Download App
69.67% Ms. Hoodie

Chapter 317: Kabanata 317

Nasa labas lang ng room doon sa hospital sila Kelly at nasa loob lang ay sila Aling Jenny at si Julian.

"Babysis... galit ka pa ba samin?" Ang sabi ni Kevin.

Hindi naman na sagot si Kelly at nag papaka busy lang sa kaniyang cellphone habang inaantay si Patrick na nabili ng pagkain nila.

"Pwede bang patawarin mo na kami inaalala lang naman namin ang kapakanan mo hindi naman natin na kasama na ng matagal si Julian kaya hindi ka dapat nagiging malapit sa kaniya. Tandaan mo ang nanay niya ang nag papatay kay Daddy." Ang nag papaliwanag na sambit ni Kim.

Pero hindi pa rin nag sasalita si Kelly pero tinignan niya ng masama si Kim.

"That's Enough! Walang patutunguhan ang ganireng usapan mabuti pa kayong dalawa sundan niyo na si Patrick baka kung san pa yon na punta kanina pa sya wala baka naligaw na." Ang sambit naman ni Kian.

"Pero kasi kuya..." ang nag iinarteng sagot nung dalawa ni Kim at Kevin.

"Anong pero-pero tumayo na kayo diyan!"

At pandalas naman ng tayo yung dalawa dahil alam nilang nagagalit na ang kuya nila.

"Bilisan n'yo!!!"

"O— Oo kuya..." sagot nung dalawa at kumaripas na ng takbo papalayo kila Kian.

Naupo naman si Kian sa tabi ni Kelly "kahit kailan talaga ang mga yon pasaway."

Hindi pa rin naman nag sasalita si Kelly at dinededma pa rin niya ang kuya Kian nito.

"Bunso, may sikreto akong sasabihin sayo."

Napatingin naman si Kelly kay Kiang pero hindi ito na kibo dahil alam nya na isa yung ipinagbabawal na technique ng kuya niya kaya pa kunwari pa syang walang pakialam.

"I knew it! Ganyan ka parin interesado ka sa mga sikreto pero ikaw mismo ma sikreto kang bata ka."

"Ano na naman? Wala naman akong sinasabi ah."

Pinisil naman ni Kian ang pisnge ni Kelly "Ano ba kuya?! Di na ko bata, alis nga!"

"Ito naman may sikreto talaga akong sasabihin sayo ayaw mo ba?"

"Tsss! Kung akala mo ako pa rin yung batang nauuto mo sa pa gay'an-gay'an ay nako tantanan mo ko kuya galit pa rin ako senio nila kuya Kim."

"Yan tayo eh, Bunso naman..."

"Kung naiinis ka na sa ugali ko kuya umuwi ka na ng Manila dun nalang tayo mag usap pero ngayon si kuya Julian ang importante para sakin ayoko syang iwan na nag iisa dito."

"Bakit, sino ba ang may sabi sayo na nag iisa sya? Ano pa at naging kuya niya rin kami?"

Nanlaki ang mga mata ni Kelly sa sinabing iyon ni Kian "oh? Kala ko ba chill ka lang? Bakit parang gulat na gulat ka naman diyan?"

Napayakap naman si Kelly sa kuya Kian niya "thankies kuya hindi mo alam pero sobrang saya ko talaga."

"Sus! So, hindi ka na galit?"

"Um."

"At hindi ka na rin mag lilihim sa amin ng mga kuya mo?"

"Um. Hindi na kuya promise."

"Mabuti kung ganon, sabihin mo ikaw ang may pakana ng lahat ng ito tama ba ko?"

"Anong ibig mong sabihin kuya?"

"Sinadya mo talaga na magkita kami ng kuya Julian mo tama?"

"Ha? Hindi kuya, di ko talaga alam na pupunta kayo dine sa Cebu."

"Eh yung pag uwi dito ni tita Jenny ikaw yon sure akong ikaw yon dahil gusto mo ng makita ang kuya Julio mo."

"Teka lang nga kuya... pinasusundan mo ba ako?"

"Hindi ikaw si tita Jenny."

"Hmm? Bakit?"

"Alam ko kasing isang araw sasama ka nalang sa kanila tapos hindi ka na uuwi satin."

"Luh! Pwede ba naman iyon kuya? Kayo ang kinalakhan kong pamilya tapos iiwanan ko nalang kayo? Di naman ata tama yun."

"Gusto mo bang sagutin ko yan?"

Kelly smirked "fine! Nag paalam naman ako kay mama at alam ni mama ang bawat galaw ko."

"Alam ko pero nag aalala sya sayo kaya pinauna nya na rin si Kim na umuwi dine sa Pinas para masubaybayan ang bawat galaw mo."

"Wala naman akong ginagawang masama kuya ang akin lang gusto kong makita ang mga kuya ko pa."

"Sandali lang, alam mo na?"

"Ha?"

"Lintek na si Patrick sabi ng wag sasabihin sayo ang nalalaman ko tapos di rin pala naka tiis."

"No! Walang kasalanan dine si Patrick ako mismo ang naka tuklas nung last uwi sa bahay natin na bored ako at tumambay ako sa underground natin at may nakita ako doong mga lumang larawan ni daddy at isang journal."

"Journal?"

***

Ang nakaraan noong buhay pa ang daddy nila Kelly.

Nag susulat sakaniyang study table ang daddy nila Kelly na si Kemwell ng biglang dumating ang batang sina Kelly at ang Nanay nilang si Keilla.

"Honey, andiyan na ang mga anak mo halika na kakain tayo."

Dahan-dahan namang isinara ni Kemwell ang journal niya para hindi sya mahalata ng asawa niya ngunit dahil bata pa lamang ay kina kitaan na si Kelly ng katalinuhan sya mismo ang nag build up ng journal.

"Daddy, bakit po kayo may ganito?"

Kinuha ni Kelly yung journal ng daddy niya "ah... eh... baby girl ibigay mo sakin yan maraming mga bagay ang na ririyan."

Ngunit hindi ibinigay ni Kelly ang journal sa daddy niya dahil iniabot nya ito sa nanay nya.

Dali-dali namang hinablot ni Kemwell yung journal niya bago pa man nakuha ni Keilla.

"Ho- Honey wala naman ito mga listahan ko lang ng mga..."

"Babae mo?"

"A— Ano?"

Idinaan nalang ni Keilla sa tawa ang nararamdaman niyang galit "honey?"

"Hmm? A—- Ano wala ito..." binuhat niya si Kelly at nag patuloy sa pag sasalita "sana lang nasa tama ang mga gagawin mong desisyon at isulat mo na rin diyan sa journal mo na kami ang legal ng mga anak mo."

Hindi naman naiintindihan ni Kemwell ang nga sinasabing iyon ni Keilla sa kaniya kaya pag baba nya sa may dining area na pansin niyang wala sa mood ang asawa niya.

"Mom? Hindi ka pa po tapos kumain bakit tatayo ka na?" Ang tanong ni Keith.

"Ayos lang ako mag aayos pa ako ng mga gamit ng daddy niyo."

Napatingin siya sa asawa ng masama "gamit? Bakit dad may travel na naman kayo?" Ang sabi ni Kian.

"Ah... Eh... kailangan kasi mga anak part ito ng trabaho ko bilang pulis."

Noong mga panahong iyon alam na rin ni Kim ang tungkol sa pambabae ng daddy nila. Kaya nag walked out na rin ito kahit di pa sya tapos kumain.

"Kuya Kim!!!" Ang pahabol na sambit ni Kevin.

"Pero, hindi pa po tapos kumain si kuya." Ang sambit ng nag aalalang si Kelly.

"Don't worry baby ako ng bahala sa kuya mo. Kevin ikaw ng mag subo ng pagkain kay Kelly."

"Opo Ma."

Tumingin muna ng masama si Keilla kay Kemwell bago ito umalis.

"Mauuna na rin ako may kailangan pa kasi akong tapusin na project bukas ko na kasi kailangang ipasa kaya wag n'yo ko iistorbohin lalo ka na Kevin!" Ang sabi naman ni Keith.

"Ano? Bakit ako?"

"Sino pa ba?"

"Tama na yan! Sige na gawin mo na ang project mo." Ang sabi ni Kian.

"Si— Sige kuya... Baby ubusin mo yang pagkain mo okay?"

"Um."

"Sige dad una na po ako."

"Um."

At ng maka alis si Keith bumulong naman si Kelly sa kuya Kevin niya.

"Galit po ba si kuya Kian?" Ang tanong ni Kelly habang na nguya.

"Bunso, anong sabi namin sayo nila kuya kapag nakain?" Ang sabi ni Kevin.

"Po? Ano po?"

"Haysss... nakalimutan mo na?"

"Sa tingin ko po eh."

"Ayssss... Sige na sasabihin ko nalang ulit sayo its a reminder okay?"

"Um."

"Don't talk when your mouth is full. Yan ang reminder na dapat mong gawin okay?"

"Ahhh... Opo sorry kuya nalimutan ko po eh."

Habang nag uusap naman sila Kevin at Kelly nag uusap naman habang nakain sila Kian at Kemwell.

"Saan kayo pupunta?"

"Ha? Sa ano anak sa Cebu."

"Sa Cebu?!"

Napatingin sila Kelly at Kevin sa pagulat na sambit ni Kian sa daddy nila.

"Ah... Eh... anak may aasikasuhin lang kasi ako pangako last na ito di na ako mag papadestino sa ibang lugar makikiusap ako."

Sa isip-isip ni Kian "ginamit na naman niya ang mga ganung palusot kahit di naman na sya lulusot pa."

"Pupunta po kayo ng Cebu? Malayo po ba yun?" Ang tanong ni Kelly sa daddy nila.

Nag ka tinginan naman sila Kemwell at sila Kian at Kevin "Ahm... hindi naman baby malapit lang yun dito sa tinitirhan natin."

"Talaga po?"

"O— Oo baby kahit tanong mo pa sa mga kuya mo."

"Kuya?"

"Oo naman malapit lang." Ang sagot naman ni Kevin at nananatiling tahimik si Kian.

"Kailan po kayo uuwi?"

"Ahm... Ano kasi baby..."

"Wag kang mag alala uuwi si daddy bago ka mag birthday." Ang sabi ni Kian at habang sinasabi niya yon nakatingin sya sa Daddy nila. "Tama naman po ako hindi ba, dad? Uuwi kayo sa birthday ni Kelly ang bunso at unica ija niyo."

"O— Oo naman."

"Yehey!!!! Uuwi si Daddy sa birthday ko."

Nakakaradar naman si Kevin na parang nay kakaiba sa kuya Kian niya at sa Daddy nila. Kaya nung nakatapos ang mga ito sa pag hahapunan kinumpronta ni Kevin si Kian sa may kusina na silang dalawa lang at walang ibang tao.

"Mahirap ipaliwanag pero wag kang mag alala hindi ako galit kay Daddy." Ang sabi ni Kian.

"Kuya hindi na ko bata para lihiman alam kong may nangyayare na ayaw niyo lang sabihin sakin."

"Maraming sikreto na kailangan ng ibaon sa limot. Sige na dun ka na ako ng bahala sa ligpitin."

"Pero kuya..."

"Wag kang mag alala uuwi si Daddy dito bago ang birthday ni Kelly kaya sige na baka hinahanap ka na nun."

"Oo kuya pero kapag ako may nalaman gusto kong ipaliwanag mong lahat sa akin. Hindi ako tautauhan dito sa bahay na ito karapatan ko ring malaman ang mga bagay-bagay."

Hindi naman na naka pag salita si Kian at umalis na nga si Kevin. At ang mga sumunod na nangyari ay si Kevin ang nakakita sa journal ng Daddy nila at doon niya na nga nabasa ang mga nilalaman nito kasama na rin kung sino sila Julian at Julio. Ngunit gaya ng ginawa ni Keilla pinili nalang ni Kevin na ilihim ang nga nalalaman niya nagkaroon sya ng mga katanungan sa kaniyang isipan pero for some reason hindi niya itinanong sa Daddy niya dahil sya mismo ayaw niyang masira ang pamilya nila alang-alang sa bunso nilang kapatid na si Kelly.


CREATORS' THOUGHTS
lyniar lyniar

Ano pa kaya ang tinatagong sikreto ng tatay nila Kelly? Kaabang abang ang nga susunod na pangyayari kaya naman wag niyo po sanang kakalimutan na mag vote at mag comment. Salamat po. ( ͡❛ ͜ʖ ͡❛)

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C317
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login