"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ni Ms. Nherrie.
Bukas na ang debut ni Aubriene. Naayos na ang lahat ng mga gamit. Naipamigay na rin niya ang mga invitation card. Abi gave me one to serve as a remembrance.
"Yes, Luca." Sagot ni Euni.
Ilang linggo ko ng 'di nakikita si Ximi. 'Di ko alam kung kumusta na siya. The last time I saw him ay 'yong gabi na tinanong ko siya kung siya lang ba mag-isa sa bahay. Tipid ang naging sagot niya at kinabukasan noon ay maaga siyang umalis. 'Di ko na siya muling nasilayan. I never had the chance to make him feel right by hugging him. Sabi kasi sa akin ni lola na kapag hindi okay ang isang tao ay yakapin lang para maramdaman niyang 'di siya nag-iisa sa laban niya. Na nandito ako, handang makinig at dumamay.
But he left. He left without a word. Para bang bula na bigla nalang naglaho. 'Di man lang nag-iwan ng marka.
But, isn't it better to off this way? Para walang gagambala sa'yong alaala?
But my concern here is he just left. He left like I was no one to him. Pero sino nga ba ako sa kanya? Just no one, right?
"Bongga talaga! Excited na ako para bukas!" Bulalas ni Pat, 'di maitago ang galak sa puso.
Speaking of her, I don't know kung anong namamagitan sa kanila ni Ximi. But to my observation, araw-araw siyang gumaganda. I guess love has done a good job, eh? Baka maganda ang epekto ng pag-ibig sa kanya.
"Ay naku, girl." Singit ni Ivy. "Dapat lang din na mag-ayos ka kasi siyempre, andoon si Sir Maximilian." Ngumisi siya. Namula naman ang pisngi ni Pat.
"Ano ba kayo! Tigilan niyo nga ako sa mga ganyang bagay!" She pursed her lips, halatang nagpipigil sa kilig.
"Kailan mo ba kasi sasagutin?" Nakangising tanong ni Euni. "Alam mo namang halos nakay Maximilian na ang lahat!"
"Eh!" She playfully rolled her eyes. "Hindi naman daw kasi siya nagmamadali. Saka kakakilala lang naman namin. We have to be friends first."
"Naku alam ko na 'yan!" Agap ni Ivy. "Friends with benefits 'yan!"
"Oy loka, hindi!" Agap din ni Pat.
"First kiss mo ba?" Nagngiting aso si Euni, halatang interesado sa usapang ganyan.
I smiled to myself. Ximi deserves to be happy. At kung si Patricia ang tanging magpapasaya sa kanya, sino ba ang tutol doon? And I guess love is unconditional. Kung mahal mo, mahal mo talaga kahit sino pa siya.
"Ano na?" Inip na tanong ni Ivy. "Sagutin mo na kasi! Pakipot ka pa, eh! Baka maunahan ka pa ng iba."
"Che!" Si Pat. "May tiwala naman ako sa kanya, Ivy. Alam kong kapag magbitaw siya ng salita, panghahawakan niya iyon." She flipped her hair.
"So ba't mo nga kasi pinapatagal? Saka siya ba ang first kiss mo?"
Hindi sumagot si Pat pero inisa-isa niya kami ng tingin, then she smiled to us, nagpapahiwatig.
Tumili ang dalawa sabay hampas sa braso ng kaibigan.
"Aray ko naman!" Reklamo ni Pat.
"Ay ang lande!" Kantyaw ni Ivy.
"Shocks! Ang swerte!" Si Euni.
"First ka rin daw ba niya?"
"Hindi, eh." Sumimangot si Pat. "Pero okay lang. Basta siya first kiss ko." Then she giggled.
Napailing nalang ako. Pag-ibig nga naman.
"Anong feeling?" Kuryosong tanong ni Ivy, halatang excited.
"Matamis ba? Masarap?" Sugod ni Euni. Natawa ako sa tanong na iyon.
"Hmm," Pat nodded and chuckled. "Feeling ko e 'di ko kilala sarili ko."
"Yeiiii," tukso nilang dalawa.
"Tama na 'yan, ano ba!" Awat niya. "Tayo'y umuwi na kasi maaga pa tayo bukas. Basta, ha? 'Wag magpa-late. Lagot tayo kay Ms. Nherrie!"
"Okay!" Sagot ng dalawa. Tumango naman ako.
Pagpatak ng alas cuatro ay nag-ayos na ako ng sarili. I texted manong to fetch me at nagreply naman siyang on the way na. Mabuti nalang at magaan na ang trabaho namin dahil maayos na ang lahat. Preparado na. Araw nalang ang hinihintay.
Dumating ang sasakyan ni manong. Lumabas kaagad siya para pagbuksan ako ng pinto sa likod. Dala ko kasi ang laptop at iba kong gamit kaya kinailangan ko ng tulong niya.
"Kumusta naman trabaho mo, ma'am?" Tanong ni Manong Teodoro sa gitna ng biyahe.
"Ayos naman ho," sagot ko saka tipid na ngumiti. "Ready na ang lahat at mukhang excited ang kliyente namin."
"Panigurado mababalita 'yan, ma'am."
"Siguro," kibit-balikat ko. "Sikat naman siya at mukhang inaabangan ang debut niya."
"Napakaswerteng bata. Mahal na mahal ng mga magulang."
Huminga ako nang malalim at 'di na nagsalita. May kung anong kirot sa puso ko ang linyang iyon. Naalala ko bigla sina mama at papa. Kung buhay pa sila ngayon, siguro may inuuwian pa akong mga magulang.
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay 'di na ako umimik. 'Di na rin nagsalita si manong. Baka napansin niya ang pananahimik ko.
"Hi, la." Bati ko kay Lola Rita at hinagkan siya sa pisngi. "Si lolo po?"
Lagi nalang abala si Lolo Pocholo sa trabaho. To think he's already 50 plus, malakas pa rin ang pangangatawan niya.
"Ay 'wag mo na isipin iyon," aniya na ngayo'y nakaupo sa sofa. "Lagi naman 'yong nasa trabaho. Teka, kumain ka na ba?"
"Busog pa po ako, la." Tumabi ako sa kanya. "Birthday ni Aubriene bukas. Makakadalo ka ba, la?"
"Siyempre naman, apo." Ngumiti siya. "Kung 'di mo pa natatanong, malapit din si Abi sa akin."
"Ah," tanging sagot ko at tumango.
Siguro malapit ang dalawang matanda sa mga Abenajo. If that's the case, may alam sila sa family background nila.
"Hintayin ko nalang si lolo, la." Sabi ko at tumayo. "Magbibihis lang ako saglit."
"Sige lang, apo. Baka sabay na silang uuwi ni Ximi mamaya."
My heart skipped a beat upon hearing his name. May kung anong galak sa puso ko nang marinig kong uuwi si Ximi dito. Dito rin kaya matutulog iyon o sandali lang siya rito?
Gayunpaman, sapat na sa akin na makita ko ulit siya.
Umakyat na ako sa taas. 'Di ko pa rin makalimutan ang sinabi ni lola na pupunta rito si Ximi. Sana rito nalang siya matutulog mamaya kahit 'di ko na siya maabutan bukas.
Nagbihis na ako ng pambahay na damit. Suot ko'y long sleeve shirt at short shorts. Pero bago iyon ay naghilamos muna ako ng mukha at nag-ayos ng buhok.
Right when I was about to finish fixing my bed, tumunog ang cellphone ko. Sumulyap ako sa screen at napagtantong nagtext si Herana. Huminto muna ako sa ginagawa ko para basahin iyong message.
Herana:
I'll be there sa party ni Abi. Max invited me. I'm sure ikaw rin dadalo?
I smiled and typed my reply. Ilang linggo ko na ring 'di nakikita ang kaibigan ko. Huli noong kinukulit pa niya akong dumalo sa kasal ni Atifa. And speaking of Atifa, wala na rin akong balita sa kanya.
Ako:
Of course, Herana. Trabaho ko 'yon. Haha.
Nang na-send iyon ay pinagpatuloy ko ang ginawa ko kanina saka ako bumaba sa sala.
Pababa pa lang ako ay naririnig ko na ang pamilyar na mga boses. Dalawang lalaki at isang babae. Sigurado akong sila lang iyon.
Dumating ako sa sala at naabutan ko silang nagtatawanan. Halatang nakakatawa ang pinag-uusapan. But one thing caught my attention was the new look of Ximi. Kung sa una kong kita sa kanya ay may kahabaan na ang buhok, ngayon ay malinis na. He looked so manly in his pastel pink shirt.
"Apo!" Natatawang tawag sa akin ni lolo. Nakatingin pa rin ako kay Ximi na ngayo'y napasulyap sa akin.
"Hi, Luca." Kaswal niyang bati nang nakangiti. Bigla akong nablanko sa gagawin ko. Kung babatiin ko ba siya pabalik o talikuran. Pero sa huli, ngumiti lang ako sa kanya at lumapit kay lolo para hagkan ang pisngi niya.
"Hi, lo. Kumusta?"
Minabuti kong maging kaswal sa kanila. 'Di ko rin maintindihan kung bakit ako kinakabahan sa presensya niya. 'Di naman ako ganito these past few weeks. Siguro gawa ng ngayon lang ulit kami nagkita? Dahil ba malinis siya tignan? 'Di ko alam.
"Ayos naman, apo. How about you? Bukas na ang debut ni Abi."
"Yes, lo." Umupo ako sa gilid niya. Kagaya ng nakasanayan, si lola sa tapat ko at katabi niya si Ximi.
Napasulyap ako kay Ximi at ganoon na lamang ang kabang naramdaman nang magtama ang mga mata namin. May kakaiba sa awra niya ngayon. 'Di ko mapaliwanag.
"Makakadalo ka ba, lo?" Tanong ko at nag-iwas ng tingin kay Ximi. I tried to hide this unusual feeling that I had in my blood.
"Depende, apo. May trabaho ako bukas. Pero baka makakahabol ko."
"Baka magtampo sa'yo si Abi kapag 'di ka makakadalo, lo." Singit ni Ximi. Bakit ang gwapo ng boses niya?
Humalakhak ang matanda. "'Di naman siguro, hijo. Makakarating ako. Pangako."
"You can just have your day off, Pocholo." Si lola, half statement, half suggestion.
"Hmm," uminom ng tubig ang asawa ni lola. "Puwede naman iyon tutal may taga-asikaso ng planta."
"Still working on that plantation, lo?" 'Di ko makapaniwalang tanong.
"Not that much, hija. You know Diego and I are good friends. 'Di naman kasi puwedeng mamahala si Isha dahil masyado pang bata."
"Kung sabagay," sagot ko. "Isha's still studying. Saka baka walang balak iyon sa negosyo nila."
"She can't decline to that matter, Luca." Ximi butted in, making me glance at him no matter how hard I tried not to. "Don Diego's will is a rule to follow."
"Oh," mahina kong bulalas. I felt bad for my second cousin.
"Well, there's always a way to bend it, hijo." Si lola ang nagsalita. Lahat kami ay bumaling sa kanya. "Since that girl is a spoiled brat, baka wala na ring magawa si Diego."
Tumango ako sa sinabi ni Lola Rita. Kung ano man ang balak nila sa kanilang buhay, as long as masaya sila at tingin nila ay tama, kahit ang mundo pa ang tutol dito, maraming paraan para makamit ang bagay na inaasam.
After we had our dinner ay tumambay ulit ako malapit sa pool. Nakahiligan ko ng magpahangin dito lalo na nang 'di na ulit bumalik si Ximi rito.
Tumingala ako sa langit. Ang ulap ay kulay abo. Wala akong makitang bituin at maging ang buwan. Pakiwari ko'y uulan mamaya. Sana naman ay 'wag bukas dahil debut iyon ni Aubriene.
I inhaled deeply. Naalala ko bigla na bigla bigla nalang sumusulpot si Ximi sa likod ko. I got used to, aminado naman ako. Nasanay na rin akong naiinis kapag andyan siya kaya nanibago ako nang husto nang 'di na siya nagparamdam ulit. He was like a phantom I was running from but when I finally escaped, things turned out to be a nightmare. I found myself running after him.
Tumunog ang cellphone ko, knocking me off from my trance. Tinignan ko kung sino ang nagtext at ganoon na lamang ang gulat ko nang bumulaga sa akin ang pangalan ni Ximi. Taranta kong binasa ang mensahe niya.
AAB:
Wanna go out with me tonight?
I bit my lower lip. I roomed my eyes around at wala naman akong nakitang aroganteng lalaki. I lost my hope and I felt something broke inside me. I sighed and wrote my reply.
Ako:
Where u?
I sent the message and placed my phone beside me. My heart was sinking. I felt a million stab from my back, moving like a drill.
I sighed again. This pain was too much to bear. 'Di ko alam kung ano 'tong nangyayari.
I glanced at my phone at saktong umilaw ang screen kasabay ng isang tunog. Bumalandra ulit ang pangalan ng kumag.
AAB:
Inside my car, Luca. I'm waiting. Hurry up!
Sa una ay ayaw rumihestro sa utak ko ang mensaheng iyon. I was thinking na wrong send lang iyon dahil ayaw kong umasa pero nang may pangalan ko ay kumpirmado kong ako nga ang tinatanong niya.
Nang nakabalik ako sa ulirat ay dali dali akong tumayo at tumakbo papasok ng bahay. Wala ng tao. Baka nasa taas na ang dalawang matanda. Kaya naman dali dali akong tumakbo papuntang pinto at lumabas. My heart was racing; my hands were shaking. Isa lang ang alam kong pangalan sa nararamdaman ko. Maybe I missed him so much?
Nang nakalabas ako ng bahay ay inayos ko ang sarili ko. 'Di ko alam kung nasaan si Ximi o kung nakikita niya ba ako sa mga sandaling ito pero ayaw kong ipakita sa kanya na masaya akong makakasama ko siya ngayong gabi. Siguro nga ay na-miss ko siya. 'Di ko inakalang ilang linggo siyang walang paramdam sa akin. Nasanay akong lagi ko siyang nakikita gabi-gabi.
I blinked many times. Ang malamig na simoy ng hangin ang nagpapainit sa loob ng katawan ko. Mabuti nalang at mahaba ang manggas ng damit ko. 'Di ko ganoon karamdam ang lamig ng gabi.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Sakto namang may nakita akong kotse dahil sa dilaw nitong ilaw sa harap. I gulped once and composed myself.
No to this kind of feeling, Luca. Don't be so overreacting.
Bumukas ang pinto ng sasakyan nang nasa tapat na ako ng gate. Isang lalaki ang lumabas na ngayo'y nakangiti sa akin. His smile was up to something. 'Di ko alam para saan iyon o ayaw ko lang mag-assume na dahil sa akin iyon.
"Hey," mahina niyang bati, nakangiti at kita ang ngipin. Ngumiti naman ako sa kanya at binuksan ang gate.
"It's getting late na, ah?" Tanong ko, 'di mapigilang ngumiti.
Why does he look so good tonight? Baka nagpapapogi points kay Patricia?
"I'm craving for cookies and cream na ice cream." Aniya at napakamot sa batok. Tantiya ko'y nahiya siya sa sinabi niya.
"Oh," I chortled at sinara muli ang gate nang tuluyan na akong nakalabas. I was standing in front of him. Naaamoy ko ang tsokolate niyang pabango. "Iba rin ang craving mo, ha?" Biro ko.
"Yeah," bumungisngis siya. "Nasanay kasi akong kumakain ng ice cream, lalo kapag kasama ko si Patricia."
Dahan dahang lumiit ang labi ko pero saglit lang iyon. I smiled again at him.
"Why don't you invite her instead?"
Where is Patricia ngayon? Dapat siya ang inabala nitong lalaking ito. Nag-away ba sila?
"She's busy." Kibit balikat niya. Kahit madilim ang paligid ay kita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya. Siguro nga 'di sila maayos ngayon at sinabi lang ng kumag na 'to na busy si Pat.
Whatever it was, ang mahalaga'y makita kong nakangiti pa rin si Ximi.
"Sus! 'Yon lang ba? Tara na!" Aya ko, brushing off the topic. Nilagpasan ko siya at naunang pumasok sa loob ng kanyang kotse. Narinig ko pa ang mumunti niyang halakhak, which I thought a reason why I smiled to myself.
Relax, Luca. Wala naman siguro sa'yo iyon, 'di ba?
Nawala ako sa mood. Naisip ko lang na kung mahalaga sa iyo ang isang tao, bakit mo pagkakaitan ng oras? Gaano ba kahalaga 'yang ginagawa niya para humindi kay Ximi? O baka talaga hindi sila okay?
Tss. Why do you even care, Luca?