Download App

Chapter 156: Chapter 184

Delay yung flight namin alas onse na kami ng umaga naka alis sa airport kaya ang ending late din kami nakarating sa desination namin. Mag-two na nga hapon ng dumating kami ng Palawan at saktong two-thirty ng mag check-in kami sa hotel.

"Kapagod!" Reklamo ko sabay salampak sa mahabang upuan sa hotel room namin. Isang kwarto lang yung kinuha ni Martin para sa aming dalawa. Meron itong King size bed na nasa gitna. Meron din siyang maliit na sala kung saan may TV at isang mahabang upuan. Meron ding personal ref pero di ko alam kung may laman ba. Ang kagandahan lang sa kwarto na ito ay meron siyang malawak ng beranda kung saan may lamesa at apat na upuan habang tanaw mo yung pool area.

Classic yung room yet contemporary yung design that lends it an air of luxury and sophistication. Pero higit sa lahat it gives you comfort and relaxation.

"Kain tayo?" Tanong sa akin ni Martin habang inaayos na niya yung mga damit niya sa cabinet.

"Order ka nalang, ang init eh!" Sagot ko sa kanya. Ganun nanam talaga siguro kapag malapit ka sa dagat mainit yung singaw sa labas kaya ayaw ko muna sanang lumabas.

"Sige!" Sagot naman niya sa akin sabay lapit sa telephone sa may side table ng kama.

Muli akong pumikit para magpahinga talagang na stress ako sa delay ng flights namin at sa init na sumalubong sa akin sa pagbaba sa airport.

"Kung inaantok ka, pumunta ka sa kama!" Sabi ni Martin sa akin habang ipinulupot sa baywang ko yung kamay niya.

"Amoy pawis ako!" Raklamo ko.

"Para sa aking mabango ka parin!" Sagot sa akin ni Martin habang hinahalikan yung muka ko.

"Ewan ko sayo!" Sabay hawi ko sa muka niya para ihinto niya yung paghalik sa akin.

"Pagpatuloy mo na yung pagliligpit nung damit natin, di ka pa nga tapos." Muli kong sabi sa kanya.

"Mukan ina-under mo yata ako Ms. De Vera!" Sagot niya sa akin.

"Baka nakaka limutan mo Mr. Ocampo, ako ang Boss ngayon!"

"Ganun ba?" Naka ngiti niyang sagot sa akin.

"Oo, kaya ligpitin mo na yung maleta ko, para pagkatapos nating kumain labas na tayo at baka nakaka limutan mo wala akong rash guard na dala kaya wala akong susuutin bukas at apag ganun ang nangyari sinasabi ko sayo mag two-piece swim suit talaga ako."

"Subukan mo akala mo makakalabas ka ng kwarto natin kapag ganun ang suot mo!" Sagot sa akin ni Martin habang naka ngiti. Pero alam ko sa kabila ng ngiti niya may hidden meaning siyang ibig sabihin.

"Bilisan mo ng magligpit baka di ka makatabi sakin mamaya!" Pagbabanta ko uli. Mukang di kasi umubra yung pananakot ko sa two-piece.

"Opo madam, ito na liligpit ko na!" Sagot niya sa akin at tuluyan ng tumayo pero di parin niyang naka limutang dampian ako ng halik sa labi. Nung lumayo na siya sa akin muli kong ipinikit ang mata ko.

"Tulog ka sa kama! Mamaya agka stiff neck ka diyan!" Muling sabi ni Martin sa akin.

"Di naman ako matutulog, pinipikit ko lang mata ko saka isa pa malagkit pa yung katawan ko kaya ayaw kong humiga sa kama." Sagot ko sa kanya ayaw ko naman kasi madumihan yung kama namin lalo pa nga at diyan kami matutulog mamayang gabi.

Makalipas ng ilang minuto dumating na yung order naming pagkain kaya mabilis kaming kumain ni Martin para maka pamili na rin ng aming mga kakailanganin sa pag stay dito sa Palawan. Nag taxi na kami papunta sa isang pinaka malaking mall sa City. Inuna naming hinanap is yung Rash Guard para sa akin.

Pumasok kami sa isang swim ware store kung saan naka display yung ibat-ibang ueri ng swim suit mapa-babae man o mapa-lalaki meron ding mga pambata. Agad kong napansin yung kulay pulang two-piece swimsuit na naka suot sa mannequin.

"Bagay po sa inyo Ma'am, Lalo pa nga po at maputi at sexy kayo!" Agad naman napa ngiwi yung labi ko dahil sa sinabi ng sales lady paano ba naman yung design nung swimsuit is talagang napaka errotic bukod kasi sa utong na lang ata yung matatakpan sa pang itaas sa ibaba naman parang two inches na lang ang lapad ng telang naka takip doon.

"Gusto mo yan?" Pang-aasar sa akin ni Martin habang naka tingin din dun sa swimsuit.

"Ikaw mag-susuot?" Pambasag ko sa kanya. Sabay alis ng tingin ko dun sa display at binalingan ko yung sales lady.

"Actually Miss naghahanap sana ako ng rash guard." Magalang kong sabi.

"Ganun po ba Ma'am, Ano po bang design ang gusto natin yung mid-sleeve, yung sleeve less or yung long sleeve po?"

"Yung long sleeve tapos yung pang-ibaba yung hanggang sakong ko." Sagot ko sa sales lady.

"Hanggang sakong Ma'am?" Takang tanong niya sa akin.

"Oo gusto ko kasi pati yung talampakan ko nakabalot." Naka ngiti kong sagot pero alam ko naman walang ganun, niloloko ko lang yung sales lady.

"Sorry po Ma'am, pero meron lang po kami ng bikini style, shorts and leggings." Paliwanag nung sales lady sa akin.

"Pakuha nalang Miss nung leggigs saka long sleave." Sagot ni Martin. Agad ko naman siyang tiningnan at dahil dun agad niyang pinisil yung pisngi ko.

"Aray!" Raklamo ko.

"Pinagtri-tripan mo yung sales lady." Saway niya sa akin.

"Paano kaninan pa nagpapa cute sayo!" Sagot ko naman sa kanya.

"Kahit magpa cute pa siya sa akin ikaw lang ang cute para sa akin."

"Cute mo muka mo!" Sagot ko kay Martin sabay irap.

"Humanda ka talaga sa akin mamaya!" Bulong sa akin ni Martin habang kinabig ako papalapit sa kanya.

"Asa kang makaka-iskor ka mamaya!"

"Tinganan natin!" Naka-ngiti niyang sagot sa akin. Napa iling nalang ako sa reaksyon ni Martin kaya sinalubong ko na yung sales lady na may dala-dalang ibat-ibang uri ng rash guard.

"Ito yung mga different design po namin Ma'am. Pili na po kayo!"

Agad ko iyong tiningnan at sinuri yung tela at design at tumulong narin si Martin sa pagpili. Makalipas ng ilang minuto nakabili kami ng tatlong pares. Kung sa akin lang okey na yung dalawa or yung isa kasi ilang araw lang naman gagamitin saka madali lang naman yun matuyo kung sakaling lalabhan ko ng gabi. Kaya lang ayaw pumayag ni Martin ang masaklap pa pati yung tinitingnan namin red swimsuit na two piece binili rin niya na di ko maintindihan kasi alam ko naman di niya ko papayagang suutin yun sa public beach pero dahil nga pera naman niya yung binili niya hinayaan ko nalang matapos ng mahaba naming pagtatalo paano ba naman ang sagot sa akin nung tanungin ko siya "BASTA". Di ba ang galing.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C156
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login