Download App
43.95% Ms. Hoodie

Chapter 200: Kabanata 200

Kabanata 200

Nagmamadaling nag tungo si Honeygrace sa kaniyang kotse pero ang hindi niya alam kasunod niya na noon sila Vince, Dave at Harvey "Hep!!!!"

Magbubukas na sana ng pintuan ng kotse si Honeygrace pero pinigilan siya nung tatlo kaya napaatras sya sa gulat "Wh—who are you guys?"

The three smirked "Huh! Who me? Us? What the?! Hey don't english-english us kala mo diyan were not rich but we can speak english rin noh!!!" Ang sabi ni Dave at siniko naman sya nung dalawa.

"Sorry mga pre nakakauma lang kasi ineenglish tayo kala naman di natin sya naiitindihan."

"Sigh...Dave!"

"Let me go!!! Anong gagawin niyo sakin??"

"Wow! Let you go? As if naman na hinahawakan ka namin. Tsss...feeling ang isang ito mga pre." Ang sabi naman ni Harvey.

"Kaya nga hindi naman ka gandahan."

"Dave!!!" Anila.

"Ay..we're here to arrest you I mean hindi ka namin hahayaang makatakas sa ginawa mong pagkidnap kay Master!!"

"Who is your Master?"

"Si Kelly hindi mo ba sya kilala? Sya yung kinidnap mo buang."

Bineltukan naman siya ni Vince "Manahimik ka na nga lang!!!"

"So---sorry na."

"Wala akong ginagawa kay Kelly kaya maiwan ko na kayo diyan." Bubuksan na sana uli niya yung pintuan ng kotse pero humarang si Vince at pumalibot na rin naman sila Dave at Harvey para walang takas ito.

"Like what I have said wala akong alam sa sinasabi niyo galing lang akong library kaya ako nandito."

Sumandal si Vince sa may pintuan ng kotse na animo'y ready na mag interrogate "Huh! Nakikita niyo ba ang hawak kong transparent na box na ito na may lamang naglilipadang bubuyog? Mukhang yayamanin ang may ari dahil nakuha pang mag pagawa ng ganireng box susyal di ba mga pre?"

"No doubt pre."

"Sino kaya ang may ari nito ay may nakita nga pala akong nakaukit pa dine sa may hawakan gusto niyo bang basahin ko?"

"Oo naman pre."

"Wait, nakalagay kasi H-o-n-e-y-g-r-a-c-e tapaos may heart pa ano nga ang name ng babaeng ito mga pre?"

"H-O-N-E-Y-G-R-A-C-E"

Hindi naman na mapakali si Honeygrace na animo'y ano mang oras ay gusto ng tumakbo at kumawala "Ohhh...so, ang dami palang may kapangalan sa mundo ano? Tapos sakto rin na nakita natin ang box na ito sa may likod ng school kung saan ITINAGO ANG PINSAN KONG SI KELLY NG DUMAKIP SA KANIYA!!!" Ang galit na galit na sabi ni Vince at hinawakan niya si Honeygrace sa leeg na animo'y sasakalin "Bi---bitawan mo ko!!!"

"Huh! Bakit natatakot ka na ba ngayon? Kanina nung sinasaktan mo si Kelly nakaramdam ka ba ni katiting na takot? Di ba hinde??!!" Gigil na gigil si Vince at talagang sinasakal na nya si Honeygrace kaya pinigilan na sya nung dalawa.

"Pre, tama na yan hayaan na nating mga pulis ang sumentensya sa babaeng yan." Ang sabi ni Harvey.

Habang pinipigilan nung dalawa si Vince nakaisip si Honeygrace na kagatin ang kamay nito "Arayy!!!!"

"Idiot!!!" Ang sabi ni Honeygrace at pandalas na syang tumakbo.

"Anong gagawin natin nakatakas na sya?" Ang sambit ni Dave.

Napatingin naman si Vince sa hawak niyang box na may lamang mga bubuyog "Pre Harvey, you played rugby right?"

"O—oo pero bakit ngayon mo pa yan tinatanong? May problema tayo pre."

Iniabot sa kaniya ni Vince yung box na may bubuyog "O! Ibato mo!!!"

"Ano?"

"Ibato mo kay Honeygrace pero hindi mo sya patatamaan kung hindi gagawa ka lang ng malapit na bato papunta sa kaniya once na nabasag ang box na yan magkakaroon ng commotion ang mga bubuyog dahil humahalimuyak sa pabango ang babaeng yun sya ang kukuyugin ng mga ito. So, tapos ang problema natin naiganti na natin si Kelly napigilan pa natin sya sa pagtaka nya."

"Pero pre...."

Nanggigil naman na rin noon si Dave kaya sya na ang nag bato sa box at talagang nagawa niyang maibato malapit kay Honeygrace at gaya ng inaasahan ni Vince ganon na ang nangyare "Success mga pre!!!"

"Nice!!!! Ngayon tumawag ka na nag ambulance."

"Ha? Bakit?"

"Malamang!!! Para sa babaeng yon."

At nagtatakbo nga si Honeygrace na hinahabol ng mga alaga niynag bubuyog "Parang ayoko na ng honey ngayon."

Samanatala,

Nadakip naman na ng mga pulis ang mga goons ni Honeygrace at kapiling na rin nila Kian si Kelly at habang naglalakad patungo sa kani-kanilang sasakayan nag uusap usap sila "Ayos ka lang ba bunso?" Ang sabi ka agad ni Kevin.

"Opo medyo nilalamig lang dahil binuhusan ako ng malamig na tubig ng baliw na babaeng yon."

Ibinigay naman ni Patrick ang noong suot niyang polo dahil may t-shirt naman sya sa loob "Suot mo muna." Napatngin naman ang mga kuya ni Kelly sa ginawa niyang iyon "Salamat." Ani Kelly.

"Sigh...sobrang satisfying ng pakiramdam nailagtas na natin si Bunso nagamit pa natin ang itinuro satin ni Daddy na skills." Ang sabi naman ni Keith.

"Oo nga matagal tagal na rin tayong walang naging ka sparing pinawisan talaga ko dun at ang sarap sa pakiramdam." Ang sabi naman ni Kim.

"Gigil na gigil nga rin ako sa pag sapak at pag sipa ganadong ganado ko eh. Hahaha..." Ang sabi naman ni Kevin.

Huminto naman bigla si Kian at napansin iyon nila Kelly "Patrick, salamat sa pag tulong mo samin lalong lalo na kay Kelly."

"Ah...eh...nako, wala pong anuman kasalanan ko rin naman po talaga kung bakit nakidnap si Kelly kasi ako po ang nag provoke kay Honeyrace."

"No!" Ang sambit ni Kelly.

"Ha? Pero kasalanan ko kaya gumanti siya dahil hindi ko masuklian ang pagmamahal nyang ibinibigay sakin."

"Woah..." Ang mahinang reakyson ng mga kuya ni Kelly.

"Hindi nga ganon!!!! Balak ka rin talaga niyang ipalit sakin tapos hihingi sya ng malaking ransom sa mga magulang mo.:

"Ano?"

"So, may hidden agenda pa pala yung babaeng yon?" Ang sambit ni Keith.

"Oo kuya habang nasa isang kwarto ako kung saan ako ikinulong ni Honeygrace naririnig ko at nakita ko syang may kausap na parang isang tycoon na tipong hindi gagawa ng legal na gawain doon din niya rin hiniram ang mga goons na nakalaban natin."

"Oh? May ganung kakilala ang babaeng yon?" Ang sabay-sabay na sagot ng mga kuya niya hindi naman na nakaimik si Patrick.

"Oo parang about pa nga sa drugs eh."

Bigla namang lumapit si Ethan sa kanila "Mga bro, kailangan ng isa sa inyo para magbigay ng statement at para makapag file na kayo ng case kay Honeygrace na ngayon ay nasa ospital."

"Bakit?" Anila.

"Pinutakte ng mga bubuyog niya."

"Pffft...ahahaha...buti nga sa kaniya ang bilis ng karma." Ang sabi naman ni Keith.

"At nga pala dawit sa isang drug operations ang mga magulang ni Honeygrace dinakip sila kanina sa mismong bahay nila."

"Ano?"

"So totoong may hidden agenda talaga si Honeygrace?"

"May malaking utang ang pamilya Tuazon sa mga Generoso na na may mga illegal na gawain and for some reason nagkasabay ang pagkidnap kay Kelly at sa pag litaw ng ebidensya sa mga masasamang gawin ng dalawang malalaking pamilya."

"Ohhh...so tama talaga si Kelly sa kaniyang narinig ang balak talaga nilang kidnapin ay si Patrick." Ang sabi naman ni Kim.

"Um...kaya hindi lang talaga ito love issue kung hindi business issue rin." Ang sambit naman ni Keith.

"Oh? Sino ang mag bibigay ng statement sa inyo kailangan sumama sa police stations kaya hindi ko na aasahan si Kelly dahil alam kong kailangan nyang mag pahinga."

"Sige kami nalang ni Kim." Ang sabi ni Kian.

"Okay sige bro sumunod na kayo sakin."

"Oo, Keith, Kevin kayo ng bahala kay Kelly at....maraming salamat uli sayo Patrick."

"Opo it's my pleasure to help po."

"Sige na umuwi na kayo at para makapag pahinga na ang lahat.." Hinalikan niya si Kelly sa noo pati si Kim ay ganoon din at saka sila umalis.

"Oh, tara na at baka gabihin na tayo ng sobra sa daan buti nalang pala at ang daming ilaw dine sa DLRU." Ang sabi ni Keith.

"Oo nga eh pinaayos talaga ito ni Dean." Ang sagot naman ni Kevin.

"Ahm...mga kuy's pwede bang mauna na kayo sa sasakyan? Kakausapin ko lang si Patrick."

Nagkatinginan naman yung dawala at sinabing "Okay sige."

"Thanks."

"Bilisan niyo dyan ha!" Ang sabi naman ni Keith.

"Hayaan na muna natin sila halika na." Ang sabi naman ni Kevin at hinila na si Keith "Sa—Sandali lang.."

"Hahaha...ang kulit talaga eh..."

"Anong gusto mong pagusapan?"

"Ah...eh...kasi..."

"Kasi?"

Nahihiya si Kelly kaya nakatungo lang syang nagsasalita "Ah—ahm...salamat at alam kong hindi sapat ang salamat lang dahil buhay mo ang kapalit sa buhay ko kaya hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayo."

Hinawakan ni Patrick ang mukha ni Kelly para itungahay ang mukha nito "Bakit hindi ka makatingin ng diretso sakin?"

"Ah...eh...kasi..."

"Pwede bang once and for all wag ka ng mahiya dahil hindi ako sanay na ganyan ka."

"Eh...kasi..."

"Tigilan mo na yan lalo lang akong na fa-fall sayo eh."

"Edi...sige lalo ka pang mafall." Hinalikan niya sa pisnge si Patrick at tatakbo na sana sya pero pinigilan siya nito at hinalikan sya sa labi at tumugon rin naman sya ng halik.

"I love you Kelly."

"Mahal rin kita Patrick."

~The End~


CREATORS' THOUGHTS
lyniar lyniar

• Ang pagtatapos pero ang bagong panimula sa panibagong kwento. ♡

▪︎ Sana'y nagutushan niyo po ang kwento ni Kelly Ann Marie a.k.a Ms. Hoodie. Maraming salamat po at umabot kayo hanggang dito. Hindi pa po ito ang huli nating pamamaalam dahil andito lang po ako ang makulit niyong author na gagawa at sisikaping bigyan kayo ng maganda kwento.♡

Love lots,

lyniar ☆

ps. Godbless labya'll...muah ♡

#KeepSupportingMeGeysh.

#Gambatte

#ThankyouVeryMuchKababayan's

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C200
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login