Download App

Chapter 54: Ang pagkamatay ni Wang Long!

"Masyadong malakas ang kanilang impluwensya. sa tingin ko ay mas mabuti kung hindi ka makikisali sa bagay na ito dahil maaari itong magdala ng kaguluhan sa iyong pamilya" binalaan si Ye Song ng matandang lalaki dahil nag aalala ito para sa kanya.

"Salamat pero nakapagpasya na ako bago pa kita makilala" sinabi ni Ye Song ng may buong galang.

*DING*

Habang siya ay nakikipag usap sa matanda ay may tumunog sa kanyang ulo na nagbigay ng sorpresa kay Ye Song.

[Isang quest ang na-trigger!]

Nang makita niya na may na-trigger siyang quest ay agad niyang pinindot ito upang malaman kung ano ito.

-

[Patayin ang anak ng governor!]

Ang baboy na ito ay kaparehas ng kanyang ama kaya hindi nakakagulat na ang sangkatauhan ay nasa bingit ng pagkalipol!

Patayin ang taong ito upang mabunot ang kasamaan sa Everest!

Reward: [30,000 Exp] , [3 Skill points] , [100 Heaven Coins] , [Title: Exterminator]

-

Nang makita ni Ye Song ang notification ay naglabas siya ng malawak na ngiti pagkatapos ay tumingin siya kay Tango at sinabi.

"Gumawa ako ng isang bayan para sa mga ordinaryong tao upang mamuhay nang ligtas. gusto niyo bang sumama sa akin sa halip na tumira dito?"

Nagulat si Tango sa biglaang mungkahi ni Ye Song. hindi niya alam kung totoo ang sinasabi ng binata na gumawa ito ng sarili niyang bayan pero base sa mga nakita niya at mga kasama nitong halimaw na sinusunod ang kanyang utos ay mayroon itong posibilidad.

Matapos mag-isip ng kaunti ay tumango si Tango kay Ye Song at sinabi.

"O sige, sasama ako sayo"

Pagkatapos pumayag ni Tango ay inutusan ni Ye Song sina Pochi at Hachi na samahan ang mga tao papunta sa bayan ng Malaya. tumingin siya kay Tango at sinabi sa kanya na magsama pa ng mas maraming tao hangga't makakaya niya bago siya umalis.

Habang nag uusap sila ay tinanong ni Ye Song ang lahat tungkol sa gobernador at sa kanyang anak.

Matapos sabihin sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin, direktang pumunta sa bayan ng Everest sina Ye Song, Kuchi at Richi.

-

Sa dilim ng gabi nang ang kalangitan ay nasa pinakamadilim nitong oras, ang Rockcliffe Mansion ay maliwanag na naiilawan ng mga palamuti at mayroong mga night duty guards sa paligid ng compound.

Sa isang sulok ng mansion, may tatlong itim na anino ang biglang tumalon sa mataas na pader ng Rockcliffe Mansion habang iniiwasan ang mga nagpapatrolyang guwardya. ang tatlong silweta na ito ay lumusot sa isang lugar bago dumating sa isang courtyard.

Ang tatlong anino na ito ay sina Ye Song, Kuchi at Richi.

Pinasok nila ang courtyard at dahan-dahang lumapit sa isa sa mga silid. ayon sa sinabi ni Tango, dito sa courtyard na ito naninirahan ang governor ng Everest na si Wang Long.

Nang makalapit sila sa silid, bahagyang itinulak ni Ye Song ang mga kurtina upang mabuksan ang isang maliit na tanawin papunta sa silid.

Doon ay nakita niya ang dalawang hubad na katawan na masiglang nakikipagtalik sa kama!

Ang lalaki ay nasa singkwenta anyos na may malaking tiyan, samantalang ang babae ay nasa dalawampung taong gulang ang edad.

Itinutulak ng lalaki ang ibabang bahagi ng kanyang katawan habang tumatawa ng masama sa ibabaw ng babae na walang buhay ang mga mata!

Mukhang umiyak siya ng sobra at puno ng sugat mula sa torture ang kanyang katawan!

Bago siya pumunta dito ay tinanong ni Ye Song kung anong itsura ni Wang Long. nakatulong ito sa kanya upang kumpirmahin na ang lalaking nagsasagawa ng mga karima-rimarim na pagkilos sa kama ay ang governor ng Everest na si Wang Long.

Marahil ang dalagang ito ay isa sa kanyang mga alipin na pinilit niyang makipagtalik sa kanya. maliban sa kawawang babaeng ito, si Wang Long ay marami pang mga alipin sa loob ng kanyang mansion.

Tahimik na umatras si Ye Song mula sa bintana at nang muli siyang lumitaw, siya at ang dalawang penguin ay nasa loob ng silid na. si Wang Long ay masyadong lulong sa kanyang kasiyahan na hindi niya napansin si Ye Song at ang presensya ng mga penguin sa silid.

Nang makita ni Ye Song na tuloy pa rin sa pag bayo si Wang Long at hindi sila napapansin, umubo siya ng malakas upang makuha na ang kanyang atensyon.

"Sino yan?!" nagulat si Wang Long nang marinig ang ubo at tumalikod kaagad siya upang malaman ang lapastangan na pumasok sa kanyang kwarto.

Ngunit nang makita niya na si Ye Song ay isang labing pitong taong gulang na binata pa lamang ay medyo naparelax ang kanyang ekspresyon pero nakatitig pa rin siya dito ng malamig.

Nang makabawi siya mula sa kanyang pagkasorpresa sa panghihimasok ng binata, si Wang Long ay hindi tumayo mula sa hubad na katawan ng dalaga at habang itinutulak pa rin ang kanyang ibabang bahagi ng katawan ay tinanong niya si Ye Song nang may malamig na boses.

"Mayroon kang lakas ng loob na pumasok dito bata. magsalita ka, sino ang nagpadala sa iyo dito?"

Nang marinig ni Ye Song ang sinabi ni Wang Long, siya ay nagulat.

Alam ni Wang Long na siya ay pumunta dito upang patayin siya ngunit nasa mood pa rin siyang magpatuloy sa kanyang kasiyahan.

Tumingin si Ye Song kay Wang Long na naiinis at sinabi.

"Yung anak mo ba ay ang kapitan ng Everest Guard, tama ba?"

"Ano?!" natigilan si Wang Long sa kanyang ginagawa at sumabog ang kanyang galit nang marinig niya na banggitin ni Ye Song ang kanyang anak.

Ngunit bago pa siya makagawa ng ibang bagay, pinitik ni Ye Song ang kanyang daliri at may isang dagger na lumitaw sa kanyang kamay.

Umikot ang katawan ni Ye Song at sa isang iglap ay nasa harapan na siya ni Wang Long!

Nang makita ito ni Wang Long ay nagpanic siya at napahinto sa kanyang ginagawa. pagkatapos ay itinutok niya ang kanyang kamao kay Ye Song ngunit nahuli siya ng reaksyon!

Dalawang malamig na slash ang kumislap sa silid. ang isa ay humiwa sa lalamunan ni Wang Long at ang isa ay tumama sa gitna ng kanyang kilay.

"Thud!"

Ang parehong mata ni Wang Long ay naging matamlay habang nakatitig kay Ye Song. ang kanyang mukha ay hindi makapaniwala sa nangyari habang nahuhulog ang kanyang katawan sa sahig na may malakas na kabog!


CREATORS' THOUGHTS
yamcee yamcee

Karima-rimarim = horrible / vile / disgusting

Creation is hard, cheer me up!

Like it ? Add to library!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C54
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login