Download App

Chapter 2: Chapter 1 Ang Nakaraan

Nasa Magnolia Pink House kami ng aking barkada at masaya kaming kumakain ng favorite namin na ice cream. Apat kami na magkakaibigan, sila ay mga kaklase ko at kami ay mga nursing student na nasa 3rd year na sa nursing.

Si Irene Tumado, Lily Lopez, May Santiago at ako, ay nagkayayaan dahil birthday ni Irene. Pare-pareho kaming nineteen years old pero magkaiba nga lamang ng buwan na pinanganak.

Si Irene ay January ang birthday , si May ay February, si Lily ay May at ako ay July naman. Masaya kami dahil kinukuwento ni Irene kung paano dumiskarte si Lance sa panliligaw sa kan'ya.

Natatawa ako at aking naalala tuloy ang aking boyfriend na si Allan. Mahal na mahal ako niyon lalo nang pagsigawan nito sa school ang kan'yang pagmamahal sa akin, sino ba ang hindi kikiligin.

Bigla akong natahimik dahil sa dalawang tao na aking nakita na pumasok sa loob ng restaurant kung nasaan kami. Nasa may dulo kasi kami kaya hindi nila kaagad kami napansin.

Ang dalawa ay pumasok at saka pumunta sa may pinakaloob ng aming kinakainan. Ang aking mga barkada ay nakatalikod sa may pinto kaya ito ay hindi rin nila nakita.

Ang dalawa ay si Allan na aking boyfriend for three yrs. At ang kasama niya ay ang kaklase niyang si Mira, ang kanilang class valedictorian sa section nila.

Okay lamang sa akin dahil hindi naman ako selosa pero nang makita ko na ang dalawa ay magkahawak ang kamay kaya para akong naalarma bigla sa aking nakita at napaisip.

Tumayo ako at saka nagpaalam sa aking mga kaibigan na pupunta ng banyo at ito ay nasa malapit lamang ng dalawang tao na kapapasok pa lamang!.

Dala-dala ko ang aking backpack at ako ay nagtungo ng banyo. Sila Allan at Mira ay hindi ako napansin ng ako ay dumaan sa tapat nila dahil busy sila.

Opo busy silang dalawa na nakalingkis sa isa't-isa at nagtutukaan. Pumasok na ako ng banyo pero hindi para jumingle o ano pa man kun'di para magsulat. Opo ako ay nagsulat dahil ayaw kong sayangin ang boses ko sa mga talipandas.

Lumabas ako ng banyo at dumaan muli sa tapat nila. Huminto ako at sa harap nila nang padabog na nilapag ang papel na aking sinulatan ng pentel.

Nabigla ang dalawa dahil ang lakas ba naman nang paghampas ko sa may mesa kaya pareho sila napatigil at napatingin bigla sa akin.

"Sino ka ba at kami ay 'yong iniistorbo?" tanong ni Mira sa aking galit at hindi nito maipinta ang mukha dahil para yatang nabitin ko.

Si Allan naman natameme at bigla itong kinabahan. Hindi nito malaman ang kan'yang gagawin na para bang mayroon bulate sa puwit. Para bang siyang nahiya at hindi makatingin sa akin nang derecho.

"Basahin mo 'yan nang ito ay malinaw." Sabi ko bago ako ay tumalikod sa kanila na nakataas ang kilay.

"Ang galing naman ninyo! Magsama nga kayo pareho at were done, cheaters!" ang nakasulat sa papel na tiyak ko nang nabasa nila pareho dahil maliwanag pa 'yon sa sikat ng araw.

Pumunta na ako sa mga barkada ko at sila ay akin nang niyaya palabas roon sa may ice cream parlor. Sila ay parang nagtataka sa kinikilos ko.

"Irene, Lily at May puwede ba na tayo ay umalis na dahil parang sumama yata ang aking pakiramdam." Yaya ko sa kanila na nagmamadali at hinila ko na kaagad ang tatlo.

Nakita ko pa na parang si Allan at Mira ay biglang nag-away pero hinayaan ko na. Paglabas namin ay sumunod si Allan na tumatakbo para kami ay maabutan niya.

"Kristine, hintay mag-usap tayo sandali," ani Allan na hinihingal pa sa paghabol sa amin.

Nagtataka ang barkada ko dahil hindi nila alam kung paano na bigla lumitaw ang boyfriend ko at bakit siya ay tumatakbo na humahabol sa akin. Wala kasi silang alam dahil hanggang sa huli ay hindi ako nagpakita ng aking kahinaan kahit gusto ko na nang umiyak.

"Kristine, mag-usap tayo. Mali ang inaakala mo sa amin ni Mira!" sabi pa ni Allan habang ito ay pawisan at sising-sisi.

"Mali? Ano ako tanga! Oo hindi ko nga kayo nahuli sa kama pero sapat na 'yon para sabihin na ako ay niloloko mo!"

Nabigla sila Irene sa narinig at sila man ay naguguluhan pero hindi ako nagsalita sa kanila dahil alam ko malalaman din nila ang totoo na nangyari.

"Wala na tayong dapat pa pag-usapan. Malinaw ang lahat sa akin kaya hindi mo na kailangan magpaliwanag, sapat na ang mga nakita ko!" humawak ako sa mga kamay ni Irene at saka ko ito hinila palayo sa lugar na 'yon.

Masakit din sa akin ang aking nalaman dahil sa matagal ko ng boyfriend si Allan. Mula ng mag-college kami ay naging kami na.

Iisa kasi ang school kung saan kami ay pumapasok, magkaiba nga lamang ang kurso na aming kinukuha. Si Allan ay engineering ang kinukuha at nasa fourth year na samantalang ako naman ay nasa nursing.

Umikot ang mundo ko sa pag-aaral at sa kan'ya. Hindi alam sa amin ang relasyon namin ni Allan dahil gusto ko kapag kami ay nakatapos na pareho ay doon ko na lamang siya ipakikilala kila tita.

Kanino pa ako tatakbo at hihingi nang payo kapag wala na siya pero kaya ko bang patawarin siya sa pambababae niya? Paano kung siya ay patawarin ko ngayon pero ulitin niyang muli? Sabi nga nila "A cheater is alway's a cheater!"

Hindi ko alam kung paano niya nabibilog ang ulo ko tuwing magpapaalam siya na may group study sila na kailangan atenan.

Siguro ito ang inaasikaso niya tuwing siya ay nasa group study. Ako naman walang kaalam-alam na ang aking mabait palang nobyo ay nasa ibang mga kamay at naglalaro.

"Kristine, pakinggan mo ako! Mag-usap tayo nang mabuti. Let me explain!" ang pagkumbinsi nito sa akin nang mahabol niya ako. Pilit niya akong iniharap at saka niya dinantay ang noo niya sa aking noo.

Tumulo na ang mga luha ko at 'yon ay bumagsak sa mga labi niya at narinig ko pa nga ang kan'yang pagmumura dahil ako ay nasaktan niya nang sobra.

Hawak ko pa ang kamay ni Irene ng ako ay humarap kay Allan. Taas noo ko siya tiningnan saka nagsalita. Kailangan ko tatagan ang aking sarili dahil wala na itong atrasan.

"Huwag mo na akong lalapitan pa dahil ang lahat ay tinatapos ko na sa atin. Wala na akong pakialam kung payag ka o hindi dahil hindi ko na kaya magkaroon pa sa 'yo nang relasyon." Sabi ko pang malungkot at talagang masama ang loob.

"Baka magsisi ka! Mag-isip ka nga nang mabuti dahil kapag ako ay tumalikod, hindi na ako pa babalik sa iyo!" ang mayabang pa na wika nito sa akin.

"Ha, ano? At ako pa talaga ang 'yong tinakot!" galit na turan ni Kristine kay Allan dahil hindi ito ang gusto niya na marinig sa kan'ya dahil akala niya ay susuyuin siya nito at magsisisi sa nagawa.

"Ano ba ang 'yong tingin sa sarili, si Adonis?"dagdag pa na sigaw nito sa lalaki at nanlalaki pa ang mga mata sa galit.

Tumalikod na siya kay Allan at iniwan niya ito na hindi makapaniwala sa mga naging desisyon ni Kristine.

Kahit pa nga si Kristine ay nanghihinayang rin pero ang kataksilan nito ay hindi niya kailanman mapapalampas. Siya man ay nalulungkot at naiiyak ng dahil dito.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login