Download App

Chapter 2: I'M ENGAGED!? 2

"Hindi ka ba magbibihis ng damit Ms. Zhiu?" tanong ni Li Jiullian matapos ang mahabang oras na pagtatanong at pagkakatulala ni Zhiu Chini.

Kaagad namang napaayos ng tayo si Chini at itinikom ang bibig. Hindi parin kasi siya makapaniwala na malapit na nga siyang ikasal. Alam na naman ni Zhiu Chini ang tungkol sa planong ipapakasal siya ng kaniyang ina sa isang mayaman na lalaki. Pero hindi niya inakalang si Li Jiullian pala ang kaniyang pakakasalan.

Sa kalahating oras na pagtatanong ni Zhiu Chini kay Li Jiullian ay may nalaman siya. Ang kaninang pakiramdam niyang may sumusunod sa kaniya ay totoo nga. May inutusan daw kasing tauhan si Li Jiullian na sumunod kay Zhiu Chini, para masiguradong hindi tumakas si Zhiu Chini.

"Ms. Zhiu! Hindi ka pa ba magpapalit ng damit?" muling tanong ni Li Jiullian habang pinagtataasan nito ng kilay si Zhiu Chini.

Napakamot naman sa batok si Zhiu Chini at nakangusong napatingin kay Li Jiullian. Madilim na ang mukha ni Li Jiullian, mukhang nababagot na yata ito sa paghihintay. Dahil sa takot na baka magalit si Li Jiullian kay Zhiu Chini ay mabilis na siyang napatakbo sa kaniyang kwarto.

Mabilis lamang ang ginawang pagligo at pagbihis ni Zhiu Chini. Ngayon ay kasalukuyan siyang nagsusuklay ng kaniyang mahaba't makintab na buhok. Hindi naman niya napigilang isipin ang mangyayari mamaya kapag nakapunta sa sila sa engagement party. Sikat na sikat si Li Jiullian kaya siguradong maraming sikat na personalidad rin ang naimbitahan. Hindi tuloy mapigilang makaramdam ng kaba si Zhiu Chini.

Habang patapos na sa kaniyang pagsusuklay ay naisipan rin ni Zhiu Chini na kausapin ang kaniyang ina pagkatapos ng engagement party. Marami pa siyang mga tanong sa kaniyang isipan na tanging ang kaniyang ina lamang ang makakasagot.

Nang tuluyang matapos si Zhiu Chini ay lumabas na siya sa kaniyang kwarto. Nadatnan naman niya si Li Jiullian na nakasimangot. Nang maramdaman ni Li Jiullian ang presensya ni Zhiu Chini ay agad na nalipat ang atensyon nito sa kaniya. Madilim ang kaniyang mukha nang tingnan niya si Zhiu Chini.

Wala namang sinabi si Li Jiullian nang lumabas ito. Sumunod na rin si Zhiu Chini sa kaniya. Sa labas ng apartment ni Chini ay may dalawang bodyguard na nag-aantay. Tahimik lamang ang dalawang bodyguard na nakasunod kay Chini at Jiullian. Dahil medyo isolated at wala masyadong tao ang lugar na tinitirahan ni Zhiu Chini, walang nakapansin na nasa lugar na iyon si Li Jiullian.

Sa mismong tapat ng makitid na kalyeng dinaanan ni Zhiu Chini kanina ay may nag-aabang na itim na sasakyan. Namangha kaagad si Zhiu Chini nang makita ang sasakyang naghihintay sa kanila. Naunang pumasok roon si Li Jiullian, sumunod naman si Zhiu Chini.

Tahimik ang buong byahe papunta sa venue ng engagement party. Si Zhiu Chini na kahit tahimik ay kitang kita parin ang pagkakamangha sa loob ng sasakyan, hindi na rin napigilan ni Chini na ilibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng loob ng sasakyan.

Mabilis silang nakarating sa pagdadausan ng okasyon. Paglabas pa lang ni Zhiu Chini sa sasakyan ay muli na namang nadagdagan ang kaniyang pagkakamangha. Kahit sa labas pa lamang ng venue ay sobrang dami na ng mga palamuting kaniyang nakikita. Hindi nga siya nagkamali. Sobrang engrande ng okasyong ito.

Habang pinagmamasdan ang mga taong naroroon ay hindi naman niya napigilang manliit sa kaniyang sarili. Ang mga babaeng imbitado ay magaganda ang mga suot. Napatingin si Zhiu Chini sa kaniyang damit, isang pink floral dress lamang iyon na mumurahin at hindi branded. Muli niyang tiningnan ang mga naggagandahang mga kababaehan.

Dahil sa panliliit sa kaniyanv sarili, iniwas na lamang ni Zhiu Chini ang kaniyang tingin. Nagawi ang kaniyang mga mata kay Li Jiullian. Napanguso siya nang makitang sobrang gara pala ng suot nito. Mas lalo lamang siyang nanliit sa kaniyang sarili.

Pakiramdam niya ay hindi dapat siya naroon. Dahil hindi siya nabibilang sa ganoong lugar. At lalong hindi siya nababagay kay Li Jiullian.


CREATORS' THOUGHTS
pgrace pgrace

For those who expect that this was an english story. I'm sorry to dissapoint but this is written in Filipino.

Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login