Dumagundong ang sigawan nang lumabas si Alphonse na nakasakay sa isang unicycle habang binabalanse si Kirstine na nakahawakak sa kanyang balikat at nakabaliktad. Huminto siya gitna at hinayaang tumalon si Kirstine pababa. Gaya ni Sofia ay kaya rin ni Kirstine ang pagbalu-baluktutin ang katawan. Nagpatambling siya ng tatlong beses at ang pang-huli'y hinawakan ni Alphonse ang kanyang bewang saka binuhat sa kanyang balikat.
Nakasuot lang si Alphonse ng kulay lilang pantalon na may disenyong parang ginupit sa laylayan. May pinturang kulay asul naman sa itaas na bahagi ng kanyang katawan. May kurbatang mahaba sa kanyang leeg at kulay lila na paminsa'y bahagyang hinihila ni Kirstine kapag umiikot ito.
Sumunod ay tumuntong si Alphonse sa isang malaking bola. Nagbabalanse siya habang pasamapa naman si Kirstine sa balikat nito. Nakahawak siya sa kamay ni Alphonse. Gumegewang-gewang ang bolang tinutungtungan niya. Ako naman'y kinakabahan habang pinapanood sila rito sa likod.
Ngayo'y inaakyat nila ang mahabang hagdan. Susubukang magbalanse ni Alphonse sa lubid habang nakatayo so Kirstine sa balikat niya. Pigil ang hininga naming nakatingala habang naglalakad siya sa lubid. Hawak naman ni Kirstine ang baston niyang ginagamit sa tuwing nagmamagic siya ng mga bulaklak.
Manghangmangha ang mga manonood. Akala nila'y talagang may kapangyarihang magpalabas ng bulaklak si Kirstine. Kung alam lang sana nila ang sikreto. Ikinukumpas-kumpas pa niya ito. May mga maliliit at malalaking bulaklak ang nagsisihulugan. Namumulot naman ng mga nahulog na bulaklak ang mga batang nanonood. Mayamaya ay biglang huminto si Alphonse sa gitna.
May nahulog na pulang tissu mula sa itaas. Kumapit doon si Kirstine pati si Alphonse. Ipinulupot nila ang katawan doon. Nagpabali-baliktad silang dalawa. Ipinulupot ni Alphonse ang mga braso habang si Kirstine ay nakasampa sa balikat ng lalaki. Patapos na ang musikang tumtugtog nang biglang nagpatihulog si Kirstine.
Nagsigawan ang mga manonood at napatakip naman ako sa aking bibig. Si Kirstine! Ibinabalanse ni Alphonse gamit lamang ang kanyang mga paa. Palakpakan ang lahat maging ako.
▪
Tumugtog ang musikang Four Seasons ni Vivaldi. Kasabay nito ang siya namang paglipad ng magkapatid na sina Lucy at Lucas. Sila ay mga propesyonal pagdating sa pagtatrapeze. Isang trapeze lang ang kanilang gamit. Kaya rin ni Lucy baluktutin ang katawan. Habang nakatayo si Lucas at nakatuntong sa manipis na bar nito't inuugoy, si Lucy nama'y inakakapit sa bar at inuunat ang buong katawan. Para siyang nagbaballet sa ere.
Pagkatapos ay nagpabaliktad siya. Tanging ang mga paa lamang ang nakakapit. Pagkatapos ay si Lucas naman ay umupo sa bar. Kumapit sa binti niya ang kapatid at nag-umpisang akyatin ang bar. Si Lucy naman ngayon ang nakatayo. Ibinitin ni Lucas ang binti sa bar. Si Lucy nama'y humawak sa bar at inangat ang katawan. Ipinulupot ang paa sa hawakan.
Para silang mga gagamba sa itaas na gumagawa ng kanilang bahay. Kahit na umuugoy ang trapeze ay hindi sila nagpapatinag. Nang patapos na ang musika ni Viladi ay humawak si Lucy sa bar at ibinaluktot ang likod. Bumaliktad si Lucas habang pinulupot ang binti't paa sa hawakan nito habang nakaalalay sa likuran ng kapatid ang kamay.
▪
Bumagsak naman ang isang puting tissu. Bumukas ang mga ilaw sa entabladong nakapabilog. Nakatutok ang mga ilaw sa babaeng nakatayo sa gitna. Nakasuot siya ng kulay puting unitard na kumikinang at may malaking bulaklak pa siya sa buhok. Si Jacky na ang susunod. Tumugtog ang Rondo Alla Turca ni Mozart, ganoon din si Jacky na nag-umpisang sumayaw.
Tumingin ako sa balkonahe. Nanonood pa rin si Jack na may katabing batang babae. Pagkatapos ni Jacky ay ako na ang susunod. Kinakabahan tuloy ako. Nagtama ang mga mata naming dalawa, hindi ko inaasahan. Naramdaman ba niyang naka tingin ako? Nagwawala tuloy ang puso ko nang ngumiti siya.
Nagtago uli ako sa likod ng kurtina. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Halos marinig ko pa sa aking ulo ang pintig nito.
''Ayos ka lang anak?'' Tapik sa akin ni ama. Tumango lang ako. Ayokong ipahalata sa kanya na nanginginig ako sa kaba. Tiningnan ko na lang uli si Jacky na nakasabit sa kanyang tissu at nagpapaikot-ikot sa buong circus house.
Nakapulupot sa kanyang binti ang pagkatapos ay nakataas naman ang isang binti habang umiikot ito. Pagkatapos ay ipinulupot niya ito sa kanayang bewang at nagpatihulog ng mabilis. Nakakapit siya sa duli ng tissu. Mukha siyang nakasplit sa ere habang mabagal na ang ikot nito. Kasabay ng pagtatapos ng musika ay siya namang paghinto ng tuluyan ng tissu.

▪
Kami na ang susunod. Hoo! Napahinga ako ng malalim at winagwag ang aking mga kamay. Umupo ako't sinuot na ang aking ice skate. Wala pa siya. Ang sabi ko'y panghuli akong magtatanghal. Mabuti na lang at madilim ang entablado kung kaya't walang nakapansin sa aking paglabas.
Para akong bibe na naglakad sa may buhanginan. Hinubad ko ang aking gwantes at hinawakan ang parte nito kung saan ako nakatayo. Narinig ko pa ang mumunting ragasa ng maliliit na yelong nag-uunahan para balutin ang tuyong lupa. Nang tumayo ako'y biglang...
''Pasensiya na, nahuli ako... At hindi mo talaga ako hinintay sa likod.'' Nagsalita ang lalaking makakasama ko sa pagtatanghal. Nagulat pa ako dahil malapit lang siya sa akin. Akala ko'y hindi na siya tutuloy.
''Akala ko'y naduwag ka na't hindi na tutuloy.'' Asik ko.
''Ganoon ba ang tingin mo? Tingnan na lang natin.'' Nakangisi siya kahit na madilim ay alam kong nang-aasar na naman ang ngiti niya. Sinusubukan niya ako sa tuwing inaakala kong sumusuko na siya.
Isinuot na naming dalawa ang maskarang mata lamang ang natatakpan. Inilahad niya ang kamay na agad ko namang inabot. Sabay kaming nagpadausdos papunta sa gitna. Napagkasunduan naming limang minuto lang tatagal ang aming pagtatanghal dahil sa hindi siya maaaring magtagal sa lamig.
Bumukas ang isang asul na ilaw sa kisame. Nakatutok sa aming dalawa.
''Napakaganda mo sa iyong ayos Elsa.'' Napangiti ako sa sinabi niyang iyon.
''Ito na ang pinakamasayang padiriwang ng aking kaarawan hindi ko kailanman makakalimutan.'' dagdag pa niya habang nakatingin sa aking nga mata.
Magkaharap lamang kaming dalawa kung kaya't nailang ako. Akala ba niya'y hindi ko napansing napakakisig niya sa kanyang kasuotan? Medyo hapit sa kanayng katawan ang panlanig na suot. Hindi pa rin talaga mawawala ang malaking hood niyang iyon. Kulay tsokolate rin pala ang kanyang buhok. Hindi ko madalas napapansin sapagkat lagi itong natatakpan.
Nahihiya lamang akong sabihin sa kanya ang napansin ko. Baka kasi akalain niyang binibiro ko siya dahil sa pinuri niya ako.
''Base sa tingin mo, napansin mo na naman siguro ang kakisigan ko.'' Natatawa siya nang sabihin iyon. Grabe paano niya nalaman ang iniisip ko?
''Hindi no, huwag kang umasa.'' Pagmamaang-maangan ko. Muli na naman niya akong nginisian. Nginisian ko rin siya bilang ganti.
''Napakaganda mong pikunin.'' sabi pa niya.
''O sige na, panalo ka na Jack.'' sabi ko sa kanya na may halong pagkasarkastiko.
Ang mga reaksyon ng mga manonood ay hindi ko mawari. Namamangha sila kung paano naging yelo ang kanina'y mabuhanging sahig.
Nagyo'y pareho na kaming yumuko gaya ng inensayo naming dalawa. Limang minuto lang kung kaya't kailangan kong galingan. Magkahawak na muli kaming dalawa ng kamay nang maramdaman ko uli ang pakiramdam noong una ko siyang nakamayan. Pakiramdam na matagal ko na siyang kilala. Lihim ko siyang sinulyapan. Nakapikit siya habang hinihintay na lamang namin ang pagtugtog ng musika.
▪▪▪