Download App

Chapter 24: Uncontrollable Passion

Inabutan ni Inigo na nagsusuka sa kitchen sink si Ramsha. Nilapitan niya ito at inalalayan. Inayos niya ang buhok nito at hinawakan ng maayos. Huminga saglit si Ramsha at napansin ang pag-alalay ni Inigo sa kanya. Muli sumuka siya ng sumuka.

Pagkatapos niyang maisuka lahat, binuksan niya ang faucet para linisin ang dumi sa sink at para hugasan ang bibig. Habang hawak-hawak ni Inigo ang buhok ni Ramsha, hindi niya mapigilang mapatingin sa batok nito, mabalahibo at kaakit-akit.

"Were you always this seductive?" tanong ni Inigo sa kanyang isip. Napagtanto niya na hindi pa niya nakitang nagdamit ng kahit ano si Ramsha maliban sa uniform niya sa Sweetness Overload.

Nang matapos si Ramsha sa paghilamos, inalok siya ng panyo ni Inigo. Nagdadalawang-isip man, marahan nitong tinanggap ang panyo at ginamit pangpunas sa mukha.

"Salamat."

"I'm sorry!" bulong ni Inigo. "I didn't know Zein likes you and… I don't know kung anong pumasok sa isip ko at bakit yun ang dare ko, and..."

"It's okay…" inikot-ikot ni Ramsha ang panyo at ginawang pantali ng buhok. "Sa akin na muna 'tong panyo mo. Lalabhan ko muna."

"Sure."

"Excuse me! Pahangin lang ako." Lumabas ng bahay si Ramsha. Umupo ito sa hagdan at yumuko.

"Okay ka lang?"

Nagulat naman ito nang biglang tumabi si Inigo sa kanya. "Masakit lang ang ulo ko."

"Bakit mo naman kasi nilaklak yung bote?"

"Eh kesa naman sa magpahalik ako sa di ko gusto." Sagot nito na nakayuko pa rin.

"Nagka-boyfriend ka na ba?" Napatingin si Ramsha bigla kay Inigo dahil sa random question na yun. Napansin naman ni Inigo na mukhang nagulat nga si Ramsha sa tanong niya. "C-curious lang!"

"Never pa!"

"What? Seryoso ka? Sa ganda mong yan?"

Natulala si Ramsha sa sinabi ni Inigo. "Sinasabi mo bang maganda ako?"

Di nakapagsalita si Inigo. Dahil diyan natawa si Ramsha.

"Oo. Maganda ka." Bulong nito sa hangin. Lihim naman itong napangiti nang biglang tumahimik at tumigil sa pagtawa si Ramsha.

"Pinagtitripan mo ba 'ko? Kasi di ako natutuwa!"

Tumawa ng malakas si Inigo dahil nainis ang katabi.

"Huy! Anong ginagawa niyo dito sa labas? Nagdi-date ba kayo?"

Nagulat ang dalawa nang biglang sumulpot si Franco.

Tumayo si Inigo upang batiin ang kaibigan. "Akala ko ba may lakad ka? Buti na lang sumunod ka."

"Birthday ni Tita Hilda yung pinuntahan ko. Alas dos pa naman ng umaga kaya naisipan kong sumunod dito. Pero mukhang tapos na ang inuman at lasing na ata kayong lahat." Nakatingin si Franco sa nakayukong si Ramsha.

"Di ako lasing!" sigaw ni Ramsha. "Masakit lang ang ulo ko!"

Umiling na lang si Franco. "Nasa'n ba sila?"

"Sa kwarto ni Emari." Pumasok ng bahay si Franco at iniwan ang dalawa. Umungol naman sa sakit ng ulo si Ramsha. "Diyan ka lang, ha! Babalik ako."

Bumalik ng kwarto si Inigo upang kunin ang jacket ni Ramsha. Nang dumating ito sa loob, karga-karga na ni Franco si Sandy.

"Anong nangyari diyan?" Tiningnan ni Inigo si Arvin at Emari ng masama. "Pinainom niyo?"

Agad namang umiling ang dalawa na tila takot na takot sa dalawang binata.

"H-hindi! Siya ang kusang kumuha ng baso at ininom ang tequila." Paliwanag ni Arvin. "Ayaw niya kasing sagutin yung tanong namin."

Napansin ni Franco ang bote sa sahig at tiningnan ng masama ang mga kaibigan. "Spin the bottle? Sino bang nagpasimuno ng pambatang laro na yan?"

Tinuro ng dalawa si Arvin. Hindi na nagsalita pa si Franco. Inilabas niya na lang si Sandy sa kwarto. Sumunod naman si Inigo.

"Franco!" tawag nito sa kaibigan nang bumababa na sila ng hagdanan. "Sumakay na kayo sa akin. Ihahatid ko rin naman si Ramsha, idadaan ko na kayo. Kapag sa motor mo isinakay si Sandy, baka mahulog pa."

Hindi na nakipagtalo si Franco. Naiintindihan niya ang sitwasyon.

Marahang pinatayo ni Inigo si Ramsha nang dumating sila sa labas. "Ihahatid na kita sa inyo."

"Sandy?" nag-alala ito nang makita niyang buhat siya ng mga kamay ni Franco. "Anong nangyari sa kanya?"

"Nalasing!"

"Ha? Uminom siya? Bakit?"

"Itanong mo na lang bukas. Sumakay ka na. Iuuwi na kita sa inyo."

Pinagbuksan ni Inigo ng pinto si Ramsha at inalalayang makaupo sa front seat. Sumakay naman sa likuran si Franco at Sandy. Sumandal sa bintana si Ramsha at naidlip. Tumalikod ito kay Inigo kaya kitang-kita ng binata ang maputing bewang nito. Naalala niya ang hawak niyang leather jacket at ginamit itong pantakip sa kanyang katawan.

"Inigo…" bulong ni Ramsha. "Drop mo na lang ako sa cake shop."

"Mukhang umeepekto na ang alak sa kanya. Lasing na ata!"

Pinaandar ni Inigo ang sasakyan at nagsimula ng magdrive.

"Gaano ba karami ang ininom ni Ramsha? Bakit lasing na lasing yan?"

"Nilaklak niya kaya ang isang bote ng tequila!"

"Haaa? Baliw ba siya? Bakit niya ginawa yun?"

"Mahabang kuwento!"

3:30 AM…

"Mmmm…"

Gumalaw-galaw si Ramsha sa kanyang kinauupuan at maya-maya ay nagising. Tiningnan ang paligid niya. Wala na si Franco at Sandy. Tulog si Inigo sa driver's seat. Sinilip ang labas. Pamilyar ang lugar sa kanya ngunit di niya masabi kung saan kaya ginising nito ang katabi.

"Inigo! Gising! Huy, gising!"

"Mmmm… gising ka na pala." mukhang naalimpungatan ito sa malakas na pagyugyog ng dalaga.

"Nasaan ba tayo?"

"Mmmm? Ah. Nasa labas tayo ng bahay namin."

Lumaki ang mga mata ni Ramsha. "Ha??? Bahay niyo? Ang sabi ko ibaba mo ko sa cake shop."

"Delikado! Madilim pa kaya at saka tingnan mo nga yang suot mo. Masyadong seductive. Di kita pwedeng iwan dun mag-isa. Eh, ayaw mo namang sabihin kung nasaan ka nakatira kay dinala na lang kita sa bahay ko."

Kaya naman pala pamilyar sa kanya ang itsura ng mansyon. Hindi niya inasahang paglipas na ilang taon ay muli siyang makakabalik sa bahay nila.

"Ano pa nga bang magagawa ko? Nandito na tayo, eh!"

Pumasok ang dalawa sa tahanan ng mga Rosales. Habang papasok ito ng gate, nanumbalik kay Ramsha ang isang alaala na nagdala ng ngiti sa kanyang mukha. Tahimik silang umakyat ng second floor at pumasok sa kwarto ni Inigo.

"Dito ka na lang muna matulog sa kwarto ko. Wala kasi kaming guest room eh… Don't worry! I'll sleep on the floor."

Hindi pinansin ni Ramsha si Inigo. Nang makita niya ang malambot na higaan, nakadama ito ng antok kaya agad itong sumubsob sa kama.

"Ang lambot naman ng kama mo …"

Pinapanood naman ni Inigo si Ramsha na napapikit sa lambot ng kama niya. Napangiti itong pinagmamasdan ang dalagang tila naging maamo ang mukha.

Katabi ng kama ay isang malaking kabinet kung saan nakatupi ng maayos ang mga damit ni Inigo. Kumuha ito ng damit pantulog at naghubad kung saan ito nakatayo upang magbihis.

Bumukas ang mga mata ni Ramsha at nasaksihan ang hubad na katawan ni Inigo. Napakaputi nito at napakatikas ng katawan.

Habang nakatitig ito sa hubad niyang katawan, nagsisigaw naman si Ramsha sa kanyang isipan. "Bakit ba dito naghubad ang lalaking 'to? Nakakainis! Pumikit ka, Ramsha! Pikiiit! Wag kang marupok!"

Agad namang ipinikit ni Ramsha ang kanyang mga mata ngunit ginising siya nito at binigyan ng t-shirt.

"Magbihis ka muna para di ka lamigin diyan sa suot mo."

"Salamat." Tumayo si Ramsha at hinanap ang banyo. "Saan ba banyo mo?"

"Diyan oh! Sa may pintong 'yan."

Itinuro ni Inigo ang isang pintuan malapit sa isang malaking kabinet. Sa loob ng kabinet na yun ay ang kolekyson ni Inigo ng mga paborito niyang laruan tulad ng Gundam, Naruto, One Piece, Bleach at kung anu-ano pa. Napahinto si Ramsha sa harap ng kabinet na yun at namangha.

"Mahilig ka talaga sa anime no? Kaya lang hindi kompleto ang Team 7 mo. Wala kang Sasuke. Paborito mo pa naman yun." Pahayag ni Ramsha na nakangiti.

"Oo nga—" Napahinto si Inigo sa sasabihin niya at nagtaka. Napaisip siya ng malalim sa sinabi ni Ramsha.

Pumasok si Ramsha sa loob ng banyo upang magbihis. Hinubad niya ang kanyang damit, pati na rin ang pantalon. Naisipan niyang magpanty-shorts lang para komportable ang tulog.

Biglang pumasok si Inigo sa loob at nadatnan niyang nakabra at panty lang si Ramsha.

"Huuuy! Di pa ako tapos magbihis! Bakit bigla kang pumasok dito?" namumula sa hiya si Ramsha. Nakatakip ang mga kamay niya sa malaki nitong dibdib.

"Paano mo nalaman na mahilig ako sa anime?" seryoso ang mukha ni Inigo.

"H-ha??? Pumasok ka dito para itanong yan? Obvious naman sa collections mo."

"At bakit mo alam na si Sasuke ang paborito ko? Isang tao lang ang pinagkwentuhan ko tungkol diyan…" Nanigas ang katawan ni Ramsha habang nakatitig si Inigo sa kanya. Napakalakas din ng tibok ng puso niya. "Ikaw ba yung batang yun?"

Hindi sumagot si Ramsha. Sa halip ay napalunok ito.

Hinila niya ang kamay nito at pinasandal sa pader. Kinulong niya ang dalaga sa gitna ng kanyang mga braso at nagtama ang kanilang mga tingin. Hindi naman makagalaw sa sobrang kaba ng dibdib ni Ramsha.

"Alam mo bang marupok ako sa mga babaeng walang damit?" marahang umiling si Ramsha. "I don't think I can control myself right now. Can I… kiss you?"

Uminit ang buong katawan ni Ramsha nang titigan nito ang malalambot na labi ni Inigo at naramdaman niyang nawawala din siya sa sarili.

"Please…" ungol nito. "…kiss me!"

Dahil sa permisong yun, hindi na nagdalawang-isip si Inigo na ilapat ang mga labi niya sa labi ng magandang chinita. Pinagsaluhan nila ang matamis at mainit na halik. Dahan-dahang hinubad ni Ramsha ang saplot na suot ni Inigo. Una niyang tinanggal ang t-shirt nito saka minadaling buksan ang butones at zipper na kanyang pantalon. Naramdaman niya ang tigas ng pagkalalaki ni Inigo at tumama ito sa kanyang pagkababae. Lalo pang uminit ang katawan ni Ramsha nang maging malikot na ang kamay ni Inigo. Malambing nitong hinahaplos ang kanyang bewang at tiyan. Napakakinis ng balat ni Ramsha.

"Sandali!" bulong ni Ramsha. Hinihingal ang dalawa.

"Ayaw mo na ba? We're just getting started."

Umiling si Ramsha. "Take me to your bed."

Niyakap ni Ramsha si Inigo sa leeg habang karga-karga siya nito. Marahan niyang ipinatong sa ibabaw ng kama ang dalaga at dali-daling hinubad ang pantalon. Tumalon ito sa kama at pumatong sa ibabaw ni Ramsha.

Sinuri muli ni Inigo ang mukha ni Ramsha at napansin nitong kabadong-kabado siya. "Are you sure about this? Do you really wanna do this?"

"Sinimulan mo. Tapusin mo."

Hinaplos ni Inigo ang ulo ni Ramsha. Inamoy nito ang buhok at mas lalo pang na-turn on sa bango ng shampoo nito. Hinalikan ang noo, dumapo sa pisngi, bumaba sa leeg, at inulan ng halik ang dibdib. Hinaplos nito ang kanyang likuran at tinanggal ang hook ng bra at nang mahubad ito ay itinapon sa sahig. Muli niyang hinalikan sa labi si Ramsha habang bumababa sa bewang ang haplos ng kamay. Tumigil sa paghalik si Inigo at tiningnan sa mata si Ramsha.

"Can I get in?" yumango si Ramsha. "We're not protected."

"I don't care. Just do it."

At natapos ang araw na yun sa hindi inaasahanag pagtatalik ng dalawa. Malamig ang hangin at mahamog sa madaling araw, ngunit sa dalawang pinag-isa ay tanging init ng pagsasama ang yumayakap sa kanila.


CREATORS' THOUGHTS
Eleventh Eleventh

WARNING: SPG! Pero di masyado. Not that good in writing stuff like that. Shocks! I can't believe I wrote this part T_T huehuehue!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C24
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login