Download App
71.42% SNOW QUEEN'S LAST KISS (TAGALOG/FILIPINO) / Chapter 10: CHAPTER 9

Chapter 10: CHAPTER 9

Hindi mawala sa isip ko ang naging panaginip ko kagabi. Sa panaginip ko'y dinalaw ako ng isang babae. Napakaputi niya't nakasuot ng manipis na kulay pilak na damit. Kumikinang pa ito gaya ng mga piraso ng yelo. Ako raw ay nasa kaniyang kahariang gawa sa malalaking tipak ng yelo, nakatayo sa gitna ng bulwagang may malaking lustreng kumikinang. Habang siya'y nakaupo sa malaking tronong gawa sa yelo.

''Sino ka?'' Bumuka rin ang kanyang bibig na tila nagsasalita rin ngunit alingawngaw lang ng boses ko ang namayani sa lugar.

''Kilala mo ba ako? Bakit ako narito?'' Tanong ko habang unti-unting lumalapit sa kanya. Ganoon din naman siya, tumayo siya't humakbang rin palapit sa akin.

Nang magkalapit kami ay nakatitig lang siya sa aking mga mata. Kahit pa konting galaw ko ay ganoon din siya, para tuloy akong nakaharap sa salamin. Ngunit hindi rin nagtagal nang magsalita siya.

''Natutuwa ako dahil dininig ng Diyos ang aking ipinagdasal noon.'' Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Tumalikod siya sa akin at humakbang papunta muli sa kanyang trono.

''Ihinabilin ko sa isang tao na isulat ang aking kwento upang mabasa ng lahat... para pagdating ng araw, kung matupad man ang dasal ko'y mabasa ng bagong silang na ako.'' Nginitian niya ako. Mapupungay ang kanyang matang kumikislap na parang piraso ng yelo, gaya ng aking mga mata.

Umihip ang hangin, tunog ng lustre sa itaas ang namayani. Nag-uumpigan ang nga maliliit na yelo noon na lumilikha ng matitinis na tunog. Pagkatapos, biglang gumalaw ang mga tipak ng yelo. Nagkaroon ng nga bitak ang sahig na aking tinatayuan.

''Elsa... ikaw at ako ay iisa, muli ring isinilang ang lalaking inibig ko noon. Nagkita na kayo't tila ba kilala na ang isa't isa. Alam kong nahulog na ang puso mo sa kanya, ngunit hindi pa man nag-uumpisang muli ang kwento'y gumawa muli ang tadhana ng paraan upang hindi magkatuluyan... Ikaw na ang bahala Elsa... Paalam na...'' Nagpaalam na siya samantalang marami akong gustong itanong pa. Si Jack iyong tinutukoy niya. Kung ganoon, ako at si Jack...

''S-sandali! Anong gagawin ko?'' Sigaw ko pero nakangiti lang siya sa akin habang unti-unting nagsisihulugan ang mga malalaking yelo. Hanggang sa tuluyan na ring nabitak ang yelong kinatatayuan ko. Napasigaw ako sa aking panaginip nang ako'y mahulog sa kawalan.

At sa pagmulat ng aking mga mata, bumabagsak na ang maliliit na nyebe at snowflakes sa aking silid.

Narito kami ngayon sa palengke para bumili ng babaunin para bukas. Marami pa ring mga namimili kahit na tanghaling-tapat ng Biyernes. Paunti-unti naman ang bagsak ng nyebe ngayon at may nakisabay pang balita. Mabilis na kumalat sa buong Saxondale ang ginawa ni Jack na pagpapakilala sa akin sa kanyang pamilya. Nakatakda pa naman kaming magkita uli ngayon. Habang naglalakad kami ni Lucy rito sa palengke ay naririnig ko ang nga bulungan ng mga tao.

''Sa dinami-rami naman ng mayayamang dalaga rito sa Saxondale ay bakit iyang taga circus pa ang napili. Nariyan naman ang Dukesa Rosemary na matagal ng may pagtingin kay Ginoong Jack.'' sabi ng matabang babae na kung tumingin sa akin ay mula ulo hanggang paa.

''Hoy mga matatabil ang dila! Rinig namin kayo oh kahit na magbulungan pa kayo ryan.'' sabi ni Lucy habang isa-isang tinabig ang paninda nitong mansanas.

''Hayaan mo na Lucy. Magsasawa rin ang nga iyan, aalis na rin naman tayo bukas.'' Awat ko sabay hila sa kanya papunta sa mga nagtitinda ng tinapay.

''Ano ka ba, kahit minsan nga lumaban ka naman Elsa, o kaya gawin mo na silang yelo para manahimik. Hindi porke taga circus tayo ay mamaliitin na lang tayo ng kung sino man.'' sabi pa niha habang tinuturo ang tinapay na nais niyang bilhin.

''Iniisip ko si ama, ayokong pati siya'y madamay kung patulan ko man sila. Hayaan mo na lang, sanay na ako riyan. Ako pa ba? Matatag kaya ako.'' Pagmamalaki ko sa kanya pagkatapos ay tinapik ko ng mahina ang aking dibdib. Niyakap ko pa ng mahigpit ang basket na nakasukbit sa braso ko.

''Ang tanong, hanggang kailan ka kaya magiging matatag. Payo ko lang sayo, magsalita ka kung kinakailangan. Tayong mga hindi nakapagtapos sa pag-aaral at mga salat sa yaman, tayo pa iyong marunong rumespeto at umunawa. Kaya huwag nila tayong maliitin.''

Para akong sinaksak sa dibdib ng mga salitang iyon ni Lucy. May punto nga naman siya. Siya kasi iyong tipong hindi nag-papaapi, eh ako hinahamak at minamaliit na nga nagagawa ko pang ngumiti.

Nadaanan namin ni Lucy ang isang bilihan ng mga damit. Nakatayo kami sa labas ag tinititigan ang isang kulay puti na may halong itim na panlamig. Mabalahibo ito, naghahalo ang itim at puting kulay sa balahibo. May kapareha pa itong pulang estilletto.

''Ang mahal siguro niyan.'' sabi ko habang nakahawak sa salamin ng tindahan.

''Tama ka, napakamahal niyan. Hindi mo kayang bumili ng ganiyan, maski ang buhay mo ay hindi sapat para sa presyo niyan.'' Nagpantig ang tainga ko't nilingon ang nagsalita.

Si Matilde. Sa dami ng tao rito'y siya pa ang aking nakita. nakapameywang siya na akala mo'y siya ang may-ari ng tindahan. May kasama siyang isang magandang babae. Kulay rosas ang suot nitong pangginaw, kulay puti naman ang mabalahibo nitong sombrero. Nakalugay naman ang kulot niyang buhok. Maamo ang kanyang mukha. Pansinin naman ang nunal nito sa may kaliwang bahagi ng kanyang bibig.

''Aba't...'' Papatulan sana ni Lucy si Matilde pero inawat ko siya. Hindi namin teritoryo ang Saxondale kung kaya't hindi kami maaaring masangkot sa gulo.

''Elsa?!'' Nadismayang tumingin sa akin si Lucy na pumapandyak padyak pa. Umiling ako sa kanya, senyales na huwag na kang siya pansinin.

''Siya ba ang masuwerteng babaeng kauna-unahang ipinakilala sa inyo ni Jack?'' tanong ng babaeng kasama ni Matilde.

''Siya nga Rosemary, mabait kasi talaga ang kapatid kong si Jack kaya inaabuso naman ng babaeng ito.'' sabi niya habang naniningkit pa ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

Naikuyom ko ng mahigpit ang aking palad at tumalikod sa kanila.

''Tayo na Lucy.'' tawag ko sa aking kasama. Hindi ko na kailangang marinig ang mga salitang lalabas sa kanyang bibig. Sigurado naman akong panlalait na naman iyon. Marami na ring mga tao ang nakakasaksi sa ginagawa ni Matilde. Mga nang-uusisa at nangangalap ng maibabalita. Halos sa akin sila nakatingin, kita ko sa mga mata nila na naniniwalang nilalandi ko nga si Jack.

Aalis na kami nang bigla uli siyang nagsalita. Hindi ko masyadong naintindihan ang kaniyang sinabi kaya napahinto kami. Hindi ko pa rin sila nilingon.

''Babaeng taga circus! Binabayaran namin kayo para magpasaya hindi para landiin ang aking kapatid!'' Nilakasan pa niya talaga ang kanyang boses nang sabihin sa akin iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-init ang tainga ko nang marinig ang mga katagang iyon.

''Ang swerte naman ng iyong ama, malaki na nga ang ibinibigay namin sa kaniya ay mukhang makabibingwit pa ng isang aristokrat na magiging manugang! Aba, mukha kayong pera! Mga linta! Salot!''

Hindi ko na maipaliwanag ang aking nararamdaman. Malalim na rin ang aking paghinga. Halos manginig ako sa aking narinig. Uminit din ang aking pakiramdam na tila ba kumukulo ang aking dugo. Nagngingit-ngit ang labi ko. Sobra na ang kanyang sinabi! Dinamay pa niya ang aking ama!

Umihip pa lalo nang malaks ang hangin. Mas kumapal ang butil ng nyebeng bumabagsak. Nilingon ko si Matilde na nakangisi pa. Tinitigan ko siya nang matalim.

''Nasaktan ka ba sa sinabi ko? Pulubi?'' sarkastikong sabi pa niya sa akin.

''Sobra ka na tandang Matilde! Alam mo bang mukha kang matanda? Ang dami mong kulubot sa mukha kaya pati ugali mo kulubot din!'' sabi ni Lucy.

''Ang lakas ng loob mong babae ka na sabihan ako ng mukhang matanda! Kayong mga salot kayo umalis na kayo rito sa bayan namin! Mga walang kwentang tao! Sana ay mamatay na kayo!'' Sigaw niya.

Bigla na lang kumilos ang aking katawan na parang may sariling pag-iisip. Gumalaw ng kusa ang aking mga kamay. Ibinalibig ang nakasukbit na basket at hinubad din ang nakasuot na gwantes. Kusang humakbang ang aking mga paa palapit sa kanya. Halos marinig ko sa aking ulo ang pintig ng aking pulso.

Nang makalapit ako sa kanya ay hinatak ko ang kanyang braso. Hinawakan ko siya... nang mahigpit.

''Bitiwan mo ako! Huwag mong ihawak sa akin iyang marungis mong kamay!'' Nagpupumiglas siya pero hindi ko hinahayaang makawala siya.

''Insultuhin mo na ako huwag lang ang pamilya ko!'' Mayamaya ay nakita ko ang pamumuo ng yelo sa braso niya, paakyat sa kanyang balikat.

''Aargh!!!'' Sigaw ni Matilde. Nakaalalay sa kaniya si Rosemary na nakikisigaw na rin

''Anong ginagawa mo sa akin?! H-halimaw ka!'' Napabitiw ako sa kanya. Saka lang nagising ang aking ulirat nang makitang unti-unting kinakain ng yelo ang kanyang balikat. Tiningan ko ang aking palad. Nanginginig ako't napatulala. Napatingin ako sa paligid. Natakot ang mga nakakita, napalayo at ang iba'y nagtago. Hindi!

''Halika na Elsa!'' sabay hila sa akin ni Lucy.

Hindi pa ako nakagalaw nang ako'y kanyang hilahin, nanigas ang aking mga tuhod at para akong natuod habang pinagnamasdan si Matilde na nabalutan na ng yelo ang buong braso. Tumakbo kami ni Lucy pabalik kay ama. Hindi ko na nagawang isuot pa ang aking gwantes, sinulyapan ko na lamang ito kung paano liparin ng malakas na hangin at kung paano ito bumagsak at matabunan ng makapal na yelo.

▪▪▪


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login