Download App

Chapter 2: Chapter 1: The Girl, Dylan and I

Justin Klyde's POV

"Justin! Anak gising na." tawag ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. Shet anong oras palang ba? Tinignan ko ang orasan at mag se-seven palang naman.

"Maya na po Ma, late na ako natulog kagabi eh." Sagot ko saka natulog ulit. May sinabi pa si Mama kaso di ko na masyado narinig. Wala pang ilang minuto narinig ko nalang na may pumasok. Palingon na ako ng makita ko si Dylan na patakbo sa kama ko.

"Justin bangon na!!!" saka siya tumalon sa akin! Manggugulo na naman to eh!

"Dylan ano ba?! Alis ang bigat bigat mo eh!" reklamo ko.

"Grabe mabigat talaga?! Ang macho macho ko eh!" sabay flex niya ng muscles niya. Sus.

"Saan? Saan banda?" Pambabara ko saka ako nagtalukbong ulit ng kumot.

"Ah ganun ha?" saka niya ako kiniliti. Tang ina lang!

"Dylan! HAHAHA. Tigilan mo HAHAHA na! Bwisit ka! HAHAHA. MAMA!!!"

"Wala si Tita wala kang masusumbungan! Hindi pala ako macho ha?! Eto pa!" saka niya ako kiniliti sa paa.

"King ina Dylan!!! HAHAHAHA! Ayoko na!" habang pilit pa rin akong nagpupumiglas sa pangingiliti niya.

"Hindi kita titigilan hanggat di mo binabawi yung sinabi mo!" sabi niya.

"HAHAHA OO na macho ka na!!! Tama na!" saka siya tumigil. Jusko akala ko mamatay na ako!

"Madali ka naman palang kausap eh." Sabi niya habang hiningal din sa ginawa niya. Isip bata!

"He! Bwisit ka ano bang kailangan mo at ang aga aga nambubulabog ka?!" Masungit kong sabi.

"Basketball na tayo habang wala pang mga naglalaro dun sa court! Para makapagpractice ako. Alam mo naman malapit na laban ng school natin sa October." Sabi niya.

"Bakit hindi nalang ikaw? Eh hindi naman ako masyado marunong maglaro niyan!" sabi ko.

"Pag aralan mo kase hindi puro Chinese garter nilalaro mo." Saka siya natawa! Damuhong to!

"Hoy! Elementary pa ako naglalaro nun no! Sobra ka!" sagot ko. Opo tama kayo. Beki. Bakla. Bading po ako. At itong unggoy na to ay best friend ko. Even if bakla ako tanggap naman ako netong mokong na to. Napaka-unusual na mag best friend kung iisipin.

Ako nga pala si Justin Klyde Ocampo. 5'8. Fine Arts student. Only child with two gender. HAHAHA. Mahilig ako sa sweets. Yun lang.

"Tara na kase. Libre kita taho mamaya." At nang uto pa ang ungta.

"Taho? Ang cheap mo naman! Kahit ako kaya kong bumili nun no!" reklamo ko.

"Eh ano ba gusto mo?" tanong niya.

"HMMMM." Habang hinhimas ko yung baba ko.

"Ay ang tagal mag isip! Dali na!" reklamo niya.

"Saglit lang excited ka akala mo naman mawawal yung court! Sa Mcdo na nga lang gusto ko pancake saka hot choco. Pang breakfast uy! Ano deretso tayo laro?" sabi ko.

"Sige na nga magbihis ka na. Antayin kita sa baba." Saka siya lumabas.

"Bilisan mo ha? Wag ka ng magmake up!" pahabol niya.

"He! Hindi naman ako nag memake up!" Sabay bato ko ng unan.

So ayun naligo na ako at nagbihis. Hinanap ko na sa cabinet yung jersey na color blue  na pinagawa pa talaga namin. Syempre nag tshirt muna akong puti sa loob. Tapos hinanap ko rin yung Nike na sapatos na binili naming sabay nung bakasyon. Ganun kame kailangan kahit papano may parehas kameng gamit. HAHAHA. After kong magbihis bumaba na rin ako.

"Ay nako ambagal talaga." Reklamo niya saka siya tumayo.

"Nyenye! Buti nga sinasamahan pa kita." Sabi ko.

"Hindi mo rin naman talaga ako matiis." Sabi niya sabay kindat! Dukutin ko mata mo jan eh.

"Muka mo. Tara na!" Natawa lang siya saka kame umalis.

Dumiretso muna kame sa Mcdo para mag almusal since malapit lang naman sa village namin. Siya na umorder ng kakainin namin. Di rin kame nagtagal dun kase nagmamadali na ang kumag. Di ko tuloy naabangan yung poging crew! Bwiset!

<>

"3 POINTS by Gonzales!" Sigaw ni Dylan. Manghang mangha na naman ang gago sa sarili.

"Ano ba yan Justin habol naman!" pagmamayabang ng walanghiya!

"Akala mo naman ganun kadali? Tignan mo nga yung score mo! 36 na samantalang ako zero?!" inis kong sagot.

"Eh kasi naman yung shoot mo kung hindi kulang sablay. Tapos ang hina mo pa dumipensa. Diba?" nang asar pa talaga.

"Ikaw na bading kala mo madali?!" sagot ko.

"HAHAHAHA. Oh sige pahinga muna tayo." Inirapan ko lang siya saka kame umupo sa may bleachers.

"Oh!" sabay abot niya ng Gatorade.

"Wag na may tubig akong dala." Sabi ko.

"Ito nalang para naman lumakas yang tuhod mo." Minsan ang sarap netong hampasin ng bottled water!

"Akin na! Bwisit ka!" sabay hablot ko sa Gatorade saka ininom.

"Kanina pa ang sungit mo. Meron ka na naman no?" pang aasar niya.

"Tingin mo sinong di maiinis ang aga aga mo akong ginising eh puyat nga ako kagabe! At saka kung meron ako sa tingin mo saan lalabas? Sa ilong ko?" sagot ko. Saka naman siya humalakhak! Jusko hindi naman nakakatawa yung sinabi ko.

"Saan ka naman napuyat aber?" sabi niya habang nagpupunas ng pawis.

"Gumawa ng assignment!" sagot ko.

"Assignment daw? Wag mo nga ako pinagloloko! Wala kang assignment oy!" Hay nako Justin magpapalusot ka na lang palpak pa.

"Meron kaya!" sabi ko.

"Sus! Baka kamo inistalk mo na naman yung crush mo sa Facebook!" sabi niya.

"Hindi ah! Bakit ko naman gagawin yun eh araw araw ko namang nakikita sa school." Sagot ko.

"Oy pinapaalalahan lang kita ha? Masyadong sikat sa school yang crush mo. Andami mong kaagaw. Wag ka ng umasa. Wala kang pag asa." Putulin ko kaya dila neto no?

"Grabe siya! Wala talagang pag asa?!! Ang supportive mo talagang bestfriend!" sarcastic kong sagot.

"Nako Justin, sabi nga nila expect the worst para hindi na masakit. Kesa yung iniisip mo na may chance kaso yung chance na yun 3% lang." paliwanag niya.

"Ang nega mo kasi! Eh sabi nga rin nila there's something about 1%! 3% pa kaya?" depensa ko.

"Aba ikaw bahala. Basta ako hindi ako nagkulang sa pagpapaalala." Sabi niya.

"Oo na po Itay. Naiintindihan ko na." sagot ko saka umirap. Natawa na lang siya.

"Halika na. Sobra na pahinga mo! Bumawi ka na." saka niya kinuha ang bola at nag start ng mag dribble.

"Umuwi nalang kaya tayo? Hindi rin naman ako makakascore!" reklamo ko.

"Ano ba yan suko ka na agad? Eh paano nalang kung yung crush mo ang premyo susuko ka na agad? Hahayaan mo nalang siyang mapanalunan ng iba?" Jusko idamay ba ang crush ko sa usapan?

"Eh hindi naman siya yung price dito eh!" sagot ko.

"Paano nga kung siya?" tanong niya.

"Eh di syempre gagalingan ko!" sagot ko.

"Ayun naman pala eh. Halika na dito. Agawin mo tong bola." Saka ngumisi ang hudas.

"Pag yan nakuha ko nako talaga!" sabi ko saka pilit kinuha yung bola.

"Galingan mo naman para ganahan ako maglaro!" reklamo niya.

"Eh kung pinagbibigyan mo na ako ng makashoot na ako." Sabi ko.

"Sige na nga." Sabi niya sabay abot ng bola. Kinuha ko naman! HAHAHA.

"makaka score na rin sa wakas!" Sabi ko sabay takbo. Ishu-shoot ko na ng biglang tinapal ni Dylan.

"Madugas ka!!!" sigaw ko!

"Hala anong madugas dun? Wala ngang foul dun." Depensa ng kumag.

"Sabi mo pagbibigyan mo ko! Asar ka!" sabi ko.

"Justin, basketball to uy." Pang aasar niya.

"Ewan ko sayo! Jan ka na nga!" saka ako dumiretso sa may bleachers at kinuha yung bag ko. Saka ako nag tsunami walk palabas ng Court.

"Huy Justin! Antayin mo ako!" sigaw niya. Bahala ka jan! direderetso pa rin ako ng lakad. Pero humabol pa rin ang kumag.

"Ito naman laro lang yun. Niloloko ka lang eh. Huy." Tapik tapik niya sa akin.

"He! Wag mo ko kausapin!" sabi ko.

"Bukas promise pagbibigyan na kita." Sabi niya.

"Maglaro ka mag isa mo! Oh kaya tawagin mo yung kalaro mong si Nico!" sagot ko.

"Antukin yun eh! Mahirap gisingin saka Malabo mata nun.." Sagot niya. Hindi na ako sumagot.

"Uy Justin sorry na. Ito naman walkout agad. Libre kita mamayang hapon ng DQ."

(O__O) saglit akong natigil at saka ko siya nilingon.

"Talaga?"

"Pagdating talaga sa ice cream ang timawa mo." Sabi niya. Sinamaan ko nga ng tingin.

"Oo na hindi ka na timawa. Ililibre na kita mamayang hapon." Sabi niya sabay kamot sa batok.

"Sabi mo yan ha! Mamayang hapon." Nakangiti kong sabi.

"Haha oo na." saka siya umakbay at umuwi na kame.

Palakad kame sa papasok sa village namin ng matanggal yung sintas ng sapatos ko habang si Dylan derederetso pa rin.

"Huy wait lang!" sabi ko.

"Ano ba yan? Sa susunod kase tali mong mabuti." Sermon niya. Hinigpitan ko nalang mabuti para di na talaga matanggal gaya nung sabi ng isa jan. pagkaangat ko nakita ko namang nakatanga ang mokong. Nakanganga pa.

"Huy! Sara mo bibig mo oh! Baka lumanding jan yung eroplano." Sita ko.

"Ang ganda niya oh." Sabi lang niya. Nilingon ko naman kung saan siya nakatingin. And right from the coffee shop may isang babae nga dun na nakaupo. Same age lang din ata namin. Maganda nga.

"Oh ngayon? Eh di ligawan mo." Sabi ko.

"Talaga! Liligawan ko talaga yan." Bilib na bilib sa sarili. Iba rin.

"Yun ay kung sasagutin ka. HAHAHAHA." Pambabara ko. Sinamaan lang ako ng tingin.

"Wala kang tiwala sa akin ha? Let's see." Sabi niya.

"Hay nako halika na. Iba rin talaga fighting spirit mo no?" sabi ko.

"Syempre! Si Dylan Rafael Gonzales ata to." Pagmamayabang na naman ni gago.

"Baka naman Dylan Rafael Gonggong?" sabi ko.

"Gusto mo batukan kita pabalik sa bahay niyo?" inis niyang sabi.

"Sige nga!" panghahamon ko sabay takbo.

"Hoy bumalik  ka rito!!!" sigaw niya. Hala Justin run for your life!

"Temple run ba to?! Hinahabol ako ng monster!" sabi ko.

"Ang gwapo ko namang monster!" sabi niya habang pabilis na yung takbo niya. Agad agad akong lumiko sa gate namin sabay sara!

"bleh! Hindi niya ako nahule!" pang aasar ko. Saka naman lumabas yung nanay ko.

"Oh ano na naman yang ginagawa niyo?" tanong ni Mama.

"Tita yang si Justin may boyfriend na!" sabi ng ungta!

"Ay nako Ma wag kang maniwala jan sa monster na yan!" sabi ko.

"Tita may monster po ba na ganito ka pogi?" tanong ni Dylan. Natawa nalang si Mama.

"Kayo talagang dalawa puro kayo kalokohan. Pumasok ka na Justin ng makagpalit ka puro ka na pawis oh." Sabi ni Mama.

"Uy binibeybi pa siya." Pang aasar niya.

"Muka mo! Umuwi ka na nga! Ambaho mo na!" Pagtataboy ko.

"Baka. Kahit tumira ka pa sa kilikili ko mabubuhay ka pa din!" preskong sabi niya.

"Bye po Tita papasukin niyo na po yung baby niyo. HAHAHAHA." Saka umalis ang bwisit.

"Hindi nga ako baby!!!" sigaw ko. Bumelat lang ang walang hiya. Pumasok na rin ako.

Dylan Rafael's POV

Ang pikunin talaga ni Justin kaya ang sarap asarin eh. Kahit nung HS kame ang bilis niya na talagang maasar. Yeah. We've been friends wait, best friends since 1st year HS. You might think kung paano? Well hindi ko rin alam. Yung iba nagtataka kase nga siguro bading siya pero wala akong pake basta ang alam ko masarap siyang kasama at mabait naman medyo may saltik nga lang minsan. Mula noon lagi na kameng magkasama until now na college na kame. Isang school pa. San ka pa? HAHA. Well back to reality ako nga pala si Dylan Rafael Gonzales. 6 footer. Tangkad ko no? Varsity player ng school. Mechanical Engineering student at ang heartthrob ng Elmsworth Village! HAHA. Angal ka? Pero wag kayong mag alala mabait naman ako. Loko loko lang minsan.

Nagpahinga muna ako saglit at nagpunas ng pawis before I took a quick shower. Hindi pa naman ako masyadong amoy pawis kaso gusto kasi laging nagsha-shower right after kong maglaro ng basketaball. After kong maligo at makapagbihis. Nagpunta muna ako sa may terrace namin. Hindi ko pala nababanggit na magkapitbahay lang kame ni Justin. At mula dito kitang kita ko siya na tulog. Nakanganga pa nga eh. Mukha nga talagang puyat ang mokong. Bigla akong may naisip. Kinuha ko yung DSLR ko at nagsimulang izoom yung camera para umabot sa kwarto niya. Another stolen nganga shot for Justin! HAHAHA. For sure maiinis na naman yung kapag nakita niya to.

Saglit din akong nagmumuni muni sa may terrace naming ng maalala ko yung babae kanina sa may coffee shop. Ang ganda talaga niya. Maputi, matangkad kahit paano at mahaba ang buhok. Eh gustong gusto ko pa naman sa babaeng mahaba buhok. Pero wag naman sobrang haba mamayang isipin niyo si Sadako pala type ko. I wonder, ano kayang pangalan niya? Sana makita ko siya ulit.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login