Download App

Chapter 2: Part 2

*Hello! before I post the next chapter. You can find more of my stories in wattpad and dreame. Ito po ang mga account names ko: ♥️

Wattpad: @AuraRued

Dreame: Aura

***

"Hindi mo ako maiintindihan, Lily. Pero sana dumating ang panahon na matatanggap din ninyo ang desisyon ko." bakas ang kaseryosohan sa binitiwang salita ni Ara. Napangiwi si Lily, hindi parin makapaniwala.

"Ito, inumin mo."

"A-ano iyan? Lason?!"

"Hindi, tubig lang iyan." binuksan ni Ara ang bote at tumungga. "O, safe, sayo na."

Ngali-ngaling tinanggap ni Lily ang inumin pero sa huli ay dinala rin sa bibig.

"Saan tayo papunta? Anong lugar 'to? Sabihin mo sa k-kanyang ibalik tayo sa Earth!" turo niya sa nilalang.

"Hindi ganoon kadali yun, Lily. Hindi ko maexplain, pero parang nakaprogram na ang sasakyang ito pauwi sa planeta nila."

Nanghihina parin ang mga tuhod niya sa pagkalito. Pati ang spaceship ay nakakamangha. Ang kinalalagyan nila ay hugis pabilog. May control system sa gitna at dalawang malaking swivel chair sa harap niyon.

"At ito din, para sa'yo." pagkuway sabi nito. Inabot sa kanya ang isang green na bato.

"Ano naman yan?"

"Special to. Marami kang pwede magawa, kapag nasa labas ka ng Earth, kung dala mo to."

"May powers?" taas ang kilay na tanong ni Lily.

"Ahh, parang ganun na nga."

"Kaya kong magteleport nito? O maging hero kagaya ni superwoman?"

"Hindi." kakamot-kamot sa ulo na sagot ni Ara. "Pag nasa iyo iyan, kaya mo nang makipag-usap sa kanila. Maiintindihan mo sila, at sila din sa'yo. Kaya mo na ring huminga kahit walang dalang mask or yung gadgets. Hindi ko actually alam kung anong tawag nun. Basta basically, kaya mong tumira sa labas ng Earth kapag nasa iyo 'yan. See? Meron din ako." ipinakita nito sa kanya ang kwintas sa dibdib.

"Ay! ayoko. Baka pag nagtagal maging kamukha ko sila pag dala-dala ko iyan."

"Hindi, Lily, trust me. Ginawa iyan para sa uri natin."

"Bakit ngayon wala naman akong ganyan, okay lang naman ako?"

"Kasi nakaprogram sa spaceship nato na makagalaw at makahinga tayo ng maayos. Kakailanganin mo iyan kaya ingatan mo." saad ng pinsan.

Maganda ang bato, mukhang napakahiwaga, sa loob niyon ay may dilaw na ilaw na pumipintig na parang puso.

Kinuha niya iyon mula sa kamay ni Ara at naghintay ng kung anong reaksiyon sa kanyang katawan, pero nadissappoint siya. Akala niya ay may bigla siyang mararamdamdamang energy o surge of power paglapat sa balat niya kagaya sa TV, pero wala.

'Hmp! Ordinaryo.'

"Maghanda na kayo, malapit na tayo." Narinig niyang sabi ng halimaw.

"Uy, tagalog?" Naiintindihan n'ya na, iyon pala ang ibig sabihin ni Ara.

Buo ang boses ng halimaw, sa katunayan, 'Maganda ang boses ng interpreter! Tunog DJ. Kung hindi ka nakatingin, parang ang gwapo ng nagsasalita! Pa'no kaya nila ginawa to?' titig niya sa bato

Sa labas ng bintana ay kita ni Lily ang kulay berdeng planeta.

'Ito na siguro ang planeta nila. Magkakulay sa balat nila eh.'

Hindi niya parin kayang titigan ng matagal ang buong hitsura ng nilalang, nakakapangilabot. Mukha namang tao ang tindig pero malaki. Like, MALAKI! Tant'ya niya ay nasa seven feet ang taas! Dark green na may pagka brown ang balat nito na mukhang magaspang. Pahaba ang mukha at malaki ang bibig. Pahaba din ang tainga at may palikpik sa likod noon.Naaalala niya ang dragon collection ng kapatid sa buntot nito.

'Hu May Gad! Gusto ko ulit mahimatay!'

Unti-unting lumapit ang spaceship nila sa planeta. Nakikita na niya ang mga puno at gusali.

'High tech sila?'

Well, gaya ng mga nababasa niyang articles, mas advance daw talaga ang technology ng mga aliens kesa sa Earth, mukhang totoo nga. Malalaki at matataas ang mga kulay silver na buildings na naroon, may mahahaba ding fly overs na dahil sa dami ay nagmukha nang bituka. Ang mga busy na sasakyan sa daan ay hindi na nakasayad sa lupa. May ilan ding hugis motorsiklo na lumilipad sa ere na minamaneho ng kamukha din ni Gavin. May naglalakihang billboards na nakadikit sa mga buildings, naka-play doon ang sa palagay niya ay commercials ng mga produkto. Namangha si Lily dahil kitang-kita niya ang malalaking planeta sa kalangitan. Ibang-iba sa Earth. Halos pare-pareho ang hitsura ng mga tagaroon, sa kulay lang nagkaiba. Kumikilos naman ang mga iyon ng normal. Normal, as in, parang mga tao lang din.

Ugong ng pagbukas ng pintuan ng spaceship ang pumukaw kay Lily mula sa pagmamasid.

"Saan na tayo?" tanong niya kay Ara.

"Nasa headquarters tayo ng ama niya, general ang ama niya ng army dito."

'Totyal si jowa!' naisip ni Lily. 'Pero hindi kaya ipapatay kami dito through firing squad?'

Nakakapit sa braso ni Ara na sumunod sila sa likod ni Gavin. Matikas ang tindig ng huli, may suot itong metal na armour at shoulder pads at makapal black leather suit na hapit sa katawan. May nakasabit na espada sa gilid. Mukha nga itong warrior, baka isa din ito sa mga army.

"My Lord, maligayang pagbabalik." yukong bati ng dalawang nakabantay sa malaking pintuan ng gusali. Kamukha ito ni Gavin, iyon nga lang ay mas maliit. Tumango lamang ang huli, nagpatuloy sila sa paglalakad at lumiko sa kanan, pumasok sa isang malaking kwarto.

"Dito na muna kayo, pupuntahan ko lang si ama. Kung may kailangan kayo, iutos niyo lang kay Mali" tukoy nito sa kalahi na nandoon din sa kwarto. Kung si Gavin ay kulay green, ang Mali namang ito ay mapula, walang palikpik. Mas maliit din ang katawan at mas makurba kaya hula niya ay babae.

"Okay, sige." sagot ni Ara. Tumalikod na ang lalaki at lumabas.

"Pare-pareho talaga ang hitsura nila couz, noh? Ganyan ba lahat dito?"

"Sshhh! Tandaan mo na naiintindihan kana nila." bulong ni Ara kay Lily. Tumigil naman siya dahil natatakot siyang baka lamunin siya bigla kapag narinig ni Mali.

Umupo lang sila doon, hinintay si Gavin. Makalipas ang halos kalahating oras ay bumalik naman agad ito.

"Kumusta ang naging usapan ninyo ng ama mo?" tanong ni Ara. Lumapit sa nobyo at hinawakan sa braso.

"Gaya ng inaasahan, pero hindi rin magtatagal iyon, hayaan muna natin siya." sagot ni Gavin. "Huwag ka nang mag-alala." anitong hinapit sa baywang ang babae at banayad na ngumiti.

'Owkay. So, mukhang mabait ang Gavin na ito gaya ng sabi ni pinsan.'

Nasa ganoon silang tagpo nang biglang bumukas ang pinto. Mula doon ay pumasok ang isa pang kauri nito. Pareho ang hitsura at laki kay Gavin kaya lang ay mas maangas kumilos. May malaki itong peklat sa kanang pisngi na tumuloy hanggang sa gilid ng labi. Agaw pansin din ang nakasukbit nitong mahabang metal pole na may nakakatakot na malaking blade sa dulo. Lumapit ito kay Gavin nang hindi man lang sila binalingan ng tingin.

"Nahihibang ka na ba talaga, Gavin? Hindi mo na dinala pabalik ang babae mo, nagbitbit ka pa ng isa pang laruan!" Napakislot si Lily sa biglaang pagsigaw nito sa kaharap.

'Aba! Aba! Kung maka laruan ang butiking 'to! Mas kamukha mo pa nga ang action figure sa bahay eh.' Siyempre hanggang sa isip lang iyon ni Lily dahil nanginginig ang tuhod niya. Kung natakot siya kay Gavin sa una nilang pagkikita, ay mas nanlambot ang mga buto niya sa presensiya ng bagong dating. Sino ba ito?

"Ayusin mo ang pananalita mo, Juda." Mababa ngunit mahihimigan ang banta sa boses ni Gavin.

"Lubos mong alam na nanganganib na ang bilang ng populasyon natin at kaunti nalang tayong inaasahan ng mga matatanda na makapagbigay ng lahi. Tapos makikipagrelasyon ka pa sa taga ibang planeta?! Ipagpapalit mo ba ang kapakanan ng lahi natin sa isang babaeng hindi natin alam kung ano? Wala na ba iyong halaga sa iyo?"

"Alam mong hindi totoo iyan!"

Nasa sulok lang sina Lily at Ara, nakikinig sa palitan ng malalakas na boses ng dalawang lalaki.

"Kung ganoon, bakit mo ginagawa ang kabaliwang ito?!"

Umiiling na nagbaba ng tingin si Gavin. "Hindi mo naiintindihan. Hindi mo naiintindihan dahil hindi ka pa nagmahal."

'Pak! Ayon oh! ang sarap sa tainga!'

Sarkastikong napangiti ang nagngangalang Juda. "Baliw ka na talaga, Gavin." saad nito at tumalikod. Diretso ang nakasimangot na mukha ngunit kagyat na tinapunan ng nagbabagang tingin si Lily nang dumaan.

Napatago naman siya sa likod ng pinsan dahil akala niya ay bigla nalang siyang hiwain nito gamit ang dalang karet. Napakislot si Lily sa pabalandra nitong pagsara ng pinto.

Napabuntong-hininga si Gavin, ganoon din si Ara.

"Sino ba yon?" siko niya sa pinsan.

"Si Juda, ang nakababata kong kapatid." si Gavin ang sumagot. "Ipagpaumanhin n'yo ang ipinakita niyang kilos."

"Naiintindihan ko si Juda, Gav." sabi ni Ara

'Uy, Gav, shortcut.' "Ako din, naiintindihan ko siya." of course naiintindihan niya! May choice ba siya? Sa hitsura nun? Pati spinal cord niya naggive-up sa sindak! But well, actually, nasa same page sila ng Juda na iyon kaya no comment siya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login