Forum Download app Gifts
71.37% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 207: Emergency

Emergency - Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) - Chapter 207 by pumirang full book limited free

Chapter 207: Emergency

Di ko namalayan na nakatulog pala akosa may pintuan ng banyo ng naka upo. Papatayo na sana ako ng biglang bumukas yung pinto at dahil nga naka sandal ako agad akong tumumba patihaya pero di tumama yung ulo ko sa sahig kasi may sumalo dung paa.

"Hon!" Gulat na gulat kong tawag kay Martin na nakatayo habang naka sapan yung paa niya sa ulo ko.

"Bakit di ka sa kama natulog?" Garalgal niyang sabi pero alam mo paring nag-aalala siya sakin.

"Okey ka lang ba?" Tanong ko habang mabilis akong bumangon pero bago pa makasagot sakin si Martin bigla siyang tumumba buti nalang nahawak ko siya.

"Hon!" Tawag ko pero di siya sumasagot at talagang napaka lamig ng katawan niya pero nung hawakan ko yung noo ay napaka init.

Kahit hirap na hirap ako pinilit ko siyang madala sa kama at maihiga ng maayos.

Nakatapis lang si Martin ng tuwalya sa baywang niya na nagsisilbing tanging saplot niya kaya agad muna akong kumuha ng damit para bihisan siya kasi nag chill na siya.

Pagkatapos nun ay kinumutan ko siya at lumabas ako para kumuha ng first aid kit. Agad kong kinuha yung temperature niya pero laking gulat ko ng makita kong 40 degree ang lagnat niya kaya mabilis akong kumuha ng basang towel para punusan siya.

Sabagay kahit sino naman na tao na mababad sa malamig na tubig magdamag at talagang magkakasakit. Pinilit ko siyang maka inom ng paracetamol.

"Hon!" Muli kong tawag kay Martin, nagluto ako ng lugaw para sana maka kain siya pero di siya magising kaya hinayaan ko lang muna nanatili lang akong naka hawak sa kamay niya na malamig.

Awang-awa ako kay Martin kasi bukod sa maputla niyang labi, yung balat niya ay kulubot dahil sa pagkakababad sa tubig.

Makalipas ng isang oras di parinbumaba yung lagnat ni Martin kaya naisip kong dalhin na siya sa hospital. Tinawagan ko si Mang Kanor para magpatulong akong madala siya.

Pagdating namin sa hospital agad siyang pinasok sa emergency room kaya wala akong nagawa kundi tumayo at tingnan siya habang kinakabitan ng dextros.

"Miss ano pong relationship nila sa patient?" Tanong nung Nurse sa akin habang nakatayo.

"Girlfriend niya ko!" Sagot ko pero yung mata ko nanatili paring naka tingin sa direksyon ni Martin.

"Pa fill-up po!" Sabay abot sakin nung isang papel kung saan kailangan kong isulat yung info ni Martin.

Pagkakuha ko nun, agad akong umupo para sana makapag sulat ng maayos pero pangalan pa lang ni Martin yung naisusulat ko ng may marinig akong may parating.

Pag-angat ko ng tingin bumungad sa akin si Elena na humahangos papunta kay Martin, naka suot siya ng coat niya na pang Doctor kaya kahit gusto kong pigilan siya na wag maka lapit kay Martin wala akong magawa kasi Doctor siya.

"Ano nangayari kay Martin?" Mabilis niyang tanong sa akin. Habang pinakikingan yung tibok ng puso ni Martin.

"Diba dapat alam mo kay Martin kung anong nangyari sa kanya?" Ganting tanong ko sa kanya. Paano wala akong ibang maisip na taong pweding gumawa nung kay Martin during sa party maliban sa kanya kasi siya lang naman talaga ang may motibo.

"Bakit ako ba kasama niya? Bakit ko malalaman?" Galit na galit niyang sagot sakin habang pinangdidilatan ako ng mata.

Di ko na lang siya pinansin kasi mas priority ko ngayon is mapabuti si Martin kaya muli akong yumuko para ituloy yung pag fill-up ng form.

"Bumababa ang heart beat ng pasyente Dok!" Sigaw ng isang Nurse kaya muli akong nag-angat ng tingin.

"Emegency!" Sigaw ni Elena at mabilis nilang itinulak yung strecher. Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/maybe-this-time-love-can-win-(tagalog)_12605784705098205/emergency_52617280965624162">www.webnovel.com/book/maybe-this-time-love-can-win-(tagalog)_12605784705098205/emergency_52617280965624162</a> for visiting.

Ako naman ay mabilis ding sumunod, kinakabahan ako at natatakot kung anong pweding mangyari kay Martin.

Pagdating namin sa Emergency Room di nila ako pinapasok kaya nanatili lang akong nasa labas ng kwarto. Di ko mapigilang mapakagat labi kasi feeling helpless ako at wala akong magawa para kay Martin.

"Ma'am!" Tawag ni Mang Kanor sakin.

"Kuya!" Sagot ko habang pinupunasan ko yung luha ko na patuloy na pumapatak.

"Malakas na bata yan si Boss Martin kaya wag kang mag-alala!" Naka ngiti niyang sabi sakin sabay tapik sa balikat ko.

"Opo!" Mahina kong sagot habang naka tanaw parin sa saradong pinto ng Emergency Room.

"Kuya paki tawagan po yung parents niya, please!" Utos ko kay Mang Kanor kasi alam ko dapat nilang malaman yung sitwasyon ni Martin.

"Sige po!" Sagot naman ni Mang Kanor at lumakad palayo sa akin.

Nanatili akong naka tayo at tahimik na nagdadasal na sana okey lang si Martin at walang masamang mangyari sa kanya.

Lumipas yung isang oras pero nanatili paring sarado yung pinto ng Emergency Room at habang tumatagal lalo akong di mapakali.

"Ano nangyari?" Sigaw ng Mommy ni Martin sa akin.

Di ko sila napansin na dumating kasama niya yung Daddy ni Martin.

"Sumagot ka!" Muli niyang sigaw sakin. Di ako makasagot kasi di ko alam kung paano papaliwanag sa kanya yung sitwasyon kasi ako man ay di sigurado kung anong problema.

"Bakit di ka sumasagot? Wala ka bang bibig?" Bulyaw ng Lola ni Martin na dumating narin kasunod ang Lolo niya.

"Nilagnat po siya!"

"Nilagnat bakit nasa emergency room?" Tanong ng Daddy ni Martin sa akin.

"Naka inom po siya ng sex drugs."

"Sex Drugs?" Ulit nilang apat sa sinabi ko na para bang di sila makapaniwala dun.

Tumango na lang ako para malaman na tama yung rinig nila.

"Paano nangyari?" Tanong ng Mommy niya na naunang naka recover.

"Nagpunta po kami sa x-mass party ng barkada niya kagabi, tapos..." Di ko na natapos yung sasabihin ko nung sumagot yung Lola ni Martin.

"Alam mo naman na naka inom ng sex drugs si martin eh bakit di ka pa nakipag sex sa kanya eh yan lang naman ang silbi mo sa Apo ko ang bumukaka at waldasin yung pera niya!" Galit na galit na sigaw ng Lola ni Martin sa akin habang naka tingin sa kwintas na suot ko na binigay ni Martin sa akin kagabi na di ko pa pala nahubad.

Biglang nag-init yung muka ko dahil sa sinabi ng Lola niya sa akin kaya di ko mapigilang mapakumos ng kamao kasi kahit gustong-gusto kong sumagot di ko magawa kasi alam ko naman kahit anong isasagot ko ako parin ang may kasalanan at kahit anong gawin ko di nun mababago ang tingin nila sakin.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power Stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C207
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login