Download App

Chapter 273: Chapter 1: Promises

Is promises really bound to be broken?. Talaga bang, kapag nangako ka ay hindi nito matutupad?. Is it that really hard for us to stand for it and live with it?. Bakit sating mga tao, kung kailan tayo nangako, saka naman ito napapako? Ganun ba talaga kalupit ang mundo?. Na kadalasan, wala kang ibang maisip na gawin kundi sukuan nalang ang binigay na pangako at magpatuloy sa buhay?.

Pero paano?.

Paano ako mag-uumpisang muli kung ang ipinangako nyang habang buhay na kasama ko, ay hindi nya natupad?.

Paano ko sasabihin sa sarili ko na 'ganyan talaga ang buhay Lance. May nauuna at nahuhuli sa mundo?.' Paano? Paano ko hahawakan ang nawasak ng pangako? Paano ako babangon muli sa pagkawasak ng puso ko?.

"Damn it, Lance!?. Ano ka ba?. Hindi ka.ba naaawa sa mga anak mo?. Iyak ng iyak si Danica. Tapos kanina pa nagwawala si Daniel. Wala ka bang ibang gagawin kundi ang tumunganga dyan ha!?." Galit na namang saad ni Mommy sakin.

I don't know how to express my feelings kung tutuusin. Right now. Like I don't have any care sa mga anak ko. It's just that. As of the moment. I lost myself again. Tamad akong bumangon. Tamad ding gumalaw. I feel like, I'm so tired emotionally and mentally na kahit nakahiga lang ako buong araw. Ang araw at gabi at naging orasan ko. I don't wanna hold my phone or any gadget that reminds me of her. Pakiramdam ko. Wala akong karapatang magsaya gayong sya itong malaki ang naging sakripisyo para buuin ang pamilyang pinangarap ko.

I felt so betrayed.

Galit ako sapagkat, hindi nya pinanghawakan ang salitang, till death do as part. Imbes, hinawakan nya ang death will lead us apart.

"Lance, ano ba!?." Napaigtad ako sa galit na galit na tawag ni Daddy. Nakunot ang noo ko nang tumingin ako sa gawi nya. Nakatayo ito sa pintuan ng silid kung saan nakabukas lang. Andito kami ngayon pati ng mga bata sa original na bahay namin dito sa Australia. Iniwan namin lahat ng bakas ng kahapon kasama sya duon sa apartment na tinutuluyan ko. "Wala ka bang ibang maisip kundi ang humiga maghapon ha?!."

"I'm tired Dad.." puso ko yata ang nagsabi nito sapagkat bahagya syang natigilan at seryoso akong tinignan. Lumipad ang magkabila nitong kamay sa kanyang baywang.

"Hanggang kailan mo naman balak maging ganyan?. It's been a year man." Yumuko ako sa katotohanang, isang taon na nga ang lumipas simula nung isugal nya ang buhay nya para kay Danica. And I can't phantom the pain of knowing that, she's no longer here with us. "Lumaban ka naman para sa mga anak mo. Hindi lang ikaw ang nawalan." And that word hit me.

Umangat ang ulo ko. Nuon ko lang sya nakitang nasa tabi na ng bintana. Malayo ang tingin. Sa madilim at tahimik na kawalan ang tanaw. "Kung nahihirapan ka, paano kaya sila?."

"Hindi ko pa kaya Daddy.." may luha sa mata kong sambit. Sa mga araw na dumaan. Ngayon lang sya lumapit sa akin at nagsalita. Pakiramdam ko tuloy. Ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari. "Hindi ko kaya.." dito na ako humagulgol na parang bata. "I am trying my best to stand again, but I.. just.. can't.. Dad, my wife.... She's gone..." Nadudurog ang puso ko sa tuwing naalala ko ang kayganda nyang ngiti tuwing bagong gising. Naninikip ang dibdib ko sa tuwing uuwi akong, yakap nya ang gamot sa pagod ko. Umiiyak ang kabuuan ko sapagkat, iniwan nya kaming umaasa sa pagbabalik nya. Kaya.. hindi ko yata kayang tumayong muli ng wala sya!

He let me cry a river on his shoulder. Ngayon lang ito nangyari because until the very first minute na inanunsyo ng staff ng ospital ang pagkawala nya. I'm lost of words. Especially tears. Nakatulala lang ako. Hindi nagsasalita. Hindi kumikibo. Hinayaan ko lang ang lahat na dumaan na parang hangin sa harapan ko.

But I regretted that.

Hindi ang pananahimik ang gusto kong ipakita at gawin noon.

Kundi. Gusto kong magwala! Gusto kong basagin ang kabaong nya't hilahin sya pabalik! Gusto kong, tapusin na rin ang buhay ko at sundan sya.

Gusto kong isugal din ang buhay ko, kapalit ang kanya!

Pero paano?.

Paano ko gagawin ang bagay na NAPAKA-IMPOSIBLE!?.

Hinayaan ako ni Daddy na umiyak. He knew that I'm lost and currently needed him. "Paano na kami ngayon?. She's not here, anymore!." Muling bumuhos ang mainit na luha saking mga pisngi. Hindi ko alam kung saan ito galing lahat. Parang may nakatagong mainit na balon sa katawan ko't ngayon ko lang nadiskubre.

"Shhhh.. I know. You're not alone okay?. I'm here. Your Mom is here. Your siblings are here too.. your children. You're not alone son. You still have us.."

Umiling ako sa kabila ng mga sinasabi nya. "But she's different.."

"Mmm.. really different." Tinapik nya ng paulit-ulit ang likod ko. "But, son. How can we move on if we always see the thought of her, is still with us?. There's no other way to acceptance Lance. But to let her go."

Still. I cannot imagine that thought.

"If you don't want us to help you." Bumitaw sya ng yakap at tinignan ako sa mata kahit puno ito ng luha. "Then, help yourself. Walang ibang makakatulong sayo kundi ikaw din mismo anak. Hahayaan mo nalang bang lamunin ka ng kahapon at hindi na haharapin ang kasalukuyan?. Yes. Of course. Masakit. Mahirap din tanggapin ang nangyari. Pero, paano tayo kung hindi magpapatuloy diba?. Paano ang buhay ng mga bata if we, us adults na syang inaasahan nila ay sya ring pasuko na?."

Yumuko ako sa kahihiyan. Para akong nasampal ng mabigat na katotohanan.

"You promised her one thing bago sya nawala hindi ba?."

Umiling ako. Ayokong balikan ang mga oras na yun.

"Sinabi mong, aalagaan mo ang mga anak nyo lalo na si Danica kahit wala na sya hindi ba?. You promised her that. Hindi mo ba iyon naalala?."

I bit my lower lip. Paanong hindi ko maaalala ang mga sandaling iyon. It's the least and last moment I have her in my hand. Damn it!. Sana ako nalang ang nandun at hindi sya!.

Bakit ba nangyari ang lahat ng to?. Bakit ako pa?. Bakit ang asawa ko pa!?.

Ginulo nya ang buhok ko. Bagay na pinakaayaw kong gawin ninuman. Pero sa ngayon. Isa itong naging daan para mabawasan ang bigat ng dibdib ko.

"Okay. I won't force you to stand up for now. But think about it. Ako na ang bahala sa Mommy mo. And also, your sister. She's been mad worry about you. Talk to her if you need someone to talk to."

"Sisisihin nya lang ako Dad.."

"Who told you that?!." Galit nyang sigaw. "Sa ating lahat. Ikaw ang mas nakakakilala sa kanya. That's vice versa. Paano mo nasabi ang ganyan?."

"Dahil ako ang dahilan kung bakit wala na ang kanyang kaibigan.." It aches my heart knowing this statement is so true.

Nanahimik sya sandali.

"Hindi lahat ng tao ay tulad ng iniisip mo, anak." Tumayo sya't inalalayan akong humiga muli. Kinuha nya ang kumot sa tabi ko't inayos iyon sa ibabaw ko. "Anak kita. Kapatid ka ng Kuya mo. Lalo na at kuya ka ng Bamblebiee natin. Kaming lahat. Hindi ka kailanman sinisisi sa nangyaring aksidente. It was an accident. Walang sinuman ang nakakaalam sa pagdating at sa kung anong mangyayari. Wala."

Ginulo nyang muli ang buhok ko. "Mahal ka namin. Tandaan mo lagi yan. Andito lang kami lagi para tulungan at alalayan kayo ng mga kapatid mo. Huwag na sanang mawalan ng pag-asa at sumuko nalang basta. Remember always that you made also a promise na kailangang tuparin."

Naubusan na naman ako ng sasabihin. Honestly. Tama sya. Acceptance is the only way for me to let her go. It's not that I can't think about her anymore. It's a thought that, today and tomorrow. Me and my children are just us. No longer with her. And about my promise?. Ayoko na. Takot na akong mangako.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C273
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login