Download App

Chapter 2: Chapter 1 : Meet Her

Athena's Pov

Hayss kapagod.

Linis dito.

Punas doon.

Spray diyan.

Nandito ako ngayon sa Hemming's Restaurant. Since Saturday ngayon, 8:00 am to 4:00 pm lang ako. Tuwing weekdays kasi 8:00 am to 8:00 pm ako. Kaya mas doble ang trabaho ko tuwing weekdays dahil sobrang haba ng oras ng pasok ko sa Restaurant na'to. Araw-araw akong may pasok at tuwing linggo lang ang pahinga ko. Wala e, ganon talaga pag maagang nagtrabaho.

Sobrang hirap.

"Ang lalim ata ng iniisp mo Kaira?" Biglang may nagsalit sa likod ko.

Si Jade lang pala , isa sa mga katrabaho ko. Mas bata siya sa'kin. Siya yung isa sa mga tagaserve ng pagkain dito.

"Marami lang talaga akong naiisip lagi"

Sabi ko habang nagpupunas ng pinagkainan ng mga kumakain rito.

At halata naman siguro kung ano yung trabaho ko dito di'ba? Tagalinis ng mga pinagkainan. Minsan tagahugas ng mga plato at kadalasan ay ako yung laging nahuhuli rito para i-mop at kuskusin ang mga sahig.

"Problema na naman ba? Di ka talaga nauubusan ng problema. Siguro nung umulan ng puro problema sa mundo nasa labas  ka? Hahaha ako kasi sumilip lang ako sa pinto namin hehe." Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.

Talaga tong lalaking 'to. Tuwing nalulungkot ako at nababalot ng problema lagi siyang nagpapatawa.

Pero sa kabila ng pagpapatawa niya sa akin. Yung mata niya maraming sinasabe, di ko maintindihan pero may kakaiba akong nakikita sa mata niya.

Pero kahit makulit siya, salamat pa din sa kanya. Kasi di ko kakayanin kung ako lang mag isa at walang makakausap.

"Oh di'ba, napatawa kita."

"Oona, sige  magserve kana sa mga customer. Tignan mo dumadami na, baka mapagalitan tayo ni'yan."

"O'siya , mamaya nalang"

At tuluyan na siyang umalis harap ko. Nagumpisa na ulit akong magbukod ng mga pis-pes ng pinagkainan sa isang  malaking mesa.

Masasabi mo talaga na dugo at pawis ang iaalay mo kapalit ng mataas na sweldo. Sa'an napupunta ang lahat ng sweldo ko? Edi doon sa magaling kong Auntie. Siguro ⅛ nalang ng sahod ko ang natitira para sa sarili 'ko. Kaya siguro hirap din ako mag ipon dahil sa pagkuha ni Auntie ng sahod ko.

Dito naman sa pinagtatrabahuhan ko na tinatawag  Hemming's Reastaurant, masaya  rito kahit na mahirap, ok lang naman sakin.

Sikat itong Hemming's Restaurant dito sa Nueva Ecija. Maraming dumadayo lagi ritong mga foreigner at siguro mga kaibigan 'yon ng boss namin. Maraming pumupunta dito galing pang manila para lang matikman ang masasarap na putahe namin. Mayaman kasi si Boss at ewan ko ba bakit dito pa sa probinsya niya itinayo ang Restaurant na'to pero sabi naman ng mga katrabaho ko marami daw branch ang Hemming's Restaurant.

Kung marami ngang branch ang Restaurant na'to ba't andaming dumadayong mga taong galing pang manila di'ba?

Habang naglilinis hindi ko maiwasang isipin kung ano na naman ang dadatnan ko mamaya sa bahay. Pinagmasdan ko ang buong Restaurant at ang daming customer ngayon.

Isa lang ibig sabihin non, doble trabaho ang gagawin ko ngayon.

Napag isip-isip ko na napakaswerte ko nga dahil natanggap akong magtrabaho dito kahit wala pa sa legal na edad. Salamat nga't natanggap ako dito kundi lagi ako bubungangaan ni Auntie sa bahay kung sakaling nakatambay lang ako at walang ginagawa araw-araw.

Pagkatapos ng sobrang dami at habang oras ng trabaho. Nagpaalam na ko sa kapalitan ko sa trabaho ko para umuwi.

Pagkauwi ko bumungad sakin yung Auntie kong feeling maganda na nakahiga sa sofa habang nanonood ng palabas sa flat screen t.v daw niyang mamahalin at original.

Tsk!nasira na araw ko!

Actually lagi palang sira araw ko dahil nasa iisang bubong lang kami.

Feeling reyna palibhasa nasa bahay nila.Pati anak niyang maldita Mas feeling maganda pa sakan--------.

"Hoy! anong tinutunganga mo diyan?! alam kong maganda ako pero baka mabaliw ka sa kagandahan ko tingnan mo tulala kana! tsk! magluto kana nga!"

See? bastos e, sa isip ko na nga lang sila sinasabihan ng masama tapos babastusin pa ako. Hindi ko alam na nakatingin na pala sakin yung evil kong tita.

And WOW! big word alam daw niyang maganda siya haha! Mahilig pala siyang magsinungaling.

"Ah sige po" sabi ko tsaka umakyat para magbihis. May galang din naman ako kahit papaano. Nababastos ko lang lagi si Auntie sa isip pero di ko siya nasigawan kahit isang beses dahil may utang na loob ako sa kanya.

By the way, I'm Athena Kaira Castro. I'm just 16 yrs young. ^_^

Nagtratrabaho ako para makaipon ng makaalis na devilhouse na ito.

Pagkababa ko nagluto na ako ng adobo para sa hapunan.

Hmmm bango.....

Dapat nilalagyan ko ito ng lason para mamatay na tong mag ina e hahaha. joke!

Naglinis rin ako para naman wala ng masabi 'tong si Auntie. Nakita ko si Isay na may kausap sa cellphone don sa terrace. Lumalandi naman tsk!. Mag-ina talaga, ganyan na ganyan rin si Auntie nung nakita ko nung isang araw e.

Natapos na ako at umakyat na sa taas.

Maaliwalas ang bahay ni Auntie,  syempre ako tagalinis e. Hanggang 2nd floor siya ang bahay niya at may 3 kwarto sa taas at isa naman sa baba. At masasabi kong parang pang mayaman ang style ng bahay dahil nga feeling mayaman ang may-ari.

Tumingin ako sa wall clock dito sa taas. Magdidilim na, 5:35 na pala halos naka isa't kalahating oras akong naglinis at nagluto.

Napagdesisyunan kong lumabas muna wala naman akong gagawin dito e. At bubungangaan lang ako dito.

"Hoy babaita san ka pupunta?!" tanong ni Auntie makati sakin habang nakataas ang mga makakapal na kilay na kasing kapal ng feslak niya.

"Sa labas po saglit lang po ako"sagot ko syempre dapat magalang noh good girl kaya ako.

"As if I know lalandi ka lang jan tsk bilisan mo sa pakikipaglandian mo ah?"akala naman niya lalandi ako mas ma ednal nga siya.

Hehehe tologo naman ah!

Umalis nalang ako at di nalang pinansin ang word of the day ni Auntie. Actually lahat ng sinasabi niya sa'kin nililista ko e tapos yung title WORD OF THE DAY NI AUNTIE FEELINGERA.

Hindi ko namalayan na nandito ako sa playground. Maraming tao rito at may mga batang naglalaro ng taya-tayaan na parang wala ng katapusan ang kasiyahan. May mga nag tutumbang-preso at makikita mong ang saya nila ay abot sa kanilang mga puso. Maingay pero tama lang. May nagtataasang mga matatayog na puno, maraming halaman at makukulay na bulaklak ang makikita dito.

Habang nililibot ko ang aking mata nagawi ang tingin ko doon sa isang pamilya.

Masaya nilang tinititigan ang kanilang anak na kumakain ng ice cream ng nakangiti.

Sana ako nalang yung bata :(

Di ko kasi naranasan na magkaroon ng mama at papa.

Dahil namatay daw yung mama ko sa panganganak sakin sabi ni Auntie. At yung papa ko naman daw naaksidente pagkatapos mamatay ni mama.

Ang saklap ng buhay ko. Wala man lang natira kahit si papa man lang hysss..

Siguro talagang nakatadhana ito na wala akong kinagisnan na magulang at mapunta sa Auntie kong masama. At lagi akong apihin at gawing alipin. Kahit kailan di ako tinuring na pamangkin ni Auntie. Minsan nga nararamdaman ko na parang di ko siya kadugo dahil sa ginagawa niya sa'kin.

Unfair ni God!

Di ko man lang nasilayan ang mundo kasama ang mg a magulang ko!

Pumatak ang luha ko, di ko na kaya. Napagdesisyunan ko na ring umuwi at tsaka sinermonan na naman ako ni Auntie pag-uwi.

Kesyo raw malandi ako, kesyo pumaparty raw ako. Hindi ko siya pinansin kaya nasabihan niya kong bastos rin daw ako.

Kaya di ko namalayang nakatulog na ako ng walang laman ang aking tiyan.

Hyss....

ZzzzzzzZzZzzzzzz.

~~~~~~~

Note: Sorry sa mga wrong spelling and grammar etc .

Lovelots!!


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login