Download App

Chapter 39: Chapter 37 Proper Posture

"Kapag nakita ka ni Luis tiyak, makakalimutan ako noon." na ikinatitig ko sa kanya. Anong ibig niyang sabihin? Ginagawa ba niya ito dahil nahalata niyang may gusto ako kay Boss Luis… Halata ba ako… Ni kuya ko nga di ko sinasabi na may Gusto talaga ako sa Boss ko.

"Ay, nagkakamali po kayo Miss Rhen." Tangi ko. Syempre kahit ayusan ako ng ganito… siya parin ang maganda sa mga mata ni Boss Luis.

"Rhen na lang. Tiyak magugulat yun sayo." Di paawat na panunulak niya sa akin.

Sa suot kong to, nagmukha na akong mamahalin na babae? At sa suot ba talaga nasusukat ang halaga ng isang babae? Hahaha. Not for sale po ako. Ang magbenta sa akin uupakan ko talaga.

"Tara." Yaya sa akin ni Miss Rhen...

Pero nung kumilos na ako... Patay... di ako sanay maglakad! Pwede maging manikin na lang? Yung heels kasi.

"Miss Rhen, mauna na po kayo, sunod na lang ako." ngiti ngiti ko pang sabi.

" Why?"

Kaya naman, hinahakbang ko yung paa ko... Diyos ko po parang matutumba ako... hinga.

"Di kasi ako mabilis maglakad."

"Ay naku Mam Rhen, dalagang bukid ang peg ng babaeng to."

"Ah, sige, kailangan mo nga muna ata i adjust yung mga binti mo."

Napatango na lang ako. Baklang to... Oh magtataray pa. Ipakain kaya kita sa Pating!

Yun nga, sa kakaensayo ko maglakad ng dahan dahan... nadadapa nga ako.... Huhuhu.

"Yung bigat mo kasi teh, wag mo ilagay sa paa, straight mo ang likod mo at maglakad ka na parang lumilipad sa hangin! Ayusin mo ang poise mo! Haist! Saan bundok ka ba nangaling!"

"Sorry na. Pwede naman kasi mag flat shoes eh!"

"Aarte ka pa! Ikaw na nga tong pinagmumukhang Princessa."

"Di naman ako ang main person ng event."

"Sus ko Iha! Ganon, gusto mo ikaw ang maging Main Person ng Event? Babae ka, dapat kahit saan pini- pursue mo ang maging unique sa iba.Wag mong hayaan na tapakan ka ng iba! Doormat ka lang? Para free na tapak-tapkan ka." Hugot nga ng baklang to… parang may pinagdadaanan.

Grrrr... Rhen, kating kati na ako sa baklang to!

"Straight mo kasi to ng maayos! Hayaan mong lumabas yan na pwet mo at dibdib! Ano ba! Chest

Out! Stomach In! Butt Out!" Sabay hampas niya sa pwet ko.

Manyak na baklang to!

Yun kahit paano, naka usad din sa paglalakad kahit dahan dahan. Nang makarating kami sa may hall... may mga gentleman na napatitig sa akin, saka yung ilang artista... anubayan. Bigla akong siniko ng bakla kong kasama.

"Wag kang kukuba! At wag kang yuyuko na para kang engot! Matutumba ata matutumba ka niyan!"

"Oo na, hatid mo lang ako dun kay Sir Josh."

Andun sa malapit sa stage at nasa operating Area.

Napatitig sa akin yung bakla...

"Ay wagi, hahaha... kilala mo ang Joshua my labs... ilakad mo naman ako sa kanya oh."

Ako ang alalayan mo sa paglakad!

Napakaganda ng Venue Hall, elegante ang pang rich society lang talaga. Si ako, naligaw lang po dito... dinampot at sabi nga ng baklang to nagmukhang tao.

Palapit na kami kay Sir Josh nang marinig ko...

"No camera shot to the Ceo of Herald Groups, strictly give him privacy."

Then nakita na ako ni Sir Josh, at biglang namula yung kasama kong bakla, di siguro na take... mauna na daw siya, sabay bulong ng, "Don't take my man.."

Maka Man ang baklang yun. Kanya na!

"Is that you Sena?"

Napangiti ako… at tumango.


CREATORS' THOUGHTS
International_Pen International_Pen

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C39
    Fail to post. Please try again
    • Writing Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login