Download App

Chapter 2: Chapter 1: Heartless

"Na saan na ba 'yon?"

Everyday daw laging may nawawala sa atin na hindi natin namamalayan. Maaring mga bagay na hindi natin masiyadong ginagamit or maybe it is a part of us that we usually not cared about.

At kapag ang isang bagay ang nawala, natural na sa atin ang hanapin ito. We will find a way para lang makita itong muli. Hahalughugin natin ang bawat sulok ng kwarto, ang bawat ilalim na pwedeng pagtaguan. Susubukan din nating aalalahanin kung saang posibleng naiwala—tipong pupukpukin natin ang ulo until our brain remember where we lost it, or at least idea man lang.

Babalikan ang mga lugar na dinaanan—na kahit nga hindi natin dinaanan, iche-check pa rin natin para makasigurado.

Paulit-ulit.

Hanggang sa mapagod na tayo kakahanap.

At tatanggapin natin na wala na talaga ito. At pag natanggap na natin, saka naman tayo maghahanap ng kapalit.

Just like me, I lost something important five years ago. Pero di ko hinalughog ang bawat sulok, hindi binalikan ang mga lugar na dinaanan ko. Dahil alam ko kung na saan ito, alam ko kung na kanino 'to.

Pero hindi ko hinahanap. Hindi ko pinalitan.

"Bakit hindi mo hanapin?"

Napalingon ako sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa. Nakapatong ang mga paa sa maliit na lamesa sa gitna at inuunan ang magkabilang braso na akala mo nasa sarili niyang bahay. He was looking me with his oh-bakit-anong-masama-look and was grinning at me the whole time. Mukhang tuwa-tuwa ata sa itsura ko habang naghahanap. Napakademonyo talaga. He made his eyebrows twitch, up and down. Nang-aasar.

"Bakit hindi mo hanapin?" Panggagaya ko sa sinabi niya. "Kanina ko pa nga hinahanap 'di ba?" Ilang minuto ko na ring hinahuloglog bawat sulok nang inuupuang naming dalawa para sa nawawala kong notebook na pagsusulat ko ng orders pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makita.

Nakadapa ako ngayon sa sahig at sinisilip ang ilalim ng sofa, baka sakaling doon nahulog.

"Alam mong hindi 'yon ang tinutukoy ko."

Inangat ko ang mukha ko at nilingon siya. "Akala mo ba madali lang 'yon? Who knows where he is. Malay natin kung hanggang ngayon nasa ibang bansa pa rin siya at wala nang balak umuwi ng Pilipinas." I rolled my eyes thinking of the idea about finding what I lost five years ago.

"Akala mo ba madali lang 'yon?" This time siya naman ang gumaya sa akin. "Excuses. You never try, you never try, Joergie."

Kinuha ko ang maliit na unan na malapit sa sa'kin at binato sa kaniya ngunit hindi siya tinamaan bagkus tumagos lang ito sa kaniya. Kumuha ulit ako ng isa pang unan at binato sa kaniya pero kagaya lang din nang nangyari kanina, tumagos lang ulit 'to sa katawan niya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Argh!" Napasigaw ako sa inis.

"Miss Santos?"

Napalingon naman ako sa babaeng tumawag ng pangalan ko. Siya 'yong HR nang art gallery na nagpapasok sa'kin kanina. Pansin ko naman sa ekspresyon ng mukha niya na parang nag-aalinlangan akong kausapin. Paano ba naman sumigaw ako habang nakasalampak sa sahig at pinagbabato ko pa 'yong unan kanina. Buti na lang at sarado pa sa mga oras na 'to ang art gallery at walang masyadong nakakita sa kagagahan ko maliban na lang sa kay ateng HR, kay kuyang utility at 'yong isang lalaking mukhang intern.

At sa paningin nilang tatlo ay mag-isa lang ako sa waiting area. Tiningnan mula sa peripheral view ko ang lalaking kasama ko sa waiting area. Gano'n pa rin ang pwesto niya.

Of course, they're not capable seeing this guy. They cannot see Silas. Neither the hole in my chest.

Dahan-dahan kong inakyat ang katawan ko at umayos ng pagkakaupo. "Hehehe, nagpa-practice kasi ako. Mag-o-auditon sana ako sa star magic. Hehe." Pagdadahilan ko.

Pansin ko naman ang awkward na mukha ni ateng HR. "O-Okay."

"Pft—Hahahaha! Star Magic? Ikaw? Hahahahahahahaaha comedienne ka pala! Hahahaha." Halos hindi naman makahinga sa katatawa 'tong kasama ko. May pahampas pa siya sa kaniyang mga hita.

Napahawak ako ng mahigpit sa nag-iisang unan sa gilid ko. Parang gusto ko ulit mambato ah. Ang tanging nagpapakalma na lang sa akin ay ang ideya na huwag kong mapahiya ang sarili sa harap ni ateng HR at ang insenso na nakasindi sa may lamesa na nagbibigay ng soothing effect.

"I just got a text from Sir Gregory saying he was very sorry daw po because he will be late sa appointment niyong dalawa because of the traffic. And if it's okay daw po kung makakapaghintay ka pa ng konti?"

I smiled at her and waved my hand. "Ay nako, ayos lang 'yon. Wala din naman akong orders ngayon. Willing to wait kamo ako."

"Feel free to go to our pantry and grab sa food habang naghihintay daw po kayo."

"Thank you."

Pagkaalis na pagkaalis ni ate HR ay tumayo na rin tong kasama ko.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Tinangnan ko pa yong paligid kung may nakakakita sa' kin at akalain na namang nagsasalita ako mag-isa.

"Sa pantry. Feel free to grab some food daw eh."

Tumayo na ako at sinundan siya. Feel at home talaga 'to.

"Wala ka talagang hiya 'no? Di ko kinakaya kakapalan ng mukha mo."

"Baka kagwapuhan kamo." Silas exclaimed.

"Eww."

Bigla tumigil sa paglalakad si Silas. I almost bumped my face sa malapad niyang likod. "Anong eww ka diyan?"

Humarap siya sa akin at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Bakit? Hindi ba ako gwapo?" Silas asked while his dark brown eyes are locked with mine.

Hindi tuloy ako makasagot.

He grin, "oh, hindi ka na makapagsalita."

I grab his face at inalayo iyon sa akin, "sorry, in-analyze ko pa kasi. Sa sobrang kapal kasi hindi ko na makita itsura mo."

"Tch."

Muli siyang tumalikod at nagpatuloy nang maglakad papuntang pantry.

Nakasunod lang ako sa kaniya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga kamay, "bakit ang init?"

Pagkarating namin sa pantry, kaming dalawa lang ang nandoon. Dali-dali siyang pumunta sa mga dessert at kumain ng mga cupcake na iba't iba ang kulay. Napailing na lang ako.

"Try mo 'to." Itinapat niya 'yong cupcake na may chocolate chips na nakabaon sa ibabaw sa bibig ko.

Kukunin ko sana pero bigla niyang inilayo, "Say ahhhh."

Napairap na lang ako ng wala sa oras.

"Ito na ang airplane," tapos inikot-ikot pa niya 'yong kamay niya na parang roller coaster. "Choo! Choo!"

"Anong airplane ka diyan tapos 'choo-choo'?!"

"Wala ka talagang pakikisama 'no?" Pagrereklamo niya.

"Wala ka talagang pakikisama 'no?" Pambibwisit ko sa kaniya. "Akin na nga 'yan." Inagaw ko sa kaniya 'yong cupcake at kinagat.

"Hmm. Hindi white sugar ang ginamit dito," sabi ko sabay muling kumagat. "Mukhang sucralose, tapos 'yong harinang ginamit is Almond flour." Pag-e-explain ko.

"Galing!" Silas clap his hands. "Expert," pang-aasar pa niya.

Hindi ko na lang siya pinansin. Kumuha pa ako ng isang cupcake para kainin. Hindi pa ako nag-aalmusal dahil sa kakamadali para sa meeting na 'to. Excited kasi ako since ito 'yong pinakamalaking deal na nakuha ko simula nang magstart ang online business na itinayo ko. Ayoko naman magkaroon ng bad impression sa customer.

Nagulat ako when Silas handed me a red notebook.

Sinamaan ko siya ng tingin, "See! Na sa'yo lang pala the whole time!"

"O-Oy, h'wag kang magbintang." Binaling niya 'yong tingin bintana. "Nakita ko lang 'yan kanina."

"Nakita ko lang 'yan kanina—wala kang maloloko. Tse!"

Binuksan ko 'yong notebook at tiningnan ang page na sinulatan ko noong isang linggo.

xxx

Sir Gregory.

Meeting. 8 AM. GRY Art Gallery

3 (?) Layer wedding cake. 500 cupcakes.

xxx

This was the biggest client na nakuha ko lalo na't hindi naman gan'on kasikat ang shop ko. Usually mga mini birthday cake lang ang ginagawa ko at mangilan-ngilang cupcake on the go. At first, I decline the offer since mag-isa lang naman ako sa shop at walang katulong—bukod kay Silas na walang ibang ginawa kundi mag free taste lang naman. Hindi ko kakayanin. But sabi ni client, the soon-to-be-wife insisted daw na ako ang kunin since gustong-gusto daw nila 'yong lasa ng mga cupcake at dream cake ko. I couldn't say no after hearing that. Sobra akong na-flattered.

"Tulala ka diyan." Basag niya sa ilang minutong katahimikan.

"Wala lang. Narealize ko na with this amount of money na makukuha ko rito, I can build my own store."

"Edi magpatayo ka."

Tiningnan ko si Silas sa mga mata. "You know I can't."

"Excuses."

Napabuntong-hininga ako.

"Bakit hindi mo na lang kasi ako kunin?"

Pinagpag niya ang mga mumo na nalaglag sa itim na long sleeve na suot. "The hearing is not yet done, you know that."

"Kailan ba matatapos 'yong hearing na 'yan? It's been five years."

Nagkibit-balikat siya, "Ewan. They still compensating the things you've than, before, you know." He pointed his chest at inikot-ikot ang daliri d'on.

Sasagot pa sana ako nang marinig ko ang mag yabag ng paa papalapit. Mayamaya ay sumulpot si ateng HR.

"Miss Santos, Sir Gregory had finally arrived. He wants to see you at his office daw po after you're done taking snacks."

Pinagpagan ko ang damit ko kung sakaling may mga mumong nahulog, "Ay. I'm done na po. Hehe."

"May frosting ka pa dito." Pasimpleng pinahid ni Silas ang frosting na naiwan sa may gilid ng labi ko.

Pakiramdam ko uminit na naman ang paligid.

"Let's go na po."

Sinundan ko si Ateng HR sa nilalakaran niyang pasilyo. Napansin kong hindi sumunod si Silas sa amin, mukhang nagpaiwan sa pantry at magpapakabusog. Iba talaga ang kapal ng mukha ng isang 'yon hindi ko kinakaya. Sabagay pwede naman siya biglang sumulpot sa tabi ko kung gugustuhin niya.

Naabutan namin ang isang lalaking nakatalikod at nakaharap sa bintana pagkapasok namin sa office. Inaayos niya ang magkabilang dulo ng asul na long sleeve na suot.

"Sir, nandito na po si Miss Santos."

"Good morning po." Bati ko.

"Good morning." Bati ng lalaki at dahan-dahang lumingon sa amin.

Kasabay nang pagharap niya ay nawala na rin ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. His silhouette turns him into a 6-footer full-featured guy.

At sa pagkakataon na 'yon, hiniling ko na sana hindi na lang siya humarap.

"Miss Santos, bakit ka umiiyak?"


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login