Forum Download app Gifts
100% Reaching Heaven((Tagalog Story)) / Chapter 48: Last Chapter

Last Chapter - Reaching Heaven((Tagalog Story)) - Chapter 48 by OstrytheCrescent full book limited free

Chapter 48: Last Chapter

"I am so gwapo, diba po mommy? "

"Oo,naman anak,Dyosa mommy mo eh"

Napangiti naman ito ng malapad saka ako hinalikan ng matunog sa magkabilaan kong pisngi bago ito bumalik sa mga bago nitong kalaro.

Ako naman ay napasandal naman sa pader habang pinagmamasdan ang anak ko. Kita ko na talaga dito ang labis na saya simula nang nakakasama na nya ang kanyang Daddy.

Dalawang linggo narin ang nakalipas at masasabi kong napakasaya ng buhay ko ngayon dahil nagkaayos na kami ni Young Master,nabuo narin ang aming pamilya,at wala na talaga akong tinatagong sikreto pa sakanya.

Napansin ko din sa nagdaang linggo,talagang puspusan ang pagbawi ng aking Langit sa aming anak. Lagi nya itong sinasama sakanyang opisina, o kaya naman pag ito ay umuuwi lagi syang may dalang pagkain o laruan para kay Sheenray. At syempre araw araw nadin kaming nagbobonding tatlo kaya para na talaga kaming masayang pamilya kaso... May kulang pa eh. Iyon ay ang

Kasal..

"Ate Leir!!! " nakangiti naman akong lumingon sa taong tumawag sa akin.Nang makalapit ito ay binigyan ako nito ng mahigpit na yakap.

Grabe hindi ko akalain na ganito lalaki ang dati kong inaalagaan na si Lucas,kahit 13 years old palang ito ay mas malaki na sya sa akin.Pero ang pagiging sweet nito ay hindi parin nagbago lalo na sa akin. Naalala ko nanaman ang reaksyon nito ng muli akong makita, bigla nalang itong natulala hanggang sa tumakbo sya papalapit sa akin at dinamba ako ng yakap. Hindi ko talaga akalain na ang pagalis ko 5 years ago ay masyadong nakaapekto kay baby Lucas kaya medyo naguguilty ako pero tama lang naman ang naging desisyon ko noon. Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/reaching-heaven((tagalog-story))_16656462505715405/last-chapter_46861398545844580">www.webnovel.com/book/reaching-heaven((tagalog-story))_16656462505715405/last-chapter_46861398545844580</a> for visiting.

Bumitaw na si baby Lucas sa pagkakayakap at nagpose sa harap ko

"What you can say about my cosplay,ate?" sinimulan kong igala ang aking mga mata pababa at pataas sa buong ayos ni Lucas. At wala akong masabi. Napakagwapo nito sa suot nito, at para talagang sya si Prince Zen.

"Ang gwapo mo sa suot mo baby Lucas, para ka na talagang tunay na Prinsipe" para namang kumikislap ang mata nito sa narinig,saka tinignan rin ng mabuti ng ayos ko. Napa sexy pose naman ako at napa V sign habang pinagmamasdan ako nito. Halatang halata naman ang paghanga nito sa ayos ko.

"Ang ganda ko diba, baby Lucas? " napatango tango naman ito kaya napangiti ako ng malapad

"Wow,Ate,ang sexy nyo po, parang parehas pa kayo ng katawan ni Erza Scarlett" napatawa naman ako ng mahina at pabiro itong tinapik sa balikat

"ene ke be nemen, maliit na bagay" napatawa naman kami ng sabay at pagkatapos noon ay nagusap muna kami ng kung ano ano ni baby Lucas. Medyo maaga pa naman saka wala pa iyong ibang inimbita para sa birthday ni Baby Lucas. Hindi ko akalaing pipiliin ni Lucas ang Anime Theme para sa birthday nya! Kaya kandahirap hirap akong naghanap ng cosplay costume sa Mall at buti nalang nabili ko ang pang karate na costume ni Erza, medyo nagaway pa kami ng aking langit dahil daw tela lang daw ang nagtatakip sa mga dibdib ko pero dahil Maganda ako.

Ako ang nanalo sa away namin kaya ako na si Erza Scarlet ngayong araw.

Napatigil naman ang paguusap namin ni baby Lucas ng sumulpot si Gabriel sa pagitan namin. At napanganga naman ako sa ayos nito. Tangina? Ganito ba kagwapo si Killua pag naging totoong tao sya?

"You're so pretty ate Leir" para namang medyo uminit ang mukha ko ng pinuri ako nito.Kasi naman! Crush na crush ko si Killua kaya kilig ako mga besh.. Sino na nga ulit si Heaven? Char

"W-walanghiya ka Gabriel! Bakit pa si Killua baby ang ginaya mo? Nadedemonyo akong yakapin at halikan ka! " gigil kong sabi dito, napatawa naman ito at binigyan ako mg ngisi. Aba tangina ang gwapo, kaya hindi ko na napigilan ang karupukan ko at napayakap kay Gabriel waaa.. Pero wala pa atang dalawang segundo eh,napalayo na ako sa mga bisig nito at tumama sa matigas na dibdib. Kaya agad akong napalingon at napalunok ng masilayan ko ang madilim na mukha ng aking langit.

Napangiwi naman ako dahil sa itsura nito. Kaya bago pa ito sumabog ay bigla ko na itong sinunggaban ng yakap at tiningala ang mukha nito at binigyan sya ng matamis na ngiti. Pero madilim parin ang mukha nito na nakatitig sa akin at kay Gabriel. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Gabriel at Lucas. Mga gago! Hindi ba nila nararamdaman ang maiitim na awra sa paligid?

"Leir"

Para naman akong maiihi dahil sa matigas na pagbigkas nito sa pangalan ko.

"Bakit? Aking langit? " mabilis kong sagot habang nakakatitig kami sa isat isa. Wala parin itong reaksyon pero naramdaman ko ang kanang kamay Nito na pumulupot sa maliit kong beywang saka ako hinapit. Napasinghap naman ako ng mahina ng yumuko ito at bumulong sa akin

"Are you fucking flirting with Gabriel?you look so dissapointed when I pulled you away from hugging him" mahina ko itong tinulak sa matigas nitong dibdib at kumalas sa pagkakahawak nya saka pinakawalan ang aking tawa.

Tangina, sana hindi nya malaman na tumatawa ako dahil sa nerbyos. Guilty kasi ako sa akusa nito. Kasalanan ko bang maakit kay Killua? Dapat kay Gabriel sya magalit!

"Ano ka banaman aking Langit, masyado kang judgemental ah" sabay palo ng mahina sa braso nito pero napataas lang ito ng kilay. Dyusko. Feeling ko lalo atang bumigat ang madilim na awrang nakapalibot dito. Kaya gumawa ako ng paraan para mapaamo ito...

Tinaas ko ang aking kamay at pinalandas ang aking daliri sa kanang mukha nito na may tattoo..

"Wow, aking Langit. Ang gwapo gwapo mo sa costume mo! Mas gwapo ka pa kay Jellal Fernandez!Couple na couple ang peg natin dahil naka Erza ako hihihi" pagkatapos noon ay hinalikan ko ito sa pisngi at sa labi. At ng maramdaman kong tumugon ito sa halik ko at minulat ko ang kanang mata ko para tignan sila Gabriel at sinenyasan na umalis na. Napatango nalang ang dalawa at nagmamadaling umalis para iwan kami ng aking Langit na naghahalikan ng bongangbongga.

Nang maubusan na kami ng hininga ay humiwalay na kami sa pakikipaghalikan. Napangiti naman ako ng lihim dahil maaliwalas na ulit ang mukha ng aking langit. Grabe iba talaga ang dyosa..inabot ko ang kanang kamay nito at hinila na sya papunta sa anak namin. At ng makita sya ni Sheenray ay agad nitong iniwan ang mga kalaro at tumakbo papunta kay Heaven para magbuhat kaya napabitaw ito sa pagkakahawak ko. Napasimangot naman ako. Minsan talaga inis ako sa anak namin.Panirang moment eh.

"You're so handsome daddy but Im more handsome than you" napatawa nalang ang aking langit sa sinabi ng mahangin naming anak at saka hinalikan ito sa pisngi..

"Dude Princess!! " napalingon naman ako sa tumawag at binigyan ito ng irap.

"Wow, Princess.. Bakit ganyan suot mo?Nakatela tela ka lang? Naghihirap kana ba at hindi ka makabili ng matinong costume?" agad ko naman itong sinapak sa ulo ng malakas kaya napaaray ito.

"Gago ka ba? Naka Erza Scarlet ako hindi mo ba alam ang anime na Fairy tale?!" napapout naman ito..

puta parang bibe!!Kaya lalo syang pumanget sa paningin ko

"Wala akong alam sa mga ibang anime, loyal ako sa One piece dude. Tignan mo oh, suot ko iyong damit ni Luffy na sinuot nya sa new world " tapos bigla itong tumalikod sa akin para ipakita ang malaking bazooka na nakakabit sa likod nito.Feel na feel nya talaga ang pagiging luffy

Babarahin ko nasana ito ng nagsidatingan sila Ice,Axl,at Vien. Anak ng?! Sinuhulan nanaman ba sila ni Ketong kaya ganyan get up nila? Pano naman kasi si Ice naka Sanji attire, si Axl naman ay si Chopper?! Tangina? At si Vien naman ay si Zoro. At lahat sila naka black kagaya ng suot ni Ketong. Naka new world attire silang apat!

"Ilan ba binayad sa inyo ni Ketong at nagsuot kayo ng ganyan?! Para kayong mga drug dealer mga gago! " napatawa nalang ang apat sa akin at nagkibit balikat

"Yow Dude" sabay na bati nila kay Heaven na seryoso lang nakatitig sa mga gunggong. Napatawa naman ako ng inignora lang sila ni Heaven. Kaya parang nainis ang apat.

"Attitude ang Heaven mo ah! " bulong sa akin ni Ketong, napangisi nalang ako.Lalayo nasana ulit si Ketong ng may naalala ako. Hinawakan ko ito sa braso at saka bumulong

"Nasaan na iyong pinabili ko sayo?ibigay mo na sa akin.

Bago matapos ang party ko gagawin ang balak ko" napangisi naman si Ketong habang tinuturo ang kanyang bulsa napangiti naman ako at aakmang tatapikin ko sana ito sa braso ng bigla nalang may humila sa akin.

"Don't fucking go near at him! " inis na sabi ni Heaven, napatango nalang ako at hinawakan ang kamay nito, si Sheenray naman ay tuwang tuwa sa ginawa ng daddy nya. Napakaseloso talaga ng aking Langit. Kala nya ay maaagaw ako sa kanya eh patay na patay ako dito. Napasapo nalang ako sa noo.

"Ang hirap talaga maging maganda"  bigla kong saad. Napailing nalang ang aking langit sa aking sinabi at sila Ketong naman ay inirapan ako.

"Mas mabuti pang umalis na tayo dito at kumain nalang ng spaghetti kaysa makipagusap sa mahangin na babaeng ito! " dinuro duro pa ako ni Ketong, putulin ko mga daliri nito eh gago talaga

"Oo nga,baka matangay pa tayo haayy" -Ice

"Pareng Heaven, bilib na ako sayo dahil natiis mo ang kahanginan nyan, sige babush muna" -Vien

Sinamaan ko ng tingin ang apat at pinakyuhan bago sila makatalikod at tumakbo na parang mga bata papunta sa mga pagkain.Napailing nalang ako. Mga gunggong talaga.

"They are so fucking weird"komento ng aking langit kaya napatawa ako. Kaya nga naging tropa ko ang mg iyon eh. May sari sarili kaming way ng kabaliwan

Nang napatigil na ako sa pagtawa ay napaisip naman ako ng malalim saka napabuntong hininga at tumingin kay Heaven....

Sana magawa ko ng maayos ang plano ko mamaya...

Hindi na ako makapaghintay!

---------------

Nagsimula narin ang kasiyahan at lahat ng mga bisita ay tuwang tuwa kanilang mga kasuotan. Feel na Feel nila na para silang mga ibang tao sa kanilang napiling isuot.

Sila Leir at Heaven naman ay masayang kumakain habang naguusap sila ng kung ano anong mga bagay. Ang kanilang anak naman na si Sheenray ay kumakain na din kasama ang mga bata na kaedaran nito.

Sila Ketong naman ay nasa kabilang lamesa at maganang kumakakain din at nagaagawan pa ang apat sa kanya kanyang plato kahit parehas lang naman sila ng pagkain na kinuha.

Pagkatapos makakain ng mga bisita ay sinimulan na ang mga masasayang palaro at ang kahuli hulian ay ang pipiliin na best cosplay.

"At ang nanalo ay si Ms Leir Mia Fenis and Sir Heaven Leilac Crisoveia" napanganga naman si Leir dahil hindi nya akalain na silang mananalo ng best cosplay. Habang papalapit sila sa emcee ay nakita nyang sumenyas si Ketong.Kaya napalunok nang laway si Leir..

Oras na.. Ani nya sakanyang sarili

Nang matapos silang mabigyan ng sash ay saka naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan. Halos lahat ay namamangha sa kagwapuhan at kagandahan ng dalawa.

Bababa na sana si Heaven nang bigla syang hinawakan ni Leir at pinatigil sa paglalakad. Kaya nagtataka syang nakatingin dito. Ngumiti lang si Leir saka kinausap ang emcee kung pwede hiramin ang Mic nito. Nagtataka man ay binigay parin nito ang mic kay Leir. Binigyan ito ng ngiti ni Leir saka dumako ulit ang tingin sakanyang langit..

Ang mga bisita naman pati sila Ma'am Catherine ay nagtataka kung bakit nagtititigan lang sila Leir at ang kanyang anak sa stage at wala atang balak na bumababa..

Kahit nanginginig na ay pinilit ni Leir na makapagsalita ng maayos

"Heaven.. Alam kong dalawang linggo palang tayo nagkaayos at nagsama.. At pilit parin nating kinikilala ang isat isa pero gusto ko sanang.... "

Nagulantang ang lahat ng biglang lumuhod si Leir at may inabot sa bulsa nito. Si Heaven naman ay grabe ang gulat ng makita nya ang ginawa ni Leir.

What the hell she's doing? Wait is she going to..fuck?..ani ni heaven sakanyang isip ng makita nyang may nilabas si Leir sa bulsa ...

"Aking Langit.Will you... "

"DUDE SANDALE!!!!!" napatingin naman ang lahat kay Ketong na di magkaugagang umakyat ng stage papunta kila Leir. At ng makalapit ito ay inabot ni Ketong ang maliit na black box na katulad ng hawak ni Leir. Nagtataka namang napatingin tingin si Leir sakanyang hawak at sa hawak ni Ketong. Tumayo si Leir at tinaasan ng kilay si Ketong. Napakamot naman ang huli

"Sorry dude, maling box ang nabigay ko sayo,ang laman ng box na hawak mo ay may laman ng tagpipisong singsing" napanganga naman si Leir sa narinig at napamura

"Gago kaba? Bakit may ganito kang singsing? " napakamot naman uli si Ketong habang nakangiwing nagsalita

"Pangasar ko sana iyan sa babaeng nililigawan ko eh, kaso naibigay ko sayo sorry" napasapo naman sa noo si Leir at parang gusto na nyang patayin ang kaibigan dahil sa katangahan nito.Nahihiya namang tumingin si Leir sa mga bisita at kay Heaven na tulalang nakatingin sakanila ni Ketong..

Tangina talaga!.. Ani ni Leir

Magsosorry sana si Leir sa palpak na proposal nya ng bigla nalang umiling si Heaven at ngumiti

"I should the one will do that baby" ani nito.. Napa tanga nalang si Leir ng si Heaven naman ang lumuhod sa harapan nya at may inabot sa bulsa nito.

Ang mga manonood naman ay engganyong engganyo sa natutuklasan.

"Leir, my love.. I know that I dont deserve your love at all because of what I've done to you...but Leir.. I dont want to see you with someone else..I want you to be mine only..so My love.. Will you marry me? " sabay binuksan nito ang gold box na may laman ng gintong singsing din at may diamon sa gitna. Napaiyak naman si Leir dahil hindi nya akalain na mangyayari ito. Na ang taong pinapangarap nya lang noon at binalak na abuti ay heto ngayon nakaluhod sakanya at inaalok sya ng kasal. Hindi na pinatagal pa ni Leir ang pagiisip at tumango na sya

"YES,papakasalan kita aking langit" napangiti naman si Heaven at mabilis na tumayo para isuot ang singsing kay Leir. Habang sinusuot ni Heaven ang singsing ay nababakas ang pamumula ng mata nito at para na syang maiiyak na.

Ang mga bisita naman ay napahiyaw at nagpalakpakan dahil sa kilig na kanilang nararamdaman dahil sa nangyaring proposal

Sila Sir Lucas At Ma'am Catherine naman ay nakangiting tumingin sa isat isa dahil sawakas ang kanilang anak na si Heaven ay nahanap na ang babaeng gusto nitong makasama sa panghabang buhay

Sila Gabriel at Lucas naman ay napa apir sa isat isa dahil sa ginawa nang kanilang kuya

Ang apat na gunggong ay tuwang tuwa sa nangyari kahit nasira ang plano ni Leir dahil sa katangahan ni Ketong...

Buti nalang may plano din pala si Heaven mag propose..Utang ko ang buhay ko sakanya... Parang maiiyak na bulong ni Ketong sakanyang sarili..

Akala kasi nya ay matatapos na ang kanyang buhay dahil sa kanyang katangahan.

Samantala si Devin naman na kakarating lang at saktong nasilayan ang pag OO ni Leir ay masaya at nakangiti ding nakatingin sakanyang kambal at sakanyang kaibigan.

"I'm very proud of you,Twin" ani nito habang nakikipalakpak narin dahil sa dalawang tao na masayang magkayakap sa isat isa sa stage

------

Leir's Pov

"I love you" bulong ni Heaven sa akin habang magkapatong ang aming noo

"Mahal rin kita,Aking langit" nakangiti kong sagot at nilapat ang aking labi dito

Mygod.. My so genius plan.. Reaching Heaven was finally accomplished...

Ganda ko....

END


CREATORS' THOUGHTS
OstrytheCrescent OstrytheCrescent

finally.. natapos ko nadin story nila..

next ko namang tatapusin ang Somewhere In universe hooooooo

next chapter
Load failed, please RETRY

The End Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power Stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C48
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login