Download App

Chapter 2: 00

E l y s t i n e 's

Dreams,

Hope,

Love.

Ano nga bang pangarap ko? Isa itong malaking katanungan na ngayon ay tumatakbo sa aking isipan.

Gusto ko lang naman maging published book author at maging isang guro balang araw. Sagot ko sa sarili habang nakadapa at isinusulat ang mga ito sa aking itim na kwaderno.

Napabuntong hininga ako bago isinara ang kwadernong walang laman kundi ang mga tula at mga gusto kong gawin sa buhay.

"Ate! Kakain na raw, bumaba ka na riyan!" Malakas na sigaw ng bunso kong kapatid na lalaki. Agad naman akong tumayo at iniayos ang aking mga gamit, nilagay ang kwaderno sa bag na dadalhin ko bukas sa school.

First day ko bukas bilang isang grade 11 student at sobrang kinakabahan ako dahil bago ang environment na papasukin ko. Sampung taon din akong nag-aral sa pinagaralan ko noong elementarya at noong junior high.

Habang bumaba sa matirik naming hagdan ay hindi ko maiwasang isipin kung ano'ng mangyayari bukas, kung madali ba akong makakaadapt sa paligid o mahihirapan ako. Buti na lamang ay kaklase ko si Alona, bestfriend ko simula grade 10 junior high kasama pa ang dati kong kaklase noong grade 8 na si Christian, sa tuwing iniisip ko sila ay napapalagay ang loob ko, hindi ako tuluyang mag-isa dahil meron akong sila.

Pagkarating ko sa sala slash dinning room namin ay agad akong umupo sa sahig ng naka-indian seat. Alam n'yo kung bakit? Kasi hindi naman ganoon kalaki 'tong bahay na 'to. Maliit lang. Kung tutuusin, kung hindi pinalagyan ng second floor ay hindi talaga kami kasya.

"Usog ka roon, paupoin mo Ate mo riyan!" Utos ni Mama sa kapatid kong si Reynald na ngayon ay nasa ika-anim na baitang na.

Agad naman siyang umurong sa tabi ni Rain na kaniyang kambal na naging dahilan kung bakit nagalit ito. "Ano ba naman 'yan! Ang sikip sikip na nga e." Reklamo ni Rain sa kaniyang kambal na sinisiksik siya.

"Oh, dito ka nalang, Rain!" Malakas ang boses na utos ng sumunod sa'kin na babae. Si Trisha, ang pinaka-dakilang maldita sa pamilyang ito.

Hindi kami gaya ng ibang pamilya na mayaman. Tama lang na nakakain tatlong beses sa isang araw, minsan ay dalawa lang kapag nagigipit pero kahit ganoon ay hindi kami pinabayaan ng magulang namin, lagi silang humahanap ng paraan para lang makakain kami.

Lima kaming magkakapatid ngunit kung idadagdag ang inaalagaan ni mama na bata ay anim na. Nasa amin na kasi ito simula noong sanggol pa dahil kailangan magtrabaho ng kaniyang ina sa ibang bansa pero naririto parin naman ang totoo niyang Papa. Nasa iisang compound lang naman kami nakatira kaya ayos lang, kaya lang. Napamahal narin kasi sa mga magulang ko 'to kaya bunso narin ang turing sa kaniya. Minsan nga ay naiinggit ako kasi mas mahal na siya ni Papa kaysa sa'kin. At dahil din sa batang ito kung bakit gumaan gaan kahit papaano ang buhay namin, para siyang hulog ng langit.

"Wala pa si Papa, Ma?" Tanong ko nang mapansin na walang nakaupo sa nagiisang upuan na nasa sala. Umiling lang si Mama atsaka niya sinubuan si Stella ng kanin na may sabaw.

"Very good, ah!" Nakangiti si Mama habang nakatingin kay Stella na pumapalakpak dahil nasabihan siya ng very good ni Mama.

Matapos namin kumain ay agad kong iniligpit ang mga plato dahil sinisipag ako. Lagi ngang nagrereklamo si Mama sa'min dahil napaka-tamad daw naming magkakapatid at palagi pang nagaaway. Well, ganoo naman talaga.

Kinabukasan, ay alas kwatro ako ng umaga gumising dahil hindi na malapit ang school na papasukan ko. Kailangan ko nang sumakay ng jeep para lang makapasok sa eskwela samantalang noong elementary at jhs ay nilalakad ko lang o hindi kaya ay sasakay ng trycicle na limang piso lamang ang bayad, tatlong minuto lang ay nasa paaralan na ako.

Habang nagaayos ng buhok ay nakaharap ako sa camera ng cellphone na bigay lamang ng nanay ni Stella sa'min. Nakasimangot ako sapagkat hindi ako makapag-suklay ng maayos dahil buhol buhol ang buhok ko. Kulot kasi ito at sobrang makapal, kapag naman tuyo ay sobrang buhaghag. Pwede na akong maging aswang sa isang pelikula kahit hindi ako gumamit ng wig ay ayos lang.

Alas singko y media na nang i-chat si Christian upang sabihin sa kaniya na ready na akong pumasok. Sabi niya kasi noong nakaraan ay magsabay raw kami kaya um-oo nalang ako since, hindi ko alam ang sasakyan papasok kahit si Alona ay hindi parin masyadong maalam kahit na isa sa mga Ate niya ay sa subdivision ng school na 'yon nakatira.

"Kinakabahan ka ba, Ely?" Tanong sa'kin ni Christian habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Alona.

Inayos ko ang aking salamin 'saka nagsalita, "Oo, gagi, feeling ko nga sobrang maninibago ako e."

"Hindi 'yan! Ako nga madaling nakapag-adjust noong nagtransfer ako." Proud na sabi niya. Magkaklase dapat kami noong grade 9 subalit lumipat siya ng ibang school, sa school na papasukan namin ngayong taon.

Tumango tango na lamang ako habang naglalakad. Maya maya ay nakarating na kami sa bahay nila Alona.

"ALONA!" Malakas na sigaw ko sa labas ng gate nila.

Bumukas ang pinto at ang Mama ni Alona ang nagbukas nito nang nakangiti sa'ming dalawa ni Christian, "Saglit lang, si Alona naliligo pa." Paghingi niya ng paumanhin.

"Goodmorning po, okay lang po. Maaga pa naman po e." Nakangiti si Christian sa Mama ni Alona.

"Napakapasaway talaga! Sinabihan ko na nga na matulog ng maaga at magalarm! Ewan ko ba riyan sa babae na 'yan bakit late nagising." Reklamo ni Tita habang kumakamot sa ulo.

"Nako, Tita, ayos lang po!" Nakangiti ring sagot ko kay Tita. Noong grade 10 pa lamang ay sobrang bait na niya sa'kin, sobrang anak na ang turing sa'kin ni Tita at lagi niya akong hinahanap kaya naman natutuwa ako.

Ang sarap kaya sa pakiramdam na hinahanap hanap. Wala lang HAHAHAHAHA.

Sampung minuto ang inantay namin bago lumabas ng bahay nila si Alona na nakangiti, akala mo'y walang kasalanan.

"Hala, sorry! Akala ko kasi maaga pa kanina kaya natulog ulit ako hahahaha. Hoy, christian, sorry ha? Hindi na ako magso-sorry kay Elys, lagi naman niyang alam na lagi akong late e." Sunod sunod na sabi niya habang nagsusuklay ng buhok palabas ng eskinita na pinasukan namin papasok ng bahay nila kanina.

"Kutusan kita riyan e." Inismiran ko siya ng pabiro ngunit nginitian niya lang ako. Agad naman kaming pumara ng trycicle at sumakay rito.

"Kuya, sa terminal po ng jeep." Ani ni Christian bago sumakay sa labas sa tabi ng driver at kaming dalawa naman ni Alona ay pumasok sa loob ng trycicle.

"Bhie, kinakabahan ako!" Bakas sa boses ni Alona ang kaba nang sinabi niya ito.

"Hoy, ako rin! Grabe, akala ko nga malalate na tayo dahil sa'yo." Pabirong sabi ko pero tumawa lang siya.

Kumuha ng pera si Alona sa bag na nasa wallet niya 'saka, "Alam ko namang ayaw mong nalalate, sinadya ko lang talaga." Pangaasar niya.

Sarap batukan nitong babae na ito e.

Nakarating kami sa terminal nang jeep, maraming napila na jeep kaya naman nakahinga ng maluwag si Christian dahil may mga araw daw na sobrang daming estudyante at walang masakyan na jeep. Kami naman ni Alona ay patango tango lang dahil hindi namin alam ang mga ganoong eksena.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa HUMSS Building. Nakahiwalay ang ABM at HUMSS building sa main campus kung nasaan ang junior high school at iba pang strand tulad ng STEM at iba pang strang under ng TECHVOC.

Wala pang masiyadong tao dahil ala sais pa lamang ng umaga. Ala sais y media kasi ang pasok kaya siguro.

Narating namin ang aming room at agad kaming pumili ng mauupoan ni Alona. Sa ikatlong row kami umupo. Agad umupo si Alona sa sulok na tabi ng dingding samantalang ako ay umupo sa pangatlong upuan. Mayroon kasi limang upuan kada row, bale sampu kung isasama ang nasa kabilang side ng classroom. Bale, may isa pang extra sa pagitan namin ni Alona. Hindi naman sa ayaw ko siyang tabihan subalit malabo kasi ang mata ko, I'm wearing glasses para makakita at baka hindi ko makita kung tatabi ako kay Alona.

Hindi nagtagal ay isa isa nang nagsisidatingan ang aking mga kaklase lahat sila ay unfamiliar faces, lahat sila bago sa paningin ko ngunit may isang tao na kumuha nang atensyon ko.

Naglalakad siya papunta sa harap, nakajacket at nakaearphone. Agad tumaas ang kilay ko, tsk, this girl will have a lot of impact to my life.

Ako lang ba? Pero ganoon kasi 'yon, kapag nagkakaron ng impact o nagiging familiar agad 'yung tao na dumaan o nakita ko ay magiging kaibigan o magiging kaaway ko siya in the future. Sana naman hindi kaaway kasi ayoko ng may kaaway.

Nagkibit balikat na lamang ako atsaka inilabas ang itim na journal. Napatingin ako kay Alona na nakikinig ng music kaya hindi ko na siya inabala pa.

Would my dreams come true?

Will hope stay by side?

Will love find a way to come to me?

Agad kong isinara ang journal nang makita kong binabasa ni Christian ang sinsulat ko. Inismiran ko siya 'saka ibinalik ang journal sa bag ko, "Chismoso!" Ika ko.

Tinawanan niya lang ako. Sakto naman ay dumating ang unang teacher sa classroom.

"Magandang umaga, grade 11 HUMSS!" Masiglang bati nito atsaka inilapag ang mga libro na hawak niya.

"Magandang umaga, Ma'am" sabay sabay naming sabi 'saka ako tumayo at ang iilan sa'min, samantalang ang iba ay nakaupo lang.

"Take your seats. Next time to those who didn't stand, you should stand okay? So, ako nga pala si Mrs. Gene Garcia." 'saka siya pumunta ng blackboard at isinulat ang kaniyang pangalan doon. Siya raw ang magiging teacher namin sa Oral Communication.

At gaya ng normal na unang araw sa pasukan ay wala muna raw gagawin kundi ang magpakilala nang sarili.

"Introduce yourself. Name, age, hobby and why did you choose humss?" Lumakas ang bulong bulungan sa paligid, maraming nagsasabi na unahin ang harap ngunit mas maraming nagsasabi na unahin ang likuran.

Ngunit, "Unahin natin nasa third row. Una kana Mr." Itinuro ni Ma'am si Christian na nagulat dahil sa sinabi ni Ma'am.

"Mark Christian Tolledo. 16 years old po. I have a lot of hobbies, baka po kapag inisa isa ko bukas pa tayo matapos. Pinili ko pa 'yung humss kasi po gusto ko pong maging Math Teacher pero balak ko po talaga mag engineer kaso natatakot ako magstem po." Marami ang nagtawanan dahil sa sagot ni Christian sa dulo at marami rin ang umagree dahil karamihan ng nasa humss ay natatakot harapin ang bagsik ni Math.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marealize kong ako na pala ang sunod na tatawagin. Nakatingin na saakin si Ma'am kaya nagsimula nang manginig ang kamay ko sa kaba. Hindi ako sanay na magsalita sa harapan, hindi ako makapag salita ng maayos.

Dahan dahan akong tumayo, "A--ah a-ko po si Elystine Jae Decampo, ahm, 16 year old, a-a-ah hobby ko po magsulat ng mga t-tula at g-gumawa ng mga stories, magbasa at manood ng kdramas, ahm, HUMSS po kinuha ko kasi simula bata pa 'ko gusto ko na po maging teacher." Habang paupo ay nanginginig ang aking kamay, kasabay nito ang pag-lamig niya.

"Wow, what major?" Dagdag na tanong pa ni Ma'am. Omygash, hindi pa talaga natapos!

Ngumiti ako ng pilit, "Major in filipino po."

Tumango siya't, "Goodluck, hija! Nako mahirap pa naman ang filipino. Ayan sng pinaka-mahirap aralin."

Tumango na lamang ako dahil wala na akong masabi, kinakabahan na rin ako ng sobra kaya pinagpapawisan ako ng malamig.

"Alona Nabelino, 16 year old. Hobby, listening to musics and reading. I choose HUMSS because I think this is my calling and I want to be a psychologist someday." Confident na sabi ni Alona 'saka umupo.

Grabe kinabahan ako ng sobra. Hanggang ngayon ay nanginginig parin ako. Matutupad ko ba mga pangarap ko kung ganito ako?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Page 0.

Sana mayaman nalang ako.

Sana may talento nalang ako.

Sana kaya ko ring magsalita sa harap ng maraming tao.

Napaka-raming sana,

Ngunit ang nagiisang sana ko lamang ay -

Sana hindi ako ako, dahil napakahirap maging ako.

Maraming kulang at 'tila hindi buo.

Hindi ako tulad ng iba na maganda,

May magandang buhok,

May malinaw na mata,

May magandang mga ngipin,

May magandang pagu-ugali.

Hindi rin ako matalino.

Kailangan kong maghardwork upang makapasa,

Kailangan kong paghirapan lahat.

Tama lang, ako lang 'yung pang-pwede na. Parang ako 'yung pinili kasi wala na.

"Average lang. Kaya lang. Pwede na. Pwede na 'yan. Ayan nalang."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login