang Huh! vonne!!

Kapag isa sainyo ang namatay ay aalis na ako sa pagiging Elder ng kahariang ito. Ayokong sayangin ang buhay ko sa kahariang nagtataglay ng malalakas ngunit mga inutil na tao.

Ang sa akin lang ay dahil sa isang babae ay mababawasan tayo ng Elder anong klaseng katarantaduhan iyon.

Wala sana kaming pake kong magpatayan kayo mabuti sana kong hindi kami maaapektuhan sa maiiwan nyong trabaho tsss.

Sa mga sinabi ni Assedia ay mas natahimik ang lahat. Pero sakabila nito ay itinawa nalang ng hari ang mga nangyayare sabay banggit nang:

Hari: sa mga ipinapamalas nyong pag uugaling iyan ay lalo akong nagiging komportable sa pamumuno ko sainyo.

Patunay lang iyan kong gaano na kayo kalalakas ngayon at nagagawa nyo nang kalabanin ang isat isa. Talagang masaya ako sa umagang ito. Hahahaha...

Matapos tumawa ng hari ay sabay itong sumigaw nang "Ipag patuloy ang kasiyahan".

At dito ay nag simula na uling mag inuman ang lahat sa paligid.

Inasikaso namang muli ni Assedia at ng ibang Elders ang ginagawang pagkilatis sa mga baguhan.

Samantalang tahimik lang na naglakad si Casey hila hila si Celin papalabas ng pinto at umalis.

Samantalang si Vonne naman ay nakatitig lang kay Casey habang ito ay papaalis at papalabas ng kastilyo.


CREATORS' THOUGHTS
namme namme

Saan nga ba dadalhin ni Casey si Celin at anong mangyayare sa namuong alitan ng dalawang Elder!?

Abangan sa susunod na kabanata ng Internal|Sin.

.

Follow us on IG to get notified on every updates and post of Character Design and Concept Art of this Story.

.

You may see the characters of Internal Sin on Instagram.

IG:@nammemmy

.

Two chapters per week, publishing time is on every Saturday and Sunday 12:00 am (PHT).

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login