Download App

Chapter 18: Pagraranggo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Nagawa ko!" Pinigilan ni Zhao Feng ang kanyang sarili mula sa pagsigaw.

Sa sandaling ito, isang ideya lamang ang kailangan niya para makapaglabas ng isang mahinang berdeng liwanag mula sa kanyang palad. Kung ito ay hindi titignan nang malapitan, hindi ito makikita ng sinuman. Ito ang unang sinulid ng Inner Strength na nabuo ni Zhao Feng. Hindi niya naisip na ang kanyang pangarap ay napakalapit na sa kanya.

Kapag ang isang tao ay nabuo ang kanilang unang sinulid ng Inner Strength, ang bottleneck hanggang sa ikaapat na ranggo ay halos wala.

Para kay Zhao Feng, ito'y napapanahon na lamang ngayon. Kinakailangan na lamang niyang maabot ang tuktok ng ikatlong ranggo at magagawa na niyang makapasok papunta sa ikaapat na ranggo, ang pagiging isang tunay na Martial Artist.

"Wala pang ibang outer sect disciples sa loob ng Zhao sect na nakabuo na ng kanilang unang sinulid ng Inner Strength. Maging sina Zhao Yue at Zhao Yijian…" Mayroong isang kuntentong ekpresyon si Zhao Feng nang napagtanto niya iyon.

Ang kakayahan niyang bumuo ng chi sa ikatlong ranggo ay nangunguhulugan na siya'y hindi mapipigilan para sa antas ng kanyang cultivation.

"Ang dalawang taong gulang na blood plant ay hindi dapat masayang." Naramdaman ni Zhao Feng sa kanyang katawan na may mga natitira pa mula sa blood plants kaya't bumuo pa siya ng ilan pang sinulid ng chi.

Ang Inner Strength ay lakas ng isang tao na siniksik patungo sa isang mas mataas na antas. Para mapagsama ang kanyang chi, si Zhao Feng ay nagmeditate ng isang araw at ng isang gabi.

Sa sandaling umapak siya palabas ng kanyang kuwarto, naramdaman niya na kaya niyang agad-agad na magpalabas ng isang matinding pressure.

Ang mga magulang ni Zhao Feng ay alam din ang tungkol dito.

"Parang bahagyang iba si Feng ngayon. Parang mas masigla siya nitong mga nakaraang araw." Ngumiti si Zhao Shi.

"Panahon na para sa kanyang mabilis na paglaki." Ang kanyang ama na si Zhao Tianyang ay naramdaman din ang mahinang pressure na nanggagaling mula kay Zhao Feng.

Hindi mali ang kanilang pakiramdam. Ang mga pagbabagong ito ay nangyari nga kay Zhao Feng.

Matapos ang pagsasanib sa misteryosong mata, ang dugo ni Zhao Feng ay unti-unting nagbabago. Ang pinakahalata ay ang kanyang lakas, ito'y nadadagan nang sobrang bilis. Ang kanyang tangkad at mental energy ay lumalaki din. Idagdag na rin ang estado ng kanyang puso, ang kanyang buong aura ay nagbago.

"Pati ang aking mga magulang ay nakikita na nagbago na ako. Ang ibig sabihin nito ay madaling makikita ng mga Martial Artist na nakabuo na ako ng Inner Strength." Si Zhao Feng ay malalim na nag-isip. Mayroon pang isang buwan bago ang family sparring contest, at ang kanyang layunin ay makapasok sa top three!

"Kailangan ko ng paraan para maitago ang aking chi." Mayamaya, isang daang martial arts skills ang pumasok sa kanyang isipan.

Agad niyang pinili ang isang skill na tinatawag na Hiding Air Technique

Ang Hiding Air Technique ay hindi isang combat skill, hindi lang nito kayang pataasin ang cultivation ng isang tao. Ang dahilan kung bakit ito pinili ni Zhao Feng noong nakaraan ay dahil isa itong peak middle ranked martial art, kaparehong antas ng Angry Dragon Fists.

Kung ang Hiding Air Technique ay sinanay hanggang sa low level, kaya nitong itago ang Inner Strength at cultivation ng isang tao. Kapag naabot nito ang mataas na antas, kaya ng isang tao na itago ang kanyang aura, na maaaring gamitin sa pagsunod at pag-iispiya.

Nagsimulang magsanay si Zhao Feng ng Hiding Air Technique sa parehong araw. Bagama't ito'y isang peak middle ranked martial art, madali para kay Zhao Feng na masanay nito.

Gamit lamang ang kalahating araw, nasanay na ni Zhao Feng ang Hiding Air Technique hanggang sa mababang antas, na nangunguhulugan na kaya na niya ngayong itago ang kanyang inner strength. Maging ang mga totoong martial artists ng ikaapat na ranggo o mas mataas ay hindi magagawang malaman na mayroong inner strength si Zhao Feng.

"Ayon sa libro, kinakailangan ng isang tao ng mga ilang buwan para sanayin ito hanggang sa mababang antas." Si Zhao Feng ay medyo nagulat, pero naalala niya kung paano niya natutunan ang Lightly Floating Ferry, na isang high rank martial art.

Dahil ang Hiding Air Technique ay nasa mababang antas na ngayon, si Zhao Feng ay pwede nang lantarang maglakad-lakad.

Matapos pa ang ilang araw, oras na para mag-sign up para sa family sparring contest.

"Feng, pwede ka nang sign up para sa family sparring contest. Huwag mong kalimutang magparehistro," Binalaan siya ni Zhao Tianyang.

"Sige, pupunta na ako ngayon." Si Zhao Feng ay napaka kumpiyansa.

Itinango ni Zhao Tianyang ang kanyang ulo, "Naabot mo na ang ikatlong ranggo. Dapat ay magagawa mong maabot ang top one hundred."

"Top one hundred?" Tumawa si Zhao Feng habang iniling ang kanyang ulo. Ang kanyang mga magulang ay walang masyadong kumpiyansa sa kanya. Tiyak si Zhao Feng na kung ang puwesto niya ay hindi pang-una, kaya parin niyang pumwesto sa loob ng top three.

Hindi nagtagal, dumating si Zhao Feng sa lugar ng pagrerehistro.

Ang family sparring contest ay ginaganap kada tatlong taon at ang oras ng pag-sign up ay isang buwan bago ang mismong paligsahan.

Madaming ibang mga disciples ang pumipila nang dumating si Zhao Feng.

"Narinig mo ba? Ang mga gantimpala ngayong taon ay napakaganda!" Isa sa mga Zhao disciple ang nagsabi.

"Mga gantimpala? Sabihin mo sa amin! 'Di na nakapagtatakang isa kang inner disciple." Ilang mga disciple na nasa paligid ay may mga interesadong ekspresyon habang sila'y nakatingin sa inner disciple.

Ang kanilang diskusyon ay nakuha ang atensyon ni Zhao Feng. Tumingin siya sa inner disciple na mayroong cultivation na nasa tuktok ng ikatlong ranggo. Mula sa aura na kanyang inilalabas, ang kanyang lakas ay kahit papano'y pantay kay Zhao Gan.

"Hindi na nakapagtataka na karapat-dapat siya bilang isang inner disciple." Inisip ni Zhao Feng, "Kahit sino mang inner disciple ay may ganung lakas."

"Ang mga makakasama sa top 50 ay magiging inner disciple at magkakaroon ng pagkakataon na makapasok sa ikalawang palapag ng Martial Arts Library at makapili ng isang high rank martial art skill. Makatatanggap din sila ng isang piraso ng tatlong daang taong gulang na blood plant. Ang mga nakaabot sa top 20 ay pwedeng pumili ng dalawang high ranked na martial arts skill at dalawang piraso ng tatlong daang taong gulang na blood plant.

Ang inner disciple ay huminto.

"Whoa! Mga tatlong daang gulang na blood plant! Gumagastos ang sect ng maraming pera para paligsahan ngayong taong 'to."

"High rank martial arts skills! Marahil ang mga normal na disciples ay hindi kailanman matututo ng isa." Ang mga disciples sa paligid mukhang nagulat sa balita. Maging si Zhao Feng ay nasasabik.

Ang isang tatlong daang taong gulang na blood plant ay nagkakahalaga ng tatlong daang libong pilak. Malinaw naman, ang ideya na pwede siyang makapasok sa loob ng ikalawang palapag ng Martial Arts Library ay mas nakasasabik sa kanya.

"Kung makuha ko ang pagkakataong makapasok sa loob ng ikalawang palapag ng Martial Arts Library, magagawa kong makapaglabas ng maraming high ranked skills." Si Zhao Feng ay puno ng pag-aasam.

Intinuloy ng inner disciple. "Ang top ten ay maaring pumili ng dalawang high ranked martial arts at makakakuha din ng isang piraso ng limang daang taong gulang na blood plant!"

Limang daang taong gulang na blood plant!

Karamihan sa mga disciples ay ikinukuskos ang kanilang mga palad habang iniisip nila ito. Isang limang daang taong gulang na blood plant na nagkakahalaga ng sampung libong pilak.

"Ang top three ay maaring pumili ng isang peak rank skill, dalawang high ranked skills, at makakakuha din ng isang Yun blood pill."

"Peak rank martial art!"

"Yun blood pill?"

Ang isang tao na nakapagsasanay ng isang peak rank martial art ay maaaring magcultivate hanggang ikasiyam na ranggo ng Martial Path. At para sa Yun blood pill, ito'y isang mahalagang pill na tinitulungang pataasin ang cultivation ng isang tao.

Ang ganitong uri mahalagang pill ay nagkakahalaga ng lagpas sa limampung libong pilak…

"Ano ang makukuha ng unang puwesto?" Tanong ng isang tao.

"Tama ka. Kadalasang mayroong isang dagdag gantimpala ang nasa unang puwesto," sabi ng ilan sa mga Zhao disciples.

"Ang unang puwesto ay siguradong may mga dagdag na gantimpala, ngunit hindi ko rin alam kung ano 'yun." Ang inner disciple ay iniling ang kanyang ulo.

Ah!

Ang mga disciples ay nakaramdam ng pagkabigo. Gayunpaman, dahil hindi nila alam, mas lalo silang na intriga para malaman.

Pagkatapos ng matagal na paghihintay. Dumating na rin si Zhao Feng sa lugar ng pag-rerehistrohan at kumuha ng badge. Ang badge ay may numerong 188.

Ang Zhao sect ay may ilang daang mga disciples na papasok sa paligsahan. Ayon sa patakaran, mayroon lamang limampung spot para sa mga inner disciples na nasa ilalim ng edad na labing-walo taong gulang.

Ang ibig sabhin nito, ay ang ilan sa mga inner disciples ay maaring maalis at mapalitan ng mas bagong henerasyon ng mga disciples. Kaya, ang paligsahang ito ay napaka malupit.

Matapos mag-sign up, umuwi si Zhao Feng para mag sanay nang mas mabuti.

*******************

Dumaan ang mga araw. Ang oras ng family sparring contest ay palapit nang palapit.

Dalawampung araw bago magsimula ang family sparring contest, mayroon ng isang estimated ranking list. At ang taong nangunguna ay isang inner disciple na henyo ng Zhao sect. si Zhao Linlong!

Si Zhao Linlong ay naabot na ang ikaapat na ranggo ng Martial Path, dalawang taon na ang nakalipas. Pangatlo ang ranggo niya sa nakaraang paligsahan. Hindi pa siya labinlimang taong gulang noong panahong iyon.

Ngayon, isa siya sa apat na mga henyo ng Sun Feather City. Walang dudang siya ang pinakamalakas!

Sa pangalawang puwesto ay si Zhao Chi, sa pangatlong puwesto ay si Zhao Han; pang-apat na puwesto ay si Zhao Qin… Ang ikadalawampu't isang puwesto ay si Zhao Yue! Huminga nang malamig si Zhao Feng nang makita niya ito. Si Zhao Yue, na nangunguna sa mga outer disciples ay hindi man lamang nakaabot sa top 20 ng mga inner disciples.

Si Zhao Yijian at Zhao Yufei ay nasa talumpu't walo at apatnapung ranggo.

At para kay Zhao Gan at Zhao Guan na parehong nasa top five ng mga outer disciples, ang pangkalahatang ranggo nila ay pang apatnapu't siyam at limampu't tatlo.

Sa wakas!

At sa pangalawa mula sa huling puwesto sa listahan, nakita ni Zhao Feng ang kanyang pangalan…


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C18
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login