Download App

Chapter 4: Assignment

Maagang nagising si Lucas at agad siyang naghanda para pumasok sa paaralan. Pagkatapos maligo at magbihis ay kumain na ito. Sarap na sarap xa sa fried chicken na luto nang ina niyang si Aling Rosy.

Masayang nagsalosalo sa hapagkainan ang mag ina nang biglang namutla si Lucas, nanlaki ang mga mata nito at napanganga. Tinanong siya ni Aling Rosy kung ano ang kanyang problema ngunit hindi ito makapagsalita.

Ano kaya ang nangyari kay Lucas??

Sinampal ni Aling Rosy ang anak na si Lucas at ito ay nabuwal mula sa kanyang kinauupuan. Maluha-luha ang mata nito habang tumayo at hawak-hawak ang pisngi niya.

"Inay naman! Ang sakit nun ah!!" Sigaw ni Lucas sa ina.

"Bigla ka kasing natulala, parang nakakita nang multo o di kaya'y nasaniban kaya bago ka pa tuluyang masaniban ay pinalayas ko na agad ang masamang espirito na sasanib sana sayo." Sagot nang kanyang ina.

Mabigat ang loob ni Lucas na nagtungo sa paaralan, pagkapasok sa compound ng paaralan ay parang nakakasulasok ang pakiramdam. Nakita ni Lucas ang kanyang mga kaklase na abalang-abala sa pag ayos nang kanilang mga proyekto na binigay nang kanilang Guro dalawang linggo ang nakakaraan.

Tinanong nang kaklaseng si Mia si Lucas kung nasaan ang kanyang project nang biglang nilamon nang lupa si Lucas at gumuho ang Mundo.

Bumalik sa kamalayan si Lucas. Nakalimutan nya palang gumawa nang project at deadline na sa araw na iyon. Naisip nyang mag absent nalang ngunit nang palabas na sana siya nang paaralan ay nakasalubong niya si Mrs. Sanchez na guro niya.

"At saan ka pupunta Lucas? Malapit nang mag umpisa ang klase, bumalik ka na sa silid aralan." Istriktang tugon ni Mrs. Sanchez.

Walang nagawa si Lucas kundi ang bumalik sa silid aralan.

Nanlalamig si Lucas, pinagpapawisan at naririnig niya ang kabog nang kanyang dibdib. Maluha-luha niyang sinisisi ang sarili nya kung bakit nakalimutan niyang gawin ang project nya. Inggit na inggit siya habang nakatingin sa kanyang mga kaklase na ablang-abala sa pag aayos at pag tapos sa kanilang mga project.

Sumagad ang kaba na nararamdaman ni Lucas nang pumasok na sa silid aralan si Mrs. Sanchez. Parang tumigil sa pagtibok ang puso ni Lucas nang magsalita si Mrs. Sanchez.

"Okay class, as you all know today is the day para ipasa ninyo ang project na binigay ko 2 weeks ago. Walang reason para hindi nyo nagawa ang project since I gave it to you matagal na."

Di alam ni Lucas ang nararamdaman nya, natatae, tuyo ang lalamunan, at sumasakit ang ulo nya sa kaba na nararamdaman.

"Class, may project ba ang lahat?!" Tanong ni Mrs. Sanchez.

Sabay-sabay na sumagot ang lahat maliban kay Lucas. "OPO MAAM!!!".

"Shete! Bakit ko ba kasi nakalimutanng gawin ang project ko!! Asar!!!" Sa isip ni Lucas.

Dumating ang oras na kinatatakutan ni Lucas, inisa isa na ni Mrs. Sanchez na i check ang mga projects. Habang palapit nang palapit ang pangalan ni Lucas ay lalong tumitindi ang kanyang kaba. Napakabigat nang kanyang pakiramdam, nagdidilim ang kanyang paningin. Naisip niyang kung may paraan lang sana na magkaroon siya nang project sa oras na iyon ay gagawin nya kahit ano man ang kapalit.

"Lucas Antonio Margarito Sandoval" si Mrs. Sanchez.

"Eto na ang katapusan.... Mi Ultimo Adios!!" Sa isip ni Lucas habang tumatayo.

Nanginginig na nilapitan ni Lucas si Mrs. Sanchez na nanglilisik ang mga mata nang makitang walang dalang project si Lucas.

"Lucas Antonio Margarito Sandoval! Asan ang project mo?!" Galit na tanong ni Mrs. Sanchez.

Halos mahimatay na si Lucas sa kaba, sasabihin na sana niya na wala siyang project nang biglang narinig niya ang halakhak mula sa kanyang likuran. Ang boses nito ay galing sa lupa, nakakapanindig balahibo. Napansin ni Lucas na tumigil sa pag galaw ang lahat maliban nalang sa kanya. Nilingon niya ang pinanggalingan nang halak at nagulat nang makita nya ang isang demonyong naka ngisi sa kanya. Kitang-kita ang matatalim na ngipin nito, nanlilisik na mga mata at kulay pula na balat.

Napaupo sa takot si Lucas, gusto nyang tumakbo pero parang jellyace ang kanyang tuhod. Humakbang papalapit ang demonyo, gumapang naman si Lucas paatras.

"HUWAG KANG MATAKOT LUCAS!! ISA AKONG KAIBIGAN, NANDITO AKO PARA IKAW AY TULUNGAN!! ALAM KONG MAY PROBLEMA KA NGAYON, AT DALA KO ANG SOLUSYON! BWAHAHAHA!!!" Nayayanig ang lupa sa bawat katagang binibitawan nang demonyo.

"Ayoko!! Lumayo ka sakin!! Nay!!! Saklolo!!" Sigaw ni Lucas na mangiyak-ngiyak na sa takot.

Biglang nagpalit anyo ang demonyo, sa isang iglap ay nagmukha itong isang high school na dalaga at napaka ganda pa nito. Sa kanyang kaliwang kamay ay may lumitaw na pera, ginto, at diamante.

"Narinig kita kanina Lucas sabi mo gagawin mo lahat para magkaroon ka lang nang proyekto, kaya nandito ako ngayon." Nagpapa cute na sabi nang demonyo.

Napaisip si Lucas, sinubukan nyang tumayo ngunit hindi xa makatayo. Inabot nang demonyo ang kanyang mga kamay upang tulungan si Lucas. Pagkatayo ni Lucas ay napatingin siya sa mukha nang demonyo, napakaganda nito at namula pa si Lucas lang ngumiti ito sa kanya, sa panaginip lang nya naranasan ang ngitian nang ganun ka gandang mukha.

"So ano na Lucas? Gusto mo bang tulungan ko? Bibigyan kita nang proyekto para maipasa mo ngayon, at hindi lang yun kaya kong pataasin ang grades mo kaya kong gawing pinakamataas ang grades mo sa buong paaralan. Ano payag ka?" Pagkukumbinsi nang demonyo kay Lucas.

Tumango si Lucas, naisip nyang matutuwa ang mga magulang nya at kaiingitan siya nang mga kaklase at kabarkada nya.

"Payag ka na? Syempre may kapalit ito Lucas ha?! Konting bagay lang ang hihingin ko sayo." Paliwanag nang Demonyo.

"A...Ano yun? Anong kapalit?" Tanong ni Lucas.

"Papakasalan mo ako syempre! At pag kasal na tayo sasama ka na sa akin kahit saan ako mag punta. Wag kang mag alala hindi na mag babago ang hitsura ko. Ganito na ako lagi pag magkasama tayo. Mas kaiinggitan ka pa nang mga kaibigan mo dahil may girlfriend ka na maganda diba?" Ang demonyo habang nagpapa cute kay Lucas.

Nagulat si Lucas sa sinabi nang demonyo ngunit mababakas ang ngiti nito sa kanyang labi.

Muling nagsimulang gumalaw ang mga tao sa paligid. Kaharap na ni Lucas si Mrs. Sanchez na nanlilisik parin ang mga mata.

"Well, Lucas Antonio Margarito Sandoval? Nasaan ang project mo?" Tanong ni Mrs. Sanchez

Napalingon si Lucas sa likod, laking pagtataka nya nang nakita nya ang demonyong nag anyong babae at bitbit ang project na may pangalang Lucas Antonio Margarito Sandoval. Napangiti si Lucas at taas noong binigay sa guro ang kanyang proyekto.

Dahan-dahang lumapit ang demonyo kay Lucas na hawak hawak ang folder na may laman ng kanyang proyekto.

"Ibigay mo na kay Miss Sanchez baka lumabas pa mga mata niyan, yan pa naman ang tipo kung mga tao hindi nalalayo sa totoong ako"ani ng demonyo na my kasama pang ngiti na pakiwari mo ay may ibig sabihin na hindi mo makuha kuha kung ano. "Ma'am, ito na po yung project ko hindi ako makasagot agad kanina kasi hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa inyo na nakalimu tan ko sa bahay ang project ko, mabuti nalang dumaan sa bahay ang girlfriend ko at iniabot ni papa para madala dito sa School" pagsisinungaling niya sabay abot ng folder sa guro"

Sa ibang banda ng paaralan sa di kalayuan tanaw na ni Lucas ang demonyong nagpapanggap na maamong tupa sa kaanyuan ng isang magandang babae,kitang kita ni Lucas ang mahahabang buhok nito ang magandang hubog ng katawan na nang aakit sa sino mang makakakita. Habang papalapit si Lucas biglang humarap ang babae na naging dahilan ng pagkagulat niya. "hahaha ano ba ang nangyayari sayo Lucas? sa ganda kong ito magugulat kapa?sabay tawa na pagkasabi ng demonyo." Aba'y hindi naman sa ganun,bigla ka kasing humarap na parang alam na alam mo na papalapit na ako, salamat nga pala sa tulong mo.... Ano nga ba ang pangalan mo? kunot noong tanung ni Lucas sa kaharap?

Lucy, tawagin mo nalang ako sa pangalan na iyan, na my mapang-akit pang ngiti na kasama. Siya nga pala wag ka magpasalamat! hindi libre ang pagtulong ko sayo, may kaakibat yun na kondisyon kung hindi mo nakalimutan.

Ng hapon na iyon hindi malaman ni Lucas kung paanong paraan niya sasabihin sa ina ang pinasok na problema, dali dali siyang pumasok sa kwarto mg mapansing wala ang ina sa sala, ayaw niya kasing makita ng ina at siguradong magtatanung iyon tungkol sa klase niya buong araw. Habang nasa kwarto ay biglang sumulpot ang demonyo, hindi mapigilan ni Lucas ang makadama ng takot sa isip niya "ano kaya ang gagawin sakin ng demonyong ito? paano ako siya maiiwasan?please Panginoon tulungan NIYO po ako". Napansin niya ang demonyo na parang nangangati at sinabing "ano ba ang iniisip mo diyan?!!!nangangati ako!!napag isipan mo na ba gaganapin nating kasal? sa pagdating na kabilugan ng buwan maisasakatuparan na ang aking mga pangarap!!aahahahhahhhahaha! habang tumatawa ang demonyo ay maaaninag ni Lucas ang totoong itsura nito kahit di man ito nagbago ng anyo.

Napuno ng pagkalito at pagkabalisa ang gabi ni Lucas,hindi siya dinadalaw ng antok daig pa niya ang nakahitit ng ipinagbabawal na gamot sa panahon na iyon.

Kinaumagahan....

Nagising si Lucas na nakakandong sa kanya si Lucy, pinagmasdan nya ang mukha nito na naaaninagan nang liwanag mula sa bintana. Mapupula ang mga labi nito, makinis ang pisngi at matangos ang ilong. Dahan-dahang dumampi sa labi ni Lucy ang mga daliri ni Lucas, napakapambot nito. Naisip nya na cguro'y napakasarap halikan nang mga labing iyon. Laking gulat nya nang biglang nagsalita si Lucy. "Gusto mo akong halikan? Gawin mo, di kita pipigilan" pang-aakit nito kay Lucas.

Napapikit nalang si Lucas at dahan-dagang lumalapit ang kanyang labi sa mga labi ni Lucy.

Ngunit bago maglapat ang kanilang mga labi ay dumilat bahagya si Lucas, napasigaw ito nang makitang mukha nang demonyo ang kanya sanang hahalikan. Sa takot nya ay nasipa niya ito at ito'y nahulog sa kama. Napasigaw si Lucy nang "ARAY!!" na narinig naman nang nanay ni Lucas.

"Lucas sino yang babae sa kwarto mo?! Buksan mo tong pinto ngayon din!!" Sigaw nang ina.

Agad inutusan ni Lucas si Lucy na magtago, at nagtago nga ito sa ilalim nang kama.

"Diba may kapangyarihan ka? Maging invisible ka nalang kaya?!" Tugon ni Lucas ma sa mga oras na iyon ay natataranta na.

Gumapang sa ilalim nang kama si Lucy at binuksan naman ni Lucas ang pinto. Pumasok ang kanyang ina at dumiretso sa tabi nang kama at yumuko.

"Sinasabi ko na nga ba!! May kasama kang babae dito!! Lagot ka sakin bata ka!!" Hiyaw ni Aling Rosy.

Laking gulat ni Lucas nang lumabas si Lucy ay hubo't hubad na ito. Nag ngingitngit sa galit si Aling Rosy at parang kakainin nang buo si Lucas.

Pinagbihis ni Aling Rosy si Lucy at piningot ang taenga ni Lucas at kinaladkad pababa nang sala.

"Pagkatapos mong magbihis ay sumunod ka sa baba" Galit na galit na sabi ni Aling Rosy kay Lucy.

Hindi na nakapagsalita si Lucas, kahit gustohin nyang magsalita ay hindi na siya marinig nang ina nito dahil nalulunod ang boses nya sa pagbulyaw sa kanya nang kanyang ina. Mabuti pa ang machine gun kasi natatahimik pag nauubusan nang bala, pero si Aling Rosy pagnakapag umpisang magbunganga hindi tumitigil hanggang hapunan.

Ilang sandali pay bumaba na si Lucy, nakasuot ito nang t-shirt ni Lucas at maiksing short na lalong ikinagalit nang ina ni Lucas. Ngumiti ang babae at tumabi kay Lucas.

"Pasensya napi kayo..ma.. pero mahal namin ang isa't-isa." Si Lucy habang niyayakap ang braso ni Lucas.

Tinulak ni Lucas papalayo si Lucy ngunit malakas ang pagkakakapit nito sa kanyang braso. Nagpumiglas sya ngunit mas lalong humigpit ang kapit nito na nasasaktan na sya.

"Bakit mo xa tinutulak?! Porket nahuli ka na ay itutulak mo nalang sya pero kanina kung ano-ano pinag gagawa nyo sa kwarto!?" galit na tugon nang ina.

"Pero ma mali ang iniisip mo! Walang nangyari sa amin! Bigla nalang yan sumulpot sa kwarto! Demonyo yan hindi yan tao!! Maniwala ka!!" Paiyak na si Lucas.

Bumitiw si Lucy sa braso ni Lucas at nagtakip nang mukha habang umiiyak.

"Lucas, ang sakit mo namang magsalita. Sa dami nang pwedeng idahilan ginawa mo pa talaga akong demonyo? Akala ko ba sabi mo mahal mo ako? Sabi mo pakakasalan mo ako? Nangako ka Lucas! At naniwala naman ako... Pinaasa mo lang ba ako Lucas?" Hagulgol ni Lucy na tumayo at akmang aalis nalang.

Hinawakan ni Aling Rosy ang kamay nito para mapigilan sa pag alis. Sinenyasan niya ito na umupo at umupo naman ito malayo kay Lucas.

Patuloy na humahagulgol si Lucy habang nakayuko naman si Lucas na umiiyak din. Pinagmasdan ni Aling Rosy ang dalawa at nag-isip nang gagawin.

"Totoo ba ang sinabi ni Lucy na pinangakuan mo siya nang kasal?" Tanong ni Aling Rosy kay Lucas.

Tumango si Lucas at nagpatuloy sa pagpapaliwanag.

"Pero ginawa ko lang yun para makapasa nang project, hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari."

Dumating mula sa trabaho ang si Mang Nando, nakita nya ang kanyang asawa na kinakausap ang anak nilang si Lucas at isang hindi nya kilalang babae. Tinanong ni Nando ang asawa tungkol sa nagyayari at pinaliwanag naman ito ni Aling Rosy.

Nang marinig ni Nando ang estorya at napakunot ang noo nito. Inutusan ang asawa na magluto sa kusina at padabog ba umupo sa harap nang dalawang kabataan.

"Totoo ba ang sinabi nang iyong ina Lucas? Nagdadala ka nang babae sa bahay?" Tiningnan ni Mang Nando si Lucy at muling kinausap si Lucas.

"Magaling kang pumili ah! Mana ka talaga sakin! Ganyang edad din ako nung nagka nobya ahahaha" Pangising bulong ni Mang Nando kay Lucas.

Napangiti naman si Lucy sa narinig at tinakpan ang bibig nito upang mapigilang tumawa.

Tumayo si Lucas at nagtungo sa kwarto, sinara ang pinto at nag lock.

"Iha, kaklase ka ba ni Lucas? Tanong ni Mang Nando kay Lucy.

"Hindi po, pareho lang po kami nang school" Sagot nito.

"Sino ba ang mga magulang mo at saan ka nakatira?"

Hindi umimik si Lucy, nakatingin lang ito sa pinto nang kwarto ni Lucas.

"Balang araw, papakasal rin ako ni Lucas, mapapasaakin rin siya sa takdang panahon." Wika ni Lucy habang naglalakad palabas nang bahay.

"Masyado ka pang bata iha para mag-isip nang mga bagay na iyan, mag enjoy ka muna sa pagiging bata mo, hindi madali ang pag-aasawa tandaan mo yan." Pahabol ni Mang Nando kay Lucy.

Sinundan ni Mang Nando si Lucy habang naglalakad ito palayo, mahinhin maglakad ito habang nakasuot lang nang malaking t-shirt at short.

Laking gulat ni Mang Nando nang bigla nagliyab si Lucy at nawalang bigla. Hindi sya makapaniwala sa nakita at inisip nyang baka namalikmata lang siya.

Kinausap niya ang kanyang asawa tungkol sa nangyari nang marinig nila ang sigaw ni Lucas sa loob nang kwarto.

Nagtakbuhan ang mag-asawa sa kwarto ni Lucas para tingnan kung bakit ito napasigaw ngunit naka lock ang pinto nito. Patuloy sa pagsigaw si Lucas na parang maykinatatakutan. May usok na lumalabas mula sa kwarto nito at nangangamoy asupre ang paligid. Kumuha si Mang Nando nang martilyo para piliting mabuksan ang pinto nang biglang lumindol nang napakalakas. Nahulog lahat nang gamit na nasa kitchen drawer, nagsihulugan ang mga nakapatong na gamit sa lamesa. Ang mga dingding ay nagkabitak-bitak at ang sahig ay bumuka patungo sa kwarto ni Lucas. Ilang sandali pay narinig nila ang kahindik-hindik na sigawan at iyakan nang napakaraming tao, tika hirap na hirap ang mga ito sa kanilang kalagayan. May mga boses rin nang mga demonyo na nagtatawanan. Sa lahat nang ingay na naririnig nila ay may isang tinig na nangingibabaw sa lahat. Isang boses na nakakapanginig nang kalamnan.

"Kukunin ko na ang para sa akin!! Tayo ay may kasunduan Lucas!! Bwahahaha"

Muling lumindol nang malakas, mas malakas pa ito sa naunang lindol. Tuluyang bumuka ang lupa gumuho ang bahay nina Lucas. Parang may humigop sa buong kwarto ni Lucas patungo sa ilalim nang lupa. Tuluyang lumubog sa lupa ang buong kwarto ni Lucas at kasamang lumubog si Lucas.

Nang huminto ang lindol ay bahagyang tumahimik na sinundan nang matinding hiyawan at iyakan nang mga tao. Natabunan nang gumuhong bahay sina Aling Rosy at Mang Nando ngunit nasagip sila sa tulong nang mga kapitbahay. Pinilit nilang hanapin si Lucas ngunit naglaho ito kasama nang kanyang buong kwarto.

Ilang araw ang dumaan ay tuluyan nang nalinis ang gumuhong bahay nina Aling Rosy, makikitang may malaking bitak ang lupa kung saan nakapwesto noon ang kwarto ni Lucas. Hinukay ito ni Mang Nando sa paniniwalang natabunan lamang nang lupa ang nooy bangkay nalang ni Lucas. Umabot na siya nang sampong metro sa paghuhukay ngunit wala pa ring bakas nang kahit na isang gamit man lang sa kwarto ni Lucas. Mistulang nilamon nang lupa ang buong kwarto na kasa si Lucas.

Kinagabihan habang naghahanda ang mag-asawa para sa hapunan ay dumating si Lucy. Umiiyak ito habang sambit ang pangalan ni Lucas. Agad siyang pinapasok nang mag asawa at niyakap siya ni Aling Rosy nang mahigpit na sa mga oras na iyon ay hindi na rin mapigilan ang pag-iyak.

"ibibigay ko ang lahat makita at makausap ko lang ang aking anak kahit sa sandaling panahon". Umiiyak si Aling Rosy habang sinasabi ito kay Lucy.

Hindi napansin nang mag-asawa ang makahulugang ngiti ni Lucy nang marinig ang mga katagang iyon.

"Ma, talaga bang ibibigay mo ang lahat para makausap lang si Lucas?" Tanong ni Lucy habang nakayakap parin kay Aling Rosy.

"Oo anak, kahit ano ibibigay ko."

Ilang linggo ang dumaan ay muling lumindol sa bayan nina Mang Nando, nasa evacuation site sina Aling Rosy nang lumindol, mag-isa lang si Aling Rosy sa tent nang bumuka ang lupa at nilamon ito.

Sa ngayon ay namumuhay si Mang Nando nang mag-isa sa munting kubo na tinayo nya malayo sa kabihasnan. Sinasabing may magandang dalaga raw na paminsan-minsa ay bumibisita sa kanya, at sa tuwing binibisita siya nito madalas siyang nakikitang umiiyak sa itaas nang puno nang niyog. Hanggang isang araw ay natagpuan nalang si Mang Nando sa paanan nang niyog, basag ang bungo nito at bali-bali ang mga buto. Sabi nila dahil sa depresyon kaya siya tumalon. Pero alam ko kung ano ang tunay na nangyari sa kanya. Ikaw, gusto mo malaman?


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login