Download App
67.69% Ms. Hoodie

Chapter 308: Kabanata 308

Sa hotel room ng KelRick…

"Ano bang problema mo? Kanina mo pa ko hindi kinakausap." Ang sabi ni Kevin habang nakaupo sa kama at nakatalukbong naman ng kumot si May.

"Sige, kung ayaw mo akong kausapin sige na aalis na ko."

Patayo na sana si Kevin ng hinila ni May ang kamay nito "wag kang umalis dito ka lang."

At naupo namang muli si Kevin "ano ba kasing problema??"

"Wala."

"Eh? Wala pero ayaw mo kong kausapin kanina pa."

"Kasi…"

"Kasi ano?"

"Mahal mo ba kong talaga?"

"Ha? Bakit mo namang biglang tinanong?"

"Sagutin mo nalang!"

"Hayss…meron ka ba? Ang moody mo eh."

"SAGUTIN MO!!!"

"Haysss…oo naman mahal kita, bakit ba nag kakaganyan ka na naman? Ayos ka lang ba?"

"You know Wendy?"

"Wendy?"

"The one who brought Patrick here last night."

"Ohhh…the one who English spokening girl."

"Spokening?"

"Hahaha…oo mukhang hindi mo alam yun anak mayaman ka kasi normal na senyo ang mag salita ng English kaya ang tawag naming sa ganun ay spokening english o kaya naman spokening dollars."

"Eh? What's with the dollar?"

"Easy, ang mga foreigner ay mga English speaking tapos ang mga foreigner ay may mga dollars kaya ganun mahirap explain kaya umo-oo ka nalang. Hahaha…"

"Yeah…minsan ang hirap mo nga rin talagang intindihin ang lalim ko kasing mag salita ng tagalog kayo ni Kelly."

"Ahh…oo naman ala eh!!! Hahaha…"

"Anyways, gusto ko lang malaman na ano ang tingin mo kay Wendy?"

"Hmm?"

"What I'm trying to say is maganda ba sya para sayo?"

"Well, she's beautiful and so elegant."

"Talaga?" Ang sagot ni May na may kasamang lungkot.

"Sus…selos ka naman? syempre mas maganda ka sa kaniya at mas elegante walang panama yun sa mga banded mong panyo. Ahahaha…"

Nag talukbong naman muling si May ng kumot at nag tago "oh, ano naman?"

" Niloloko mo kasi ako."

Kevin made a face palm and lay down and hug May "a—anong ginagawa mo?"

"Ano pa ba sa tingin mo edi nilalambing ka sabi kasi ng iba ang mga babae ngayon ang lakas ng toyo kaya sige ako na ang manunuyo bago ka pa talagang toyoin."

"Tsss…baliw!"

Bumangon si May at tumayo "oh? san ka pupunta?"

"Bigla kasi akong na gutom eh nasabi mo ang toyo kaya gusto kong kumain ng adobo."

"Eh? Marunong kang mag luto?"

"Aba! Oo naman ano namang tingin mo sakin?"

"Diyosa."

"Silly! Sige na bumangon ka na dyan tulungan mo kong mamili ng kakailanganin."

"Okay."

"Ring…Ring…"

"Phone mo ba yon?" Ang sabi ni May.

"Ah?"

Kinuha naman ni Kevin ang phone nya sa bulsa ng pants nya "ah, oo sakin nga."

"Who's calling?"

"Eh? Si Patrick?"

"Sagutin mo baka kung ano na ang nangyare kay Kelly."

"O—Okay."

Samantala sa burol kung nasasan ang KelRick…

Kausap naman na ni Patrick si Kevin "oo kuya gusto ko sanang malaman kung maaaring makuha agad ang DNA test result?"

Kevin: Depende kasi yun bakit? May gusto kang ipa DNA test? Kamusta pala si Kelly?

Sumenyas naman si Yumi kay Patrick na wag sabihin yung about kanino yung sa DNA test "ah…may nag papatanung lang sakin eh sabi ko kasi sa kanya baka matulungan ako ng bayaw ko kasi nurse yun. At okay lang naman si Kelly wag kang mag alala kuya."

Kevin: Ohh…ganun ba sige kung kailangan mo na talaga ipapakausap kita kay Dok Irvin tapos sya nalang bahalang mag explain ng dapat mong gawin. Ano nga palang oras kayo uuwi balak kasi ng ate May mo na mag adobong baboy.

Patrick: Baka mga hapon na rin pero sige po dyan na kami kakain ng hapunan pakisabi kay ate na sarapan.

Kevin: Sya sige. Ingat kayo.

Patrick: Sige kuya.

At pag kababa ni Patrick ng phone nya nag pa salamat sa kanya si Yumi…

"Wala yon maliit na bagay pero wag kang mag alala mabait si kuya Kevin mapag kakatiwalaan yun ng secret."

"Ayoko lang kasing lumaki ang issue na anak ako sa labas ni Don Montenegros."

"Eh ano naman magagawa kung yung nanay mo at si ninong eh nag mamahalan eh hindi mo na kasalanan yun. Hayaan mo tutulungan kita once na maayos na yung DNA niyo sasamahan kita sa kanila."

"Salamat pero …baka wag nalang masaya naman ako kung ano ang meron ako ngayon mahala naman ako ng kinalakihan kong mga magulang."

"I know, pero mas okay na rin na maging open ka na sa totoo mong magulang. Nga pala, eh yung nanay mo kilala mo na?"

"Hindi ko pa alam eh."

"Pero paano mong nalaman na si Ninong Carlos ang tatay mo?"

"Bigla nalang syang sumulpot samin tapos gusto raw nya akong makausap. Tas yun na nga kuhanan nya ako ng isang hibla ng buhok to do the DNA test. At first, I dunno why am I talking to him but deep inside there's a spark between us. Alam mo yung mga sinasabi sa mga movies yung "lukso ng dugo" yun naramdaman ko yun sa kaniya."

"Ohhh…I see, pero alam ba nila tita ang about dun?"

"Hindi ayaw ni Don Carlos na ipaalam kung kanino man kaya nga ayun na issue kami na kala ng iba ako yung babae nya kaya ayun Ma'am Wendy mad at me."

Patrick sighed "don't worry kakausapin ko sya wag ka na ring mag alala cause eventually magiging family rin kayo kung totoo ngang isa kang Motenegros."

"I hope so…but I won't make siksik myself naman sa kanila kung ayaw nila ako."

"No, you need! Kung anak ka nga ni ninong dapat maging legal na Montenegros ka rin karapatan mo yun eh."

"Yeah…pero anak lang ako sa labas anong laban ko sa mag legal na anak?"

"Anong pinag uusapan nyo?" Ang bungad na sambit ni Kelly at nagulat naman sa kanya si Patrick. "Ay, kabayo."

"Bakit parang ang seryoso nyo naman ata?"

Napatingin naman si Patrick kay Yumi at sumenyas naman ito sa kanya na wag sabihin "ha? Wa---Wala naman ito wifey gusto mo ng umuwi?"

"Um. Pero pwede bang kay Yumi nalang ulit tayo sumakay ang astig nya kasing mag patakbo."

"No!"

"Yes!"

"Hahaha…wala kang magagawa cous gusto ako ng asawa mong maging driver kaya maiwan ka dyan kung gusto mo. Balita ko mahirap dine sumakay."

"Ano?!"

"Kaya kung ayaw momg sumabay samin ni Yumi edi maiwan ka!"

"Wifey!!!"

"Heh!"

"Kung gusto mo sakin ka nalang sumabay." Ang sabi ni Herald.

"Aba, andiyan ka pala."

"Ikaw!!!"

"Oh, kumalma nga kayo parati nalang ba kayong mag aaway? Tsaka isasama natin si Herald."

"Ano?! Bakit naman wifey?"

"Mamaya ko na lang ipapaliwanag…sige na sumabay ka na sa kaniya. Herald, ikaw ng bahala sa kanya. Yumi tara na."

"Um."

"Wifey!!!"

Hindi naman na pinansin ni Kelly si Patrick at sumakay na sa kotse ni Yumi "kung ako sayo sasakay na ko bago pa mag bago ang isip ko iwan kita dine."

"Huh! Edi gawin mo! Mag papasundo ako sa secretary ko!"

"Ahhh…bago ko nga pala makalimutan walang signal sa lugar na ito kaya sige diyan ka na!"

Pandalas naman si Patrick ng tingin sa phone nya at nakita nya ngang ni isa walang signal ang phone nya "oh, huli na ito kung ayaw mong pa ring sumabay mag lakad ka! At nga pala nakaalis na sila Yumi at Kelly kaya bahala ka na sa buhay mo!"

Napatingin nga si Patrick dun sa pinag parkan ni Yumi ng kotse nya at wala nga ito doon kaya nag madali na syang sumakay sa kotse ni Herald "tsss…ang dami pang arte sasakay rin naman pala."

"Huh! Wag kang mag alala bibilhin ko ang kotse mo!"

"Baliw ka na talaga!"

"Name your price bro wag ka ng mahiya."

"Sira ulo!"

At kumaripas na nga ng pagpapatakbo ng kotse nya si Herald "hoy!!! Mag dahan-dahan ka naman!!!"

"Ano? Wala akong marinig."

Nilakasan ni Herald yung volume ng sounds nya dun sa kotse "tell me mga drag racer ba kayo ni Yumi?" Ang pasigaw ng tanong ni Patrick pero hindi sya pinsin ni Herald.

***

Sa mag kaparehong oras naman nasa mall na sila May at Kevin para mamili ng gagamitin nila.

"Bakit sa mall tayo nag punta at hindi sa palengke?" Ang tanong naman ni Kevin kay May.

"Mas okay na dito baka dumugin pa tayo kapag sa palengke kung dito secured tayo dahil may security guard."

"Dumugin?"

"Um. Hindi mo pa ba alam trending sa social media si Kelly."

"Ano?!"

"Mukhang hindi mo nga alam pero don't worry ayos na may inutusan na akong tao para hindi na maging trending si Kelly."

"Haysss…tungkol ba ito sa nangyare kahapon? Nako! Lagot ako nire kila kuya Kian pag uwi namin sa Manila."

"Don't worry naiutos ko na rin yan sa mga tauhan ko kaya chill ka lang."

"Really?"

"Oo naman ano pa at ako ang naging sister in law mo at girlfriend at the same time? Syempre gagawin ko ang makakabuti para sa lahat at don't worry good naman ang lahat ng comments para kay Kelly at bukas may interview sila ni Patrick para na rin maging malinaw ang lahat."

"The best babe."

"Of course pero eto ang tandaan mo kung yon kaya kong gawan ng sulusyon ano pa kaya kung may maging problema tayo. Diba?"

"Hmm? What do you mean?"

"Nevermind. Sige na tumingin ka na ng magandang pork diyan hindi kasi ako marunong eh."

"Ayss….yan tayo eh lumalabas pa rin talaga yang pagka rich kid mo."

"Tigilan mo nga yan."

"Sus…sige na kumuha ka na dun ng ibang ingredients ako ng bahala dito."

"Okay."

"Wag yung mamahalin ang bilhin mo ha?"

"Yes boss."

At makalipas ang ilang minuto pagbalik ni May kay Kevin.

"What the? Anong mahal naman ng toyong binili mo? 500pesos? Eh 250ml lang yan! Anong toyo yan pag ka buhos adobo na agad yung baboy?"

"Eh? May ganun ba? Wait, lemme check baka may mas mahal pa diyan I will buy na din."

"Haysss…ako na nga lang ibalik mong lahat ng pinamili mo. At adobo ang lulutuin natin hindi pork curry, bakit may curry powder ka sa basket mo?"

"Ay, wala bang curry yung adobo?"

"AHHHHH!!!! Ayoko na sa EARTH!!!"


CREATORS' THOUGHTS
lyniar lyniar

Sinong fan ng MayVin o KevAy? Hahaha... mas okay ata kung MayVin ano? (•ؔʶ̷ ˡ̲̮ ؔʶ̷)✧

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C308
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login