Download App
74.5% Ms. Hoodie

Chapter 339: Kabanata 339

Sa bahay ng mga Dela Cruz...

"Tita Kelly, tito Patrick bilis lumabas po kayo dumating na po sila tito Kim at tito Keith." Ang sambit ni Jacob na pumasok sa kwarto ng tita Kelly nya at nakita nyang nakahiga at nanonood ang mag asawa ng anime.

"Talaga? Sayang lang at naka alis na si ate Yannah kawawang kuya Kim." Ang sambit ni Kelly.

"Hindi po andiyan pa po si tita Yannah."

Nagkatinginan naman sila Kelly at Patrick sa gulat nila dahil sila mismo ang nag hatid kay Yannah sa labasan kanina "bumalik po kasi si tita Yannah nalimutan nya po kasi yung phone nya tapos syang dating naman nila Mamsie at tita Faith."

"Andiyan na rin sila Mama?" Ang sabay sambit naman ng KelRick.

"Um. Kani-kanina pa po sabi kasi sakin ni Mamsie baka daw natutulog kayo kaya wag ko na daw kayo gisingin pero kasi it's intense po kasi andun po ngayon sa sala sila tito Kim at tita Yannah nag uusap."

"Talaga?" Ang sambit ni Kelly na animo'y excited na excited na maki chismis.

"Opo at sila Mamsie naman nasa kusina nakikinig sa usapan kaya ako naman po nag punta dine para sabihan kayo."

Kelly pinched Jacob's cheeks and she said "that's my boy."

"Ehe... syempre po mana ata ako sa inyo."

"Okay ngayon lalabas din tayo para makinig."

"Hep! Walang lalabas dito lang kayo." Ang sabi ni Patrick na naka harang sa pintuan.

"Anong problema mo? Tabi dyan... Isa!"

"Honey, they need a privacy tapos sasama mo pa si Jacob para maki chismis? Di naman ata tama yon ikaw ang nakatatanda kaya ikaw dapat ang maging role model ng pamangkin mo."

"Pero role model ko naman po si tita Kelly kaya nga po mana ako sa kaniya eh. At ayos lang din po sakin na makinig kila tito Kim."

"Pero mali nga iyon baby boy hindi dapat kinukunsinte ang ganyang usapan di ba bad ang mag chismis? Tapos gagawin nyo ng tita mo? Kung malalaman yan ng daddy at mommy mo ano kayang magiging reaction nila?"

"Hi— Hindi ko naman po ichi-chismis si tito Kim eh..." at umiyak na nga itong si Jacob at niyakap ang tita Kelly nya.

"Ang... Ang aking lang naman kasi baby boy..."

"Enough! Oo alam na nya ang pag kakamali nya wag mo na syang sermonan. At oo mali rin naman talaga ako pero kung makinig man kami sa usapan nila kuya eh hindi naman kami gaya ng mga gossipers diyan sa kalye. Na kwento dine, doon at dyan."

Lumapit naman si Patrick at na upo sa kama at nag sorry "baby boy wag ka ng umiyak di ko naman sinasadya ang gusto ko lang kasi na turuan ka ng tamang asal."

"Sige na baby tahan na ako ng bahala sa tito Patrick mong yan igaganti kita anong gusto mong gawin ko?"

"Sampalin nyo po sya."

"Ba— Baby boy naman alam mo namang malakas yang tita mo baka matanggal naman ang panga ko."

"Ahh... ganon ha.... Sige halika dito!!!"

At nag kilitian na nga yung tatlo gang sa na pagod at tumigil rin "may sasabihin po ako sa inyo."

"Hmm?" Reaction nung dalawa habang hingal at naka higa sa kama dahil sa kulitan nila ni Jacob

"Curious lang po kasi ako pero sa tingin ko alam ko na ang sagot."

"San naman?" Ang tanong ni Kelly.

"Noon po kasi iniisip ko na hindi pa kayo handa mag ka baby kasi po iniisip ko pa rin sa inyo na mag girlfriend at boyfriend lang kayo pero ngayon nakikita kong magiging strict si tito Patrick at ikaw po tita Kelly ang magiging kakampi ng baby nyo. Kalmado lang kasi kayo chill na chill."

"Hehe... pinaglihi kasi sa sama ng loob yang tito Patrick mo kaya pag pa sensyahan mo na.

"Honey naman!!! Pero siguro tama nga si Jacob kasi parang magiging si Dad ako sa anak natin."

"Ayos lang ang importante ngayon ay kung anong name ang ibibigay natin sa kaniya."

"Pwede po bang ako mag bigay ng name ng baby nyo?"

"Sakin okay lang pero dapat mag gawa ka ng pang boy and girl para kung ano man ang maging gender ng baby namin handa na."

"Opo tita at sa tingin ko po magiging twins ang baby niyo."

"Eh?"

"Pusta po kayo?"

"Support mo ko baby." Ano Patrick.

"Pati ba naman ikaw? Ako yung nag bubuntis kaya wag nga kayo."

"Honey, malay mo nga."

"Opo nga tita ayaw n'yo ba ng twins?"

"Hindi naman sa ayaw ko baby ang akin lang kasi..."

"Knock... Knock..."

Bigla namang may kumatok kaya na pa tigil si Kelly sa pagsasalita...

"Kakain na bunso bumaba na kayo... Oh, andine ka pala baby boy hinanap ka ng Lola mo."

"Ah, opo bababa na po ako."

"Sige ate susunod na din kami." Ang sabi naman ni Patrick.

"Andiyan pa si ate Yannah?" Tanong naman no Kelly.

"Um. Sabi kasi ni Mama dito na sya mag dinner."

***

Matapos ang kanilang dinner nag tsaa pa sila Kelly at kausap rin nila si Yannah sa kanilang terrace...

"Kuya, single pala uli si ate Yannah... beke nemen." Ang panunuksong sambit naman ni Keith.

"Tumigil ka nga. Busy sa trabaho yan si Yannah." Ang sambit naman ni Kim na pa tingin kay Yannah ng pa simple.

"Ahh... di naman di lang ako ready pumasok sa relasyon ngayon marami pa kasi akong kailangang gawin kaya mauuna na ko sa inyo."

Sumenyas naman si Kelly sa kuya Kim nya na ihatid si Yannah.

"Ang aga pa uuwi ka na?" Sabi naman ni Faith.

"Ah... May kailangan pa kasi akong gawin maaga pa ko bukas pasensya na."

"Ohh... ayos lang ate ihahatid ka na ni kuya Kim. Di ba kuya?" Ang sabi ni Kelly.

"Ha? A— Ano...."

"Di, wag na kaya ko naman mag commute."

"Cough... ihahatid na kita naalala ko babalik pa pala ko sa hospital may pinabibili kasi si kuya Kian. Kaya... cough... sige sumabay ka na sakin."

"Ahhh... Sige kung okay lang."

"Ay oo naman okay na okay yan kay kuya." Ang sambit naman ni Keith na pinandilatan ni Kim.

"So, paano una na ko? Nasan nga pala si tita Keilla?"

"Ah... busy sa kusina kami ng bahala sa kaniya." Sabi naman ni Keith na pinag tutulakan si Kim kay Yannah.

"Humanda ka talaga sakin pag balik ko." Pabulong naman sambit sa kaniya ni Kim.

Nang makaalis naman yung dalawa pumasok na sila Faith at Kelly para pumunta sa loob at naiwan naman sa labas sila Keith at Patrick.

"Oh? May problema?" Ang tanong ni Keith sa nakatulalang si Patrick.

"Hmmm? Ano yon kuya?"

"Pansin ko kanina ka pa ganyan nag away na naman ba kayo ni Kelly?"

"Ha? Nako, hindi naman kuya."

"Mabuti naman kung ganon eh bakit ganyan ka? Para kang wala sa mood may problema ba sa kumpanya?"

"Ahm... Wala naman kuya ayos namang lahat."

"Oh eh bakit ka nga nag kakaganyan?"

"Ah... eh... kasi kuya..."

"Anong ah eh? Sabihin muna tayo lang naman ang naririne eh."

"Ahm... kuya nung nalaman mo bang buntis si ate Faith anong naramdman mo?"

"Syempre masaya pero at the same time natakot ako."

"Natakot? Bakit?"

"Aba syempre, alam mo naman ang kwento namin hindi kami gaya nyo o ng typical na mag jowa naging kami ni Faith dahil sa hindi inaasahang pangyayare kaya nung una oo aaminin ko na ayoko kay Faith sobrang labag sa loob ko na pakasalan sya. Syempre naman, happy go lucky akong tao at di ko sineseryoso mga nagiging karelasyon ko tapos sa isang iglap dahil lang sa one night stand magiging tatay na ko? Di ba parang ang unfair naman nun sakin?"

"Pero in the end of the day lalaki tayo at wala sating mawawala."

"Oo naisip ko naman yon kaya nga isa rin yun sa dahilan kung bakit nag pakasal rin ako kay Faith bukod sa natutunan ko na rin naman syang mahalin bago pa man kami ikasal. Pero alam mo yung totoong dahilan kung bakit di ko na isip na iwan si Faith nung nalaman kong buntis sya?"

"Ano yon kuya?"

"Dahil kay Kelly."

"Ahhh... dahil kinunsensya ka nya? Ganun kasi yun eh di ba?"

"Oo hahaha ganun nga sya at aaminin ko na kunsensya nya talaga ako. Pero bukod dun inisip ko na may kapatid akong babae at bunso pa paano kung mangyare rin sa kaniya yung nangyayari samin ni Faith? Bilang isa sa mga kuya nya ako mismo ang unang masasaktan kapag na buntis si Kelly ng kung sino man. Inalagaan namin sya nila kuya at Kevin ng matagal na panahon tapos may baboy lang sa kaniya? Hindi kami papayag ng ganun Bro kaya bilang good example kay Kelly pinakasalan ko talaga si Faith and that time mahal ko naman na rin sya bago kami ikasal."

"Ohhh... ganun po pala... kaya ba di kayo pumayag agad nun na ligawan ko si Kelly?"

"Ah... kung sakin lang okay ka na eh dahil ramdam ko namang mahal na mahal mo talaga ang bunso namin pero syempre apat kaming babangain mo bago ka maka diretso kay Kelly pa salamat ka nga at wala pa dine noon sila Julian, Jules at kuya Flin. Nako, baka gang ngayon nanliligaw ka parin ka Kelly."

"Ha... Ha... Ha... baka nga ho. Ha... Ha... Ha..."

Sa isip-isip ni Patrick "buti pala at ngayon lang mga panahon na ito nag silabasan ang iba pang kuya ni Kelly kung hinde baka nga gang ngayon di ko pa girlfriend si Kelly."

"Pero bakit mo pala na itanong ang mga bagay about sa pag bubuntis nag kanda haba-haba na tayo dine ng usapan."

"Ah... ayos lang yon kuya na itanong ko lang naman pero wala yon."

"Sus, Ano nga!"

"Wala nga kuya...."

"Sige ikaw bahala. Oh paano, pasok na ko inaantok na kasi ako at gusto ko ng mag pahinga medyo masakit kasi likod ko gusto ko maiunat-unat."

"Ah... Okay sige kuya mag pahinga ka na ako ng bahala sa tea cup dito."

"Sige, sige salamat."

Napabuntong hininga nalang si Patrick pag ka pasok ni Keith sa loob at nasabi nyang "kung pwede lang kasi ako nalang ang mag bubuntis para hindi na sya mahirapan pa."

Naisip kasi ni Patrick na kaya siguro ayaw ni Kelly ng twins nahihirapan ito sa sitwasyon. Kaya inaalala nya ang asawa kung paano nya ito matutulungang di mangamba pag na nganak ramdam nya kasing natatakot si Kelly na manganak kaya naaawa sya rito.


CREATORS' THOUGHTS
lyniar lyniar

Sa panahon ngayon may “Patrick” pa kaya o baka gang sa novel nalang sila nag e-exist? Kung meron man ako nalang siguro yon.

Char! (っ^▿^)

• Anyways, wag n’yo po kakalimutan na i-add sa library n’yo ang iba ko pang Tagalog Novel ang:

> Chasing Her Smile

> PRIDE of Friendship

Thankies po sa support and may GODBLESS YOU ALL. ♡(˃͈ દ ˂͈ ༶ )

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C339
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login