Download App

Chapter 2: Noise that can't keep me sane

Masaya ang lahat dahil kaarawan ng aking nakakatandang kapatid pero heto ako walang ganang makipaghalubilo.

Di ko alam kung bakit.

Matagal ko na 'tong nararamdaman at di ko kung saan nagmula . Iniisip ko kung ano itong aking nararamdaman pero wala akong makuhang sagot.

" Cait, ano na ? kumain kana. Bahala ka ikaw rin, maubusan ka ng pagkain nandiyan pa naman mga pinsan mong mahilig kumain" saad ng aking lola ng makitang nasa gilid lang ako at pinagmamasdan ang lahat ng nagkakasiyahan.

" okay lang 'la. di ka pa nasanay. Tsaka diet ako, tignan mo oh? ang laki laki ko na " sagot ko sakanya habang natatawa

" sus! oh siya sige, kukuha lang ako ng kulang. Kumain ka nalang kong gusto mo"

Ngumiti nalang ako at tumango .

Pumunta ako sa mga pinsan ko at umupo sa tabi nila.

" Oh ano Cait ? Kumusta na di ka lumalabas ah, di ka pumupunta sa mga tita mo "

" kaya nga tito. Tinatamad akong lumabas ng bahay. Tsaka ano naman gagawin ko dun ? ang init init pa, ang itim ko na nga " sagot ko habang nakangiti kay tito raf

" nakong bata . Ano gagawin mo dito magpapataba ? lumabas ka, okay lang maging maitim . " saad niya habang natatawa . Ngumiti nalang ako at tumango bilang sagot sa mga sinabi niya at nanahimik nalang habang ang mga pinsan ko ay nagkakasiyahan.

Ilang minuto na akong nakaupo sa tabi ng mga pinsan ko at agad akong tumayo ng makaramdam na ako ng gutom .

Pumunta ako sa mesa upang makakain . Nang matapos ako ay naupo ako kung saan may bakanteng upuan at inumpisahang kainin ang kinuha kong pagkain .

" oh ano na by. Kumusta ka na ? Parang tumataba ka ah ? di ka pa lumalabas ng bahay " saad ng pinsan ko habang may ngiti sa labi.

" ayos lang kuya jv. Kaya nga, wala kasi akong ginagawa eh . Kumain kana ba ? " Lumapit siya at tumabi saakin sabay akbay

" Hindi pa . Alam mo by. Napapansin kong lagi kang tahimik. Okay lang maging maingay minsan para di bumaho ang hininga mo " saad niya habang tumatawa sa huli niyang sinabi. Agad kong itinigil ang pagsubo ng kanin at sinamaan siya ng tingin sabay tanggal ng kamay niyang nakaakbay saakin.

" Punyeta kuya ! Sinong mabaho ang hininga ? baka ikaw, duhh ! tumigil tigil ka sa mga banat mong di nakakatuwa " nanggigigil kong sabi sakanya .

Humagalpak siya ng tawa na parang sinasapian na. Napailing nalang ako sakanya " Hayy nako kuya, bakit ka ba nagustuhan ni ate doll . Para kanamang unggoy " balik kung pang aasar sakanya pero mas lumakas ang tawa niya . " alam mo by. ang rason ? kasi mahal na mahal ako non, tsaka minsan naman maghanap ka ng paglilibangan mo ano? Tapusin mo na ang pagkain mo . Babalik na ako dun " Tumayo na siya sabay gulo ng buhok ko .

" Letche ka kuya ! " Dinig ko parin ang pagtawa niya habang naglalakad na siya pabalik sa dati niyang pwesto.

Nang matapos kung kumain ay uminom.ako agad ng tubig at pumunta sa pwesto nina lola.

" Lola punta na po ako ng kwarto." sabay ngiti sakanya

" Kumain kana ba ? "

"opo lola . Punta na po ako sa kwarto gabi na po. Matutulog na po ako "

" sige. good night " Nakangiting sabi saakin ni lola bago ako tumango at tumalikod pero di nakaligtas saaking pandinig ang pinag uusapan nila

" Anong nangyayari kay Cait ? Madaldal naman yan dati diba ? Ang tahimik na, nakakapanibago lang "

"Hayaan niyo na lang ganyan talaga ata pag nagdadalaga na, nagbabago " Saad ni lola habang dinig kong natatawa

"Siguro. Tignan mo yung anak ni mary, yung isa mong anak ? napakamasiyahin . Ang gandang bata "

Yun nalang ang narinig ko at tuluyan na akong nakapunta ng aking kwarto .


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login