Download App

Chapter 2: May Nag Post

'Lagot na! Anong gagawin ko ngayon?'

Kinakabahang tanong ni Eunice sa sarili.

'Ano ba kasing kasalanan ko sa mga ito bakit lagi akong pinagiinitan?'

Maya maya may tumulak na sa kanya at naramdaman nyang may sumuntok pa sa balikat nya.

Nagagawa nyang dumipensa. Isinasangga nya ang mga kamay at braso nya para saluhin ang mga suntok at hampas nila pero hanggang doon lang ang kaya nya, hindi nya magagawang lumaban sa dami nila.

"Ano?! .. HA?!...HA?!....!

Ang yabang, yabang mo!

Me pa Jeremy ko, ...Jeremy ko, ka pa dyan! Hmp!

Bakit kelan naging iyo si Jeremy?"

Boses ito ng leader ng grupo na si Miles, kaklase ni Jeremy.

Sikat na sikat ito sa school dahil hindi lang sa maganda at matangkad, may pagka smart pa! Kaya madalas inilalaban ng school sa mga beauty contest sa ibang school.

Kagaya ni Miles, nasa Grade 12 na rin si Jeremy ngayon at pareho silang nasa star section ng graduating class itong taong kasalukuyan.

At si Eunice, ..... nasa star section din naman sya, yun nga lang nasa Grade 8 pa lang ito. Katorse pa lang sya at apat na taon ang tanda ni Jeremy sa kanya.

"Huwag ka ngang assuming na papatulan ka ni Jeremy!

Kanina, nakita kong nagtalukbong sya ng tuwalya ng madinig ang sinabi mo!"

Sabi ng nasa kanan ni Miles na si Lena. Nakapamewang ito habang dinuduro si Eunice.

"Naintindihan mo ba ang ibig sabihin nun o kailangan pa naming ipaliwanag sa'yo? Ha!"

Sabay hampas sa kanya ng nasa kaliwa ni Miles na si Brenda.

"Ang ibig sabihin nun ayaw sa'yo ni Jeremy! Naintindihan mo!

Ayaw ka nyang makita dahil nandidiri sya sa'yo!"

Sabay tulak kay Eunice ng malakas ni Pam ang pang apat sa grupo at naka pwesto sa likod nya, dahilan para ma out of balance ito at lumagapak sa sahig.

"Grabe ka, hindi ka man lang nahiya, e mukha kang bariles dyan!"

Dugtong pa ni Pam.

"Hahahaha!"

"Girls ano yan?"

Sabay sabay silang napatigil sa ginagawa ng marinig ang tinig ng isang teacher at sabay sabay din silang humarap kung saan nagmula ang tinig.

Si Teacher Erica, English teacher.

May pagka strikto ang teacher na ito at ayaw na ayaw nya sa lahat ang bully.

"Sabi ko, anong ang ginagawa ninyo at bakit kayo nagkukumpulan dyan at pinalilibutan si Eunice?

Wag nyong sabihing, nagpa palitan kayo ng notes?"

Tanong nya ng lumapit ito at napansin si Eunice na nasa gitna nila at pilit nilang itinatago.

"E, wala po Mam... kino congratulate lang namin si Eunice sa pagkapanalo nya ng second place sa singing contest!"

Pagdadahilan ni Miles.

Inalalayan ng isa sa apat na makatayo si Eunice at saka inakbayan.

"Hindi ba Eunice? Sabihin mo kay Mam... hindi ba kino congratulate ka lang namin?"

Pagdadahilan ni Brenda. At nakangiti ito pero may halong pagbabanta ang tingin kay Eunice.

"Oonga po, Mam!"

Sunod sunod na sambit ng iba pa nitong kasama. Pero halatang nagsisinungaling dahil nakangisi pare pareho.

Tumango na lang din si Eunice hindi dahil sa gusto nyang pagtakpan ang mga nambu bully sa kanya, kungdi dahil sa kilala ni Teacher Erica ang Mama nya at close sila.

"Okey girls, sige na, go back to your class!"

Sambit ni Teacher Erica ng makitang sumasang ayon si Eunice sa sinabi nila.

"Sige po Mam!"

Pero hindi nila binibitiwan si Eunice at isinama sa pagalis.

"Teka, teka sandali!"

Pigil ni Teacher Erica sa grupo.

"Ano po yon, Mam?"

"Bakit nyo isasama si Eunice, hindi naman dyan ang klase nya, doon sa kabila?"

Sabay turo sa kabilang side ng school.

Nakabukod kasi ang building ng senior high sa main building ng school.

"Ay! Oonga po pala, nakalimutan lang po!"

Saka lang nila binitiwan si Eunice. Pero pinandilatan nila ito na hindi nakikita ni Teacher Erica.

"Sige na makakaalis na kayo, iwan nyo na si Eunice!"

"Opo Teacher Erica! Sige Eunice, ingat ka ha... wag mo kaming kalilimutan!"

May pagbabanta sa tono ni Miles.

Pagkaalis ng grupo saka nilapitan ni Erica si Eunice.

"Okey ka lang ba Eunice?

Sinaktan ka ba nila?"

"Okey lang po ako Mam!

Pwede na po ba akong bumalik sa klase ko?"

Tanong nito.

Ayaw nya din magtagal kasama si Teacher Erica dahil natatakot ito dito.

Pero hahakbang pa lang sana sya ng magsalita muli si Teacher Erica.

"Eunice may itatanong ako sa'yo, huwag mo sanang masamain pero bakit mo ginawa yon?"

"Ang alin po?"

"Bakit ka nagpropose sa gitna ng stage sa lahat ng maraming tao?

Hindi ka ba nakaramdam ng takot o hiya?"

Napaisip si Eunice kung paano nya sasagutin ang tanong ng Teacher.

"Natakot po ako nung una pero ..."

"Pero?"

"Kasi po Mam, graduating na si Jeremy hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko!"

Nangiti si Erica.

'Haaay ang puppy love nga naman!'

Nagtaka sya bakit imbis na magalit si Teacher Erica parang nangingiti pa ito sa sinabi nya.

'Pero mas maganda na ito kesa sa galit sya!'

Pero nataranta sya sa susunod na tanong ng teacher nya.

"Anong gagawin mo pag nalaman ito ng Mommy mo?"

"A...E ....Teacher Erica... pwede bang 'wag nyo na lang banggitin kay Mommy yung ginawa ko!"

Pero huli na. Nasabi na nya kanina sa Mommy ni Eunice na si Nicole, ang nangyari ng magtanong ito. Kaya nya hinanap ang bata pagkatapos nilang magusap.

Medyo na guilty si Teacher Erica.

"Bakit Eunice? Sa tingin mo ba hindi malalaman ito ng Mommy mo e may nag post na ng video ng ginawa mong pagpo propose kay Jeremy?"

Ito ang dahilan kaya gusto nyang makausap si Eunice.

"PO??!!!"

'Nakupo, lagot na naman ako kay Mommy nito!'


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login