Download App
66.66% Tears Falling

Chapter 2: Ano nga ba ang ibig sabihin ng 'Sa Ngayon, Ako Muna'?

Sa tingin mo ano ba yon para sayo?

Dati kasi kapag sinabing 'Ako Muna' nung bata pa ko naisip ko na makasarili naman ng taong yun kasi inuuna niya yung sarili niya kaysa sa kapakanan ng iba.

Pero habang nalaki ako, nadadagdagan ng edad. Naisip ko na ayos lang pala na sarili muna natin bago ang lahat.

Hindi naman kasi ibig sabihin ng 'Ako Muna' ito yung pagiging madamot na hindi mo na iniisip yung kapwa mo.

Hindi naman ganoon iyon.

Sarili muna natin bago ang lahat lalo na sa pag ibig. Bakit? Kasi sa sobrang pagmamahal natin sa iba nalilimutan na natin yung halaga natin. Yung mismong pagmamahal natin na siyang dapat iyon ang una.

Kasi, ang unfair, yung iba mas mahal pa nila yung sarili nila kaysa sayo tapos ikaw mahal mo sila kaysa sarili mo. Hindi ba?

Saka para magmahal ng kapwa lalo na kung sa pakikipagrelasyon. Kailangan mahal muna natin ang sarili natin para kung sakaling iwan tayo, hindi sobrang sakit. Kumbaga masakit lang.

Madali ka lang makakamove on. Kasi mahal mo yung sarili mo. Alam mo yung self worth mo eh.

Pag sinabi namang 'Sa Ngayon, Ako Muna', sa pakikipagrelasyon, stop muna tayo. Stop sa pain, at sa stress ng pag ibig. Mahalin muna natin yung sarili natin. I-treat natin yung sarili natin. UNAHIN natin ang sarili natin.

Sarili natin at ang Diyos mag pu-puno ng emptiness natin. Hindi yung magiging partner natin. Wag nating hanapin yung fulfillment sa iba eh pano kung ganon din ang hanap niya?

Minsan ang ending hindi magiging maganda ang flow ng relasyon. Yung pagkukulang natin sa sarili natin tayo ang magpuno, hindi ibang tayo.

We should find happiness within ourselves. Para tayo ang mamahagi ng kasiyahan. Para handa tayong magmahal. Hindi tayo nagmamahal para maging masaya lang.

Kung sabagay, kaya na nararamdaman natin na parang may kulang una sa lahat dahil hindi masaya yung iba sa pamilya nila. Kasi sa pamilya talaga nanggagaling yung pagmamahal na dapat natin maramdaman kaya yung iba kapag hindi iyon naramdaman.

Kaya yung iba, yung happiness nila, yung jowa nila, yung kaibigan. Naiisip nila na malungkot mag isa. Malungkot pag uwi sa bahay. Ang bahay ang siyang mismong tahanan ngunit minsan bakit hindi ganon?

Pag sinabi kasing bahay, istraktura lang. Pero kapag sinabing tahanan, ayun kung nasaan ang puso mo.

Ikaw, kung di ka masaya sa pamilya, kaibigan o sa relasyon mo. Maging masaya ka para sa sarili mo. Mindset lang yan minsan.

Pag nasanay ka ng mag isa, hindi na iyon malungkot. Maiisip mo na masarap palang mag isa kumain kasi wala kang ililibre pero charot lang! Masaya mag isa kumain nang mag isa. Masaya manood ng sine, masaya magpunta sa lugar na hindi mo pa napupuntahan ng mag isa at masaya talaga mag isa.

Kaysa bumuo ng pangarap na aasa ka na kasama mo siya tapos sa huli wala rin pala. Bumuo ka ng pangarap para sayo, sa pamilya mo at para sa will ni God.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login