Download App

Chapter 2: Chapter 2: Tanging Ala-ala

Sa ilang araw na pagbalik ko sa lugar kung saan ko s'ya nakita ay ilang beses din akong nabigo. Pakiramdam ko ay muli nanaman akong umasa at nasaktan. Naisipan ko muling gumawa ng tula ngunit hindi kagaya ng unang tula, pagkabigo ang laman ng aking pangalawang tula. Kinabukasan sa paaralan habang binabalik ko ang mga libro na hiniram ko sa library napadaan ako sa isang silid at narinig ko ang isang mala anghel na boses ng isang babae. Napatigil ako at nakinig sa harapan ng nakasaradong pinto at inilapat ko ang aking tenga sa pinto. Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata at muli kong naisip ang panyayari noong araw na pinagmamasdan ko ang ulan. Naramdaman ko na tila nasa parehong pangyayari ako muli non. Napagtanto ko na kaya nararamdaman ko iyon ay dahil sa ang boses na iyon ay ang boses ng babaeng nakasama kong magpatila ng ulan at hindi ako maaring magkamali dahil ayon nalang ang tanging ala-ala nung araw na iyon ang hindi ko makakalimutan. Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit biglang dumating ang isang guro at pumasok ito sa silid sabay lock ng pintuan.

Muli akong nabuhayan dahil naniniwala akong s'ya ang babaeng iyon at sa wakas may pag-asa na muli ko s'yang makita. Sa saya ko muli akong sumulat ng tula. Ang ikatlong tulang 'yon ay ang pinaka mahabang tulang nagawa ko dahil sa naging sobrang inspirado ako. Sa sumunod na araw muli akong bumalik sa silid na iyon, tumakbo ako papunta roon at biglang may bumukas na pinto at sumalpok ako roon kaya naman nawalan ako ng malay. Paggising ko ay nasa clinic na ako at dinala ako ng isang estudyante na kagaya ko ay Grade 12 student na rin. Gwapo sya, matangkad at matipuno. Nainggit ako sa kan'ya at hindi ko naiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanya. S'ya si Andrew, member ng basketball team ng school namin. Mabait s'ya at palakaibigan kaya sikat s'ya sa school pero hindi sa akin, wala naman kasi akong paki sa mga tao sa school. Kung wala akong mapapala sa kanila wala akong pakialam kung sino man sila.

Dahil nga palakaibigan s'ya naging magkaibigan kami at binago n'ya ang ilang mga pananaw ko sa buhay. Sa tingin ko naging isa akong mas mabuting tao simula nang naging kaibigan ko si Andrew. Nakakahawa ang pagiging positibo ni Andrew at ng nabanggit ko sa kan'ya ang nangyari sa akin noong araw na nagpapalipas ako ng ulan sinabihan n'ya ako na wag akong mag-alala dahil habang may buhay may pag-asa. Isang beses naikwento n'ya na may girlfriend daw s'ya at sinabi n'ya na katulad ko matagal n'ya ring hinintay ang babaeng iyon na dumating sa buhay n'ya at sahuli naging sila. Doon ko rin na pagtanto na kaya pala s'ya madalas may dalang mga gamit ng babae, baka sa girlfriend n'ya pala yon.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login