Download App

Chapter 335: Childish

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya skain nung makiya na niya ako.

Nasa gitna parin ako ng ilog at naka upo sa isang malaking bato habang naka lublob yung paa ko sa rumaragasang tubig.

"Naliligo!" pang-aasar ko sakanya para sabihin na obvious ba naka-upo ako dito. Akala ko sasagutin din ako ni Martin ng pabalang pero di ko akalain na babasain niya ko ng tubig.

"Problema mo?" naasar ko nanaman sabi.

"Tinutulungan kang maligo di pa kasi basa yung katawan mo!" naka ngiti niyang sagot sakin at para makaganti sinabyahan ko rin siya ng tubig at sakto naman tinamaan siya nun kaya nabasa rin siya.

"Bakit mo ko binasa?"

"Baka kasi naiingit ka at gusto mo ring maligo!"

"Ah ganun!" sabi ni Martin sabay basa uli sakin ng tubig at dahil binasa na niya ko syempre di ako papayag na di rin siya mabasa kaya ang ending nagbasaan kaming dalawa sa ilog.

"Sir!" tumigil lang kaming dalawa ng may marinig kaming tumawag sa kanya.

"Talikod!" sigaw ni Martin sakin na agad ko namang sinunod kahit nagtataka ako kung bakit niya ko pinapatalikod.

"Ano po yun?" sabi ni Martin sa lalaking lumapit samin.

"Pasensya na po sa istorbo pero private property po kasi ito bawal po kayo dito!"

"Ah ganun po ba, pasensya na di po kasi namin alam!" sagot ni Martin balak ko sanang humarap para humingi din ng pasensya ng maramdaman kong lumapit sakin si Matin at ipinatong sa balikat ko yung coat niyang suot.

"Takpan mo yung dibdib mo," bulong niya sakin. Doon ko lang narealize na bakat na bakat pala yung suot kong bra dahil nga nabasa yung suot kong sando kaya agad kong isinuot yung bigay niya para itago yung dibdib ko saka ako humarpa sa lalaki.

"Pasensya na po , aalis na kami!" sabi ko bago ko hinawakan yung kamay ni Martin at pumunta kami sa pangpang para isuot ko yung rubber shoes ko.

Itinuro samin nung lalaki yung way palabas kaya makalipas lang ng ilang minuto ay nakabalik na kami sa Casa Milan pero di na kami pumasok sa loob at sa halip ay dumiretso na kami sa kotse ni Martin kasi nga parehas na kaming basa.

"Sa bahay nalang tayo kumain ng tanghalian," sabi ni Martin habang inalalayan akong maka upo sa passenger seat sa unahan. Doon ko lang narealize na magkahawak kamay pala kami simula kanina.

Di na ko kumibo at siya naman nagmaneho lang ng tahimik hanggang makarating kami sa tinutuluyan naming bahay. Pagpasok sa loob ay dumiretso ako sa banyo para maligo pero di ko akalaing sumunod sakin si Martin.

"Mauna ka na kung gusto mo?" sabi ko sa kanya sabay abot ko ng tuwalya para takpan yung katawan ko. Di pa naman ako totally hubad naka suot pa ko ng bra at panty.

"Sabay na tayo maligo," sabi ni Martin na hinarangan ako sa may pintuan para di ako makalabas.

"Mauna ka na, okay lang!" sabi ko.

"Sabay na tayo!" pagpupumilit ni Martin bago ako hinawakan sa baywang at balak na niya akong itapat sa shower.

"Wait lang mababsa yung tuwalya ko!" sabi ko sa kanya habang hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya sa pagpihit ng shower.

"Tanggalin mo na yan!" Nung di parin ako kumikilis siya na yung humila ng tuwalya ko at muling isinampay pagkatapos nung ay naghubad siya sa harap ko as in hubot-hubad.

Kanina dinidplay niya sakin yung pagiging arrogant niya ngayon pinangangalandakan niya yung hunk body niya. Pagkatapos nun ay tumapat na siya sa shower na nagbasa samantalang ako ay nasa gilid at naka tingin lang sa kanya.

Nung mapansin niyang para na kong tuod dun na naka tayo agad niya kong hinila at itinapat ako sa shower para mabasa din, pagkataposnun ay kumuha siya ng shampoo at inilagay sa ulo ko.

Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya pero sa bawat kilos niya ay pinag-aaralan ko siya. Nung matapos niyang sabunin yung katawan ko, nagulat na lang ako ng bigla niya kong yakapin.

"I'm sorry!" bulong niya sakin di ko alam kung paano ako magrereact kasi di ko expect na sasabihin niya yun.

"Alam mo naman na overbearing ako at talagang sumosobra pero pinipilit ko namang magbago kaya pagpasensyahan mo na ko. Yaan mo pipilitin kong di na yun maulit, please wag ka ng magalit."

"Hon," muling tawag niya sakin kasi nga di ako sumasagot.

"Sige na!" tanging nasabi ko.

"Anong sige na?"

"Sige na hayaan mo na yun, bilisan mo na at nagugutom na ko," sabi ko nalang kasi akala ko nag-sorry siya dahil sa nangyari last two years pero di pala nagsorry siya dahil sa nangyari kanina pero sabagay wala naman siyang kasalanan sakin nung time na yun it's my choice kaya bakit ako nag-expect na sorry para dun.

"Di ka na galit?"

"Wala naman akong karapatang magalit sayo!"

"Hon naman, syempre pwedi kang magalit sakin. Gusto mo sigawan mo ko o kaya saktan mo ko, pwedi yun para mawala yung galit mo sakin."

"Para mawala yung galit ko sayo wag na nating tuloy yung sa Friday!"

"Ah ibang usapan yun ang pinag-uusapan lang natin is yung ngayon," sabi ni Martin sakin habang umiiling-iling.

"Eh kung ganun kimkimin ko nalang yung galit ko sayo hanggang Friday!"

"Di rin yun pwedi bawal kang magalit!" sabi niya sakin bago ako hinalikan sa leeg.

"Sige para mawala yung galit ko sa labas ka ng kwarto mamaya matulog!"

"Di rin yun pwedi!" mabilis din niyang tanggi.

"Eh di tigilan natin ito kung ikaw lang din naman pala masusunod." sagot ko sakanya sabay tulak. Tapos narin naman ako maligo kaya gusto ko sana ay lumabas na.

"Ipagluluto na lang kita!" sigaw niya

"Di ka masarap magluto kaya wag kang mayabang!"

"I'm always on top!" muli niyang sigaw.

"Di ko kailangan!"

"Anong gusto mo?"

"Get lost!"

"Hon naman!"

"Maligo ka nga dun, di ka pa tapos!" sabi ko kay Martin ng makita kong lalabas narin siya ng banyo.

"Pag di mo ko pinatawad iiyak ako!" pananakot niya sakin. Di ko tuloy alam kung maiinis ako o matatawa at lalong di ko alam kung joke ba yun o seryeso?

"Iiyak na talaga ako, huhu...huhu...!" pagdadrama ni Martin.

"Childish!" usal ko bago ko siya tinalikuran.

"Umuuiyak na ko!" muli niyang sigaw pero di ko na siya pinansin.


CREATORS' THOUGHTS
pumirang pumirang

Di ko kinaya hahahha.... Bukas nalang yung iba!

SORRRYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C335
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login