Download App
18.18% LUCID DREAMER

Chapter 2: Unang kabanata

Sa pananaw ni MICHELLE

Pagkabukas na pagkabukas ng mata ko ay inilibot ko ito sa paligid tila'y naliligaw ako? Madilim, Tahimik, nakakatakot, wala akong makita

"Nasaan ako? Ma!? Pa?! Carl?! Di na kakatuwa yang ginagawa nyo buksan nyo ung ilaw matutulog na ako!" Inilibot ko ulit ang nga mapupugay kung mata pero walang nagbago nanatiling tahimik ang paligid,Nakaramdam ako ng takot

Pinikit ko ang aking mga mata at nag-isip ng bagay na nagpapakalma sa akin... Ang mga gusto ko mga sapatos damit magandang bahay mga puno, tumigil ako sa pagiisip ng mga bagay na ganoon ng makarinig ako ng huni ng... Ibon?

"Wow nasaang paraiso ako?" Ang ganda ng mga bagay sa paligid may mga puno, ibon na humuhuni, ang nakaagaw sa aking pansin ay ang isang malaking bahay....napakagandang bahay, ito ang bahay na di ko makakamit kailanman sa totoong buhay, sana dito nalang ako.

Inilakad ko ang aking paa papunta sa bahay na iyon pagbukas ko ng malaking pinto napakadaming- "sapatos!" Ibat ibang sapatos - adidas,shechers,Asics, puma, gucci shoes ito ang mga hinahangad ko sa totoong buhay!.

Dali dali ko itong pinagsusukat bakit ganon saktong sakto ito sa mga paa ko, may narinig akong kalabog sa may kusina binitiwan ko ang hawak kong mamahalin na sapatos saka hinalikan ito "babalikan kita siz" at tsaka pumunta sa pinaggalingan ng ingay wala akong makitang walis o ano mang pwedeng panghampas sa taong iyon.

"Ano ang panglaban ko sa taong iyon" naisip ko ang arnis na laging nasa kwarto ko nagtaka ako ng biglang may lumutang arnis sa aking gawi di ko muna inisip kung paano ito nangyari ang mahalaga ay malaman ko kung sino ang nanira sa pagsusukat ko!

Habang papalapit ako ay sumisigaw ako na inis bakit ba ang init ng dugo ko sa nagingay na ito? Sino ba siya?

"molesto! Pag nahuli talaga kita!!" Pag nahuli tlga kitaaa argghhh hahampasin kita ng arnis na ito

"Ahhhhh!" Pag pasok ko agad kong hinampas ang kung anong nakita ko akala ko ay tao na ngunit hindi isang florero lagayan ng halaman

Pabalik na ako nang bigla akong naglalaho "AHHH PORQUE!??" Sigaw ko habang dahan dahan akong naglalaho

"Carl bakit!? Bakit huhu" tanong ko sa kapatid ko habang inaalog ako para tuluyang magising bakit ba kasi ako gigisingin eh sarap na nangpanaginip ko eh molesto! Tumingin ako ulit sa kapatid ko at halatang gulat na gulat sya sa mga sinabi ko ih kasi naman eh

"comió, comió kumain kana daw mag aalas dose na ng gabi eh , kanina kapadaw tulog dyan paguwi mo?" Nagulat ako ilang minuto lang ang panaginip ko pero 4 na oras na akong natutulog? Habang nag lakad ako'y di kona pinansin ang sinasabi ng kapatid ko argh grabe nakakainis bat ganun di ko nadala ung mga-"sapatos!"

"Hah ano ate? Okay kalang ba tlga kanina ka pa balisa dyan hahaha" tinarayan ko sya at umakmang sasaktan ko sya pero nginitian nya lang ako umupo sya sa tabi ko alam nya na kukwentuhan ko sya

"Naranasan mo naba hermano na makontrol ang panaginip mo?" Kumunot ang noo nya pero ngumiti din sa akin

"Lucid dreaming ba kamo comió?" Lucid dreaming? Nagkukwento sya sakin ng mga ilan pang bagay ukol dito nag karoon ako ng interest dito kaya pagkatapos na pagkatapos ko kumain ay tumungo ako sa kwarto para mag hanap ng detalye tungkol dito.

----------------------------------

"Lucid dreaming, A lucid dream is a dream during which the dreamer is aware that they are dreaming...."

Hmmm tinuloy ko pa ang pagbabasa, mukhang interesting ang topic na ito

"During a lucid dream, the dreamer may gain some amount of control over the dream characters, narrative, and environment"

Baka nga ang panaginip na iyon ay hindi basta bastang normal na panaginip lang, maari kayang isa nga iyong lucid?....

"A-ate?" Napatigil naman ako sa pag reresearch at sinira ang laptop.

"Porque? Bunso may problema kaba?" Biglang naging malungkot ang expression ng mukha nya sa Labing limang taon na kasama ko ang kapatid ko ngayon ko lang nakita ang busangot nyang mukha, at di ko gustong nakasimangot siya.

"A-ate kasi naman eh..." Tuluyan nangbumagsak ang mga luha nya, ibang iba si carl ngayon di sya naiyak ng ganto lagi syang masaya nakangiti di mo mapaghahalataang may problema sya.

"Ayts, ano iyon bunso sige iiyak mo lang yan makikinig sayo si ate" pagkakalma ko sa kanya habang niyayakap ko siya, nangnapansin kong di na siya humihikbi ay pinakawalan ko na ito,

"Ate, binubully ako ng mga classmate ko sa school, sinasaktan nila ako, pinagtatawanan kapag nagpeperform ako sa harapan" wala kaming pagkakaiba ng kapatid ko, isa rin ako sa paboritong saktan at asarin ng mga kamag-aral ko, kulang ako self-confidence, napakahina ko sa harapan parang gusto kong lamunin ako ng lupa sa hiya.

"Kaya naisipan kong mag-" naputol ang paguusap namin ni carl dahil biglang sumigaw si mama, mukhang nagaaway nanaman sila ni papa.

Tumakbo kami agad ni carl patungo sa

cocina at nadatnan si mama at papa na nagaaway, isa ito sa problema ng pamilya namin, ang pagkakaroon ni ama ng ibang babae napakadaming problema ang meron ang pamilyang ito napakahirap.

Pilit naming ilayo si papa kay mama baka kung ano nanaman ang magawa niya, napaupo si mama sa upuan at umiyak, ayaw kong nakikitang ganto si mama lalapitan ko na sana si mama nang biglang nagsalita si papa, mga salitang kay sakit pakinggan.

"separémonos"(maghiwalay na tayo) pagkatapos na pagkatapos ni ama sabihin ang mga salitang iyon, umalis siya iniwan na niya kami.

Lumapit ako kay ina upang yakapin siya umiiyak sya anong karapatan ni ama para paiyakin siya ng ganito,napatunayan lang ni ama na hindi siya tunay na lalaki, because "A real man never hurts a woman"

Matapos naming pakalmahin si ina ay pumasok na ako sa kwarto ko, itinapon ko ang sarili ko sa kama, biglang tumulo ang mga luha ko ewan di ko maintindihan pero sobrang sakit at bigat ng nararamdaman ko.

"Ama!? PORQUE!? bakit mo ito nagawa sa amin"

Yan ang tanong na naglalaro sa isipan ko, dahil na rin siguro sa kakaiyak ko ay nakatulog ako...

*********************************


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login